You are on page 1of 2

Modyul 4-D

KOMUNIKASYON SA AKADEMIKONG FILIPINO

PANONOOD

PANONOOD —Isa itong kakayahang pangkomunikasyon naumuunawaa sa mga nakikitang


imahe sa kapaligiran ng isang tao. Ang mga imaheng ito ay ang anumang bagay na binubuo ng
kulay ,salita ,may animasyon at hugis. —Ang panonood, bilang kasanayang napadagdag sa
komunikasyon ,ay isang ponemang di maituturing lundayan ng modernong paraan ng pag-alam
ng mga impormasyon.

LAYUNIN SA PANONOOD

 Layunin nitong maghatid ng aliw makapukaw ngdamdamin at makaantig sa imahinasyon


at isipan ng mga magbabasa.
 Nakalilibang ito at nagbibigay kasiyahan.
 Tumutulong ito sa mga manonood
 Nagbibigay ito ng kaalaman o impormasyon.

POSITIBONG EPEKTO NG PANONOOD MABUTING EPEKTO NG PANONOOD

1. Nae-expose sa maraming bagay kung saan maraming matututuhan at malalaman.

2. Nakakapaghatid ng mga bagong balita.

3.Nagiging updated kung ano ang nangyayari sa loob at labas ng bansa.

4. Mas magandang libangan ang panonood ng TV kaysa lumabas.

5. Nagiging paraan ng komunikasyon.

6.)Nakaka-relax at nakakatanggal ng stress at pagod pagkatapos ng isang mahabang araw na


puro trabaho at pag-aaral.

7.Magandang bonding time din ng buong pamilya upang mas maging matatag ang pagsasama.

MASAMANG EPEKTO NG PANONOOD

1. Maaaring lumabo ang paningin.

2. Hindi magagawa ang mga gawain dahil mas abala sapanonood kaysa mag-aral o magtrabaho.

3. Maaaring maging masamang impluwensya sa mga manonood dala ng mga paksa at mga
nakikita rito.

4. Maaaring gayahin ng kabataan ang mga mapapanood nilang di angkop sa kanilang edad.
5. Magiging sanhi ng katamaran.

6. Nawawalan ng halaga ang mga libro dahil mas pinipili na ang manood kaysa sa ang magbasa.

7. Maaaring maging sanhi ng mga sakit dahil sa kawalan ng ehersisyo.(nakaupo lamang


maghapon.

MGA URI NG PANOORIN

1. KASWAL - Ginagawa lamang na pampalipas oras o libangan ang panonood.


HAL.— Music Video— Soap opera o drama—Game shows o talk shows
(Eat Bulaga, Show Time, Happy Yippee Yehey at iba pa)— Cartoons Anime—
Aksyon— Komedya

2. IMPORMAL - Nanonood lamang dahil sa pangangailangan ;hindi inuunawang mabuti


ang pinapanood.

HAL:— Biswal na presentasyon (talakayang pangklase)

3.KRITIKAL- Sinusuring mabuti ang bawat anggulo ng pinapanood na presentasyon o


pelikula. Karaniwan itong gumagawa ng komentaryo o rating sa pinapanood.

HAL:— Kolumnistang nanonood ng pelikula para i-review— Balita— Dokumentaryo—


Reality Show— Edukasyonal na panoorin—Trahedya— Debate

Mga Sanggunian:

Tumangan, Alcomtiser P.et Al. Komunikasyon sa Akademikong Filipino. Grandbooks


Publishing Inc, 2015
Espina, Letecia D. et al.(2014) Komunikasyon sa Akademikong Filipino.Mindshapers Co.,
Inc.
Castillo, Mary Joy A. et.al. (2008) ( Komunikasyon sa Akademikong Filipino. Booklore
Publishing Corporation.
Dinglasan, Ressureccion. (2007). Komunikasyon sa Akademikong Filipino.Rex Book Store,
Inc., 2007 .

https://www.slidshare.net
https://www.scribd.com/document/428635387/Kahulugan-at-layunin-ng-Panonood

https://www.coursehero.com/file/77950474/Makrong-Kasanayan-sa Panonood-Group-5pptx/

Prepared by:
CHERYL. G. TUMBOCON
Instructor

You might also like