You are on page 1of 6

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION III
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF BATAAN

UNANG PANAHUNANG PAGSUSULIT SA FILIPINO 9

Pangalan: _____________________________________________________ Iskor: ________________________


Baitang & Seksyon: __________________________________________ Petsa: ________________________

PANUTO: Basahing nang mabuti ang mga pangungusap. Tukuyin ang tamang sagot sa mga
sumusunod na pahayag o tanong. Isulat sa patlang ang wastong titik.
_____1. Ang akdang “Ang Ama” mula sa bansang Singapore ay nagpapakita ng suliraning
a. pambubuli c. pagbebenta ng anak
b. maagang pag-aasawa d. pang-aabuso sa pamilya

Para sa bilang 2-3. PANUTO: Basahin ang pangungusap na nasa ibaba. Piliin ang wastong titik.
Natatandaan ng mga bata ang isa o dalawang okasyon na sinorpresa sila ng ama ng kaluwagang-palad
nito.
_____2. Anong kahulugan ng salitang may salungguhit?
a. makasarili c. mahirap
b. mapagbigay d. masaya
_____3. Ang salitang kaluwagang-palad na ginamit sa pangungusap sa itaas ay nasa pagpapakahulugang
a. konotasyon c. talinghaga
b. denotasyon d. pang-abay

Para sa bilang 4-5


Nagmamasid ang mga bata sa kanilang ama habang nagkukubli sa halaman.
_____4. Anong kahulugan ng salitang may salungguhit?
a. naghahanap c. nagtatago
b. naninilip d. tumatanaw
_____5. Ang salitang nagkukubli na ginamit sa pangungusap sa itaas ay nasa pagpapakahulugang
a. konotasyon c. talinghaga
b. denotasyon d. pang-abay

Para sa bilang 6-10. PANUTO: Basahin ang tekstong nasa ibaba. Piliin ang tamang sagot.
Magkahalo lagi ang takot at pananabik kapag hinihintay ng mga bata ang kanilang ama. Ang takot
ay sa alaala ng isang lasing na suntok sa bibig na nagpapatulo ng dugo at nagpapamaga ng ilang araw sa
labi. Ang pananabik ay sa pagkain na paminsan-minsa'y inuuwi ng ama - malaking supot ng mainit na
pansit na iginisa sa itlog at gulay.
Halaw sa akdang “Ang Ama” (Panitikang Asyano, pahina 17)
____6. Ano ang damdaming nararamdaman ng mga bata kapag hinihintay nila ang kanilang ama?
a. Saya at pananabik c. Pananabik at takot
b. Saya at lungkot d. Pananabik at saya
_____7. Anong dahilan kung bakit nakararamdam ng takot ang mga bata sa kanilang ama?
a. Napapagalitan sila dahil ayaw nilang sumunod sa utos ng kanilang magulang
b. Binibigyan sila nang paminsan-minsang pagkain ng kanilang ama
c. Naaalala nila ang labis na pananakit sa kanila ng ama
d. Hindi sila kumakain nang sabay-sabay.
1
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF BATAAN

_____8. Ang takot ay sa alaala ng isang lasing na suntok sa bibig na nagpapatulo ng dugo at nagpapamaga
ng
ilang araw sa labi. Batay sa pahayag paano mo nakilala ang ama sa kwento?
a. Mapagmahal c. Mapanakit
b. Maunawain d. Madamot
_____9. Anong dahilan kung bakit nakararamdam ng pananabik ang mga bata sa kanilang ama?
a. Napapagalitan sila dahil ayaw nilang sumunod sa utos ng kanilang magulang
b. Binibigyan sila nang paminsan-minsang pagkain ng kanilang ama
c. Naaalala nila ang labis na pananakit sa kanila ng ama
d. Hindi sila kumakain nang sabay-sabay.
_____10. Ang pananabik ay sa pagkain na paminsan-minsa'y inuuwi ng ama - malaking supot ng mainit na
pansit na iginisa sa itlog at gulay, ano ang kahulugan ng salitang may salungguhit?
a. Nalulungkot c. Pagiging mapagbigay
b. Natatakot d. Pagnanais na makita
_____11. Nagtungo si Harley sa lungsod upang humanap ng trabaho. Anong uri ng pang-abay ang may
salungguhit?
a. Pamanahon c. Pamaraan
b. Panlunan d. Panlinaw
_____12. Nagsimula kahapon ang paligsahan sa spoken word poetry. Ang uri ng pang-abay na ginamit ay
a. Pamanahon c. Pamaraan
b. Panlunan d. Panlinaw.
_____13. Lumakad nang matulin si Levi dahil biglang lumakas ang ulan. Ang uri ng pang-abay na ginamit
ay
a. Pamanahon c. Pamaraan
b. Panlunan d. Panlinaw.

Para sa bilang 14-18. PANUTO: Basahin ang bahagi ng alamat na nasa ibaba. Piliin ang tamang sagot.
Itinali nang mahigpit ni Prahnbun ang pakpak ni Prinsesa Manorah upang hindi makawala at
tuluyang madala pabalik sa Udon Panjah at mabigay kay Prinsipe Suton na noo’y naglalakbay rin sakay sa
kabayo papunta sa kagubatan. Nakasalubong niya si Prahnbun dala-dala si Prinsesa Manorah. Agad-agad
na naakit sa kagandahan ni Prinsesa Manorah ang prinsipe.
Halaw sa akdang “Alamat ni Prinsesa Manorah” (Panitikang Asyano, pahina
31)
_____14. Anong bahagi sa binasang akda ang nagpapakita ng hindi makatotohanan?
a. Itinali nang mahigpit ni Prahnbun ang pakpak ni Prinsesa Manorah
b. Mabigay ni Prahnbun si Prinsesa Manorah kay Prinsipe Suton
c. Agad-agad na naakit si Prinsipe Suton kay Prinsesa Manorah
d. Wala sa nabanggit
_____15. Anong dahilan kung bakit naakit agad si Prinsipe Suton kay Prinsesa Manorah?
a. Sa pagkakaroon niya ng pakpak
b. Sa taglay niyang kagandahan
c. Sa husay niya sa pakikipaglaban
2
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF BATAAN

d. Wala sa nabanggit
_____16. Anong dahilan kung bakit hinuli ni Prahnbun si Prinsesa Manorah?
a. Para sa kanyang sarili
b. Ibalik sa mga kapatid nito
c. Dalin sa hari at reyna ng Udon Panjah
d. Ipagkaloob kay Prinsipe Suton
_____17. Itinali nang mahigpit ni Prahnbun ang pakpak ni Prinsesa Manorah. Anong uri ng pang-abay
ang may salungguhit?
a. Pamanahon c. Pamaraan
b. Panlunan d. Panlinaw
_____18. Naglalakbay rin sakay sa kabayo papunta sa kagubatan. Ang uri ng pang-abay na ginamit ay
a. Pamanahon c. Pamaraan
b. Panlunan d. Panlinaw.

Para sa bilang 19-23. PANUTO: Basahin ang tekstong nasa ibaba. Piliin ang tamang sagot.
(1) Sa pagpasok ng taong 2020 ay nakaranas ng krisis sa kalusugan ang buong mundo dahil sa
peligrong dala ng virus na COVID-19. (2) Batay sa inilabas ng World Health Organization o WHO ang
sintomas ng nasabing sakit ay pananakit ng lalamunan, kawalan ng panlasa, panghihina ng
pangangatawan, pagkakaroon ng lagnat at hirap sa paghinga. (3) Tunay na mapanganib na mahawa at
hanggang ngayon ay pinapayuhang magsuot pa rin magsuot ng Facemask sa mga mataong lugar. (4)
Ngunit sa akala ng iba ang sanhi ng mabilisang pagkahawa sa COVID-19 ay dulot ng pagkakaroon ng 5G
Telecommunication Network sa bawat bansa. (5) At sa tingin nila ang pagtuturok ng bakuna ay
pagkakaroon ng mga microchips sa loob ng katawan ng mga tao.
Halaw sa isinulat ni Jayson Y. Mangune
_____19. Alin sa mga bilang ng pangungusap sa itaas ang nagpapahayag ng katotohanan?
a. 1 at 5 c. 2 at 3
b. 2 at 4 d. 4 at 5
_____20. Alin sa mga bilang ng pangungusap sa itaas ang nagpapahayag ng opinyon?
a. 1 at 5 c. 2 at 3
b. 2 at 4 d. 4 at 5
_____21. Sa pangungusap bilang 4 sa itaas ang salitang nagpapakita ng paggamit ng opinyon ay
a. Ngunit c. akala
b. sanhi d. mabilisan
_____22. Sa pangungusap bilang 2 sa itaas ang katagang nagpapakita ng paggamit ng katotohanan ay
a. Batay c. at
b. sintomas d. nasabi
_____23. Ang mga sumusunod na pahayag ang nagpapakita ng pagbibigay-opinyon?
a. Batay sa inilabas ng World Health Organization
b. Tunay na mapanganib na mahawa
c. Sa pagpasok ng taong 2020 ay nakaranas ng krisis sa kalusugan
d. At sa tingin nila ang pagtuturok ng bakuna ay pagkakaroon ng mga microchips

3
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF BATAAN

_____24. Ang akdang “Ang Ama” ay isang uri ng maikling kwentong


a. pag-ibig c. makabanghay
b. kababalaghan d. katatawanan
_____25. Anong dahilan kung bakit nagbago ang ama sa kwento?
a. Nawalan siya ng trabaho sa lagarian
b. Naubos ang pambili niya ng mga alak
c. Nasuntok niya si Mui-Mui at namatay ito
d. Lumayas ang asawa niya at kasama ang mga anak nila

Para sa bilang 26-30. PANUTO: Basahin ang tulang nasa ibaba. Piliin ang tamang sagot.
“Anod” ni Jayson Y. Mangune
Humahampas ang malalakas na alon
sa naglalakihang mga batong aking kinaroroonan,
kay lamig tuwing ito’y sumasaboy sa pagal kong katawan ,
halos katutuyo pa lamang nang nasalo ko ang pagtangis ng kalangitan.
Saglit munang titigil sa pagtakbo at sisipatin ang paligid kung may bago na bang natagpuan,
Nagmamakaawa sa sinag ng buwan… nawa’y mahanap ko na ang naanod na katawan ng aking mahal.

_____26. Kay lamig tuwing ito’y sumasaboy sa pagal kong katawan. Anong kahulugan ng salitang may
salungguhit?
a. mahinhin c. malakas
b. mahina d. pagod
_____27. Halos katutuyo pa lamang nang nasalo ko ang pagtangis ng kalangitan. Ang salitang may
salungguhit ay
a. pag-iyak c. pagtawag
b. paghabol d. pag-alay
_____28. …sisipatin ang paligid kung may bago na bang natagpuan Ang salitang may salungguhit ay
a. uunawain c. sisilipin
b. susuriin d. lilingunin
_____29. Ang salitang pagtangis ng kalangitan ay nasa pagpapakahulugang
a. konotasyon c. talinghaga
b. denotasyon d. pang-abay.
_____30. Nagmamakaawa sa sinag ng buwan. Ang salitang may salungguhit ay nasa pagpapakahulugang
a. konotasyon c. talinghaga
b. denotasyon d. pang-abay.

Para sa bilang 31-35. PANUTO: Basahin ang talatang nasa ibaba. Piliin ang tamang gamit ng pang-ugnay
na nasa loob ng kahon batay sa bawat bilang sa ibaba.
a. dahil b. o c. kung saan d. at e. ngunit

Sa patuloy na pagbabago ng panahon ay tila nagbago na rin ang pinagkukuhanan ng impormasyon


_____ (31) hilig ng mga tao, dati ay nagbabasa pa ng mga diyaryo at magasin ang mga tao _____ (32) sa
kasalukuyan sa isang swipe o scroll na lang ng smartphones, tablets, laptop at iba pang gadgets ay maaari
4
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF BATAAN

ng malaman ang mga nangyayari sa paligid tulad ng paggamit ng Facebook _____(33)nagiging updated din
sa mga trending o post ng mga tao. Naibibigay rin ang pangagailangan ng tao sa pang-araw-araw tulad ng
online transaction, text o call, chat o email, alarm clock, kalendaryo, pakikinig sa musika at iba pang
ginagamit na application. Ngunit ang lahat ng sobra ay masama tulad na lamang sa kabataang labis na
nahihilig sa mga online games at labis na paggamit ng soc med (social media) ay napapabayaan na nila ang
kanilang kalusugan tulad ng labis na pagpupuyat at hindi kumakain sa tamang oras _____ (34) dito
madalas silang nanghihina _____ (35) mukang pagod lagi at maging ang pag-aaral ay napapabayaan nila.

_____36. Masaya __ nagkita ang mag-ama nang makabalik sa ating bansa. Ang pang-angkop na gagamitin
ay
a. na c. -g
b. -ng d. o
_____37. Matamis __ mangga ang dala nina Layla at Lesley mula sa Bataan. Ang gagamiting pang-angkop ay
a. na c. -g
b. -ng d. o
_____38. Sakitin __ bata noon si Clint kaya madalas siyang liban sa klas . Ang pang-angkop na gagamitin ay
a. na c. -g
b. -ng d. o
_____39. Anong bahagi ng pananalita ang nag-uugnay sa dalawang salita, dalawang parirala o dalawang
sugnay?
a. pangatnig c. pandiwa
b. pang-abay d. pang-uri
_____40. Ito ang mga salitang nagbibigay-turing sa pandiwa, pang-uri at kapwa pang-abay.
a. pangatnig c. pandiwa
b. pang-abay d. pang-uri
Para sa bilang 41-43. PANUTO: Basahin ang bahagi ng sanaysay na nasa ibaba. Piliin ang tamang sagot
Ibig na ibig kong makilala ng isang “babaeng moderno” iyong babaeng malaya, nakapagmamalaki’t
makaakit ng aking loob! Iyong masaya, may tiwala sa sarili, masigla’t maagap na hinaharap ang buhay,
puno ng tuwa at sigasig, pinagsisikapan hindi lamang ang sariling kapakanan at kundi maging ang
kabutihan ng buong sangkatauhan.
Halaw sa akdang “Kay Estella Zeehandelaar” (Panitikang Asyano, pahina 53)
_____41. Ano ang nais ng babaeng sumulat sa binasang sanaysay?
a. makita ang tunay na mundo c. malaman ang bagong pananamit
b. mahanap ang kanyang mahal d. makilala ang babaeng malaya
_____42. Ano ang ibig sabihin ng babaeng moderno?
a. babaeng mahinhin c. babaeng maselan
b. babaeng makabago d. babaeng tahimik
_____43. Ang ibig sabihin ng salitang sigasig ay___________.
a. maalalahanin c. masipag
b. marunong d. magaling.

5
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF BATAAN

Para sa bilang 44-47. PANUTO: Basahin ang bahagi ng dulang “Tiyo Simoun” na nasa ibaba. Piliin ang
tamang sagot.
BOY: “Bakit napilay po kayo, Tiyo Simon? Totoo ba’ng sabi ni Mama na iya’y parusa ng Diyos?”
TIYO SIMON: (Matatawa) “Sinabi ba ng Mama mo ‘yon?”
BOY: Oo raw e, hindi kayo nagsisimba. Hindi raw kasi kayo naniniwala sa Diyos.
TIYO SIMON: (Mapapabuntong-hininga) Hindi totoo, Boy, na hindi ako naniniwala sa Diyos.
Halaw sa akdang “Kay Estella Zeehandelaar” (Panitikang Asyano, pahina 53)
_____44. Batay sa binasang dula sino ang nagsabi na hindi naniniwala sa Diyos si Tiyo Simoun?
a. Si Boy c. Kapitbahay
b. Nanay ni Boy d. Kaibigan ni Boy
_____45. Sa sinabi ni Boy sa kanyang tiyuhin na hindi kayo naniniwala sa Diyos, Papaano ipinakikilala ang
Nanay ni Boy batay sa kaniyang tinuran?
a. Mapanghamon c. Maalalahanin
b. Mapanghusga d. Mapagkakatiwalaan
_____46. Mula sa binasang dula sa itaas, ano ang pagkakilala mo kay Tiyo Simoun?
a. Maaalalahanin c. May kapansanan
b. Magagalitin d. Mapanirang tao
_____47. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng katotohanan batay sa binasang dula?
a. Naniniwala sa Diyos si Tiyo Simoun c. Hindi naniniwala sa Diyos si Tiyo Simoun
b. Naniniwala si Boy sa kanyang ina d. Hindi naniniwala sa Diyos ang nanay ni Boy
Para sa bilang 48-50. PANUTO: Basahin ang talatang nasa ibaba. Piliin ang wastong titik.
(1) Batay sa inilabas na balita ng ABS-CBN News (May 2011) na may paksang “7-10 Pinoy Students
are Bullying Victims” na karaniwan na ang tuksuhan at kantyawan sa mga bata sa eskwelahan. (2) Ayon
nga sa pag-aaral ng UNICEF na kadalasang nagaganap ang pambubuli sa mga batang edad na 10 pataas.
(3) Ngunit sa aking palagay na ang taong nambubuli ay naranasan din na nabuli siya noon kaya
gumaganti lang siya sa mga mahina sa kanya.
_____48. Mula sa binasang talata sa itaas, alin sa mga bilang ng pangungusap ang nagpapahayag ng
opinyon?
a. 1 c. 1 at 2
b. 3 d. 2 at 3
_____49. Anong mga bilang ng pangungusap ang nagpapahayag ng katotohan batay sa binasang talata?
a. 1 c. 1 at 2
b. 3 d. 2 at 3
_____50. Ang mga sumusunod ay nagpapahayag ng katotohanan MALIBAN sa
a. Ayon sa pag-aaral c. Batay sa inilabas na balita
b. Sa aking palagay d. A at B

You might also like