You are on page 1of 7

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION VIII (EASTERN VISAYAS)
DIVISION OF LEYTE
JUAN V. DELANTAR NATIONAL HIGH SCHOOL
CONSUEGRA, LEYTE, LEYTE

IKALAWANG MARKAHANG PAGSUSULIT SA FILIPINO 9


Pangalan:__________________________________ Grade 9: _________Score:__________
Panuto: Basahin at unawain ang bawat tanong na ibinigay upang masukat natin ang antas ng
iyong nalaman.
1. Anong bansa nagmula ang tulang tanka at haiku?
a. Korea b. Japan c. Mongolia d. Taiwan
2. Kung ang haiku ay isang tula binubuo ng labimpitong pantig na nahahati sa tatlong
taludturan, ilang pantig naman mayroon ang isang tanka?
a. 29 b. 30 c. 31 d. 32
3. Ano ang karaniwang hati ng pantig sa mga taludtod ng isang tanka?
a. 7-7-7-5-5 b. 5-7-5-7-7 c. 7-7-7-7-5 d. 5-5-5-5-7
4. Ang haiku ay bagong anyo ng pagbuo ng tula sa Hapon, ito’y maaaring mahati ang pantig sa
mga taludtod ng may sukat na 5-7-5 o maaring magkapalitpalit. Ano naman ang kadalasang
tema o paksa ng tulang haiku?
a. Kalikasan at pag-ibig c. Pag-iisa
b. Pagbabago d. Kadalamhatian
5. Kung ang Japan ay may tanka at haiku, ang Pilipinas naman ay mayroon din isang uri ng
sinaunang tula na may layong linangin ang lalim ng pagpapahayag ng kaisipan at damdamin.
Ito’y binubuo ng tigpipitong pantig, ano ang tawag sa tulang ito?
a. Pabula b. tanka c. dula d. tanaga

Anyaya
Ni Gonzalo K. Flores
Ulilang damo,
Sa tahimik na ilog
Halika, sinta
6. Ano ang paksa ng haiku sa itaas?
a. Paanyaya sa isang ulila
b. Sabik na naghihintay
c. Paglalakbay sa buhay
d. Maligayang puso
Katapusan ng Aking Paglalakbay

Napakalayo pa nga
Wakas ng paglalakbay,
Sa ilalim ng puno
Tag-init noon
Gulo ang isip
7. Sa ibinigay na tanka sa itaas, ano ang paksa nito?
a. Paanyaya sa isang ulila
b. Sabik na naghihintay
c. Paglalakbay sa buhay
d. Maligayang puso
8. Ano ang ibig sabihin ng Cherry blossoms sa mga tanka sa Japan?
a. Paglipas ng panahon c. mainit na ang panahon
b. Malapit na ang taglamig d. nalanta na ang Cherry Blossoms
9. Pinakamaliit na yunit ng salitang may kahulugan?
a. Morpema b. ponema c. salitang-ugat d. pantig
10. Hindi maganda ang tubo ng halaman kaya namatay. Paano binibigkas ang salitang
nasalangguhitan sa pangungusap?
a. /tu.boh/ b. /TU.bo/ c. /tu.bo?/ d. /tu.BO/
11. Ang diin ay ang lakas, bigat o bahagyang pagtaas ng tinig sa pagbigkas ng isang pantig. Alin
sa mga sumusunod ang wastong pagkabigkas sa salitang BUHAY na nangangahulugang
kapalaran ng tao?
a. /BU:hay/ b. /bu:HAY/ c. /bu:hay/ d. /BU:HAY/
12. Tukuyin ang wastong tono ng salitang kahapon, kung ang ibig ipabatid ng nagsasalita ay
may pag-aalinlangan.
a. 123 b. 231 c. 213 d. 312
13. Alin sa mga pangungusap ang nagbibigay kahulugan na ang nagsasalita ay nagsasabing siya
si John na maaaring napagkamalan lamang siyang ibang tao?
a. Hindi ako, si John.
b. Hindi, ako si John.
c. Hindi ako si John.
d. Wala sa nabanggit.
14. Ano ang tawag sa isang maikling kuwentong kathang-isip lamang na karaniwang
isinasalaysay sa mga kabataan para aliwin gayundin ang magbigay ng pangaral at ang
kadalasang gumaganap sa kuwento ay mga hayop?
a. Dula b. tula c. pabula d. parabula
15. Ama ng maikling kuwento: Edgar Allan Poe, Ama ng sinaunang pabula:___________
a. Aesop b. Basho c. Nukada d. Ki No Tomonori
16. Mayaman ang batang binusog ng pabula. Ano ang nais ipahiwatig nito?
a. Matalino ang bata sapahkat nagbabasa ng pabula.
b. Mayaman ang bata sa kaalaman tungkol sa mga hayop.
c. Matalino at may mabuting asal ang batang natuto sa mga pabula.
d. Maraming maibabahagi sa iba ang isang batang maraming nabasang kuwento.
Para sa bilang 17 at 18.
“Pakiusap! Tulungan mo akong makalabas dito,” pagmamakaawa ng tigre. “Kung tutulungan
mo ako, hindi kita makalilimutan habambuhay.” Naawa ang lalaki sa tigre subalit naisip
niyang baka kainin siya nito. “Gusto sana kitang tulungan subalit nangangamba ako sa
maaaring mangyari. Patawad! Ipagpapatuloy ko na ang aking paglalakbay,” wika ng lalaki at
nagpatuloy sa paglalakad. “Sandali! Sandali! Huwag mong isipin iyan,” pakiusap ng tigre.
“Huwag kang mag-alala, pangako ko hindi kita sasaktan. Nagmamakaawa ako, tulungan mo
ako. Kapag ako ay nakalabas dito tatanawin kong malaking utang na loob!” Tila labis na
nakakaawa ang tinig ng tigre kaya bumalik ang lalaki upang tulungan ito. Nakahanap siya ng
troso at dahan-dahan niyang ibinaba sa hukay. “Gumapang ka rito,” sabi ng lalaki. Gumapang
ang tigre sa troso hanggang makaahon sa hukay. Nakita ng tigre ang lalaking tumulong sa
kaniya. Naglaway ang tigre at naglakad paikot sa lalaki.

-Halaw mula sa Ang Hatol ng Kuneho Isinalin sa Filipino ni Vilma C. Ambat


17. Ano ang ibig sabihin ng salitang naglaway batay sa huling pangungusap mula sa tekstong
binasa?
a. paghingi ng paumanhin ng tigre sa kaniyang pag-abala
b. paraan ng pagpapasalamat ng tigre sa tao
c. pagpapahiwatig na nagugutom ang tigre
d. pagpapakita ng pagkahilo ng tigre sa pangyayari
18. Alin sa sumusunod na mga sitwasyon sa ibaba ang nagpapakita ng kaparehong sitwasyon sa
binasang teksto?
a. Dati hindi maunlad ang pamumuhay ni Emilio subalit nagsikap siya upang kaniyang
maibangon ang sarili mula sa pagkakadapa, kahit mahirap inalis niya ang sarili mula
sa hukay na kinalaglagan ng kaniyang pamilya.
b. Pinautang ni Juan ang kaniyang kaibigang si Pedro noong nangangailangan ito at
nang makaahon si Pedro ay kinumpetisyon niya sa negosyo ang kaniyang kaibigan.
c. Minsan lumapit si Maria sa kaniyang kaibigang si Nena upang maibangon ang
kanilang negosyo sa pagkakalugi. Nakabangon ito ay kaniyang tinanaw kay Nena ang
utang na loob niya rito.
d. Noong naghihirap si Andres, inalok siya ng kaniyang kaibigang si Marta upang
magkaroon ng partnership sa kanila at maisalba ang kanilang naluluging kompanya.
Para sa bilang 19 – 20.
Maligayang-maligaya si Prinsesa Tutubi. Umaawit-awit pa siya sa kaniyang paglipad.
Wiling-wili siya sa lahat ng kaniyang nakikita. Totoong naibang si Prinsesa Tutubi at hindi
niya napansin ang pamumuo ng maitim na ulap sa papawirin. Huli na nang ito ay mapuna ni
Prinsesa Tutubi. Mabilis man siyang lumipad pabalik sa kaharian ay inabutan din siya ng
malakas na ulan.
“Titigil muna ako sa punongkahoy na ito,” ang sabi sa sarili ng prinsesa.Ngunit sa
punongkahoy pala naman iyon ay maraming mga matsing. Pinaalis nilang pilit ang
nakikisilong na tutubi. Bawat dapuang sanga ni Prinsesa Tutubi ay niyuyugyog ng mga
matsing. Hindi lamang iyon. Pinagtawanan pa nila ang prinsesa.
“Kra-kra-kra! Nakakatawa. Malaki pa sa kaniyang tuhod ang kaniyang mga mata.” Malakas
na na sabi ng isa. Sinundan ito ng malakas na hagikgikan ng mga matsing.
Sa laki ng galit ng Prinsesa Tutubi umuulan pa ay umalis na siya sa punongkahoy na iyon at
lumipad pauwi sa palasyo. Tuloy-tuloy siya sa silid ng kaniyang amang hari. Kaniyang
isinumbong kay Haring Tubino ang mga matsing.
Halaw mula sa pabulang “Nagkamali ng Utos”
19. Nasa anong antas ng pagpapasidhi ng kahulugan batay sa tindi ng emosyon ang salitang may
salungguhit sa binasang teksto?
a. Pinakamababang antas c. pinakamataas na antas
b. Katamtaman ang kasidhian d. di-masidhing antas
20. Sa ikatlong talata, anong mga salita ang nasa pinakamataas/pinakamatinding damdamin?
a. Halakhakan b. tawanan c. hagikhikan d. ngiti
21. “Wala akong pakialam sa pangakong iyan dahil nagugutom na ako”! Hindi ako kumain nang
ilang araw!”, tugon ng Tigre. Anong nahihinuhang damdamin sa pahayag ng Tigre sa Lalaki?
a. Pagkainip b. pagkapursigido c. pagkagahaman d. pagkamaawain
22. “Ah! Isang Tigre!”, sabi ng lalaki habang nakadungaw sa hukay. Anong damdamin ang
nagingibabaw sa diyalogo ng lalaki na nasa kahon?
a. pagkasaya b. pagkabangot c. pagkatuwa d. pagkagulat
23. Ano ang isang uri ng akdang pampanitikan na nasusulat sa anyong tuluyan na maaaring
tumalakay sa anomang isyu sa kapaligiran maging tao, hayop, pook, pangyayari, bagay at
guni-guni?
a. Maikling Kuwento b. dula c. pabula d. sanaysay
24. Ayon kay Alejandro Abadilla, ang sanysay ay pagsasalaysay ng isang sanay. Ano-ano ang
dalawang uri ng sanaysay?
a. Pormal at di-pormal
b. Karaniwan at Di-karaniwan
c. Pananaliksik at Opinyon
d. Wala sa nabanggit
25. Ano ang uri ng sanaysay na tumatalakay sa mga topikong karaniwan, personal at pang-araw-
araw na kasiya-siya at mapang aliw para sa mga mambabasa?
a. Pormal b. di-pormal c. karaniwan d. di karaniwan
26. Ang sanaysay ay binubuo ng tatlong bahagi, alin sa mga sumusunod ang hindi kasali sa
bahagi ng sanaysay?
a. Simula b. Katawan c. Suliranin d. Wakas
27. Ano ang tawag sa manunulat ng sanaysay?
a. Editor b. mananaysay c. kwentista d. nobelista
Para sa bilang 28 – 31.
Nanunuot sa kalamnan ang lamig na dulot ng kalungkutan, dahil sa pagkawalay sa iyong
magulang upang maragdagan ang kaalaman. Buhay Senior High School ay isang bagong
mundo. Magkakaroon ka ng bagong kaibigan o kaibigan kaya napakainam.
Ang minsang pagpapadama ng init ng iyong kaibigan o ka-ibigan ay tila ba kay- inam, ito’y
naging bisyo na ng iyong katawan. Nakalimot ka sa iyong sinumpaan. “Inay, Itay iuuwi ko
diploma ng karunungan.”
Huwag mo sanang kalimutan ang kapal ng kalyo sa kamay ng iyong magulang, babad nilang
mga paa sa putikan, may maipadala lamang sa iyong pangangailangan.
Ni: Cristia Marie C. Colastre
28. Paano inilahad ng manunulat ang layunin sa binasang talata?
a. sa pamamagitan ng paglalahad ng mga sitwasyon
b. sa pamamagitan ng pag-isa-isa ng nadarama ng mag-aaral
c. sa pamamagitan ng pagbibilang ng paghihirap ng magulang
d. sa pamamagitan ng pagbibigay halimbawa ng pangyayari
29. Paano ipinapakita sa teksto ang realidad sa lipunan na ang mag-aaral ay may malaking
responsibilidad na nakaatang sa kanilang balikat?
a. sa pamamagitan ng sitwasyong naglalahad ng tungkulin ng mag-aaral
b. sa pamamagitan ng pagbibigay linaw sa hirap ng mag- aaral
c. sa pamamagitan ng paglalarawan ng mga karanasan ng mag-aaral
d. sa pamamagitan ng paglalahad ng pangarap ng mag-aaral
30. Ano ang nais ipahiwatig ng pahayag na ito, “Huwag mo sanang kalimutan ang kapal ng kalyo
sa kamay ng iyong magulang, babad nilang mga paa sa putikan, may maipadala lamang sa
iyong pangangailangan”.
a. nagpaalala na kailangan ayusin ng mag-aaral ang kaniyang pag-aaral
b. nagpaalala na kailangan maghirap ang mag-aaral sa pag-aaral
c. nagpaalala na ang sakripisyo ng magulang ay para sa ikabubuti ng anak
d. nagpaalala na ang magulang ay handang magpakahirap para sa anak
31. Kung ikaw ang mag-aaral, paano mo susuklian ang sakripisyo ng iyong magulang para sa
iyong magandang kinabukasan?
a. Bilang mag-aaral susuklian ko ang sakripisyo ng aking mga magulang sa
pamamagitan ng pag-aaral nang mabuti at pakikipag kaibigan sa kapwa.
b. Bilang mag-aaral susuklian ko ang sakripisyo ng aking mga magulang magtatrabaho
ako upang maiahon ko sa hirap ang aking pamilya.
c. Bilang mag-aaral susuklian ko ang sakripisyo ng aking pagbubutihin ko ang aking
pag-aaral para sa aking magandang kinabukasan
d. Bilang mag-aaral susuklian ko ang sakripisyo ng aking mga magulang mag-aaral po
ako nang mabuti upang maiahon ko ang aking pamilya sa hirap
Para sa bilang 32, pakisangguni sa bahagi ng sanaysay sa ibaba.
Sa gitna ng pandemya buong pugay na iwinagayway ng mga atletang Pilipino ang bandila ng
Pilipinas sa nakaraang 2021 Tokyo Olympics. Buong tikas na nag-uwi ng medalyang ginto si
Hidilyn Diaz sa larangan ng weightlifting sa babae. Medalyang pilak naman ang alay nina
Carlo Paalam at Nesthy Petecio at medalyang tanso mula kay Eumir Marcial sa larangan ng
boksing.

32. Ano ang kaisipang nais ihatid ng sanaysay?


a. Ang Pilipino ay larawan ng isang tunay na manlalarong matikas at malakas.
b. Ang Pilipino ay larawan ng isang manlalaro na hindi sumusuko hanggat hindi
nagwawagi.
c. Ang Pilipino ay larawan ng laro sa gitna ng pandemya upang malibang.
d. Ang Pilipino ay larawan ng manlalaro na kayang manalo sa anumang larangan ng
isports.
33. Anong uri ng masining na panitikan ang naglalaman ng isang maikling salaysay tungkol sa
isang mahalagang pangyayari na kinabibilangan ng isa o ilang tauhan?
a. maikling kuwento c. maikling akda
b. maikling tula d. maikling talata
34. Alin sa sumusunod na mga bahagi ng kuwento ang naglalahad ng mga kasagutan sa suliranin
ng akda?
a. panimula c. banghay
b. wakas d. pababang aksiyon
35. “Halos Bagong Taon na.” “Puwede kang manatili dito ngayon, sabi ni Tiya Luo.” Alin sa
sumusunod ay sumasalamin sa kulturang Tsino?
a. pag-iwas sa responsibilidad c. pakikipagkaibigan
b. pagpapahalaga sa pamilya d. pakikipagkapuwa
36. “Isang bagay lang ang hinding-hindi ko makakalimutan tungkol kay Dingdong-hindi pa siya
pumupunta dito nang hindi niya taglay ang ingay at halakhak.” Ano ang ipinapahiwatig ng
nakaitalisadong mga salita?
a. masayahing tao si Dingdong c. mahirap kalimutan si Dingdong
b. maraming naiinis kay Dingdong d. mahilig humalakhak si Dingdong
37. Ayon sa pahayag sa bilang 36, ano ang layunin ng may-akda sa paghahatid ng kaniyang
kuwento?
a. ipakilala ang mga tauhan c. isalaysay ang mga pangyayari
b. maghatid ng mga mag-aaral d. ilarawan ang lugar at mga kaugalian
Para sa bilang 38 – 42.
Hindi na kaila sa mga taga-Tulikan ang pakikipagkasintahan ni Derang sa inhenyerong
namamahala sa binuksang lansangang nagmumula sa kabayanan, bumabagtas sa nayong ito,
at patungo sa kabundukan ng Sinukuan. Hindi nila dinaramdam ang gayon, sapagkat wika
nila’y likas na yaon sa mga taong magkakatugon ang damdamin. Bagaman nagkagayon, si
Derang ay walang pinaguukulan ng sali-salitaan kundi ang ama nitong si Mang Tiyago,
sapagkat magmula nang mangibig ang inhenyero’y nawala na ang dating irog na pakikisama
sa kaniyang mga kanayon. Hindi nila sinisisi si Derang, sapagkat naniniwala ang mga taga-
Tulikan na sa puso ng dalaga ay hindi nagbuko ang damdaming nagnanasa ng karangalan.
Ang tanging dinaramdam lamang nila’y ang pagkawala ng dating mainam na ugali ng ama ni
Derang na si Tandang Tiyago.
Halaw sa Kuwentong Nabibihis ang Nayon ni Brigido Batungbakal

38. Ang ibig sabihin ng pariralang ang pagkawala ng mainam na ugali ng ama ni Derang ay
__________.
a. Naging mayabang c. nagbago ang pakikitungo sa kapuwa
b. Mahirap itong pakisamahan d. nagbago ang magandang pag-uugali
39. Ang ibig sabihin ng magkarugtong ang damdamin ay __________.
a. Pareho ang minamahal c. iisa ang tibok ng puso
b. Pareho ang iniibig d. iisa ang isinisigaw

40. Ano ang higit na binibigyang-pansin ng may-akda sa kuwento?


a. Tauhan b. lugar c. pangyayari d. aral

41. Ang kuwentong binasa ay mauri sa ____________.


a. Pangkatauhan c. makabanghay
b. Pangkatutubong-kulay d. pangkaisipan
42. Ano ang dahilan ng pagdaramdam ng mga taga-Tulikan ay __________.
a. Pagbabago ng pakikitungo ni Mang Tiyago
b. Pagdating ng mga taga-Maynila
c. Pagbabago ng kanilang lugar
d. Pangingibig ni Derang sa iba
Panuto: Bigyang-kahulugan ang mga imahe at simbolong ginamit sa kuwento
43. Kailangang palakasin niya ang kaniyang loob; kung ididilat lamang niya ang kaniyang mata,
paaandarin ang utak, at di-matatakot magtrabaho, maaayos ang lahat.
a. Nararapat lamang siyang magpalakas ng kanyang pangangatawan upang magkaroon
siya ng lakas sa pagtitinda.
b. Dapat na maging maliksi siya sa pagtitinda upang hindi siya masalisihan.
c. Kinakailangan niyang maging matiyaga at huwag kaagad panghinaan ng
loob,magplano sa mga nararapat gawin at maging masipag sa pagtatrabaho upang
makamit ang tagumpay.
d. Kailangang maging prangka sa pagsasalita, hindi patulog-tulog sa pagtrabaho at dapat
mag-isip palagi kung paano kumita.
44. Saanman siya magpunta, laging may nagsasabi sa kanya kung ano ang dapat at di-dapat
gawin; sa pagtingin sa kanya ng mababa, umaangat ang kaniyang sarili.
a. Sa buhay ni Huiquan, marami ang pumupuna at nagsasabi kung ano ang dapat at di
dapat gawin, ngunit siya’y nagpakumbaba sapagkat alam niya ang kanyang
kalakasan.
b. Hindi maiiwasan minsan na sadyang maraming tsismosa sa paligid kaya ‘wag na lang
silang patulan.
c. Marami man ang pumupuna sa kanya, alam niya ang dapat niyang gawin.
d. Marami ang mga dapat at di dapat gawin, minsan kailangan maging tanga upang
maging malakas sa iba.
45. Isa siyang basurahan o isang pirasong basahan na nais magtago sa isang butas.
a. Isang api na ang tingin sa sarili ay mahina at mababa sa iba kaya nais na lamang mag-
isa.
b. Taong pinagkaitan ng hustisya kaya nawalan ng tiwala sa sarili.
c. Mababang uri ng tao na walang alam kaya ayaw ring makialam sa iba.
d. Isang hamak na tao na kinakaya ng iba kaya mas ninais niyang mapag-isa.
46 – 50. Sumulat ng sariling TANKA o HAIKU, maaring patungkol sa pag-ibig, kapaligiran, pag-iisa
o kung anumang paksa ang iyong nais. Sundin ang wastong anyo at sukat sa paggawa ng tanka o
haiku. (5 puntos)

Address: Consuegra, Leyte, Leyte


Contact Number: 09177125629
Email Address: jvdnhs2008@gmail.com

You might also like