You are on page 1of 4

Reviewer FILI 101 (1st Sem-Midterms)

YUNIT 1
Ang Alyansa ng mga Tagapagtanggol ng Wikang Filipino o Tanggol Wika ang alyansang nangunguna
sa pakikibaka laban sa pagpaslang ng Commission on Higher Education (CHED) sa Filipino. Nabuo
ang Tanggol Wika sa isang konsultatibong forum noong Hunyo 21, 2014 sa De La Salle University-
Manila.

Noong 2015, pinangunahan ng Tanggol Wika ang pagsasampa ng kaso laban sa anti-Filipinong CHED
Memorandum Order (CMO) No. 20, Series of 2013, sa Korte Suprema.

Agosto 2014 nang nagpahayag ang Departamento ng Filipino ng De La Salle University ng kanilang
saloobin sa pamamagitan ng kanilang posisyong papel na may pamagat na “Pagtatanggol sa wikang
Filipino, tungkulin ng bawat Lasalyano.”

Ang posisyong papel naman na may pamagat na “Ang Paninindigan ng Kagawaran ng Filipino ng
Pamantasang Ateneo de Manila sa Suliraning Pangwikang Umuuugat sa CHED Memorandum Order
No. 20 Series of 2013” ay mula sa panulat ng mga guro ng Ateneo De Manila University.

Ang dating Pangulong Corazon C. Aquino ay nagbigay diin din sa probisyong ito sa pamamagitan ng
Executive Order No. 335 na “Nag-aatas sa Lahat ng mga
Kagawaran/Kawanihan/Opisina/Instrumentaliti ng Pamahalaan na Magsagawa ng mga Hakbang na
Kailangan para sa Layuning Magamit ang Filipino sa Opisyal na mga Transaksiyon, Komunikasyon,
at Korespondensiya.”

Department of Science and Technology(DOST)-Kagawaran ng Agham at Teknolohiya


Department of Education (DepEd)-Kagawaran ng Edukasyon
Department of Energy (DOE)-Kagawaran ng Enerhiya
Department of the Interior and Local Government (DILG)-Kagawaran ng Interyor at Pamahalaang
Lokal
Department of Social Welfare and Development (DSWD)-Kagawaran ng Kagalingang Panlipunan at
Pagpapaunlad
Department of Health (DOH)-Kagawaran ng Kalusugan
Department of Environment and Natural Resources-Kagawaran ng Kapaligiran at Likas na Yaman
Department of Justice (DOJ)-Kagawaran ng Hustisya
Department of Public Works and Highways (DPWH)-Kagawaran ng mga Pagawain at Lansangang
Bayan
Department of Labor and Employment(DOLE)-Kagawaran ng Paggawa at Empleyo
Department of Agrarian Reform (DAR)-Kagawaran ng Repormang Pansakahan

Ayon kay Lumbera et al. (2007) ang Filipino ang wikang gingamit sa paglinang at pagpapalaganap ng
isang edukasyong na nagtataguyod ng kapakanan ng bansa, nagpapayaman ng diwang mapagtanong
at mapanlikha at umuugat sa buhay at pakikibaka ng nakararami.

Agosto 10, 2014 noong inilathala ni G. David Michael M. San Juan ang kanyang artikulong 12
Reasons to Save the National Language.

Nakalathala sa akda ni G. Virgilio S. Almario (2014) na napakarami pang dapat gawin upang ganap na
magtagumpay ang wikang Filipino.Aniya hindi sapat ang pagdedeklara ng Buwan ng Wikang
Pambansa tuwing Agosto bilang tugon sa Proklamasyon Blg. 1041 ng Pangulong Fidel V. Ramos
noong Hulyo 5, 1997.
YUNIT 2

Ang fake news ay tumutukoy sa mga sadyang hindi totoo, o mga kwento na naglalaman ng
ilang katotohanan ngunit hindi ganap na tumpak, sa pamamagitan ng aksidente o disenyo.
Mass Media o pangmadlang midya ang ginagamit ng karamihan na mapagkukunang ng
impormasyon at balita.
Ang pananaliksik ay isang maingat at detalyadong pag-aaral sa isang tiyak na problema, pag-
aalala, o isyu gamit ang pamamaraang pang-agham.
Ang batis ng impormasyon ay ang pinanggagalingan ng mga katunayan (halimbawa. Facts,
and figures at datos) na kailangan para makagawa ng mga pahayag ng kaalaman hinggil sa
isang isyu, penomeno, o panlipunang realidad.
Ang primaryang batis ay mga orihinal na pahayag, obserbasyon at teksto na direktang
nagmula sa isang indibidwal, grupo o institusyon na nakaranas, nakaobserba, o
nakapagsiyasat ng isang paksa o phenomena.
Hal: Pagtatanong tanong,pakikipagkuwentuhan,panayam o interbyu,
awtobiyograpiya,talaarawan at sarbey.
Ang sekundaryang batis naman ay pahayag ng interpretasyon, opinyon at kritisismo mula sa
indibidwal, grupo, o institusyon na hindi direktang nakaranas, nakaobserba o nagsaliksik sa
isang paksa O penomeno.
Hal: encyclopedia, Teksbuk,Diksyonaryo at Tesoro,Sanaysay,Sabi-sabi at Abstrak.
Eksperimento- isang kuwantitatibong disenyo ng pananaliksik kung saan sinusukat ang
epekto ng dependent variable, na tinatalaban ng interbensiyon.
Interbyu- o panayam ay isang interaksyon sa pagitan ng mananaliksik bilang tagapagtanong,
at tagapakinig, at ng tagapagbatid na siyang tagapagbahagi ng impormasyon.
Focus group Discussion- ay semi estrukturadong talakayan na binubuo ng tagapagpadaloy na
kadalasay ginagampanan ng manananaliksik na , at anim hanggang sampung kalahok.
- Ang Focus Group Discussion ay may layunin na masagot ang mga tanong na bakit at paano.
-binubuo ng may 4-16 na kalahok
Pakikisangkot habang pakapa-kapa- Sa hanay ng mga pamamaraan maka-Pilipino, maraming
mapagpipilian ang isang mananaliksik, depende sa ng mananaliksik, depende sa layon ng
pananaliksik, at dulog ng pangangalap ng datos.
Pagtatanong-tanong-marami ng mga mananaliksik ang gumagamit ng pagtatanong tanong sa
pagkalap ng katunayan at datos.
Pakikipag kwentuhan- naman ang ginagamit ni de vera na (1982 ) upang pag aralan ang
pakiki apid sa isang baryo sa camarines norte .Ito ay isang di-estrukturadong at impormal na
usapan ng mananaliksik
Pagdalaw-dalaw- ay ang pagpunta punta at pakikipag usap ng mananaliksik sa tagapagbatid
upang sila ay makakilala.
Pakikipanuluyan- pakikitira sa mga may bahay upang makakalap ng impormasyon.
Pagbabahay bahay- hindi lamang pumupunta sa bahay ng taga pagbatid ang mananaliksik,
nag mamasid, nagtatanong tanong, at nakikipag kuwentuhan at nakikipag panayam din siya.
Pagmamasid- ito ay pag oobserba gamit ang mata, tainga, at pandama sa tao,lipunan, at
kapaligiran.

Estrukturadong interbyu-may gabay na tanong.


Semi- estrukturadong-may tanong at maykaragdagang tanong
Di estrukturadong- hindi kahingian ang mga gabay na tanong upang maging natural ang pag
uusap.

YUNIT 3
Pangkomunikasyong Pilipino:
Tsismisan- isang pagbabahaginan ng impormasyong ang katotohanan ay di-tiyak.
Umpukan- impormal paglalapit ng tatlo o higit pang tao na magkakakilala para mag-usap na
magkakaharap. Sa pangkalahatan, ay hindi planado o nagaganap na lang sa bugso ng
pagkakataon.
Talakayan- ay pagpapalitan ng ideya sa pagitan ng dalawa o higit pang kalahok na nakatuon
sa tukoy na paksa. Ito ay maaring pormal o impormal at puwedeng harapan o mediated o
ginamitan ng anumang medya.
1.Aksesibilidad- Pagiging komportable ng mga mag-aaral sa kanilang partisipasyon sa
talakayan sa punto ng walang pangamba na nagingibabaw sa kanilang pagpapahayag.
2. Baryasyon ng ideya.-Mahalaga ang baryasyon o ang pagkakaiba-iba ng pananaw ng mga
pahayag upang matamo ang higit na malalim na pagtalakay.
3. Kaisahan at pokus.-Mahalaga ang papel ng dalubguro o ng tagapamagitan upang hindi
mawala sa punto ng usapin sa kabilang mga mga baryasyon ng ideyang ipinapahayag sa
malayong pagtalakay.
Pagbabahay-bahay - ay ang pagdalaw o pagpunta ng isang tao o grupo sa mga bahay sa isang
pamayanan para maghatid ng mahalagang impormasyon,
Pulong bayan- pagtitipon ng isang grupo ng mga mamayan sa itinakdang oras at lunan upang
pag-usapan nang masinsinan, kabahalaan, problema, programa at iba pang usaping
pangpamayanan.

KOMUNIKASYONG DI-BERBAL: Pagpapahiwatigan sa Mayamang Kalinangan


Mga Paraan ng Paggamit ng mga Senyas na Di-Berbal:
1. Ang mga senyas na di-berbal ay kapupunan ng komunikasyong berbal.
2. Ang mga senyas na di-berbal ay maaaring gamitin sa halip na wika.
3. Maaaring pabulaanan ng mga senyas na di-berbal ang isinasad ng wika.
4. Upang ayusin ang daloy ng komunikasyon.

Komunikasyon sa pamamagitan ng paghipo – Ito ay may tanging kahalagahan sa atin


sapagkat ito ang unang paraan ng komunikasyong naranasan natin bilang sanggol.
Komunikasyon sa pamamagitan ng espasyo – Ayon kay Edward Hall, ang uri ng ugnayang
namamagitan sa mga tao ay maaaring ipahiwatig sa pamamagitan ng apat na uri ng
distansiya:
a) sa distansyang pampubliko, ang mga kalahok ay magkakalayo ng mga labindalawang
talampakan o higit pa. Ang ugnayan ay pormal tulad ng namamagitan sa isang
komunikasyong pampubliko.

b) sa distansyang sosyal, ang mga kalahok ay magkakalayo ng mga apat hanggang pitong
talampakan. Ito ay angkop sa mga talakayan ng mga mangangalakal at kombersasyon sa mga
pagtitipon.
c) distansyang personal, ang mga kalahok ay magkakalayo ng isa't kalahati hanggang apat na
talampakan. Ang distansiyang ito ay para sa magkakaibigan o higit pang malapit na
pakikipagugnayan.
d) sa distansyang pangtapatan ng loob ang mga kalahok ay magkakalayo ng hindi hihigit sa
labindalawang dali. Ang paksang tinatalakay ng mga kalahok ay kalimitang lihim.

Komunikasyon sa pamamagitan ng oras –Karaniwan nang may iniuugnay tayong mensahe sa


paraan ng paggamit ng oras.Pamilyar tayo sa tinatawag na “Filipino Time.”
Komunikasyon sa pamamagitan ng katahimikan – Ang katahimikan ay may ikinukumunika
rin. Sa pamamagitan ng hindi pagkibo ay maaaring ipahiwatig ang ating pagdaramdam,
pagkagalit, o ang kawalan ng hangaring makipag-uganayan.

Ang ekspresyong lokal ay ang likas at ordinaryong wika na naiiba sa anyo at gamit sa lohikal
at iba pang uri ng pilosopiya.
Hal: Manigas ka! ,Bahala na si Batman. (Bahala na.) Malay ko! Ano ga!
kadlo-pagsalok
kalasti- ang kahulugan nito ay mayabang
kagaykay- kuliglig

Anong hamon ang kinaharap ng sistema ng edukasyon sa antas tersyarya sa ilalim ng


edukasyong K to 12 tungkol sa paggamit ng wika?
-Ipinagtuunan nito ang paggamit ng wikang Ingles kaysa sa wikang Filipino
Alin ang dapat isaalang- alang sa paghahanap ng batis ng impormasyon kung pupunta sa isang
aklatan?
A. Gumawa ng sulat sa kinauukulan at magtanong din hinggil sa protocol at patakaran na
pinaiiral sa aklatang natukoy.
B. Rebyuhin ang Dewey Decimal System at Library Congress dahil alin man sa dalawang ito
ay madalas na batayan ng klasipikasyon ng aklat ng pangkalahatang karunungan
C. Ipinagbabawal ang pagpapa-photocopy ng buong aklat, tesis, disertasyon at ilan pang mga
printed na material kung kaya kailangan ang matiyaga at mabilis na pagbabasa kung
maraming sanggunian ang bubulatlatin.
D. Lahat ng nabanggit

Ayon kay Marshall McLuhan, binabago ng midya ang simbolikong kapaligiran ng mga tao at
naiimpluwensiyahan nito ang kanilang pananaw, karanasan, ugali at kilos kung kaya’t masasabing
“ang midyum ay ang
mensahe
Ang mga sumusunod ay mga kahinaan ng Focus Group Discussion maliban sa
Maraming aspekto at anggulo ng isang paksa ang lumalabas at napag-uusapan sa talakayan.

Sa pagpili ng batis ng impormasyon sa pananaliksik bigyang prayoridad ang online news site na
Pumupuna sa sarili o umaamin ng pagkakamali sa pamamagitan ng komento at errata.

You might also like