You are on page 1of 2

MOSTRO NATIONAL HIGH SCHOOL

Mostro, Anilao, Iloilo

2nd Quarter Examination


FILIPINO 10

Panuto: Piliin at isulat ang letra ng tamang sagot.


1. Ano ang tawag sa kabuuan ng mga kaisipang nais ipahayag ng isang mananalumpati sa harap ng publiko?
a. editoryal b. lathalain c. pitak d. talumpati
2. _____________ ng klase ni Almira, agad siyang umuwi upang tumulong sa gawaing-bahay. Anong salita ang angkop na
gamitin sa pangungusap?
a. Sumunod b. Ngayong araw c. Pagkatapos d. Kagabi
3. Ang _____________ ay isang uri ng akdang tuluyan na nagsasalaysay tungkol sa pinagmulan ng mga diyos at diyosa,
bathala at mga anito, sa pagkakalikha ng mundo at ng kalawakan.
a. alamat b. epiko c. kwentong bayan d. mitolohiya
4. Ang maikling kwentong “Aginaldo ng mga Mago” ay orihinal na akda ni ________________ na isinalin sa Filipino ni
Rufino Alejandro.
a. Snorri Sturluson b. Alejandro Abadilla c. O. Henry d. Elizabeth Browning
5. Ano ang naging dahilan ng kamatayan ni Romeo?
a. sinaksak siya ni Tybalt c. tinamaan siya ng pana sa digmaan
b. Uminom siya ng lason d. nagkasakit dala ng matinding gutom
6. Ano ang ginawang paraan ng mag - asawang Della at Jim upang mabigyan ng regalo ang isa’t isa?
a. Isinanla nila ang kanilang mga alahas. c. Ipinagbili ni Jim ang kanyang gintong relos.
b. Ipinagbili ni Della ang kanyang buhok. d. b at c
7. Isang akdang tuluyan na maraming tauhan at pangyayaring totoo o likhang isip lamang.
a. dula b. nobela c. maikling kwentod. alamat
8. Uri ng tula na naglalahad ng mga saloobin, damdamin, imahinasyon at karanasang maaaring sarili ng may akda o ng
ibang tao.
a. pasalaysay b. padula c. pandamdamin d. patnigan
9. (Hingi) nila ng tulong ang mga nasalanta ng bagyo sa Kabisayaan. Ang angkop na pandiwang dapat gamitin sa
pangungusap ay _____________________?
a. Nanghingi b. ipinaghingi c. ipinanghingi d. humingi
10. Sumalagpak siya sa malambot na sopa. Ang kasingkahulugan ng salitang sumalagpak ay ______________?
a. Napaupo b. natumba c. napahandusay d. napahiga
11. Ang sumusunod ay katangian ng dagli liban sa _______________?
a. gahol sa banghay c. walang aksiyong umuunlad
b. sentimental sa pagsasalaysay d. mga paglalarawan lamang
12. Nilinlang ni Utgaro-Loki si Thor upang hindi ____________________?
a. Na makabalik sa pinanggalingan c. sila masakop at magapi
b. Manaig ang kapangyarihan nito d. sila mapaglaruan ng taglay nitong lakas
13. Ang pagbibigay payo ng higante kay Thor ay nangangahulugan ng ______________________.
a. pag - aalala b. pagmamalasakit c. pagmamahal d. pagtanaw ng utang na loob
14. Alin sa sumusunod na salita ang hindi ginamit sa pagpapakilala ng pahayag na nagbibigay ng opinyon o reaksiyon
mula sa suring basa?
a. Tunay na b. bagkus c. sa makatotohanan d. totoo
15. Ano ang tawag sa mga katagang paningit na laging sumusunod sa unang pangngalan, panghalip, pandiwa, pang-uri o
pang-abay.
a. Kaganapan b. Ingklitik c. pang-abay d. paksa
16. Isang uri ng tula na nagmula sa Italy na may labing -apat na taludtod at sampung pantig sa bawat taludtod.
a. Tanaga b. soneto c. haiku d. alegorya
17. Sa anong taon isinulat ang nobelang “Ang Matanda at ang Dagat?”
a. 1950 b. 1951 c. 1952 d. 1953
18. Sila ang mga tauhan sa dulang sinulat ni William Shakespeare na naglalarawan sa walang kamatayang pag-ibig na
humantong sa isang trahedya.
a. Samson at Delilah b. Romeo at Juliet c. Florante at Laura d. Thor at Loki
19. Anong kaisipan ang lumutang sa maikling kwentong “Aginaldo ng mga Mago?”
a. Mas mainam magbigay kaysa tumanggap. c. Ang Diyos ay pag-ibig.
b. Ang pag-ibig ay pagpapakasakit. d. Ang PAsko ay para sa mga bata.
20. Isang anyo ng panitikan na may matalinghagang pagpapahayag ng isipan at damdamin.
a. Alamat b. mitolohiya c. tula d. nobela
21. Isa sa elemento ng tula na tumutukoy sa paggamit ng matatalinghagang salita.
a. Sukat b. tugma c. kariktan d. talinghaga
22. Isang natatanging kwento na tumatalakay sa kultura, mga diyos o bathala at kanilang karanasan sa
pakikipagsalamuha sa mga tao.
a. Alamat b. mitolohiya c. tula d. nobela
23. Sino ang orihinal na sumulat ng mitolohiyang “Sina Thor at Loki sa Lupain ng mga Higante?”
a. Snorri Sturluson b. Alejandro Abadilla c. O. Henry d. Elizabeth Browning
24. Sino ang bathala ng mga diyos at lumikha sa mga tao sa mitolohiyang “Ang Mga Diyos ng Norse?”
a. Thor b. Odin c. Frigga d. Freyr
25. Ano ang tawag sa malaking martilyo ni Thor?
a. Mohlnir b. Mholnir c. Mojlnir d. Mjolnir
26. Sa anong hayop nagpapalit ng anyo ang diyosang si Rihawani?
a. puting usa b. puting kabayo c. puting ibon d. puting aso
27.

You might also like