You are on page 1of 4

Flores Wencell S.

April 15, 2024

BSED ENGLISH- IV Bb.Abegail Mahusay

1. Mag- screen shot ng dalawang (2) paggamit ng layo ng kamera at tukuyin ang uri nito.

Medium Shot:
Sa cinematography, ang medium shot ay ginagamit
upang ipakita ang kabuuan ng katawan ng isang tao o
ang espasyo na kanilang kinokontrol, habang
nagbibigay pa rin ng sapat na pag-alam sa kanilang mga
ekspresyon at galaw. Ito ay isang pangkaraniwang
teknikang ginagamit sa mga eksena ng pag-uusap o
interaksyon sa pelikula at telebisyon. Sa photography,
ang medium shot ay maaaring gamitin upang magbigay-
diin sa isang tao o bagay sa loob ng kanilang kapaligiran
o konteksto.
Close up Shot:
Sa pagkuha ng isang close-up shot, ang layunin ay upang
ipakita ang mga detalye at ekspresyon nang malinaw at
tiyak sa paningin ng manonood o tagapanood.
Karaniwang ginagamit ang close-up shots sa mga eksena
ng pelikula at telebisyon upang bigyang diin ang emosyon,
damdamin, o kahalagahan ng isang partikular na karakter,
bagay, o pangyayari. Sa photography, ang close-up shot
ay maaaring gamitin upang magbigay-diin sa mga detalye
ng isang bagay o paraan ng pagpapakita ng kanyang
estetika.
2. Mag- screen shot ng dalawang (2) paggamit ng posisyon ng kamera at tukuyin ang uri nito.
Eye Level:
Sa ibang salita, ang eye level shot ay tumutukoy sa
pananaw mula sa perspektibo ng isang tao o bagay,
kung paanong ito rin ang titigan ng isang tao sa tunay
na buhay. Sa cinematography, ang eye level shot ay
madalas na ginagamit upang makabuo ng karanasan
ng pagiging direktang kaugnay sa mga tauhan o
sitwasyon na ipinapakita sa pelikula. Ito ay nagbibigay
ng pakiramdam ng pagkakakilanlan o pakikipag-
ugnayan sa karakter o mga pangyayari.

High Angle:
Sa photography, ang high angle shot ay maaaring
gamitin upang bigyang-diin ang komposisyon o
estruktura ng isang lugar o bagay mula sa itaas. Ito ay
maaaring magbigay ng pananaw ng kabuuan o
pagkakaroon ng kontrol sa larawan, na nagbibigay-daan
sa mga detalye o konsepto na hindi agad na napapansin
sa lebel ng mata ng isang tao.
3. Tauhan- Bigyan ng pagpapatunay
 Malinaw ba ang karakterisasyon ng mg tauhan?

Sa pamamagitan ng mahusay na paglalarawan at pagpapakita ng mga karakter, nagiging mas


makatotohanan at kaakit-akit ang kwento para sa mga manonood.

 Lumutang ba ang karakter ng tauhan upang maipakilala ang protagonista at


ang antagonista?

Ang pagpapakita ng mga tauhan na may malinaw at kongkreto nilang mga layunin, kalakasan,
kahinaan, at pagkatao ay nagbibigay-daan sa mga manonood na mas maintindihan at mas
maunawaan ang kanilang mga kilos at desisyon

4. Istorya o Kwento
 May kaibahan ba ang istoya sa mga nuanang mong napanood o ito ay isang
kwentong gasgas na?

Hindi gasgas ang kwento na aking pinanood na syang nagbibigay daan upang mas lalo itong
panoorin ng mga manonood.

Ang hindi gasgas na kwento ay isang mahalagang sangkap sa paglikha ng isang kapana-panabik
na palabas o pelikula. Kapag ang kwento ay hindi pamilyar o nakasanayan ng mga manonood,
nagbibigay ito ng bagong pagkahumaling at interes sa palabas.

 Malinaw bang naihanay ang mga pangyayari sa pelikula upang lubos na


maunawaan ng mga manonood?

Ang hanay ng pangyayari sa pelikula ay malinaw at maayos na nakasunod, na nagbibigay daan


para sa isang magaan at hindi nakakalito na panonood. Ang mga pagpapalit-palit ng mga eksena
ay ginawa nang maayos, na nagbibigay ng magandang daloy sa kwento nang hindi nahihirapan
ang mga manonood.

5. Diyalogo Pumili lamang ng limang (5) diyalogo.


 “Bibigyan namin kayo ng pagkain damit at tubig ngunit isa lamang ang ipakikiusap
ko sainyo, wag kayong magtatagal dito dahil palaging may mga sundalo na
nagdadaan dito, tahimik ang lugar na ito ayaw naming madamay sa kaguluhan
ninyo.”
 “Sundalo ka hindi ka dapat nagpapadala sa damdamin mo!”
 “Hindi sundalo at hindi rin rebelde ang nakapatay sa kanila kundi ang hayop na
gyera na yan!”
 “Kailangan kapag sundalo ka dito sa Mindanao bakal ang puso mo, bakal ang dibdib
mo at buo ang loob mo”
 “Sundalo lang tayo, hindi gagawin ng mga kapatid natin na muslim yan ang mga
muslim ay mga mandirigma, at ang isang magiting na mandirigma ay may isang
salita”
 Matino ba o bulgar ang ginamit na pananalita sa kabuuan ng pelikula?

Bulgar ang ginamit na salita sa kabuoan ng palabas ngunit ito ay mauunawaan ng mga manonood
sapagkat ang mga tauhan ay humaharap sa gyera kung kaya’t bulgar dahil ito ay
makapagpapakita ng masidhing damdamin na galing sa tauhan.

 Angkop ba ang lenggwahe sa takbo ng mg pangyayari?

Gaya ng aking naunang kasagutan angkop ang mga salita nabinibitawan ng mga karakter at
makapagpapakita ng damdamin na kanilang nais iparating sa mga manonood.

6. Titulo o Pamagat
 Mayroon ba itong panghatak o impact?

Para sa akin napakalakas ng impact ng pamagat ng istorya na “Mistah” dahil sa ilang mga
manonood ang salitang Mistah ay hindi ganoon pamilyar kung kaya’t bilang isang manonood
maglalaro ang ating kyuryosidad upang malaman kung ano nga ba ang kahulugan at bakit iyon
ang pamagat ng pelikula.

 Nakikita ba kaagad o nauunawaan ng mga manonood ang simbolismong


ginamit sa pamagat?

Hindi kaagad mauunawaan ang simbolismo na ginamit sa pamagat kung kaya’t bilang isang
tagapanood atin itong sisiyasatin kung anon ga ba ang kahulugan nito at kung bakit iyon ang
ginamit na simbolismo ng pelikula.

7. Sinematograpiya
 Mapusyaw ba o matingkad ang kabuuang kulay ng pelikula?

Matingkad ang kabuuang kulay ng pelikulang aking napanood. Maganda ang pagkaka edit at
talaga naman mauunawaan mo ang iyong pinanonood sapagkat maganda ang pagkakasunod
sunod ng pangyayari at kapansin pansin din na wasto ang pagkakakuha ng mga anggulo sa
kamera.
 Nakatulong ba ang paggamit ng visual effects sa pag lutang ng mga
pangyayari sa kuwento?

Batay sa aking napanood, sobrang nakatulong ang visual effects sa pagpapalutang ng pangyayari
sa kuwento ng pelikula na aking napanood sapagkat wasto ang paggamit ng mga background
music at ang paglalagay ng kung ano-anong visual effects na siya talagang nakadagdag aliw sa
manonood.
8. Tema o Paksa
 Mayroon bang “puso” ang pelikula?

May puso ang pelikula dahil ito ay base sa pakikipaglaban ng mga Sundalong Pilipino sa mga
rebelde, ang kwento ay nagpapakita rin pakikipagkapatiran ng mga sundalo sa kanilang kapwa
sundalo na siya naman na maka-aantig ng damdamin ng mga manonood.

 May taglay ba itong kaisipan at diwang mananatili sa isipan ng mga manonood


na kaugnay sa kanilang mga karanasan sa buhay?

Ang pelikulang Mistah ay mayroong taglay na kaisipan at diwang mananatili sa isipan ng mga
manonood dahil ito ay nakapupukaw ng damdamin ng manonood dahil ito ay nagpapakita ng
pagmamahal sa ating bansa at sa pakikipagkapatiran sa gitna ng gyera na syang maka-aantig ng
puso ng mga manonood.

You might also like