You are on page 1of 3

Rachelyn M.

Solis
Stem 11-2

WEEK 3
GAWAIN

1. Ang bawat sulatin ay may iba’t ibang kagamitan na naaayon sa sitwasyon at pangangailangan ng
isang manunulat at mambabasa upang maipahayag nito ng wasto ang impormasyong kanyang
isasalaysay o iuulat. Ang isang manunulat ay dapat na isinasangalang ang magiging daloy ng
impormasyong kanilang ipahahayag at iba’t ibang anyo ng akademikong sulatin upang malinaw na
maibigay ang impormasyon at gustong ipahatid nito sa mga mambabasa.

Mahalagang malaman ang kalikasan, layunin at paraan ng pagsulat nito dahil ito ay ikinukunsidera
bilang mataas na antas ng kasanayan sa pagsulat. Ang kalikasan ay tumutulong upang madaling
maunawaan ng mga mambabasa ang mga impormasyong nakasaad sa partikular na sulatin.
Nakatutulong din ito pareho sa mga makababasa at manunulat sapagkat sila ay parehong
nabibigyan ng panibagong impormasyon at kaalaman na kung saan nakukuha ng manunulat habang
ibinabahagi nito ang mga impormasyong kanyang nasaliksik upang ibahagi sa kanilang sulatin.
Habang ang mambabasa naman ay natututo sa mga manunulat sa tuwing nakababasa sila ng mga
bagong impormasyon. Ang istruktura tulad ng introduksyon, gitna at wakas ay tumutulong sa mga
mambabasa upang mas mabigyang unawa ang nilalaman ng sulatin sa partikular na paksa. Kung
saan ang introduksyon ay nagbibigay ng kaunting kaalaman ukol sa paksa bago nito bigyang diin
ang nais ipahayag ng manunulat at kung tungkol saan ito. Ang gitna naman ay nagbibigay ng
paliwanag sa naturang paksa upang mas maunawaan ito ng mga mambabasa. At ang pinakahuli,
ang wakas ay nagbibigay ng resolusyon sa lahat ng impormasyong naiulat sa gitna o binibigyan ng
konklusyon ang partikular na paksa.

Mahalagang malaman ang layunin nito upang mapagtanto ng mga manunulat at mag-aaral na hindi
lamang basta pagbibigay ng impormasyon ang kanilang ginagawa kundi ito ay tumutulong sa kanila
sa paghubog ng kanilang pagsusulat at pagbabahagi ng mga impormasyon. Nakatutulong ito sa
kanilang pagkatuto at maensayo ang kritikal na pag-iisip na nakatutulong sa pagsusuri ng
teksto. Sa mga teksto ay mailalahad nila ang kanilang buong pagkaunawa sapamamagitan
ng pagbabahagi nila ng saloobin sa tekstong kanilang nabasa. Nililinang din nito ang pagiging
malikhain ng mga manunulat at mag-aaral sa pagkakaroon ng mataas na pagkilala sa
edukasyon. At higit sa lahat, tumutulong ito upang mapangalagaan ang iba’t ibang
sulating pang akademiko sa pamamagitan ng mismong pagsasagawa nito.
2. Bilang isang mag aaral na patuloy na nagsusumikap para sa inaasam na propesiyon, mahalaga na
merong tayong kaalaman tungkol sa iba't ibang anyo ng akademikong sulatin, Tayo'y patuloy
na umaangat sa bawat taon na nag aaral tayo at iba't ibang gawaing sulating ang
ating pinagdadaanan upang tayo ay masanay at mahasa sa pagsusulat.Ito ay sapat
na upang hindi na tayo mahihirapan at maiisahan sa pagsulat sa kakailanganin para
sa napiling propesiyon.

Rachelyn M. Solis
Stem 11-2
WEEK 4
GAWAIN 1

PAMAGAT NG PABORITONG AKDA


BUOD : INSIDE OUT

  Isang batang babae na pinangalanan Riley nagmula sa kanyang Midwestern na pamumuhay at


gumagalaw sa abala at gulo sa San Francisco, ang kanyang mga damdamin; Galit, kalungkutan,
pagkasuya, Takot, at (ang kanyang pinakamahalagang damdamin) Ang pagiging masaya,
magsimula sa hindi pagsang-ayon sa kung paano harapin ang pagbabagong ito, na nagiging sanhi
ng mga problema sa kulungan, at ang kanyang centro ng pamumuhay at kinaabaalahan para sa
limang emosyon.
        Si Riley, isang batang babae, at nasanay na sa buhay mula sa kanyang buhay sa Midwest nang
kanyang ama at nakakakuha ng trabaho sa San Francisco. Kailangan niya ang kanyang emosyon
upang gabayan siya sa pamamagitan ng kanyang pagpasok sa  bagong paaralan, mga bagong tao,
at bagong buhay. Ngunit, ang isang aksidente na kinasasangkutan ng maligayang mga alaala ni
Riley ay nagbabago sa kanyang buong pananaw. Kinakailangan niya si Joy at Sadness upang
mahanap ang kanyang mga alaala at ibalik ang mga ito mula sa Kulungan bago ito huli. Si Riley ay
humantong sa isang magandang buhay, sa kanyang mapagmahal na mga magulang, pakikilahok sa
hockey at pag-ibig para sa Minnesota, ang kanyang estado sa tahanan, sa tulong ng kanyang
damdamin; kagalakan, takot, kalungkutan, pagkasira, at galit. Ngunit noong siya ay lumipat sa
San Fransisco, nawala ang kagalakan at kalungkutan, na nagsisimbolo sa kanyang kahirapan sa
pagtanggap ng kanyang bagong buhay. Ang kagalakan  kalungkutan ay nagpapatuloy upang
makauwi at i-ligtas si Riley.

- Pete Docter

PAMAGAT NG PABORITONG PELIKULA


BUOD: ANAK

  Ang Istorya ay tungkol kay Josie, isang ina nagtatrabaho sa Hongkong bilang domestic
worker. Ginawa niya ito upang makapagpadala ng pera sa mga anak niya upang matustusan ang
kanilang pangangailangan, ginagawa niya ito para mabigyan ng magandang kinakabukasan ang
kanyang mga anak, na malayo sa kanya, tiniis niya ang pag mamaltrati ng kanyang amo at
kanyang kagustuhang makasama ang kanyang mga anak. Makalipas ng ilang taon at nakauwi na
rin siya dahil sa pagpapasyang hindi na pagtatrabaho sa Hongkong at siya ay magnenegosyo na
lamang. Si Daday ang kanyang bunsong anak na hindi siya kilala, Si Michael na mahiyain at
walang imik at si Carla, na hindi siya ginagalang at hindi siya ginagalang at hindi iniintindi ang
kanyang ina. Lahat ng hirap ay tiniis niya upang makuha man lamang ang atensyon ng mga anak
at sa mga araw na nagdaan ay nakikilala niya ang kanyang mga anak. Nakita niya ang mga bisyo
at karanasan ni Carla ang pag-aaral, paninigarilyo, panlalalake, at paglalalag ng bata. At Marami
pang problema ang kanyang kinaharap, ang pagkawala ng iskolarship ni Michael na siya pa
namang pinakamatalino sa kanyang mga anak, iniwan siya ng isa mga kasosyo niya dahil nagastos
nito ang perang ibabahagi sana niya. Si Josie ay nagkaroon ng pagkukulang sa kanyang anak
ngunit sa mga alitang nangyari naintindihan rin ni Carla ang pagmamahal ni Josie sa kanila
bagama’t malayo siya sa kanilang tabi. At mula sa pangyayaring iyon ay bumalik ang loob ni Carla
sa kanyang ina at nagpakatino na siya bilang anak at nakakatandang kapatid na siyang gagabay sa
mga bata niyang kapatid sa muling pag-alis ng ina.

You might also like