You are on page 1of 7

 Paksa– tumatalakay sa nilalaman ng

dokyumentaryo kung saan


nagpopokus ito sa pagkilos ng tao
sa lipunang kanyang ginagalawan at
kung papaano siya kumilos sa
buhay. Ang mga tao, lugar at
pangyayari ay totoong nagaganap at
kadalasang napapanahon.Ito rin ay
naglalahad ng katotohanan sa mga
nagaganap sa loob ng isang lipunan
halimbawa ng paksang ukol sa
kahirapan.
 Layunin– ito ang gustong sabihin ng mga nasa
likod paksa ng dokyumentaryo. Layunin nitong
irekord ang panlipunang kaganapan na
itinuturing nila na mahalagang maipaalam sa
lipunan. Sa pamamagitan nito, layunin din
nilang mapataas ang pagkaunawa sa mga isyu,
mga tinatangkilik at marahil ang ating simpatya
sa isyung ito. At dahil din dito ay may
kakayahan silang maipaalam sa atin ang
nagaganap sa ating lipunan upang magkaroon
tayo ng aksyon ukol dito. Halimbawang layunin
nito ay mamulat tayo sa iba pang buwis buhay
na hanapbuhay ng mga Pilipino dahil sa
kahirapan.
 Anyo- ang anyo ng
dokyumentaryo ay nahuhugis
habang nasa proseso na kung
saan ang mga diskusiyon ay
orihinal at ang mga tunog at
tanawin ay pinipili kung akma o
karapat-dapat dito. May mga
pagkakataon na ang iskrip dito at
ang mga aksyon ay mula sa mga
umiiral na mga pangyayari.
 Estilo at/o Teknik- tumutukoy ito sa
tanawin ng bawat pagkuha ng kamera at
sa panahon ng pageedit nito. Ang isa sa
mga mahalagang sangkap ay ang mga
nonactors o ang mga ‘totoong tao’ sa
paligid na walang ginagampanang
anomang karakter. Ang lugar din ay
aktwal na hindi gaya ng mga nasa
pelikula na nasa loob ng studio.
Maaaring tingnan ang iba’t-ibang Uri ng
anggulo sa Dokyumentaryong
Pampelikula.
 Uri ng karanasan- Ang dalawang bahagi nito
ay ang pang aestetiko at ang epekto nito sa
tao na maaaring magtulak sa kanya upang
gumawa ng aksyon. Ninanais ng mga
nasalikod ng dokyumentaryo sa mga
makakapanuod nito ay hindi magpokus sa
mga artista kundi sa pinapaksa nito.
Maaaring maiugnay ito sa paksa kung saan
ninanais ng mga nasa likod ng kamera na
alamin ng manunuod ang kanilang layunin.
Maaari itong maging uri ng karanasang
tumulong sa mga batang nasa lansangan, at
iba pa.
 ______________________1. May dalawang bahagi ito: aestetiko at ang
epekto sa tao na maaaring magtulak sa kanya para gumawa ng
aksyon. Anong katangian ito?
 ______________________2. Anong anyo ng dokyumentaryo ang
nahuhugis habang nasa proseso na kung saan ang mga diskusiyon
ay orihinal at ang mga tunog at tanawin ay pinipili kung akma o
karapat-dapat dito?
 ______________________3. Ito ang gustong sabihin ng mga nasa likod
ng paksa sa dokyumentaryong pantelebisyon.
 ______________________4. Tumutukoy ito sa tanawin ng bawat
pagkuha ng kamera at sa panahon ng pageedit nito.
 ______________________5. Ito ang pokus ng dokyumentaryong
pantelebisyon kung saan tinatalakay ito sa kabuuan.

 6.-10. Paghambingin ang telebisyon at dokyumentaryong


pantelebisyon sa loob lamang ng 3 hanggang 5 pangungusap.

You might also like