You are on page 1of 10

Northeastern College, Inc.

Santiago City
College of Education
Masusing Banghay Aralin
Sa
ESP 1
ASIGNATURA: ESP 3 MARKAHAN
PAARALAN: Santiago South Central WEEK _3_DAY _2_
School
GURO: Rochelle S. Mauro PETSA/ORAS:7:45-8:15
I. LAYUNIN
A. PAMANTAYANG Naipapamalas ang pagiging masaya para sa tagumpay
PANGNILALAMAN: ng ibang kasapi ng pamilya at ng kamag-aral
B. PAMANTAYANG SA Naisasabuhay ang pagiging mapag-paraya at mapag-
PAGGANAP: pakumbaba
C. PINAKAMAHALAGANG Nakapagbibigay ng ibat-ibang paraan ng Pagpaparaya
KASANAYAN SA at Pagpapakumbaba
PAGKATUTO:
KODA: EsP1PPP-IIId-e-3
II. NILALAMAN Naipapamalas ang pagpapakita ng pagpaparaya at
pagpapakumbaba
III. KAGAMITANG PANTURO
A. Sanggunihan:
1. Mga Pahina sa Gabay
ng Guro
2. Mga Pahina sa
kagamitang pangmag-aaral
3. Mga Pahina sa
Teksbuk
4. Karagdagang
kagamitan mula sa portal ng
Learning Resource (LR)
B. Iba pang kagamitang Larawan, powerpoint, work sheet
Panturo

IV. PAMAMARAAN
GAWAING GURO
a) PAGBATI
Isang mapagpalang araw mga bata! Magandang umaga po ma’am.

1
Northeastern College, Inc.
Santiago City
College of Education
Kumusta ang bawat isa? Mabuti naman po.
Mabuti kung ganon.

b) PAGTALA NG LUMIBAN
Ngayon naman hinihiling ko na makinig ang
bawat isa. Kapag tinawag ko ang inyong
pangalan kayo ay papalakpak.
Maliwang ba mga bata?
Opo.
c) PAGBABALIK-ARAL
Ano ang tinalakay natin noong nakaraang
linggo? Tungkol po sa pagiging masunurin at
magalang.

Magaling! Tunay nga na nakinig kayo sa ating


aralin.
Ngayon, ako ay may inihandang gawain para
sa inyo.

Panuto: Sabihin ang TAMA kung ang


pangungusap ay nagpapakita ng may
paggalang at masunurin, sabihin naman ang
MALI kung ang pangungusap ay hindi
nagpapakita ng paggalang at masunurin.
Naintindihan ba mga bata? Opo!
Mahusay! Makinig ng mabuti ang bawat isa.
Mga sagot:
1. Ate kumain kana po ba? 1. TAMA
2. Lolo, mag-ingat ka po. 2. TAMA
3. Hoy! Umalis ka nga sa tabi ko! 3. MALI
4. Sinabihan ni Lola Gina si Prince na wag
makulit, kaya si Prince ay tumahimik agad.
4. TAMA

2
Northeastern College, Inc.
Santiago City
College of Education
5. Mama, salamat po sa binigay mong regalo. 5. TAMA

A. PAGGANYAK
Bago natin ipag-patuloy ang ating bagong
aralin, ako ay may inihandang gawain para sa
inyo!
Handa naba ang lahat na makinig at mag sagot
sa aking inihandang gawain?
Panuto: Basahing mabuti ang mga salita.
Pumili ng isang tamang sagot at ilagay ito sa
patlang.

Mga tamang sagot:

1. Si kyla ay isang ____________ na bata. Siya


ay laging pinapagalitan dahil hindi maganda
ang kanyang ugali. Makalipas ang ilang araw si
Kyla ay nagsisi at humingi siya ng tawad sa
kanyang Magulang.
Giselle, ano ang tamang sagot? 1.masungit po!
2. Nagugutom si Cleon kaya bumili siya ng
pagkain, pero may nakita siyang isang bata na
gutom na __________ kaya ibinigay niya
nalang ang kanyang pagkain.

3
Northeastern College, Inc.
Santiago City
College of Education

Brix, ano ang tamang sagot? 2.gutom po!


3. Ang _________ ni Danica ay palaging
sinasaktan ng kanyang kapatid. Naawa si
Danica kaya tinuruan niya na wag saktan ang
pusa. Kaya humingi ng tawad ang kanyang
kapatid sa kanya.
3. Pusa po!
Kylie, ano ang tamang sagot?
3. Si shayna ay may kasalanan kay vincent,
kaya hindi siya nagdalawang isip na
_________________.
Savannah, ano ang tamang sagot? 4. Magpakumbaba po!
5. Bumili ng tubig si Carren, dahil siya ay
nauuhaw na, paglipas ng tatlong minuto may
nakita siyang bata na sobrang uhaw, siya ay
_____________ kaya ibinigay nalang niya ang
kanyang tubig.
George, ano ang tamang sagot?
5. Nagparaya po!

Tayo nga ay pumalakpak ng mahusay clap,


dahil nasagot niyo ng tama ang ating gawain.
Ang mga nabuo niyong salita ay konektado sa
ating bagong aralin ngayon.

B. PAGPAPAKILALA SA ARALIN
Handa naba na makinig ang lahat?
Basahin natin!
1. Nagugutom si Cleon kaya bumili siya ng
pagkain, pero may nakita siyang isang bata na
naka-upo at gutom na gutom kaya ibinigay ni Babasahin ng mga mag-aaral.
Cleon ang kanyang pagkain sa bata.
Bakit bumili ng pagkain si Cleon? Siya po ay nagutom.

4
Northeastern College, Inc.
Santiago City
College of Education
Ano ang nakita ni Cleon? Isang bata po.
Ano ang ginagawa ng bata? Naka-upo at gutom na gutom.
Ano ang ginawa ni Cleon pagkatapos niyang Ibinigay nia po ang kanyang pagkain.
makita ang bata?
Ano ang tawag sa ginawa ni Cleon?
Siya po ay nagparaya.

Magaling!
2. Bumili ng tubig si Carren, dahil siya ay
nauuhaw na, paglipas ng tatlong minuto may
nakita siyang bata na nakatayo at sobrang
uhaw kaya, ibinigay nalang niya ang kanyang
tubig.
Bakit bumili ng tubig si Carren? Siya po ay nauuhaw.

Ano ang nakita ni Carren? Isang bata po.

Ano ang ginagawa ng bata? Nakatayo po at uhaw na uhaw ang


bata.
Ano ang ginawa ni Carren pagkatapos niyang
makita ang bata? Ibinigay niya po ang kanyang tubig sa
bata.
Ano ang tawag sa ginawa ni Carren?
Siya po ay nagparaya.

Mahusay!
Ang pagpaparaya ay nagpapakita ng
kagandahang loob sa isang tao na
nangangailangan ng tulong.
Mahalaga ang pagpaparaya dahil nagpapakita
ito ng pagmamahal sa ating kapwa o mga
mahal sa buhay.

1. Natulak ni Danica ang kanyang kapatid


ngunit hindi niya ito sinasadya, kaya agad
siyang nagpapakumbaba at humingi ng
patawad.
Ano ang nagawa ni danica sa kanyang

5
Northeastern College, Inc.
Santiago City
College of Education
kapatid? Naitulak niya po ang kanyang
kapatid.
Hindi po!
Sinasadya ba ni danica ang pagtulak sa
kanyang kapatid?
Siya po ay nagpakumbaba at humingi
ng tawad.
Ano ang ginawa ni danica sa kanyang kapatid?

Opo!
Tama ba ang ginawa ni danica na siya ay
nagpakumbaba?
Magaling!
2. Si May ann ay galit na galit sa kanyang
kapatid dala ng kanyang pagod galing sa
paaralan, kaya nasigawan ni May ann ang
kanyang kapatid at umiyak ang kanyang
kapatid. Makalipas ang dalawang minuto, agad
na lumapit si May ann sa kanyang para
magpakumbaba at humingi ng tawad. Si May Ann po.
Sino ang galit na galit? Dahil po pagod siya.
Bakit galit na galit si May Ann ? Nasigawan niya po ang kanyang
Ano ang ginawa ni May Ann sa kanyang kapatid.
kapatid? Hindi po.
Tama ba na sigawan ang kapatid?

Siya po ay nagpakumbaba at humingi


Ano ang ginawa ni May Ann para magkaayos ng tawad.
na sila ng kanyang kapatid?

Opo!
Tama ba na nagpakumbaba si May Ann?
Magaling!
Laging tandaan na kapag tayo ay nakagawa ng
kasalanan, lagi tayong magpakumbaba at
humingi ng tawad sa mga taong nagawan natin
ng mali.

6
Northeastern College, Inc.
Santiago City
College of Education
Opo!
Naintindihan ba mga bata?
Pagpaparaya po at
pagpapakumbaba.
Ano ulit ang ating tinalakay ngayon?

Magaling!
Nagpapakita po ng pagmamahal at
Myrtle, Ano ang pagpaparaya?
pagtulong sa isang tao.

Magaling!
Ito po ay paghingi ng tawad sa mga
Cristina, Ano naman ang pagpapakumbaba? taong nagawan natin ng kasalanan.

Mahusay!
C. PAGLALAPAT
“TAMA O MALI”
Panuto: Sabihin ang TAMA kung ang
pangungusap ay nagsasaad ng Pagpaparaya
at pagpapakumbaba at sabihin naman ang
MALI kung ang pangungusap ay hindi Mga sagot:
nagsasaad ng Pagpaparaya at
pagpapakumbaba.

1. Natapon ni Kath ang tubig ni Jerson kaya


agad na humingi ng tawad si kath kay Jerson. 1. Tama po!
Daryl, ano ang tamang sagot?
Mahusay!
2. Nawala ang lapis ni Bensmark kaya ibinigay
nalang ni Mariel ang kanyang lapis dahil hindi
pa naman niya ito kailangan.
Arielle, ano ang tamang sagot? 2. Tama po!

Magaling!

7
Northeastern College, Inc.
Santiago City
College of Education

3. Maraming pagkain si Divine ngunit ayaw


niyang bigyan si Myra.
3. Mali po!
Alfred, ano ang tamang sagot?
4. Nawala ni Shayna ang kanyang pera kaya
siya ay natatakot na umuwi sa kanilang bahay,
ngunit naisip niya na kailangan niya itong
sabihin sa kanyang mama, kaya siya ay umuwi
at humingi ng tawad na hindi niya sinasadya na
mawala ang kanyang pera. 4. Tama po!
Sky, ano ang tamang sagot?
5. Si Marielle ay palaging may kaaway, kaya
wala siyang kaibigan. Lumipas ang isang araw
siya ay humingi ng tawad sa kanyang mga
kalaro na magiging mabait na siya. 5. TAMA
Xian, ano ang tamang sagot?
Magaling! Palakpakan ang bawat isa.
D. PAGLALAHAT
Ngayon naman, ako ay may itatanong at
kailangan niyo itong sagutin ng maayos.
Panuto: Magbigay ng halimbawa ng
PAGPAPARAYA.

Anu-ano ang mga halimbawa ng pagiging Tulungan po ang nangangailagan ng


mapagparaya. tulong.
Maging mapagbigay po sa kapwa.
Ibahagi ang pagpapala sa ibang tao.

Anu-ano ang mga halimbawa ng pagiging Humingi ng tawad sa mga taong


mapagpakumbaba. nagawan natin ng kasalanan.
Wag maging mayabang.

Mahusay!

8
Northeastern College, Inc.
Santiago City
College of Education

E. EBALWASYON
Panuto: Bilugan ang TAMA kung ang sinasaad ay pagpaparaya at pagpapakumbaba.
Bilugan naman ang MALI kung ang sinasaad ay hindi nagpapakita ng pagpaparaya at
pagpapakumbaba.

1. Nasipa ni Josh ang sugat ni Kim ngunit hindi niya sinasadya, kaya humingi agad siya
ng tawad.
A. TAMA B. MALI
2. Nakita ni Eduard na naubusan ng papel si Lucky, kaya hindi siya nagdalawang isip
na bigyan siya dahil hindi pa naman niya magagamit ang kanyang papel.
A. TAMA B. MALI
3. Narinig ni Aaron na kulang ang pamasahe ni Andrei kaya agad niya itong
pinahiraman ng pera, para maka-uwi na siya.
A. TAMA B. MALI
4. Maraming krayola si Melisha ngunit ayaw niyang pahiramin si Benedick dahil hindi
sila magkasundo.
A. TAMA B. MALI
5. Naglalaro si Emman ng bola at nasipa niya ang pagkain ni Mark, hindi sinasadya ni
Emman na masipa ang kanyang pagkain, kaya siya agad ay humingi ng tawad.
A. TAMA B. MALI

9
Northeastern College, Inc.
Santiago City
College of Education

Takdang Aralin:

Panuto: Magbigay ng tatlong halimbawa ng nagpapakita ng pagpaparaya at


pagpapakumbaba.

Pagpaparaya
1.
2.
3.

Pagpapakumbaba
1.
2.
3.

Check by:
JOY E. TORRES ROCHELLE S. MAURO
Cooperating Teacher Pre-service Teacher

10

You might also like