You are on page 1of 2

Alfred Danielle A.

Alvarez

BSIT-1B

Aktibiti
A. Panuto: Magsaliksik. Bukod sa mga natalakay na tiyak na sitwasyong
pangkomunikasyon, ano pa kaya ang maaaring maituring na kabilang dito?
 Tsismis- Gaya sa natalakay na mga aralin, ito ay tumutukoy sa usapan ng ilang
indibidwal tungkol sa buhay ng ibang tao.
 Umpukan- Usapan na mga tao o kabataan, karaniwang para sa paglalaro,
kuwentuhan, at katulad na mga gawain.
 Pagbabahay-bahay- Ito ay ang pamamaraan ng pagkuha ng datos, o
pagpapalaganap ng impormasyon, balita at ideya, pagtiyak sa kalagayang pisikal,
pampanalapi, o sikolohikal ng isang tao o pangkat ng mga tao sa pamamagitan
ng pagbisita sa mga bahay sa isang komunidad.
 Fliptop- Ito ay nahahawig sa balagtasan. Pagtatalong oral na isinasagawa nang
pa-rap.
 Pick-up lines o Hugot lines- Itinuturing na makabagong bugtong. Mga linya ng
pag ibig na nakakakilig, nakakatuwa, cute, cheesy o minsan ay nakakainis.

B. Panuto: Isa-isahin ang mga natalakay na sitwasyong pangkomunikasyon at ilahad ang


pagkakaiba ng mga ito.
1. ROUNDTABLE AT SMALL GROUP DISCUSSION
- Ito ay kalimitang kinasasangkutan ng tatlo hanggang labindalawang kalahok, upang
makapagbahagi ng kaalaman tungo sa paglutas ng isang isyu o suliranin. Dito
nagagamit ang brainstorming.
2. LEKTYUR AT SEMINAR
- Layunin nitong magturo o magbigay impormasyon hinggil sa isang paksa. Nakatuon
ang lektyur at seminar sa maliit na pagtitipon ng mga kalahok, kadalasang 20
hanggang 70 katao. Ito ay mabisang platform para sa mga bagong kaalaman.
3. SYMPOSIUM AT KUMPERENSYA
- Ang dalawa ay pagpupulong ng mga taong may iisa o pare-parehong interes sa
paksang tatalakayin. Ito ay pangkatang talakayan tungkol sa isang tiyak at
napapanahong isyu. Maraming ditong inaasahang tagapagsalita na magbabahagi ng
mga impormasyon tungkol sa isang paksa sa mga inimbitang tagapakinig.
4. PULONG
- Ito ay nakakapangalap ng impormasyon at ideya, magbigay ng mga impormasyon, o
hingin ang payo ng nakararami para sa isang desisyon. Ang isang pormal na
pagpupulong ay malimit na maganap sa sa barangay at eskwelahan.
5. PROGRAMA SA RADYO AT TELEBISYON
- Nagiging gabay natin ang mga ito sa mga kaganapan na nagyayari sa ating bansa,
dito tayo nakakakuhang mga mahahalagang impormasyon na nakaka-tulong sa atin.
Ito may pinakamalaking ambag o hamon sa pagpapalagananap at pagpapaunlad ng
Wikang Filipino, dahil na rin sa laki ng bilang ng mga tumatanggap ng mensahe mula
sa platform na ito.
6. VIDEO CONFERENCING
- Ito ay isang interaksyon sa pagitan ng dalawa o higit pang tao na nasa magkaibang
lokasyon sa pamamagitan ng pagtatawagan na may kasamang video. Ngayong
panahon ng pandemya, marami ang gumagamit nito, halimbawa na rito ang
ginagawa natin sa eskwelahan o online learning. Marami rin gumagamit nito sa ma
trabaho, kagaya na lamang kapag merong meeting. Nagamit tayo rito ng internet,
computer at smartphone.
7. WORKSYAP
- Ito ay hindi masyadong pormal at ang pangunahing layunin ay magkaroon ng bagong
kasanayan ang participant. Kadalasang nagtatagal nang anim hanggang walong oras
sa maghapon, o hanggang pitong araw, inoorganisa ang worksyap. May limitasyon
ang bilang ng mga kalahok dito.
8. KOMUNIKASYON SA SOCIAL MEDIA
- Dahil dito, pinadadali nito ang pakikipag-ugnayan sa kapwa ngunit marami ring
masamang epekto dala ito. Halimbawa ng mga masamang epekto ay cyberbullying,
hacking, pagkasira ng mga relasyon dahil sa online dating at maraming pang iba.
9. PASALITANG PAG-UULAT
- Ito ay isang pagpapahayag ng isang paksa sa harap ng maraming tao. Isang
magandang halimbawa nito ay isinasagawang ulat sa harap ng klase kapag may
reporting.

You might also like