You are on page 1of 6

PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBAT-IBANG

TESKTO TUNGO SA PANANALIKSIK

Aralin 16: PAGSULAT NG SALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO

I. LAYUNIN
Matapos ang ralin, inaasahang maisasagawa ng mga mag-aaral ang mga sumusunod:

 Naipapaliwanag ang kahulugan ng pananaliksik.


 Nakikilala ang ibat-ibang kahalagayhan layunin ng pananaliksik.
A. Pamantayang Pangnilalaman
Nakasusunod sa pamantayan ng pagsulat ng masinop na pananaliksik
B. Pamantayan sa Pagganap
Nakapagpapamalas ng kasanayan sa pananaliksik sa Filipino batay sa kaalaman sa oryentasyon,
layunin, gamit, metodo, at etika ng pananaliksik

C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto


 Nabibigyang kahulugan ang mga konseptong kaugnay ng pananaliksik (Halimbawa: balangkas
konseptwal, balangkas teoretikal, datos empirikal, atbp.) F11PT – IVcd – 89

II. NILALAMAN
Kahulugan at Kahalagahan ng Pananaliksik.

A. Sanggunian
1. Mga pahina sa gabay ng guro
2. Mga kagamitang pang-mag-aaral
3. Mga pahina sa teksbuk
4. Maragdagang kagamitan mula sa portal ng learning resource

B. Iba pang kagamitang panturo


Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang
Dolores R. Taylan, Jayson D. Petras, Jonathan V. Geronimo
Mga pahina 119-121

III. PAMAMARAAN
A. Panalangin
B. Pagtala ng Liban sa Klase
C. Balik Aral
D. Paghahabi sa layunin ng aralin
Pagsusuri sa larawan/simnolismo na may kinalaman sa paksang pag-aaralan, susuruin sa lohikal at
komprehensibong pagpapaliwanag sa kung anong ipinapakita ng mga sumusunod na mga larawan.
E. Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan #1
 Masusing pagtalakay sa mahahalagang kahulugan ng pananaliksik batay sa ibat-ibang dalubhasa
nagpakahulugan sa pananaliksik at ang komprehensibong kaalaman hinggil dito.

Ayon kay Garcia et al (2008:248); napatunayan na ang


pananaliksik ay nangangailangan ng matiyaga at kritikal na
pagbasa, pagsulat at pagsasagawa.
PANANALIKSIK

Ito ay pamamaraang sistematiko, pormal at masaklaw na


pagsasagawa ng pagsusuring lohiko at wasto sa pamamagitan ng
matiyaga at hindi apurahang pagkuha ng mga datos sa mga
pangunahing maaaring pagkuhanan. (Sauco, 1998)
Ito ay sistematikong pag-uusisa upang mapatunayan at makuha
ang anumang kabatirang hinahangad natin (Mercene, 1983)

Isang Masistemang pag-aaral ng kahit anong paksa sa layuning


masagutan ang mga katanungang itinanong ng mananaliksik.
(Parel, 1973)

Ito ay puspusang pag-tuklas at paghahanap ng mga hindi


nalalaman (Sanchez, 1998)

Isang maingat, kritikal, disiplinadong pag-alam sa pamamagitan


ng ibat-ibang Teknik at paraan batay sa kalikasan at kalagayan ng
natukoy sa suliranin tungo sa klaripikasyon at/o resolusyon nito.
(Good, 1993)

Bilang Akademikong Gawain, ang pananaliksik ay isang


maagham na pag-aaral ng mga datos upang makabuo ng mga
bagong konsepto tungo sa mga umiiral na kaganapan bilang sagot
sa mga suliranin. (Countinko: 2013. 93-94)

F. Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong.


Layuunin at Kahalagahan ng Pananaliksik.

1. Upang makadiskubre ng mga bagong kaalaman (Austero, et al. 2006:196)

2. Upang makakita ng mga sagot sa mga suliraning hindi pa ganap na nalulutas ng mga umiiral na metoso at
impormasyon.

3. Upang umunlad ang sariling kamalayan sa pali-paligid. (Ordonez, et al 2007 na halaw sa aklat ni Garcia et al
2008:251)

4. Makadebelop ng espisyenteng instrument, kagamitan, produkto. (Austero, et al 2006:197)

5. Makalikha ng mga batayan ng pagpapasya sa kalakalan, industriya, edukasyon, pamahalaan at iba pa.
(Bernales, et al: 2010:106)

Pangkatang Gawain

Ang guro ay magbibigay ng paksa hinggil sa talakayan bibigyan lamang ng 15 minuto upang pag-usapan,
analisahin, talakayin at ilahad sa klase ang kanilang mga napagusapan, maaaring ilahad ito sa paraang masining
na pag-uulat.

Ang pangkatang gawaing ito ay gagawin lamang sa loob ng 15 minuto at nakabatay sa Pamantayang/Rubrik
na ibibigay ng guro.

Unang Pangkat:

Gumawa ng isang ilustrasyong nagpapakita/larawan ng kahulugan o depinisyon ng pananaliksik at iuugnay


ito sa isang depinisyong ibinigay ng isang dalubhasang nabanggit sa talakayan.

Ikalawang Pangkat:

Gamit ang fish bone diagram iisa isahin ang mahahalagang kahulugan ng pananaliksi at tatalakayin sa
harapan.

Ikatlong Pangkat:

Lilikha ng isang awiting nag papakita ng pagbabagong dulot ng modernisasyon at sa tulong ng pananaliksik.
Chorus lang.

Tatasahin ang ginawang pangkatang gawain sa pamamagitan ng mga sumusunod:

Pamantayan Puntos

50%

NILALAMAN

1. Maayos na naihayag o naipaliwanag ang


paksa at magkakaugnay ang mga ideya.
2. Sapat ang nakalap na datos sa pagbuo ng
lohikal na pagsususri sa paksang tinatalakay.
3. Maayos ang paliwanag sa mga teknikal na
terminong ginamit.

GAMIT NG WIKA

1. Mahusay Na nagamit ang wikang Filipino sa 30%


Pagpapaliwanag.
2. Maayos ang gramatika at paraang
pagbabaybay.

TEKNIKALIDAD
20%
1. Naaayon sa itinakdang oras ang pagbuo at
pagtalakay ng Gawain.

KABUUAN 100%

G. Paglalapat ng aralin sa pang-araw-araw na buhay


Gaano kahalaga ang pananaliksi sa pang araw-araw na pamumuhay? Ipaliwanag.

H. Paglalahat ng aralin
Paano nakatulong ang mgalayunin ng pananaliksik upang mas lalo pang ayusin at pahalahagan ang pag-
aaral na may kinalaman sa pananaliksik.

IV. Pagtataya ng aralin

Tukuyin ang sinasaad ng sumusunod sa pamamagitan ng pagbilog sa titik ng tamang sagot.


1. Ayon sa kanya napatunayan na ang pananaliksikay nangangailangan ng matiyaga at kritikal na
pagbasa, pagsulat at paggawa.
a. Garcia
b. Bernales
c. Good
2. Ayon sa kanya ang pananaliksik ay isang pamamaraang sistematiko, pormal at matiyaga.
a. Good
b. Sauco
c. Sauntinko
3. Ayon naman sa kanya ang pananaliksik ay isang sistemationg pagusisa upang patunayan ang
anumang kabatiran.
a. Sanchez
b. Good
c. Mercene
4. Ayon sa kanya ito ay isang pag-aaral sa anumang paksa na may layuning masagutan ang anumang
katanungan.
a. Parel
b. Good
c. Sanchez
5. Ayon naman sa kanya ito ay isang puspusang pagtuklas at paghahanap ng mga hindi nalalaman.
a. Good
b. Sanchez
c. Parel
6. Ayon naman sa kanya ang pananaliksik ay isang maingat, kritikal at disiplinadong pag-alam sa
pamamagitan ng iba’t-ibang Teknik.
a. Sanchez
b. Parel
c. Good
7-8. Ibigay ang dalawang makrong kasanayan sa pagsulat bng pananaliksik.
9-10. Magbigay ng dalawang layunin sa pananaliksik.

V. Kasunduan/Takdang Aralin:
Mag saliksik hinggil sa paksang pag-aaral na Pagkilala sa mga Sangunian, at alamin ang mahahalagang
nakapaloob dito.

Inihanda nina:

G. GILBERT C. PALMIANO
Guro sa Fil.XI

Sinuri ni:

JENALYN S. DELA PEŇA


OIC-Asst. SHS Principal

Binirepika ni:

MARLENE G. LULU, EdD


School Principal-I
Unang Pangkat: (Gagawin lamang sa loob ng 10 minuto)

Unang Pangkat:

Gumawa ng isang ilustrasyong nagpapakita/larawan ng kahulugan o depinisyon ng pananaliksik at iuugnay


ito sa isang depinisyong ibinigay ng isang dalubhasang nabanggit sa talakayan.

Ikalawang Pangkat:

Gamit ang fish bone diagram iisa isahin ang mahahalagang kahulugan ng pananaliksi at tatalakayin sa
harapan.
Ikatlong Pangkat:

Lilikha ng isang awiting nag papakita ng pagbabagong dulot ng modernisasyon at sa tulong ng pananaliksik.
Chorus lang.

Pagtalakay sa Pagsulat ng saliksik: Ang Simula ng Bagong Hamon.

You might also like