You are on page 1of 1

SCHOOLS DIVISION OFFICE – MALABON CITY

TINAJEROS NATIONAL HIGH SCHOOL


Unang Lagumang Pagsusulit sa Filipino 10 (Summative 1)
Ikalawang linggo

Pangalan: _______________________________________ Seksyon: _______________ Iskor: ___________

I. Piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat ang sagot sa tabi ng bilang.

1. Alin sa mga sumusunod ang HINDI katangian ng isang mitolohiya?


A. Tumatalakay sa pagkalikha ng mundo.
B. Ipinapakita ang ugnayan ng mga tao at ng mga diyos at diyosa.
C. Nahahati sa mga tagpo at yugto.
D. Ang mga tauhan ay may natatanging kakayahan.

2. Bakit hindi nagtagumpay sa mga pagsubok ni Utgard-Loki sina Thor?


A. Dahil lubhang napakahirap ng mga pagsubok na inihanda ni UtgardLoki.
B. Dahil sa pagiging mainitin ng ulo ni Thor kaya siya nagkamali sa mga pagsubok.
C. Gumamit ng mahika si Utgard-Loki upang mandaya dahil batid niyang malakas na kalaban si Thor.
D. Pinagkaisahan sina Thor at ang kaniyang mga kasamahan ng mga alagad ni Utgard-Loki upang di sila
manalo

3. Isang akdang pampanitikan na ang pinakalayunin ay maitanghal.


A. Nobela B.Maikling Kuwento C. Dula D. Pabula

4. Isang uri ng dula na karaniwang nagwawakas nang malungkot dahil sa pagkamatay nga tauhan.
A. Komedya B. Parodya C. Melodrama D. Trahedya

5. Siya ang orihinal na may akda ng Romeo at Juliet.


A.Francisco Balagtas B. Jose Corazon B. Gregorio C. Borlaza D. William
Shakespeare

II. Basahin ang bawat pahayag tukuyin kung ito ay Tama o Mali. Isulat ang sagot katabi ng bilang.

1. Ang Dula ay isang tradisyonal na salaysay na kadalasang tumatalakay sa kultura, sa mga diyos o bathala
at ang kanilang karanasan sa pakikisalamuha sa mga tao.
2. Ang Iskrip ang pinakakauluwa ng isang dula.
3. Ang mga tauhan gaya ninaThor, Odin, Loki ay mula sa Mitolohiyang Norse.
4. Ibinigay ni Utgaro Loki ang mga sumusunod na paligsahan kina Thor- Pabilisan sa paglangoy, pabilisan sa
pagputol ng malaking puno at pagpapaamo sa mabangis na tigre.
5. Sa mitolohoyang Norse, ang kaharian ng mga higante ay tinatawag na Jotunheim.
6. Sina Romeo at Juliet ay mula sa magkatulad na pamilya kaya ipinagbabawal ng kanilang angkan ang
kanilang pag-iibigan.
7. Ang collocation o kolokasyon ay ang pagsasama ng dalawang magkaibang salita upang makabuo ng
bagong salita na may ibang pagpapakahulugan.
8. Ang banghay ay tumutukoy sa pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa isang kuwento.
9. Nagwakas ang Dulang Romeo at Juliet sa pagkamatay ni Juliet na labis na ikinalungkot ni Romeo kaya
ninais niyang maghiganti.
10. Ang mga dula ay may kakayahan ring magpakilos at magpamulat sa kaisipan ng mga manonood.

III. WIKA: Dugtungan ang mga sumusunod na salita upang mabuo ang kahulugan.
1. Kamay na ___________ (malupit, marahas)
2. Urong ______________ (nahihirapang magdesisyon o mag-isip ng hakbang na gagawin)
3. Kapit ___________ (nagkakaisa at nagtutulungan)
4. Punong____________ (pangunaghing tao na nag-aasikaso ng lahat sa isang programa, pagdiriwang)
5. Pantawid _________ (paraan upang pansamantalang matugunan ang kumakalam na sikumura)

You might also like