Professional Documents
Culture Documents
Edison M. Ballais Week 1-8 Pagbasa
Edison M. Ballais Week 1-8 Pagbasa
Ballais PAGBASA
EIM 11 WEEK 1
PANIMULA
1. Nasasakupan
2. Problema
3. Kasabay
4. Administrasyon
5. Pook na ginagamit para simulant ang isang bagay
K. PAKIKIPAGPALIHAN
1. Ang pangulo ng Pilipinas na nagpagawa ng Bataan Nuclear Power
Plant ay si dating pangulong Ferdinand Marcos.
2. $US 2.3 bilyon ang inutang ng Pilipinas sa World Bank upang
maipagawa ito.
3. Nagpasiya ang pumalit kay pangulong Marcos na si pangulong Corazon
Aquino na huwag nang patakbuhin ang planta dahil sa takot na magaya
ito sa Chernobyl Disaster sa Russia. Gayon din naman, maraming
residente ng Bataan at mga organisasyon ang nagpakita ng matinding
pagtutol dito.
4. Nagpasiya si pangulong Corazon Aquino na huwag patakbuhin ang
planta maging sa panahon ng kanyang administrasyon dahil sa takot na
magaya ito sa Chernobyl Disaster sa Russia.
BUOD
D. PAGLALAPAT
I. LAYUNIN
Ang teksto na ‘’Ang kultura ng Malling sa Pilipinas’’ ay nagsasaad
ng mga rason kung bakit nabubuhay at umiiral ang mga kulturang
kahambing nito. Sa akdang ito, ang manunulat ay nagbabahagi ng
kanyang opinion upang mas bigyan ng malalim na kahulugan ang
kulturang Malling sa bansa natin upang magbahagi ng kaalaman at
magpukaw ng damdamin ng mambabasa.
II. PANANAW
Batay sap ag unawa ko, ang tekstong ito ay maaaring naipahayag ng
isang pilipinong mamamayan na kung saan parte rin ng
pamumuhay niya ang kulturang Malling. Ang akda ay gumagamit
ng ikalawang panauhang pananaw o tagamasid sapagkat binuo ang
teksto gamit ang panghalip na sumasalamin sa aming mambabasa.
Dahil sa nilikha niyang akda, nagkaroon ako ng pagkakataon na
makita at malaman ang pananaw niya tungkol sa kultura ng
Malling sa Pilipinas.
III. DAMDAMIN
Ang tekstong ito ay nagsasaloob ng emosyon ng paghanga sa mga
mambabasa sapagkat sinaad ng manunulat kung paano nabuo ang
sikat na malls sa ating bansa at kung saan ito nagmula. Dahil sa
nakasaad na kwentong historical patungkol sa mga malls natin
ngayon, mas lalong nakakahanga dahil nalaman natin ang paglago
at kung pano ito nagging parte ng ating kulturang Pilipino.
KATOTOHANAN
1. Itinayo ni Henry Sy Sr. ang kauna-unahang shoemart, isang tindahan
ng sapatos, noong 1958 sa Maynila.
2. Noong 1980’s lalong lumawak ang saklaw ng SM.
OPINYON
1. Sa kasalukuyan, kahit saan ka pumunta ay may SM madalas pa
nagiging palatandaan ng isang lugar o ng ruta ng mga pampublikong
sasakyan ang SM.
2. Bahagi na ng buhay ng mga Pilipino ang mall.
Edison M. Ballais PAGBASA
EIM 11 WEEK 2
a. Panuto
k. Pakikipagpalihan
1. C
2. B
3. B
4. A
5. A
D. PAGLALAPAT
A. Panuto
K. Pakikipagpalihan
A.
1. Katapora 4. Anapora
2. Katapora 5. Anapora
3. Anapora 6. Anapora
B.
1. Ang masasabi ko sa paglalarawan para sa “Canal dela Reina” ay
mahusay sapagkat nailarawan ito ng maayos.
2. Nakikita ko sa sarili kong imahinasyon ang lugar na inilalarawan.
Epektibo ang paglalarawan sa tagpuang ito sapagkat madali mo itong
makikita sa iyong imahinasyon.
D. PAGLALAPAT
PANIMULA
A. 1
1. JOLLIBEE
2. LBC
3. NESTEA
4. BDO
5. ABS-CBN
A. 2
Ito ay epektibo sapagkat nahihikayat akong bumili ng mga kanilang
mga produkto dahil sa paraan na ito.
K. PAKIKIPAGPALIHAN
A.
1. NAME CALLING
2. BANDWAGON
3. PLAIN FOLKS
4. GLITTERING GENERALITIES
5. TESTIMONIAL
B.
1. Ang ipinaglalaban ng may-akda ay ang paggamit ng pambansang
wika.
2. Ang gusto niyang mangyari ay gamitin natin ang ating pambansang
wika at palawakin pa ito.
3. Inilatag niya na tayo ay nagiging isang pabaya sa ating sariling wika,
dahilan na ang ilang mga Pilipino ay nagiging mahina sapagpapayaman
at pagtatangkilik sa wikang tagalog.
4. Maiuugnay ko ito sa pamamagitan ng pagtangkilik at pakikipag-usap
sa aking pamilya, sa pamayanan at iba pa gamit ang wikang Pilipino sa
ganon matatangkilik sila na gamitin ang pambansang wika.
PAGLALAPAT
Marahil kayo ay sawa na sa mga paasang pangako na di
natutupad. Mga pangakong sagot sana ay ginhawa kapalit pala ay paghihirap
at kawalang pag-asa. Bagong halalan, bagong pagkakataon upang bumoto.
Panahon upang bagong pinuno ay italaga upang bagong simula ay matamasa.
Magandang hapon po sa inyong lahat! Malaki ang pasasalamat ko na kayo’y
naririto upang mapakinggan itong aking plataporma. Marami man kayong
importanteng gagawain ngunit di pa rin nagpadala at heto kayo ay aking
nakikita. Hangad ko lang na sa pagkakataong ito, sana ay inyong
mapakinggan at usisahing mabuti ang mga pangarap ko para sa inang bayan,
mga pangarap na bigong naibigay sa atin ng mga nagdaang termino. Ngunit
sa pagkakataong ito ay matutupad na. Gusto ko ng kumibo hindi yung
nauuto, oras na upang umusbong ang bagong simula. Ano nga ba ang dapat
nating unahin? Ano ba ang dapat nating alisin? Upang ang inaasam-asam na
mithiin ay makamit. Kaunlaran na kay hirap maangkin parang bituin na kay
hirap abutin. Simulan natin sa pinaka-sulok sa lahat ng sulok, sa pamilya.
Alam naman natin kung ano ang kasalukuyang pinagdadaanan ng ating
bansa, alam rin naman siguro natin na mabilis ang paglubo ng populasyon sa
ating bansa. Alam rin natin na patuloy ang pagdami ng bilang ng mga tao sa
Pilipinas, pinangangambahang darating ang araw na mauubos na ang mga
pangunahing pinagkukunan natin ng yaman at pagkain. Kaya dahil dito,
gusto kong maglunsad ng mga programang pampamilya ito ay ang Family
planning. Mga programa upang problema sa bilang ng populasyon ay
masulosyunan. Hindi lang iyan, gusto ko ring bumuo ng grupo na siyang
responsable sa pagbisita sa mga liblib na lugar upang magbigay impormasyon
tungkol sa Family planning. Buwanang pagbisita upang paalala ay di mabura.
Alam kong di pa kayo kontento kaya meron pa akong sasabihin. Pangalawa,
isusulong ko ang programang pang-edukasyon sapagkat totoong dito
nagsisimula ang lahat upang bagong pag-asa ay ating malasap. Sa
pamamagitan ng edukasyon, mas maipapaliwanag pa ang Family planning.
Mas mabubuksan pa ang isipan ng bawat isa upang ito ay tuluyang
maintindihan at maimplementa sa bawat tahanan. Sa pamamagitan rin ng
edukasyon ay wala ng maghihirap dahil alam natin ang mga bagay na dapat
at hindi dapat. Sa pamamagitan rin ng mas progresibing edukasyon ay
magiging mas mataas pa ang kalidad ng pag-iisip ng bawat Pilipino na siyang
magbibigay daan tungo sa pinto ng tagumpay at kasaganaan. Noon ay isa lang
rin akong estudyante na lugmok sa hirap, ngunit nangarap at nagsumikap
upang makamtan ang aking mga pangarap. Kaya dahil dito, alam ko kung
gaano kahirap mag-aral lalo na kung ito’y patungkol sa pinansyal. Mas lalong
mahirap ang pag-aaral kung salat sa pera, kaya ang pangatlo kong pinili ay
magbigay sa mga “honor students” ng scholarship, kasama na riyan ang
bayad sa kani-kanilang tuition at “allowance”. Hindi lang yan, bibigyan ko
rin ng scholarship ang mga mahihirap kahit hindi sila “honor student”, basta
gusto at masigasig sila sa pag-aaral. Naniniwala kasi ako na ang bawat tao ay
may karapatang matuto at may maraming paraan kung gugustuhin ito. Ang
pang-apat naman na siyang huli at gusto kong isulong ay ang tungkol sa mga
asignatura ng mga estudyante sa paaralan. Maliban sa asignaturang pang-
akademiko, gusto kong maglagay ng mga asignatura na siyang
makapagtuturo sa mga estudyante ng mga tamang asal at mga tamang bagay
na dapat at kinakailangan. Sa pamamagitan nito, mas maiintidihan pa ng
mga mag-aaral ang tunay na kahulugan ng buhay. Sa pamamagitan rin nito,
magkakaroon ang bawat isa ng disipilina sa sarili na magagamit para sa
kaunlaran ng lipunan. Ang katalinuhan ng bawat Pilipino na may samang
pang-unawa at mabuting gawi ang siyang tunay na susi upang ating makamit
ang mga pangarap na matagal na nating inaasam- asam. Sa pamamagitan
nito, kaunti na lang at tayo’y malapit na sa kasaganaan. Kung meron na tayo
nito, wala pa ring magbabago kung ako lang at kanya-kanya tayo. Hindi
parin natin makakamit ang kasaganaan sa ating bansa kung tayo ay watak-
watak. Kaya sa pamamagitan ng mga gusto kong isulong, tayo ay magka-isa,
mag-buklod, at magkaroon ng isang pananaw at pangarap. Pangarap na puno
ng kapayapaan at kasaganaan. Umpisahan ang bagong simula, kapit bisig
tayong mga Pilipino, at sama-sama nating abutin ang mga nagliliwanagang
mga bituin. Iboto sa halalan upang hirap ay wakasan.
Edison M. Ballais
PAGBASA
EIM 11 WEEK 6-8
PANIMULA
PAKIKIPAGPALIHAN
PAGLALAPAT
Iba’t iba ang paraan ng mga eskwelahan at ahensya ng gobyerno sa pagsagot
sa sitwasyon. May mga eskwelahang nagsuspende ng klase, lumipat online, at
may iba namang tinapos ang school year.
Sa paparating na pasukan ngayong Agosto, ang mga estudyante at magulang
ay naghahanda sa mga posibleng maging problemang papasanin nila habang
hindi pa natatapos ang coronavirus pandemic.
Sa podcast na ito, pag-uusapan nina Rappler education reporter Bonz
Magsambol at researcher-writer Jodesz Gavilan ang mga lumabas na
problema nitong mga nakaraang buwan pagdating sa edukasyon at kung ano
ang mga hakbang na gagawin ng Department of Education at Commission on
Higher Education.
Ang desisyon ng DepEd ukol sa guidelines sa paparating na pasukan ay base
sa isang survey. Ngunit ayon kay Magsambol:
Ang concern ko sa survey na ito, sino ba ang makaka-access ng surveys na ito
na ginawa nila online? Iyong mga may internet access din. Paano natin
mabibigyan ng boses iyong mga walang access sa internet? Paano sila
makakapag-participate doon di ba?
Isang tinitingnang paraan ay ang paghalo ng online classes at pisikal na
diskusyon sa loob ng isang silid-aralan. Ngunit habang ang banta ng
coronavirus ay malaki pa, makatitiyak na malaki ang papel ng internet sa
unang buwan ng panibagong school year.
Ayon naman kay Gavilan, dapat alalahanin ng gobyerno ang iba’t ibang
pinanggagalingang estado sa buhay ng mga estudyante:
Dito talaga makikita iyong inequality sa mga bata kasi parang… kahit na
sabihin na lahat ay same lessons din per grade level, iyong access nila sa
resources hindi pare-pareho. May mga bata na available agad ang computer,
habang may mga batang aalalahanin pa ng parents kung saan kukuha ng
pera para magka-internet o di kaya mag-renta ng computer para sa online
classes.