You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION III – CENTRAL LUZON
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF BATAAN
JOSE C. PAYUMO JR. MEMORIAL HIGH SCHOOL
NAPARING, DINALUPIHAN, BATAAN

Paunang Pagtataya sa Module 5 – Filipino 10

Pangalan: _____________________________ Baitang at Seksyon: _________________ Iskor:


_____

Panuto: Basahin at unawain ang talata. Gamitan ng angkop panghalip bilang panuring sa tauhan sa mga
patlang upang mabuo ang diwa ng talata.

Isang araw, lumabas si Aling Marta at tumungo sa pamilihan upang bumili ng garbansos dahil paborito ito
ng (1) _____ anak na magtatapos ng highschool sa araw na iyon. Pagkapasok (2) _____ sa pamilihan, (3)
_____ ay nabangga ng isang batang lalaki na nakasuot ng maruming maong at punit na kamiseta.
Pinagalitan ni Aling Marta ang bata at tumungo kay Aling Godyang upang mamili. Dumukot sa bulsa si
Aling Marta ngunit wala ang (4) _____ kalupi. Naalala (5) _____ ang batang bumangga sa kanya at agad na
hinabol ito sapagkat ito ay hindi pa nakakalayo. Inakusahan niya ang bata at tumawag pa ng pulis ngunit
wala sa bata ang nawawalang kalupi. May pag-asa pa kayang maibalik ang kalupi ni Aling Marta?

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat aytem. Piliin ang letra/titik ng tamang sagot sa bawat
pahayag.
6. Ang Bulkang Taal ay isa sa mga dinarayo ng iba't ibang turista sa Pilipinas dahil sa angking
kagandahan na pinaliligiran ng lawa. Ito ay pinakamaliit ngunit delikadong aktibong bulkan. Ang
nakasalungguhit na salita ay kinatakatawan ng _____?
a. Pang-ugnay b. Panghalip c. Anapora d. Katapora
7. Sa pangungusap na "Lubos na Naunawaan ni Mathilde ang mamuhay sa gitna ng tunay na karalitaan.
Siya ay nabigla sa bagong papel na kailangan niyang gampanan at tinanggap niya ng buong puso".
Anong kohesiyong gramatikal ang nagamit sa pangungusap?
a. Anapora b. Katapora c. Panghalip d. Pangngalan
8. Malugod ang pagtanggap ni Marita kay Em-em nang muli siyang magbalik sa lupang tinubuan. Anong
salita ang tinutukoy sa nakasalungguhit sa pangungusap? a. Marita b. Em-em c.
ang d. lupang tinubuan
9. Nag-aral nang mabuti si Iesha upang makaahon sa kahirapan. Siya ay masikap. Anong panghalip ang
ginamit sa pangungusap? a. nang b. si c. siya d. upang
10. Biglang tumigil sa pagsasalita nang maramdaman __ ang pighati ng kaniyang puso. Anong panghalip
ang angkop sa patlang ng pangungusap? a. niya b. nila c. nito d.
siya
11. Ang ama ng wikang pambansa ay isang tunay na nagmalasakit sa pagkakaisa ng bawat Pilipino.
Maliban sa pagiging senador at gobernador, ____ rin ang nagpasulong ng kasarinlan ng Pilipinas mula
sa pamahalaang Amerikano. Anong panghalip ang angkop sa patlang ng pangungusap?
a. ito b. kami c. ikaw d. siya
12. Si Cedrick ang tinanghal na talentadong kabataan. Siya ay labis na nagalak sa tinamong karangalan.
Anong kohesiyong gramatikal ang nagamit sa pangungusap?
a. Anapora b. Katapora c. Panghalip d. Pangngalan
13. Ito ay imitasyon lamang. Ang kuwintas ay yari lamang sa puwit ng baso.Anong kohesiyong
gramatikal ang nagamit sa pangungusap?
a. Anapora b. Katapora c. Paghalip d. Pangngalan
14. Sila ay naniniwala sa "egalite" na nangangahulugang pagkakapantay-pantay. Ang mga taga- France
ay may pagkakapatiran at kalayaang pinaiiral. Sa pangungusap na ito, aling salita ang tumutukoy sa
panghalip na sila?
a. egalite b. France c. Kalayaan d. taga-France
15. Sa pangungusap na, Ang pagmamahal niya sa bayan ay hindi mapapasubalian. Ito ay taglay niya
hanggang kamatayan. Anong salita ang pinalitan ng nakasalungguhit sa pangungusap?
a. taglay b. kamatayan c. bayan d. pagmamahal

16-20 Tukuyin kung Anapora o Katapura ang mga sumusunod na pangungusap sa bawat bilang.

16. Sa iskwater naninirahan si Impen at ang kaniyang Ina. Ito ang nagsisilbing tahanan at pundasyon ng
kanilang pamilya.
17. Isa siyang ekonomista kaya alam ng Pangulong Arroyo kung paano muling sisigla ang turismo sa
Pilipinas.
18. Si G. Loisel ay abang tagasulat. Siya ay mabait at masipag na asawa.
19. Si Seong Gi-hun ay isa sa mga aktor na hinangaan ng pelikulang Squid game. Siya ay may mabuting
puso na nagpaantig sa damdamin ng manunuod.
20. Ito ang sentro at kabisera ng Bataan. Karamihan sa lungsod ng Balanga ay pantahananpansaka ang
ikinabubuhay ng mamamayan para sa lumalagong komersyal na sektor.

Inihanda ni:

CATHERINE J. BORJA
Guro sa Filipino

You might also like