You are on page 1of 9

8

FILIPINO
Ikatlong Markahan

Modyul 1

Kontemporaryong Panitikan Tungo


sa Kultura at Panitikang Popula
Ikatlong
Markahan
Popular na Babasahin
UNANG
LINGGO
Umaasa kami na sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng makahulugang
pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga kompetensi.
Kaya mo ito!

v
Alamin

Sadyang isinulat at inihanda para sa iyo ang Modyul na ito bilang kagamitan sa pag-aaral nitong
panahon ng bagong normal. Sa kabila ng krisis na ating hinaharap sa kasalukuyan, ang iyong pagkatuto ay
dapat maipagpatuloy. Magiging kasama mo itong modyul sa pag –aaral ng Filipino sa pagtuklas ng mga
bagong konsepto at kaalaman sa paggamit ng mga kaalamang natutuhan sa pakikipagtalastasan sa
kapuwa at magiging kaakibat sa papapaunlad ng bansang Pilipinas.

Ang modyul na ito ay dinisenyo at sinulat nang may pagpapahalaga sa iyong kakayahan at interes.
Ito ay naglalayong matulungan kang matuto tungkol sa tunay na kahulugan ng konsepto ng nasyonalismo
o damdaming makabayan. Dito ay madidiskubre mo rin kung paano sumibol ang kaisipang liberal ng mga
sinaunang Pilipino at kung paano ito humantong sa pagkagising ng kanilang damdaming makabansa. Ang
mga salitang ginamit dito ay akma sa iyo at sa lebel ng iyong bokabularyo. Ang daloy ng mga aralin dito ay
alinsunod sa wastong pamantayan.

Ang modyul na ito ay may apat na aralin na may ibat-ibang kompetensi para sa mga linggo ng
ikatlong markahan . Ito ay ang mga:
• Aralin 1- (Unang Linggo)Unang Araw: Pagtukoy sa mga tamang salita sa pagbuo ng puzzle
Pagkatapos mong pag-aralan ang aralin, inaasahan sa iyo na:
Natutukoy ang mga tamang salita sa pagbuo ng isang puzzle na may kaugnayan sa paksa(F8PT-
IIIe-f-31)
• Aralin 2- (Unang Linggo)Ikalawang Araw: Paghahambing sa Tekstong Binasa sa Iba pang
Teksto
Pagkatapos mong pag-aralan ang aralin, inaasahan sa iyo na:
Naihahambing ang tekstong binasa sa iba pang teksto batay sa paksa, layon at tono,pananaw,
paraan ng pagkakasulat, pagbuo ng salita, pagbuo ng talata, pagbuo ng pangungusap(F8PB-IIIa-
c-29)
• Aralin 3- (Unang Linggo)Ikatlong Araw: Paggamit ng mga Estratehiya sa Pangangalap ng
mga Datos o Impormasyon sa Pagsulat ng Balita o Komentaryo
Pagkatapos mong pag-aralan ang aralin, inaasahan sa iyo na:
Nagagamit ang iba’t ibang estratehiya sa pangangalap ng mga ideya sa pagsulat ng balita,
komentaryo at iba pa (F8PU-IIIa-c-30)
• Aralin 4- (Unang Linggo)Ikaapat na Araw: Pag-uulat nang Maayos at Mabisa sa mga Nalikom
na Datos sa Pananaliksik
Pagkatapos mong pag-aralan ang aralin, inaasahan sa iyo na:
Naiuulat nang maayos at mabisa ang nalikom na datos sa pananaliksik (F8PS-IIIa-c-30

Subukin
Panuto: Basahin at unawain ang bawat pahayag.Isulat ang titik ng tamang sagot sa inyong
sagutang papel.

1. Tumutukoy sa pinag-uusapan sa pangungusap. Ito ay maaaring tao, bagay, hayop, at pangyayari.


a.Paksa b. Layon c.Pananaw d. Tono
2. May tatlong bahagi- ang panimula, pagpapaliwanag at buod.
a.Pananaw b.Pangungusap c. Salita d. Talata

3. Ang naghaharing damdamin sa teksto-maaaring masaya, malungkot, nagagalit at iba pang


kaugnayan nito.
a.Paksa b. Layon c.Pananaw d. Tono
4. Ang target na mambabasa ay ang class A at B.
a. Broadsheet b. Komiks c. Dagli d Tabloid
5.Ibinibilang na pahayagang pangmasa.
a. Broadsheet b. Komiks c. Dagli d Tabloid
6. Ginagamit ng komiks sa paghahatid ng salaysay o kuwento.
a. Larawan b. Musika c. Salita at Larawan d. Salita at musika
7. Talaan ng mga pansariling gawain, mga repleksiyon, mga naiisip o nadarama, at kung ano-ano pa.
a. Imersyon b. Journal c. Obserbasyon d. Pagtatanong
8. Pagmamasid sa mga bagay-bagay, tao o pangkat, at pangyayari
a. Imersyon b. Journal c. Obserbasyon d. Pagtatanong
9. Tumatalakay ang mga suliranin at kagustuhan ng mga kabataan at gawa ng mga batang
manunulat.
a. Candy b. Cosmopolitan c. FHM d. Metro
10. Napapatungkol sa fashion, mga pangyayari, shopping, at mga isyu hinggil sa kagandahan.
a. Candy b. Cosmopolitan c. FHM d. Metro

Tuklasin
Pahayagan
Sa pangkalahatan, may dalawang uri ng pahayagan- ang tabloid at ang broadsheet. Ibinibilang na
pahayagang pangmasa ang tabloid dahil sa wikang Filipino o sa ibang diyalekto ito nakasulat bagamat ang iba dito
ay Ingles ang midyum. Hindi katulad ng broadsheet na ang target na mambabasa ay ang class A at B. ‘Yon nga lang
sa ibang tabloid ay masyadong binibigyang-diin ang tungkol sa karahasan kaya’t tinagurian itong sensationalized
journalism.
Komiks
Ito ay isang grapikong midyum na ang mga salita at larawan ay ginagamit upang ihatid ang isang salaysay o
kuwento. Kadalasang naglalaman ang komiks ng kaunting diyalogo sapagkat binubuo ito ng isa o higit pang mga
larawan. Ang kultura ng komiks ay binubuo ng mga manunulat at dibuhista na napakalawak ng imahinasyon.
Magasin
Hindi mawawala ang Liwayway kung pag-uusapan ay ang paglaganap ng magasin sa Pilipinas. Naglalaman
ito ng mga maikling kuwento at mga nobela na naging instrumento upang umunlad ang kamalayan ng marami sa
kulturang Pilipino. Sa kasalukuyan, naririto ang nangungunang mga magasin na tinatangkilik ng maraming Pilipino.
1. Candy- tinatalakay ang suliranin at kagustuhan ng mga kabataan at gawa ng mga batang manunulat.
2. Cosmopolitan- gabay ng mga kababaihan tungkol sa isyu sa kalusugan, kagandahan,kultura, at aliwan.
3. FHM- pinag-uusapan ng mga kalalakihan na may kinalaman sa buhay, pag-ibig, at iba pang walang pag-
aalinlangan
4. Good Housekeeping- para sa mga abalang ina na nagbibigay tulong upang gawin ang kanilang respnsibilidad.
5. Men’s Health- tungkol sa kalusugan tulad ng pag-eehersisyo, pagbabawas ng timbangat iba pa.
6. Metro- tungkol sa fashion, pangyayari, shopping at isyu hinggil sa kagandahan.
Dagli
Ang dagli ay isang anyong pampanitikang maituturing na maikling maikling kuwento. Bagama’t walang
katiyakan ang pinagmulan nito sa Pilipinas, sinasabing lumaganap ito sa unang dekada ng pananakop ng mga
Amerikano.
GAWAIN 1 Wala ring nakatitiyak sa angkop na haba para masabing dagli isang akdang pampanitikan. Subalit
kinakailangang hindi ito aabot sa haba ng isang maikling kuwento.
GAWAIN 1
Panuto: Tukuyin ang hinihinging salita sa pamamagitan ng pagbuo ng puzzle. Gawing batayan ang bilang
at kahulugan ng mga salitang nakatala sa ibaba.
2.B
Patayo
4.S
2. Ang mga target na mambabasa ay
3.N B class A at B
4. Ito ang bumubuo sa komiks bukod sa
A L larawan
7. Pinakamatandang magasin sa
6.D A L Pilipinas
8. Ibinibilang na pahayagang
7. L
pangmasa
1.D U S 8.T

W E Pahalang

1.Tagaguhit ng larawan sa komiks


3.Isa sa laman ng magasin na
Y T L nagpaunlad ng kamalayan ng marami
sa kulturang Pilipino
O 5.Grapikong midyum na naglalaman ng
salita at larawan
A 5.K M K 6. Maituturing na maikling maikling
kuwento
D

Suriin
Mga Elemento ng Teksto

• Paksa- tumutukoy sa pinag-uusapan sa pangungusap. Ito ay maaaring tao, bagay, hayop, at pangyayari.
• Layunin/Layon– tumutukoy sa kung ano ang nais mangyari ng isang manunulat o awtor sa kanyang
mambabasa. Ito ay maaaring manghikayat, mang-impluwensiya, mangaral, magtanggol, mang-aliw,
manlibang, at iba pa.
• Tono- ang naghaharing damdamin sa teksto. Maaaring masaya, malungkot, nagagalit at iba pang
kaugnayan nito.
• Pananaw (point of view) –ito ang sumasagot sa tanong na “Sino ang nagsusulat o nagkukuwento?”
Ang pananaw ng awtor ay makikita sa pamamagitan ng mga panghalip na ginamit sa teksto.
Unang panauhang pananaw – ako, ko, akin, atin, natin, tayo, kami
Ikalawang panauhang pananaw (tagamasid) – ikaw, mo, ka, iyo, kanila, kita, kayo, inyo, ninyo
Ikatlong panauhang pananaw – siya, niya, kanya, sila, nila, kanila
• Paraan ng Pagkakasulat- alamin ang paraan na ginamit ng manunulat
Akademik- ginagamit sa pagsusulat na intelektuwal upang maiangat ang antas ng kaalaman ng mga
mababasa.
Teknikal- Ito ay uri ng panunulat na ekspositori o nagpapaliwanag.
Jornalistik- Ginagamit ng mga peryodista upang maglahad ng pangyayari.
Propesyonal- Nakatuon sa tiyak na propesyon kaya maaari itong gumamit ng salita o ekspreyong
eksklusibo sa kanilang larangan.
Malikhain- Nagbibigay-halaga sa kasiningan. Maaaring piksyon o di-piksyon ang akda.
• Pagbuo ng salita- angkop ba ang pagkakagamit ng mga salita sa teksto at madali bang maintindihan ng
mga mambabasa.
• Pagbuo ng talata-alamin ang pangunahing ideya at kung ang mga talata ay umiikot lamang sa iisang diwa.
• Pagbuo ng pangungusap- suriin kungang pangungusap ay nagsisimula sa malaking titik at nagtatapos sa
maliit na titik, ang diwa ay kompleto, at gumagamit ng tamang bantas.


Pagyamanin
GAWAIN 2
Panuto: Tukuyin ang inilalarawan ng mga pahayag sa ibaba at isulat lamang ang titik ng tamanng sagot.

1. Uri ng paglilimbag na naglalaman ng balita, impormasyon at A. Internet


patalastas, kadalasang na imprenta sa mababang halaga.
2. Sistema na ginagamit nang buong mundo upang mapagkonekta B. Pahayagan
ang mga kompyuter o grupo ng mga kompyuter
3. Sine at pinilakang tabing, ay isang larangan na sinasakop C. Pelikula
ang mga gumagalaw na larawan bilang isang anyo ng
sining o bilang bahagi ng industriya ng libangan.
4. Paghahatid ng balita sa pamamagitan ng tunog. D. Radyo
5. Paghahatid ng balita sa pamamagitan ng may mga larawan E. Telebisyon
at tunog.

Isaisip

Media ang kolektibong katawagan sa mga entidad o institusyong tagapagbalita: radyo, telebisyon at diyaryo
na nadagdagan ng dalawa pang anyo, ang pelikula at Internet. Tri-Media ang pinakapopular na katawagan
sa kasalukuyang porma ng Media: telebisyon, radyo at diyaryo o pahayagan. At ang tatlong ito ang siyang
sinasabing pinakamakapangyarihang institusyon pagdating sa pagtuturo, pagpapaalam at paghuhubog ng
isang kamalayang panlipunan.
Ang multimedia ay pinagsamang "multi" at "media". Ang "multi" ay nangangahulugang marami at ang
"media" ay isang bagay na nakakapagdala o nakakapaghandog ng impormasyon. Samakatuwid, ang
multimedia ay nangangahulugang paggamit ng maraming paraan upang makapagdala ng impormasyon sa
ibang tao.

Iba’t Ibang Estratehiya sa Pangangalap ng mga Datos o Impormasyon sa Pagsulat

1.Pagbabasa at pananaliksik- mabisang paraan sa pagpapalawak ng paksang isusulat at pangangalap


ng kaugnay na karagdagang kaalaman. Magagawa ito sa pamamagitan ng pagkonsulta sa mga libro at
iba pang materyales na karaniwang matatagpuan sa mga aklatan o internet.
2. Obserbasyon- pagmamasid sa mga bagay-bagay, tao o pangkat, at pangyayari. Inaalam dito ang gawi
at iba pang datos kaugnay sa inoobserbahang paksa.
3.Pakikipanayam/Interbyu- makakapagtipon ng kaalaman sa pamamagitan ng pakikipanayam sa mga
taong malaki ang karanasan at awtoridad sa paksang inihahanap ng mga impormasyon.
4.Pagtatanong/Questioning- sinasagot sa pamamagitan ng paglalatag ng mga tanong ang isang tiyak
na paksang gustong isulat. Kadalasang ginagamit sa prosesong ito ang pagtatanong na kinapapalooban
ng 5Ws at 1H (What, When, Where, Who, Why, at How).
5. Pagsulat ng Journal- Ang journal ay isang talaan ng mga pansariling gawain, mga repleksiyon, mga
naiisip o nadarama, at kung ano-ano pa. Ang draft ng kanilang akda ay kadalasang isinusulat sa journal.
6.Brainstorming- mabisa sa pangangalap ng opinion at katwiran ng ibang tao. Naisasagawa ito sa
pamamagitan na malayang pakikipagtalakayan sa isang maliit na pangkat hinggil sa isang paksa.
7.Pagsasarbey- paraan ng pangangalap ng impormasyon hinggil sa isang tiyak na paksa sa
pamamagitan ng pagpapasagot ng questionnaire sa isang grupo ng mga respondent.
8. Sounding-out Friends- isinasagawa sa pamamagitan ng isa-isang paglapit sa mga kasambahay,
kaibigan, kapitbahay o kasama sa trabaho upang magsagawa ng pakikipagtalakayan sa kanila hinggil sa
isang paksa. Kalimitang ang usapan ay maikli lamang at impormal.
9. Imersiyon- sadyang paglalagay ng isang sarili sa isang karanasan o gawain upang makasulat hinggil
sa karanasan o gawaing kinapapalooban. Sa halip na simleng pagmamasid, ang manunulat ay
nakikisalamuha sa isang grupo ng mga tao sa pamamagitan ng pakikisangkot sa kanilang mga gawain.
Tayahin
10. Pag-eeksperimento- sinusubukan ang isang bagay bago sumulat ng akda tungkol dito sa
pamamagitan ng isang eksperimento. Madalas gamitin sa sulating siyentipiko.

Panuto: Basahin at unawain ang mga katanungan. Isulat ang titik ng tamang sagot.

1. Tumutukoy sa pinag-uusapan sa pangungusap. Ito ay maaaring tao, bagay, hayop, at pangyayari.


a.Paksa b. Layon c.Pananaw d. Tono
2. May tatlong bahagi- ang panimula, pagpapaliwanag at buod.
a.Pananaw b.Pangungusap c. Salita d. Talata
3. Ang naghaharing damdamin sa teksto-maaaring masaya, malungkot, nagagalit at iba pang
kaugnayan nito.
a.Paksa b. Layon c.Pananaw d. Tono
4. Ang target na mambabasa ay ang class A at B.
a. Broadsheet b. Komiks c. Dagli d Tabloid
5. Ibinibilang na pahayagang pangmasa.
a. Broadsheet b. Komiks c. Dagli d Tabloid
6. Ginagamit ng komiks sa paghahatid ng salaysay o kuwento.
a. Larawan b. Musika c. Salita at Larawan d. Salita at musika
7. Talaan ng mga pansariling gawain, mga repleksiyon, mga naiisip o nadarama, at kung ano-ano pa.
a. Imersyon b. Journal Obserbasyon d. Pagtatanong
8. Pagmamasid sa mga bagay-bagay, tao o pangkat, at pangyayari
a. Imersyon b. Journal Obserbasyon d. Pagtatanong
9. Tumatalakay ang mga suliranin at kagustuhan ng mga kabataan at gawa ng mga batang
manunulat.
a. Candy b. Cosmopolitan c. FHM d. Metro
10. Napapatungkol sa fashion, mga pangyayari, shopping, at mga isyu hinggil sa kagandahan.
a. Candy b. Cosmopolitan c. FHM d. Metro

You might also like