You are on page 1of 2

SOUTHERN BUKIDNON FOUNDATION ACADEMY

DON CARLOS BUKIDNON


GRADE 10 FILIPINO
IKALAWANG MARKAHAN
_____________________________________________________________________
Panggalan: _______________________ Petsa: _______
Guro: Bb. Janelyn H. Vallar Puntos: ______.
I. Panuto: Piliin mo ang titik ng tamang sagot at bilugan ang titik ng tamang sagot.
1. Ang angkop na kasabihan sa sitwasyong “nilinlang si Thor ng Hari ng mga Higante upang sila ay
mapasakop sa kapangyarihan nito” ay
A. Ang bayaning nasusugatan, nag-iibayo ang tapang
B. Ang mabuting layunin ay hindi mapapangatwiranan sa masamang paraan.
C. Anumang tibay ng abaka ay wala rin kapag nag-iisa.
D. Matalino man ang matsing napaglalalangan din
2. Ang pagbibigay ng payo ng hegante kay Thor ay nangangahulugan ng ________.
A. pag-aalala B. pagmamalasakit
C. pagmamahal D. pagtanaw ng utang na loob
3. Ito ay elemento ng mitolohiya na tumatalakay sa mga diyos o diyosa taglay na kakaibang kapangyarihan
A. banghay B. tagpuan C. tauhan D. tema
4. Ang sumusunod ay mga elementong taglay ng mitolohiya liban sa ________.
A. kapani-paniwala ang wakas
B. may kaugnayan ng paniniwala sa propesiya
C. may salamangka at mahika
D. tumatalakay sa mga diyos at kanilang kabayanihan
5. Anong elemento ng mitolohiya ang may kaugnayan sa kulturang kinabibilangan at sinauna ang
panahon? A. banghay B. tagpuan C. tauhan D. tema
6. Ito ay elemento ng mitolohiya na tumatalakay tungkol sa paniniwalang panrelihiyon.
A. banghay B. tagpuan C. tauhan D. tema
7. Siya ang diyos ng kulog at kidlat at pinakamalakas sa mga diyos ng Aesir.
A. Loki B. Odin C. Skrymir D. Thor
8. Ang pagtatanong ni Skymir kay Thor kung may ibon ba sa taas ng puno ay nangangahulugang hindi
niya .
A. alam na naunang nagising si Thor
B. nalalaman ang sikreto ni Thor
C. naramdaman ang paglipad ng ibon
D. naramdaman na tinaga siya ni Thor
9. Nang mapansin ni Thor na bali ang paa ng isang kambing ay nanlilisik ang kanyang mata. Ano ang
damdaming ipinahayag sa pangungusap?
a. pagkaawa b. pagkagalit c. pagkalungkot d. pagkatuwa
10. Tuwing maririnig ni Thor ang ungol ng higante ay mag-iinit ang kanyang ulo at pinupukpok niya ng
maso ang higante. Si Thor ay nagpapakita ng______
A. pagkamaawain B. pagkamainipin
C. pagkamahiyain D. pagkamainitin ang ulo
11. Ang _______ ay isang uri ng akdang tuluyan na nagsasalaysay tungkol sa pinagmulan ng mga diyos
at diyosa, bathala at mga anito, sa pagkakalikha ng mundo at ng kalawakan.
A. alamat B. epiko C. kuwentong bayan D. mitolohiya
12. Ang salitang mitolohiya ay hango sa salitang Griyego na mythos na nangangahulugang_____.
A. awit B. kuwento C. tula D. talambuhay
13. Ang tema ng mitolohiya ay nakatuon sa sumusunod maliban sa isa.
A. pag-uugali ng tao B. pinagmulan ng buhay sa daigdig
C. mga paniniwalang panrelihiyon D. mga pangyayari sa buhay ng isang tao
14. Ito ay elemento ng mitolohiya na tumatalakay sa maraming kapana-panabik
na aksiyon at tunggalian.
A. banghay B. tagpuan C. tauhan D. tema
15. Ang sumusunod ay mga elementong taglay ng mitolohiya liban sa ________.
A. kapani-paniwala ang wakas
B. may kaugnayan sa paniniwala at propesiya
C. may salamangka at mahika
D. tumatalakay sa mga diyos at kanilang kabayanihan
16. Anong elemento ng mitolohiya ang may kaugnayan sa kulturan kinabibilangan at sinauna ang
panahon.
A. tauhan B. tagpuan C. banghay D. tema
17. Ang dahilan kung bakit hindi magkasundo ang mga Aesir at mga higante.
A. gustong agawin ng mga higante ang Asgard
B. hindi makapunta sa kaharian ng mga higante ang mga Aesir
C. napaslang ni Odin at mga kapatid nito ang higanteng si Ymir.
D. nag-aagawan sila ng teritoryo
18. Mula sa katawan ng higante nilikha ng mga Aesir ang ______________.
A. ang gitnang bahagi ng mundo B. bituin, araw at buwan
C. graba at hanggahan D. ulap
19. Nagsilbing mga graba at hanggahan ang ______________ng higante
A. ang dugo ng higante B. ang utak ng higante
C. kilay ng higante D. mga ngipin at ilang buto nito
20. Ginamit nila ang __________ ni Ymir upang lumikha ng kagubatan sa buong mundo na magprotekta
upang hindi makapasok ditto ang mga higante.
A. bungo B. kilay C.paa D.ugat

II.Panuto: Salungguhitan ang pandiwang ginamit sa pangungusap at bilugan ang pokus nito.Pagkatapos
sabihin kung ito ay pokus sa tagaganap o layon.

_____________1. Nagbalak sina Thor at loki na maglakbay sa lupain ng mga higante.


____________2. Natutulog pa ang higante nang dumating sila sa kaharian.
____________3. Ang tarangkahan ng kaharian ay sinubok na buksan ni Thor.
____________4. Hinugot ni Thor ang maso sa ulo ng higante.
____________5. Si Skrymir ay nagising at inaakalang may nalaglag na dahon sa kanyang ulo.

You might also like