You are on page 1of 25

SOUTH EAST ASIAN INSTITUTE OF TECHNOLOGY, INC.

National Highway, Crossing Rubber, Tupi, South Cotabato

GENERAL EDUCATION DEPARTMENT


___________________________________________________

LEARNING MODULE
Para
GEE 1: KOMUNIKASYON SA AKADEMIKONG FILIPINO

_____________________________________________________

WEEK 13

GEE 1:KOMUNIKASYON SA AKADEMIKONG FILIPINO


SOUTH EAST ASIAN INSTITUTE OF TECHNOLOGY, INC.
Page - 1 - of 25
COURSE OUTLINE

COURSE CODE :GEE1


TITLE :Komunikasyon sa Akademikong Filipino
TARGET POPULATION :
INSTRUCTORS :DEANNE KATE B. ANCUNA, LPT

Overview:
Ang Komunikasyon sa Akademikong Filipino ay naglalayong mapagaan at abot kayang
maunawaan ng mga mag-aaral ang paksang tatalakayin. Ipinapakita sa module na ito ang
kabatiran sa wika, ebulosyon ng wikang pambansa, paglalahad ng mga morpemang Filipino,
patunay na may sariling estruktura at pumapaksa sa mga makrong kasanayan. .

Objectives:
Upang malinang ng mga mag-aaral ang mga kailangang kaalaman at kasanayang
komunikatibo: pakikinig, pagsasalita, pagbasa, pagsulat, at panonood.

Mga sumusunod ay ang mga paksang tatalakayin

Week 13 PAKIKINIG
Week 14 PAGSASALITA
Week 15 GLOSSOPHOBIA
Week 16 PAGBASA
Week 17 PAGSULAT
Week 18 FINAL EXAMINATION

Paunang salita

Ang module na ito ay nagtatangkang maghain ng naiibang lapit sa pagtuturo ng wikang


Filipino. Ang aklat na pinamagatang Komunikasyon sa Akademikong Filipino ay naglalayong
paunlarin at pagyamanin ang mga kasanayan at kaalamang nararapat taglayin ng mga guro at
mag-aaral sa Antas Tersyarya.
Kinakailangang basahin at unawain ang module.May nakalaang pagsasanay sa dulo ng
module. Ang pagpasa ng module ay sa oras na itinakdang pagkikita isang beses bawat linggo.

GEE 1:KOMUNIKASYON SA AKADEMIKONG FILIPINO


SOUTH EAST ASIAN INSTITUTE OF TECHNOLOGY, INC.
Page - 2 - of 25
WEEK 13

PAKIKINIG

Tingnan mabuti ang larawan. Nakakaranas ka na bang sigawan upang makuha atensyon ng
isang tao? Kailangan mo pang kalabitin ang isang tao upang mapansin ka niya? Nakakalungkot
ang ganitong pangitain.

Ipakikilala ko sayo ang isang paksa na alam ko ay marami ka nang


nalalaman. Kaya ang Gawain natin ay dagdagan ang iyong nalalaman.
Pumapayag ka ba?

Sa bahaging ito, aasahan kong maipapakita mo ang mga sumusunod


kakayahan sa pagtatapos ng kabantang ito.

Suriin ang tsart sa ibaba. Ipinapakita nito ang panahong inalaan natin sa isang araw.
Ano ang napapansin mo? Hindi ba mas mahabang panahon ang laan para sa pakikinig?
Malamang sinasabi nitong dapat ay mas makinig tayo bago magsalita. Kung ikaw ang
tatanungin ko, bakit kaya dapat mas mahaba ang oras ng pakiking kaysa pagsasalita,pagbasa
at pagsulat?

50
45
40
35
30
25
20
15
10
5
0
Pakikinig Pagsasalita Pagbasa pagsulat

GEE 1:KOMUNIKASYON SA AKADEMIKONG FILIPINO


SOUTH EAST ASIAN INSTITUTE OF TECHNOLOGY, INC.
Page - 3 - of 25
KAHULUGAN NG PAKIKINIG

Ano ang pakikinig? Alam mo ba ang pakikinig ang pinakaunang kasanayang


pangkomunikasyon na natutunan ng tao? Kung walang kapansanan sa pandinig ba nakakarinig
na isang bagong panganak na sanggol kahit pa puro lamang iyak ang mamumutawi sa mga
bibig niya.
Basahin ang iba’t ibang pagpapakahulugan sa ibaba.

AWTOR KAHULUGAN

Yagang Ito ay ang kakayahang umunawa at matukoy ang mensahe o


sinasabi ng nagsasalita.

Alcantara Komplikadong kasanayan na nangangailangan ng hirap at


atensyon. Saklaw nito ang pagkilala,pagpipili,pagsasaulo at
paghinuha. Kinikilala ng tagapakinig ang tunog at ang mga
salita.

John Marshall Isang makapangyarihang instrumento ng nagsisilbing


impluwensya upang makipag-usap ng mabuti.

KAHALAGAHAN NG PAKIKINIG

Ayon kina Bersales,et.al, ang pakikinig ay may kabutihang dulot. Ilan sa mga ito ay ang mga
sumusunod:
1. Ang pakikinig ay isang mabisang paraan ng pagkuha ng mga mensahe,lantad man o
hindi ang mensahe.
2. Ito rin ang isa sa mga pinakagamiting kakayahan ng tao sa pag-unawa ng mga
impormasyong hatid ng mundo.
3. Mahalaga ang pakikinig tungo sa mga pampersonal na kasiyahan o pansariling
kasiyahan.
4. Dulot ng pakikinig ang pagkakaroon ng isang maayos na pakikipagkapwa tao.

ANG PAKIKINIG BILANG ISANG PROSESO


Kailangan walang depekto ang lahat ng bahagi ng tainga upang makarinig ka. Para
masabing ikaw ay nakarinig,dapat maganap ang mga sumusunod na yugto.

Una, Pagdinig ng mensahe. Sa yugtong ito nagaganap ang pagdinig ng mga impormasyong
napakinggan.

Ikalawa, pagbibigay-pukos sa mensahe. Dito naman sa yugtong ito nangyayari ang pagtukoy
sa mismong mensahe ng nagpadala.

GEE 1:KOMUNIKASYON SA AKADEMIKONG FILIPINO


SOUTH EAST ASIAN INSTITUTE OF TECHNOLOGY, INC.
Page - 4 - of 25
Ikatlo,pagbibigay-kahulugan sa mensahe. Binibigyang talakay ang ebalwasyon ng mensahe
kung paano naunawaan o naintindihan ng tagatanggap ng mensahe ang buong daloy ng
impormasyong kanyang narinig.

MGA TIPO O URI NG TAGAPAKINIG

Anong uri ka ng tagapakinig? ikaw ba yung tipong nakatitig sa nagsasalita samantalang


namamasyal sa mall ang iyong isipan? Nakatutuwa,hindi ba? Ano man tipo mo,tiyak kong
bilang ka sa nakatala sa ibaba.

EAGER BEAVER
Ikaw ba ay……
Ngiti nang ngiti habang may nagsasalita?
Tango nang tango habang may nagsasalita?
Walang pokus?
Nagpapanggap na masugid na nakikinig?
Hindi nakasisigurong naiintindihan ang pinakikinggan?

SLEEPER
Ikaw ba ay…..
Umuupo lamang sa isang sulok?
Walang intensyon makinig?
Naiinis sa ingay?
Dahan-dahan ipinipikit ang mata?
Naglalakbay sa daigdig ng pangarap?

TIGER
Ikaw ba ay…….
Handing mag-reak sa anumang sasabihin ng nagsasalita
Nagbabantay ng pagkakamali

BEWILDERED
Ikaw ba ay…..
Walang naiintindihan kahit anong pilit?
Madalas napapakunot na lamang ng noo?
Sumisimangot?
Anyong nagtataka o nagtatanong?
Walang malay tungkol sa paksang pinag-uusapan.

GEE 1:KOMUNIKASYON SA AKADEMIKONG FILIPINO


SOUTH EAST ASIAN INSTITUTE OF TECHNOLOGY, INC.
Page - 5 - of 25
FROWNER
Ikaw ba ay…
Wari laging may tanong at pagdududa?
Nagtatanong para magpasikat?

RELAXED
Ikaw ba ay….
Walang interes na makinig?
Umuupo na para bang nasa sala ng sariling bahay?
Nakatuon ang atensyon sa ibang tao o bagay?
Walang reaksyon?

BUSY BEE
Ikaw ba ay…
Hindi lamang nakikinig kundi abala rin sa ibang bagay?

TWO-EARED LISTENER
Ikaw ba ay…..
Gumagamit ng tainga at utak?
Obhetibo ang mga reaksyon?
May kawilihan?

MGA SALIK NA NAKAKAIMPLUWENSYA SA PAKIKINIG

Ayon kina Alcaraz,Villafuerte at Jocson(2005), ang iyong kakayahang makinig ay lubhang


naiimpluwensya ng pitong salik.

1. Oras/Panahon. Ang oras na alas-12 ng tanghali ay oras kung kalian kumakalam na ang
sikmura. Sa ganitong panahon,epektibo ka bang nakikinig sa iyong propesor?
2. Edad. Higit na matiya ang mga matandang tagapakinig kaysa batang tagapakinig.
3. Kasarian. Mas mahaba ang pasensya ng babaeng tagapakinig samantalang madaling
mabagot ang sa mga lalake. Mas mapanuri ng mga detalye ang mga babae kung
ihahambing sa mga lalake.
4. Tsanel. Ang telepono,video chat,skype at iba pang katulad na plataporma ang maaring
gamitin tsanel. Ang hangin ay tsanel din ng isang usapan.
5. Lugar/Kapaligiran. Mahirap makinig kung ang lugar ay maingay,mainit,maalinsangan at
magulo.
6. Kultura. Ang kulturang kinagisnan mo ay maaring taliwas sa kultura ng kapwa mo. Kaya
maaring magdulot ito ng epekto sa pakikinig.

GEE 1:KOMUNIKASYON SA AKADEMIKONG FILIPINO


SOUTH EAST ASIAN INSTITUTE OF TECHNOLOGY, INC.
Page - 6 - of 25
7. Konsepto sa sarili. Ano ang mga dapat tandaan upang maging epektibo ang iyong
pakikinig? May sagot dito sina Leticia pagkalinawan at ang kanyang mga
kasamahan(2004) ng mga taong may mataas ang tingin sa sarili ay maaring maging
kritikal sa sinasabi ng ibang nagsasalita.

KATANGIAN NG KRITIKAL NA PAKIKINIG

Ano ang kritikal na pakikinig? Ang kritikal na pakikinig ay nangangailangan ng mas malalim
na konsentrasyon at pag-iisip. Lubhang nakapokus at aktibo ang isip ng tagapakinig sa mga
ideyang nararapt suriin at bigyan ng kaukulang atensyon (Alcaraz,Villafuerte, at Jocson 2005)

URI NG KRITIKAL NA PAGLALARAWAN


PAKIKINIG
1. DISKRIMINATIBO Layunin nito na mataya ang kahulugan ng
mensahe,magbigay-puna sa mga pagkakatulad at
pag-kakaiba,makukuha ng mga pagpapahalagang-moral
at iba pang layuning nangangailangan ng mas mataas na
antas ng pag-unawa.

2. PAHUSGA Layunin nito na magbigay ng hatol o sariling reaksyon


tungkol sa napakinggan na mga pangyayari.

3. MAPAGPAHALAGA Layunin nito na pahalagahan ang pagiging masining ng


napakingnang talumpati,tula,dulang dramatiko o kaya’y
mga musical na pagtatanghal.

MGA KASANAYAN SA PAKIKINIG.


1. Pagbubuod. Ito ay muling pagsasalaysay,paglalahad o pagsulat ng anumang
napakinggan. Ang pinakamahalagang impormasyon lamang ang sinasabi oisinusulat.
Mas simple ang pananalita kaysa orihinal.
2. Pagtatala. Kahawig din ng pagbubuod. Ito ay mas gamitin ito sa mga panayam o lektyur.
3. Pagbabalangkas.ito ay ang paghahanay ng mga paksa ayon sa kahalagahan nito.
Maaring papaksa,papangungusap o patalata.
4. Pagsunod sa napakinggang direksyon. Pagkilos ayon sa ibinigay na direksyon.
5. Pagsusunud-sunod ng mga pangyayari. Pagsasalaysay ng isang kwento,dula o
talambuhay.

GEE 1:KOMUNIKASYON SA AKADEMIKONG FILIPINO


SOUTH EAST ASIAN INSTITUTE OF TECHNOLOGY, INC.
Page - 7 - of 25
GAWAIN 13
PANUTO: Magsaliksik o magresearch ng isang piyesa ng spoken poetry, pakinggan at suriin
ang piyesa o piece at isalaysay kung tungkol saan ito. Ilagay ang pamagat at kung sino ang
sumulat ng piyesa. Hindi pwede ang sariling gawa na spoken poetry, dapat magfresearch.
(30 puntos)

---------------------------------------------Wala ng kasunod--------------------------------------

GEE 1:KOMUNIKASYON SA AKADEMIKONG FILIPINO


SOUTH EAST ASIAN INSTITUTE OF TECHNOLOGY, INC.
Page - 8 - of 25
SOUTH EAST ASIAN INSTITUTE OF TECHNOLOGY, INC.
National Highway, Crossing Rubber, Tupi, South Cotabato

GENERAL EDUCATION DEPARTMENT


___________________________________________________

LEARNING MODULE
Para
GEE 1: KOMUNIKASYON SA AKADEMIKONG FILIPINO

_____________________________________________________

WEEK 14

GEE 1:KOMUNIKASYON SA AKADEMIKONG FILIPINO


SOUTH EAST ASIAN INSTITUTE OF TECHNOLOGY, INC.
Page - 9 - of 25
WEEK 14
PAGSASALITA

Nakapagsasalita ka na, di ba? Gusto kong isipin mo


na ang kakayahang mong magsalita ay isang hiwaga
at biyaya,Kaya kung mayroon ka nito, dapat ay
pagyamanin at gamitin sa wasto.

KAHULUGAN NG PAGSASALITA

Ang pagsasalita ay tinatawag ding berbal na anyo ng komunikasyon dahil ito ay ginagamitan
ng mga salita na sinasambit sa paraang naririnig ng awdyens (Badayos,et.al 2007)

Ang pagsasalita ang daan upang buong layang maipahayag ng tao ang kanyang
karapatan,niloloob at damdamin (Alcaraz,Villafuerte at Jocson 2005)

KAHALAGAHAN NG PAGSASALITA

Anu-ano nga ba ang kahalagahan ng pagsasalita? Nagbibigay ng ilang kuro-kuro sina


Alcaraz,Villafuerte at Jocson(2005). Ito ay ang mga sumusunod:

1. Nagiging mabilis at makatotohanan ang pagsulong ng kabihasnan sapagkat sa


pamamagitan ng kakayahan ng taong makipag-unawaan sa kanyang kapwa ay
nagagamit sa pagsasalita.

2. Sa pamamagitan ng pagsasalita ay nagkakaroon ng pagkakataon na


makipagpalitang-kuro,makapagsalaysay ng mga karanasan ang isang tao.
3. Magbahagi at magpaman ng karunungan sa mga susunod na salinlahi.

4. Magbahagi ng karunungan natatamo sa pamamagitan ng pakikipag-usap ay higit na


mabilis at marami.

5. Sa pagtatagumpay ng tao sa kanyang mga hangarin sa buhay ay nakasalalay sa


kanyang kakayahang magsalita sa paraang mabisa, may pang-akit at kapani-paniwala.

6. Madaling makakuha ng kaibigan at kapalagayang loo bang isang mahusay magsalita.

GEE 1:KOMUNIKASYON SA AKADEMIKONG FILIPINO


SOUTH EAST ASIAN INSTITUTE OF TECHNOLOGY, INC.
Page - 10 - of 25
7. Higit na may oportunidad at nakalalamang ang isang taong mahusay magsalita.

8. Higit na nakadarama ng katuparan at kaganapan ng kanyang pagkatao o


pakikipagkapwa sapagkat naihahayag niya nang lubos ang kanyang damdamin,
naisasalaysay ang kanyang mga karanasan at maisasalin ang kanyang kaalaman sa
pinakamadali at pinakatiyak na paraan.

9. Magagamit din ang kasanayan sa pagsasalita sa iba’t ibang pagkakataon,kasama na


ang mga gawaing pang-akademiko.

MGA KATANGIAN NG ISANG MAHUSAY NA ISPIKER

Gusto mong maging isang mahusay na ispiker? Ayon kina Alcaraz,Villafuerte at


Jocson(2005), dapat taglay mo ang mga sumusunod.

1. Maayos ang kaanyuan, may personalidad, wastong pananamit, magandang tindig at


kagalang-galang.
2. May layunin at lubos ang kaalaman sa paksa na ibinigay sa pinag-uukulan.\
3. May matatag na damdamin at malawak na kaisipan.
4. May kasanyan sa wika, retorika at balarila.
5. Kawili-wili ang tinig,wasto ang intension.
6. Malinaw ang pagbigkas ng mga salita.
7. May nalilinang na ugnayan sa pagitaan ng taong nagsasalita at ng mga nakikinig.
Nagiging magiliw, magalang,mahinahon at marunong makitungo sa tao.
8. Malaki ang tiwala sa sarili na maipakita ang kasanyan sa paggamit ng mga angkop na
galaw at kumpas upang tawagin ang pansin ng mga tagapakinig.
9. Kailangan bigyang-pansin din ng ispiker ang mga kompetensa pagsasalita na dapat
linangin. Ito ay ang mga sumsunod:
Pagkuha at pagpapaliwanag sa mga isyu at konsepto
Paghahambing sa mga ideya
Pagsusuri sa teksto.
Sub-konteksto ng pagsasalita kung paano pahahalagahan ang mga sinasabi sa
pamamagitan ng pag-unawa dito
Pagbibigay ng halimbawang ayon sa konseptong ibinigay.
Pagsusuri kung opinion o katotohanan ang pahayag
Pagbibigay-puna sa reaksyon sa inilahad na ideya.

GEE 1:KOMUNIKASYON SA AKADEMIKONG FILIPINO


SOUTH EAST ASIAN INSTITUTE OF TECHNOLOGY, INC.
Page - 11 - of 25
BAHAGI NG NILALAMAN NG SASABIHIN

1. Panimula. Ito ang 2. Gitna. Ito ang bahaging 3. Wakas. Ito ang
unang bahagi ng naglalaman ng bahaging nagbibigay ng
iyong sasabihin. mahalagang konklusyon kaugnay sa
Ang mga unang impormasyon. Mayaman kanyang mga sinasabi.
pahahayag na ito sa impormasyon. Mahalagang kumpleto at
binibitawan mo Kailangan nakaayos sa maayos ang
ang siyang hindi organisadong paraan pagkakabuod ng ispiker
nalilimutan ng upang hindi kabagutan ng sa kabuuan ng kanyang
awdyens dahil awdyens. sinasabi.
limilikha ng
impresyon sa
awdyens.

MGA DAPAT TANDAAN SA IBABAW NG TANGHALAN

1. Tindig- Kinakailangan matikas ka. Hindi ka magiging kapanipaniwala kung ika’y


maukhang nanghihina o mukhang sakitin.
2. Tinig- Dapat ang tinig ay maging mapanghikayat at nakakaakit pakinggan.
3. Bigkas- Kailangang maging malinaw at mataas ang bigkas niya sa mga salita.
4. Kumpas- Kung wala nito, ang nagsasalita ay mukhang tuod o robot. Ang kumpas ng
kamay ay kailangang maging angkop sa dila ng nagsasalita o mga salitang nababanggit.
5. Kilos- Ang kilos ng mga mata, balikat, paa at ulo ay maaring makatulong o makasira sa
isang nagsasalita.

GAWAIN 14
PANUTO: Magbigay ng opinyon tungkol sa isinusulong na “limited face to face classes”. Ibidyu
ang sarili habang nagbibigay ng opinyon dito. Maaaring sumang-ayon o hindi. Ang bidyu ay
hindi bababa sa 3 minuto. Kailangang kita ang mukha sa bidyu, malinaw at malakas ang boses.
(50 puntos)

GEE 1:KOMUNIKASYON SA AKADEMIKONG FILIPINO


SOUTH EAST ASIAN INSTITUTE OF TECHNOLOGY, INC.
Page - 12 - of 25
`

SOUTH EAST ASIAN INSTITUTE OF TECHNOLOGY, INC.


National Highway, Crossing Rubber, Tupi, South Cotabato

GENERAL EDUCATION DEPARTMENT


___________________________________________________

LEARNING MODULE
Para
GEE 1: KOMUNIKASYON SA AKADEMIKONG FILIPINO

_____________________________________________________

WEEK 15

GEE 1:KOMUNIKASYON SA AKADEMIKONG FILIPINO


SOUTH EAST ASIAN INSTITUTE OF TECHNOLOGY, INC.
Page - 13 - of 25
WEEK 15

GLOSSOPHOBIA

Ikaw ba ay nakaranas nang kabahan,pagpawisan ang


mga palad at mangatog ang mga tuhod bago at habang
nagsasalita sa harap ng maraming tao?

Ang takot sa pagsasalita sa harap ng madla o publiko


ay tinatawag na “glossophopia” o stage fright.

Ito ang takot na mapagtawanan bunga ng maling grammar,maling bigkas,masagwang tindig


o postyur,kakatwang ideya o anyong pisikal.

IBA PANG DAHILAN NG GLOSSOPHOBIA

Takot sa malaki at di-pamilyar na madlang tagapakinig.


Di kaaya-ayang karanasansa pagsasalita sa harap ng madla.
Kakulangan o kawalan sa karanasan sa pagsasalita sa harap ng maramong tao.
Damdaming kakulangan o insekyuriti bunga ng anyong pisikal.
Kakulangan o kawalan ng kahandaan.
Kakulangan o kawalan ng pamilyaridad sa lugar o okasyon.

PAANO MAPAGLALABANAN ANG GLOSSOPHOBIA

Magkaroon ng positibong saloobin.


Magtiwala sa iyong sarili
Tanggapin mo ang iyong sarili,ang iyong mga tagumpay at kabiguan, ang iyong mga
kalakasan at kahinaan, ang iyong mga kagandahan at kapintasan.
Magkaroon ng marubdob na pagnanasang maging mahusay na tagapagsalita.
Harapin ang takot, at huwag itong takas an.
Magsanay ng magsanay.
Isipin ang mga madlang tagapakinig ay palakaibiganinh at hindi mapanghusgaa.
Magbihis nang naayon sa okasyon.
Mag-imbak ng maramaing kaalaman.

GEE 1:KOMUNIKASYON SA AKADEMIKONG FILIPINO


SOUTH EAST ASIAN INSTITUTE OF TECHNOLOGY, INC.
Page - 14 - of 25
Dumating ng maaga upang maging pamilyar sa lugar at madlang tagapakinig.
Magdasal.
Ayon kina Badayos,et.al (2007), dapat kilalanin mo ang mga senyales ng glossophobia at
ang mga nararapat gawin upang mapaatigil ito. Sa ganitong paraan maiiwasan mong maging
kahiya hiya sa harap ng madla.

SENYALES MGA MAARING MONG


GAWIN
Pagpuputol-putol ng pananalita at bilis Marahang igalaw-galaw ang mga daliri ng
ng pagsasalita isa mong paa hanggang sa lubusan nang
mawala ang pagkatakot.
Maya’t mayang paggalaw ng mga Ilagay at ipahinga ang iyong mga kamaay
kamay sa podium.
Ilagay ang iyong mga kamay sa iyong gilid.
Ilagay ang isang kamay sa lecture note
habang ang isa naman ay ilaan sa mga
kailangang kumpas.

Panginginig. Huminga nang malalim ay iwasang


tumingin sa iyong kaibigan na maaring
makapagpatawa sa iyo o makapagdulot ng
anumang uri ng hadlang.

MGA KASANAYAN SA PAGSASALITA


Ang kasanayan sa pagsasalita ay nauuri sa dalawa. Ito ay ang pormal at di-pormal.
Mga Kasanayang Di-Pormal
1. Pakikipag-usap
2. pagpapkilala sa Sarili o sa ibang ta
3. Pakikipag-usap sa telepono
4. Pagbibigay ng direksyon at Panuto
5. Pagkukwento
6. Pakikipagdebate
Mga Kasanayang Pormal
1. Masining na pagkukuwento
2. Pagbigkas ng tula
3. Balagtasan
4. Pakikipagpanayam
5. Pangkatang talakayan

GEE 1:KOMUNIKASYON SA AKADEMIKONG FILIPINO


SOUTH EAST ASIAN INSTITUTE OF TECHNOLOGY, INC.
Page - 15 - of 25
6. Pagbabalita
7. Pagtatalumpati
URI NG PAGSASALITA
Ayon kina Badayos (2005), mayroong apat na pangkalahatang uri ng pagsasalitaa. Ito ay ang
mga sumsunod:
1. Pagbasa ng isang itinakdang papel. May binabasang kang iskript. Maaring maging
kabagot-bagot ito sa tagapakinig. Halimbawa nito ay ang pagbsa ng hatol sa loob ng
korte.
2. Memoryadong pagsasalita. Ang lahat ng sasabihin mo ay huhugutin mo mula sa iyong
memeorya. Halimbawa nito ay ang batang nagtapos bilang valedictorian.
3. Impromptu. Tinatawag ito sa Ingles na “spur of the moment” kung saan binibigyan ka ng
pagkakataong makapagsalita nang walang ni anumang Kahandaan.
4. Ekstemporenyus. Bibigyan ka ng maikling panahon para makapaaghanda ng iyong
sasabihin sa paraang pabalangkas. Halimbawa nito ang mga field reporter sa radio at
telebisyon.

GAWAIN 15
MAGPAHINGA KA MUNA …. NANG KAONTI.

---------------------------------------------Wala ng kasunod--------------------------------------

GEE 1:KOMUNIKASYON SA AKADEMIKONG FILIPINO


SOUTH EAST ASIAN INSTITUTE OF TECHNOLOGY, INC.
Page - 16 - of 25
SOUTH EAST ASIAN INSTITUTE OF TECHNOLOGY, INC.
National Highway, Crossing Rubber, Tupi, South Cotabato

GENERAL EDUCATION DEPARTMENT


___________________________________________________

LEARNING MODULE
Para
GEE 1: KOMUNIKASYON SA AKADEMIKONG FILIPINO

_____________________________________________________

WEEK 16

GEE 1:KOMUNIKASYON SA AKADEMIKONG FILIPINO


SOUTH EAST ASIAN INSTITUTE OF TECHNOLOGY, INC.
Page - 17 - of 25
WEEK 16
PAGBASA

KAHULUGAN NG PAGBASA

Ayon kay Goodman (sa pagkalinawan 2004), ang pagbasa ay isang psycholinguistic
guessing game na kung saan ang mambabasa ay bumubuo ng bagong kaisipan mula sa
tekstong binabasa.

Sa mas simpleng pagpapakahulugan, ang pagbasa ay ang pagkilala at pag-unawa sa


mga simbolo at sagisag na nakalimbag. Ang mga simbolo o sagisag ay tumutukoy sa mga
letra,salita,mga parirala o pangungusap.

PROSESO NG PAGBASA
Dapat mong malaman na sinasabi no William Gray (sa pagkalinaan 2004). Ayon sa kanya,
ang pagbasa ay dumadaan sa apat na hakbang. Ito ay ang mga sumusunod:

1. Kinikilala ang simbolong nakalimbag


Persepyon

Pag-unawa sa mga mensaheng inihatid ng mga


2. kumprehensyon simbolo

Paglalapat at pagpapahalaga sa mga kaisipang


Aplikasyon inilahad ng awtor
3.

4. Integrasyon Pag-uugnay ng bago at dati nang karanasan at


kaalaman ng bumabasa

GEE 1:KOMUNIKASYON SA AKADEMIKONG FILIPINO


SOUTH EAST ASIAN INSTITUTE OF TECHNOLOGY, INC.
Page - 18 - of 25
PARAAN NG PAGBASA

Mayroong dalawang paraan ng pagbasa (sa Badayos,et.a. 2007). Ito ay ang mga
sumusunod:

1.Tahimik na pagbasa o Subvocalization. Ito ang pagbasa nang malaks sa tahimik na paraan.
Hindi naman kasi nagnagahulugang walang tunog o ingay na nalilikha ang isang mambabasa,
bagkus maari rin namn na ito ay may kaakibat na mahinang boses.

2.Malakas na Pagbasa o Vocalization. Sa pangalan pa lamang, ito ang pagbabasa nang


malakas.

MGA TEKNIK NG PAGBASA

Narito ang mga teknik sa pagbasa. Alamin kung nagawa mo na ang lahat ng ito.

TEKNIK KAHULUGAN HALIMBAWA


1.Iskaning Mabilis na pagbasa na Paghahanap ng
ang pukos ay makuha pangalan mo sa
ang mga ispesikong listahan ng mga
impormasyon pumasa sa Criminology
Licensure
Examination

Paghahanap ng salita
sa diksyonaryo.
2.Iskiming Mabilis na pagabsa na Paghahanap ng
ang pokus ay ang anumang impormasyon
paghahanap ng na may kaugnayan sa
pangkalahatang paksang nais
impormasyon pag-aralan o pagtuunan
ng pansin.
3.Kaswal Pag-ubos oras Pagbabasa ng magasin
lamang ng pagabsa; bilang pampalipa oras.
walang tiyak na
intensyon
4.Kritikal Pag-susuri at Pagbasa ng mga
pagsasala ng mga desisyon ng korte o
impormasyong iyong police blotter.
binabasa; paggamit
ng sarili mong
pamantayan kung
paniniwalaan o hindi
ang isang
impormasyong
nabasa.
5.Komprehensibo Pagkuha ng detalye Pagsusuri sa mga
maging ito man ay detalye ng isang kaso.
maliit o malaking

GEE 1:KOMUNIKASYON SA AKADEMIKONG FILIPINO


SOUTH EAST ASIAN INSTITUTE OF TECHNOLOGY, INC.
Page - 19 - of 25
detalye.

6.Pribyuwing Kinukuha lamang ng Pagbabasa ng pamagat


mababasa ang mga ng aklat.
mahahalagang Awtor,tagapaglimbag,
impormasyon ng talaan ng
isang babasahin nilalaman,buod ng
isang aklat at iba pa.
7.Replektib Pagsasabuhay ng Pagbasa sa Bibliya o
isang mababasa sa koran
kanyang binabasa at
nauunawaan niya
nang lubos
8.Muling basa o Rereading Tumutulong upang Muling pagbasa ng mga
maging pamilyar ang akdang di-lubos na
mababasa sa mga naunawaan sa unang
detalye ng binabasa pagbasa.
tungo sa lubos na
pag-unawa.
Pagsasalungguhit o Paghahaylayt ng mga
9.Pagtatala o note-taking paghahaylayt ng mahalagang
binabasa impormasyon sa
akdang binabasa.

WEEK 16
Panuto: Pagpapaliwanag

1. Sa dalawang paraan ng pagbabasa (tahimik na pagbabasa at malakas na pagbabasa) saan


ang iyong madalas gamitin at bakit? (30 puntos)

GEE 1:KOMUNIKASYON SA AKADEMIKONG FILIPINO


SOUTH EAST ASIAN INSTITUTE OF TECHNOLOGY, INC.
Page - 20 - of 25
SOUTH EAST ASIAN INSTITUTE OF TECHNOLOGY, INC.
National Highway, Crossing Rubber, Tupi, South Cotabato

GENERAL EDUCATION DEPARTMENT


___________________________________________________

LEARNING MODULE
Para
GEE 1: KOMUNIKASYON SA AKADEMIKONG FILIPINO

_____________________________________________________

WEEK 17

GEE 1:KOMUNIKASYON SA AKADEMIKONG FILIPINO


SOUTH EAST ASIAN INSTITUTE OF TECHNOLOGY, INC.
Page - 21 - of 25
WEEK 17

PAGSULAT

KAHULUGAN NG PAGSULAT

Ano ang pagsulat?

Ang pagsulat ay pagtatala ng mga sagisag at simbolo na binubuo ng mga salita upang
makapagbigay ng mga impormasyon,kaalaman,ideya, kaisipan at iba pa (sa Espinaat Borja
1998)

Ito rin ay ang paglikha na ang pinakabatayang elemento ay pangungusap na binubuo ng


payak na pangungusap o langkapang pangungusap(sa Pagkalinawan,et.al 2004)

Ang pagsulat ay isang kompleks na gawain dahil marami ang dapat na isaalang-alang
bago ka magsulat(Badayos,et.al 2005)

Ang pagsulat ay…


ang pakikipagtalastasan sa isang tukoy na awdyens.
May tiyak na layunin.
Isang aktibong at dinamikong proseso.
May iba’ibang anyo.
Pag-iisip,pagkatuto,pagbuo ng desisyon at pagbibigay-solusyon sa isang problema.

LAYUNIN NG PAGSULAT
Binanggit nina badayos (2007) ang apat na layunin ng pagsulat. Ito ay ang mga sumusunod:
1. Makapagbigay impormasyon. Layunin nito ang magbigay ng isang tiyak na

GEE 1:KOMUNIKASYON SA AKADEMIKONG FILIPINO


SOUTH EAST ASIAN INSTITUTE OF TECHNOLOGY, INC.
Page - 22 - of 25
impormasyon sa mga mambabasa.
2. Makapaghikayat. Ang manunulat ay nagnanais na papaniwalain ang mambabasa sa
kanyang mga ebidensya o ideya.
3. Makapagbigay-lugod. Kung sa iyong pagbabasa ay napatawa,napaiyak,napangiti o
nakaramdam ka ng takot, malamang ninais ng manunulat nahawakan ang iyong
emosyon.
4. Makapagpahayag ng sarili. Ang pagsusulat ay hindi lamang nagiging kunsumo para sa
ibang tao. Ang manunulat mismo ay ang pinakaunang konsumidor ng kanyang isinulat.

PROSESO NG PAGSULAT
Makikita mo sa ibaba ang prosesong pagdadaan mo kung ikaw ay magsusulat.

1. pag-iisip o pagtiyak sa paksa.


2. Malayang pagtatala ng mga ideya tungkol sa paksa.
Bago sumulat
(Pre-writing) 3. Paglilimita ng paksa at pagsulat nito sa isang
pangungusap
4. Pagpili at pagwawaksi ng mga ideya
5. Pag-aayos ng mga ideya batay sa isang balangkas

6. Pagsulat ng unang draf o borador


Habang Sumulat 7. Muling pag-iisip at muling pagsulat kung
(Actual-writting)
kinakailangan

Pagresiba at 8. Pagsulat sa isa o mahigit pang bagong draf o


Pagsulat borador
(Rewritting)
9. Pagwawasto ng mga kamalian

ANYO NG PAGSULAT

Nagtataglay ng iba’t ibang anyo batay sa layunin ang pagsusulat. Ito ay ang mga
sumusunod (sa Badayos.et.al)

1. Deskriptibong pagsulat- Ang paglalarawan ng isang bagay, tao,pangyayari,lugar at


iba pa ang nilalaman ng isang deskriptibong pagsulat. Layunin nitong maipakita sa
mambabasa ang kabuluhan ng isang usapin kaysa ilahad nang pasalita.

GEE 1:KOMUNIKASYON SA AKADEMIKONG FILIPINO


SOUTH EAST ASIAN INSTITUTE OF TECHNOLOGY, INC.
Page - 23 - of 25
2. Ekspositoring pagsulat- Ang pagpapaalam ng isang pangyayari ang layunin ng
ekspositoring pagsulat. Makikita rito ang paggamit ng mga salitang sabihin mo
na…sumaulat ka ng report kaugnay sa….ipaliwanag mo kung paano.. at iba pa.
3. Naritibong pagsulat- Layunin ng naratibong pagsulat ang makapang-aliw. Makikita ito
sa pagkatha ng tula, maikling kwento kung saan naipapakita ang pagiging malikhain
natin.

MGA URI NG PAGSULAT

Maraming ang uri ng pagsulat. binanggit ang mga ito nina bernales(2006).

1. Akademik-Mbabanggit na halimbawa rito ang mga tesis at disertasyon na inihanda ng


mga mag-aaral na magtatapos ng isang degri sa kolehiyo. Ang lahat ng baccalaureate
Na kurso sa bansa, kabilang na ang Criminology, ay nangangailangang ng tesis o
pananaliksik bilang bahgi ng kahingian para sa pagtatapos.
2. Teknikal- Espesyalisadong uri ng pagsulat. Halimbawa nito ang feasibility studies.
3. Jornalistik-Ang pagsusulat sa mga pahayagn, nakalimbag o online ay halimbawa
nito. Kadalasan ang mga mamamahayag ang gumagamit ng uring ito.
4. Referensyal- Layunin ng uring ito na magrekomenda ng iba pang referens hinggil sa
isang paksang pinag-aaralaan.
5. Profesyonal- Ang bawat propesyon ay may tiyak na mga sulatin na maaring eksklusibo
lamang sa kanilang pangkat. Halimbawa ang mga pulis at abogado ay naghahanda ng
complaint para sa fiskalya kung magsasampa ng kaso o reklamo.
6. Malikhain- Sa uring ito ng pagsulat lumalabas ang imahinasyon ng manunulat na
siyang ginagamit sa panitikan.

GEE 1:KOMUNIKASYON SA AKADEMIKONG FILIPINO


SOUTH EAST ASIAN INSTITUTE OF TECHNOLOGY, INC.
Page - 24 - of 25
GAWAIN 17
PANUTO:
a. Sino ang taong iniidolo o hinahangaan mo sa buhay?
b. Kung maaari lamang kung sino ang unang pangalang pumasok sa iyong isipan ay siyang
magiging paksa mo.
c. Ipaliwanag kung bakit siya ang iyong iniidolo o hinahangaan.
d. Maaaring sa paraan ng isang TULA O SANAYSAY. (50 PUNTOS)

P.S.
Maaaring magulang, kapatid, tito/tita, lolo/lola, kaibigan, guro, kasintahan, artista o kahit hindi
mo kaano-ano..

---------------------------------------------Wala ng kasunod--------------------------------------

GEE 1:KOMUNIKASYON SA AKADEMIKONG FILIPINO


SOUTH EAST ASIAN INSTITUTE OF TECHNOLOGY, INC.
Page - 25 - of 25

You might also like