Professional Documents
Culture Documents
I- Mga Gawain
GAWAIN 1
Panuto : Ibigay ang iyong pagpapakahulugan sa katagang, “Kritikang Panlipunan” .
Kritikang Panlipunan
Pananaw Reaksyon
7
GAWAIN 2
Panuto : Ibigay ang iyong sariling pananaw hinggil sa aspekto ng Poklor bilang isang
kritikang panlipunan
8
Paksa 3- Mga Tala Tungkol sa iba’t ibang Pook at Etnolinggwistikong
Pangkat
– Mga Gawain
GAWAIN 1
a.Pagkakakilanlan
b Mahalagang .Kontribusyon sa Poklor ng Pilipinas
c.Panitikan ( Karunungang-bayan, tulang-bayan, kaalamang bayan at mga
paniniwala)
1. ANG MAMANWA
a. Pagkakakilanlan
Ang mga Mamanwa ay mga taong bundok na maitim, pandak, kulot ang buhok, at sarat
ang ilong na may maitim na mata. Gumagamit sila ng sariling Wika na Mamanwa sa
pakikipag-usap sa kapwa nila ngunit nakapagsasalita rin sila ng Wika ng mga taga ibang
bayan
c. Panitikan
Ang Mamanwa ay naniniwala na si Magbabaya ang pinakamakapangyarihan sa lahat na
siyang gumawa sa buong Mundo. Sila rin ay naniniwala na ang kalikasan ay
napakasagrado at napakahalaga sa kanilang buhay.
9
GAWAIN 2
a. Pagkakakilanlan
Ang Higaonon , isang katutubong tribo sa hIlagang Mindanao sa katimugang Pilipinas, ay
nagpapanatili ng isang sinaunang Sistema ng paglutas ng tunggalian na naging daan sa
kanila upang maging isang tunay na mapayapang pamayanan. ( Inilarawan ang Higaonon
bilang mga taong may buhay na mga bundok” at “mga tao) .
Inilarawan ang Higaonon bilang “people of living mountains” and “people of the
wilderness”. Sila ay nabibilang sa tinatawag na lumads (Indigenous people) sa bundok ng
Northern Mindanao.
c. Panitikan
Ang Higaonon ay mayroong sariling Sistema ng pagsulat. Ang mga naitalang akda ng mga
hIgaonon ay ang mga sumusunod;
The laws at Mt.Sinakungan (Butos ta sinakungan)
The legend of the carpenter (Nanangun ko tighinang ko balay)
Higaonon marriage and family (Pag-asawa daw taglaasa ko mga Higaonon)
Higaonon beliefs and practices (Mga panuos daw mga hinang ko Higaonon)
Higaonon verbal arts (Higaonon ha mga limbay daw dasang)
Ang mga akdang ito ay pawing mga sanaysay na nagpamalas ng kaugalian, pananaw,
paniniwala at kakayahan ng mga Higaonon.
10
GAWAIN 3
a. Pagkakakilanlan
Ang mga Sama Bangingi ay makikita sa bahaging Sulu at iba pang bahagi ng Mindanao.
Sinasalita nila ang dialektong Balangingi ng Sama-Bajao.
c. Panitikan
Ang mga Sama Bangingi ay tinatawag na Muslim sapagkat ay kanilang relihiyon ay Islam.
Sila ay nagdiriwang ng Ramadhan at Mawlud (Kaarawan ng Nabi Mohammad).
GAWAIN 4
Mga Kankana-ey
A. Pagkakakilanlan
Ang mga Kankana-ey ay naninirahan sa kanlurang bahagi ng Lalawigang Bulubundukin o
hilagang bahagi ng Benguet sa Pilipinas, Wikang Kankanaey ang tawag sa kanilang
lenggwahe. Ang mayorya sa mga Kankanay ay kawangis ng mga Nabaloi. Ang
pinagkaiba ng mga babaing Kankanay sa mga Nabaloi ay matutunghayan sa kanilang
pananamit.
C. Panitikan
Ang panitikan ng Kankanay ay may apat na klase ng folktales. Una, ang Marchen. Ang
Marchen ay maihahalintulad sa mga fairytales ng Amerika. Ang istory ay kadalasang
umiinog sa kaguluhan ng iba’t ibang bahagi ng kuwento na nagpapakita ngg tulungan sa
mga karakter. Ang pangalawa naman ay tinatawag ng trickster tale: nagpapakita ito ng
bida na may pabagu-bagong ugali at mapaglaro. Kadalasan ay siya rin ang nabibiktima ng
kanyang mga panlilinlang. Animal stories ang pangatlo, ang mga karakter sa kuwentong
ito ay mga hayop. At ang pang-apat, ang mga narrative songs (day-eng). Ang mga ito ay
pangkaraniwang maikli at padayalogo.
11
GAWAIN 5
Mansaka
A.Pagkakakilanlan
Ang Mansaka ay matatagpuan sa probinsya ng Davao del Norte at Compostela Valley.
Ang mga Mansaka ay dominanteng pagkat entniko sa Compostella Valley. Sinasabing sila ay
nakatira sa bahaging ito mula nang sila ay nilikha ng pinaniniwalaan nilang Magbabaya
(Creator).
C. Panitikan
Ang mga Mansaka ay may tinatawag na Bagani, ang tinuturing na tagapagtanggol ng
pangkat sa oras ng panganib o anumang gulo. Ang pagiging Bagani sa kanilang
komunidad ay hindi basta-basta, ito ay may sinusunod na pamantayan. Kailangan munang
makitaan ng kakayahan, kailangan nakapagtala ng 12 taong napatay sa laban. Pagkatapos ay
may ginagawa pang ritwal bilang pormal na deklarasyon bilang bagani.
Mayroon din silang pamamaraan pagdating sa pagpapakasal ng kanilang tribo. Ang mga
magulang ng dalawang nag-iibigan ang gumagawa ng areglo tungkol sa gaganaping
kasalan. Ang lalaki ay inaasahang tutulong sa sakahan ng magulang ng babae, siya rin ay
nararapat na magbigay ng dowry.
12