You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Department of Education
Caraga Region
Division of Butuan City
LIBERTAD CENTRAL ELEMENTARY SCHOOL
Libertad, Butuan City

FILIPINO 4
2ND SUMMATIVE TEST
2ND QUARTER
Huwag sulatan ang talatanungan na ito. Isulat ang mga sagot sa sagutang papel.
I. Kumpletuhin ang mga sumusunod na mga pangungusap. Pumili sa mga pang-uring nasa panaklong.
Isulat ang tamang sagot sa sagutang papel.
1. (Malakas, Higit na malakas, Pinakamalakas) ang Bagyong Rolly kaysa sa Bagyong Quinta.
2. Ang anak ni Mang Toni at Aling Susan ay (payat, mas payat, ubod ng payat).
3. Si Maria ang (mahusay, higit na mahusay, pinakamahusay) sa lahat ng mga mag-aaral sa klase ni Bb. Gomez.
4. Ang kambal na sina Kat at Kath ay (maganda, magkasingganda, napakaganda).
5. Ang pamilyang Fernando ay nagmamay-ari ng (malawak, mas malawak, napakalawak) na lupain sa buong
probinsya.

II. Tukuyin ang kaantasan ng pang-uri na may salungguhit. Isulat kung ito ba ay lantay, pahambing, o
pasukdol.
6. Dapat tayong kumain ng masustansiyang pagkain upang lumakas pa ang ating resistensiya.
7. Si Karina ay kasimpayat ng punong kawayan.
8. Mas magara ang kotse ni Pedro kaysa sa sasakyan ni Julio.
9. Ang suot na sapatos ni Lino ang pinakamalinis sa lahat ng nasa silid.
10. Napakarumi ng suot na damit ni Sara.

III. Tukuyin kung ang may salungguhit na parirala ay SANHI o BUNGA.


11. Pumutok ang gulong ng bisikleta ni Jose kaya napatigil siya sa gilid ng daan.
12. Hindi pumasok sa opisina si Manuel sapagkat mataas ang kanyang lagnat.
13. Dahil basa ang sahig, nadulas at nasaktan ang isang mag-aaral.
14. Sapagkat iniwang nakabukas ang gate, nakalabas at nakatakas ang tuta.
15. Nagising ang sanggol dahil sa maingay na sasakyang dumaan.

IV. Pagtambalin ang SANHI at BUNGA. Isulat ang titik ng tamang sagot.

16. Napakainit ng panahon a. gutom na gutom siya.

17. Hindi kumain ng tanghalian Michael b. naaksidente siya sa daan.

18. Puno ng mga pasahero ang mga dyip c. pumunta siya sa dentista.
19. Hindi maingat sa pagmamaneho ang lalaki d. binuksan namin ang aircon.

20. May sirang ngipin si Tomas e. sumakay na lang kami sa


traysikel pauwi.

Republic of the Philippines


Department of Education
Caraga Region
Division of Butuan City
LIBERTAD CENTRAL ELEMENTARY SCHOOL
Libertad, Butuan City
FILIPINO 4
3rd SUMMATIVE TEST
2ND QUARTER
Huwag sulatan ang talatanungan na ito. Isulat ang mga sagot sa sagutang papel.
I. Tukuyin ang aspekto ng pandiwa na may salungguhit. Isulat kung ito ay nasa aspektong pangnagdaan,
pangkasalukuyan o panghinaharap. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
1. Ang mga magsasaka ay nagtatanim ng palay.
2. Hiniram ni Emily ang aklat ko.
3. Maglalaro kami ng chess mamayang hapon.
4. Iinom ako ng gamot para gumaling ako.
5. Si Ate Minda ang naglinis ng kusina.
6. Tahimik na nagbabasa ang mga mag-aaral sa silid-aklatan.
7. Si Tita Bea ang gumawa ng keyk na ito.
8. Si Helen ang nag-aalaga sa mga kapatid niya kapag wala ang kanilang nanay.
9. Gagamit ako ng diksyunaryo para malaman ko ang kahulugan ng salitang iyon.
10. Sinulat ko sa papel ang mga dapat kong gawin.

II. Basahin at unawain ang teksto na nasa ibaba at gumawa ng timeline tungkol sa tekstong iyong binasa.
III. Isaayos ang liham na nasa ibaba.

Magandang araw po. Ang pangkat ng mag-aaral sa baitang 4 ng aming paaralan ay naatasang gumawa
ng proyekto sa paggamit ng mga sanggunian sa silid-aklatan.

Kaugnay nito, kami po ay humihingi nang pahintulot na gumamit ng silid-aklatan upang makapanaliksik
ng mga impormasyong kailangan sa aming proyekto.

Umaasa po kami sa inyong pahintulot. Maraming salamat po.

Iriga Central School


Lungsod Iriga
Oktubre 22, 2020

Lubos na gumagalang,

Mahal na Gng. Cortez,

Regine Anne D. Andalis

You might also like