You are on page 1of 20

Kabanata IV

RESULTA

Inipresenta sa kabanatang ito ang mga karanasan sa ng mga partisipante sa

pananaliksik na ito, ang kanilang pananaw at hinuha pati narin ang pagbuo kung

saan pinag-isa ang nakalap na mga impormasyon sa pamamagaitan ng in-depth

interviews at focus group discussion.

Ang mga sumusunod na mga katanungan sa pananaliksik ay ginawa sa

pagkalap ng mga impormasyon mula sa mga impormante.

Ang pag-aaral na ito ay akma para sagutin ang mga sumusunod na mga

tanong:

1. Ano ang mga epekto ng mga pinapanuod na mga palabas sa mga mag-aaral?
2. Papaano ginagabayan ng mga magulang ang mga mag-aaral sa panunood ng

mga palabas na mayt SPG?

3. Anu- anong pananaw ng mga estudyante sa mga palabas na may SPG?

Ang mga partisipante ay sumagot sa magkatulad na mga katanungan sa

pamamagitan ng purposive sampling method na minungkahi naman ni Oliver (200).

Ang pakikipanayam sa mga responde ay inayon sa bakante nilang oras at sa nais

nilang oras. Ang kanilang karanasan bilang isang mag-aaral sa panunuod ng mga

palabas na may SPG at ang kanilang pananaw ukol sa paksa ng ay nagbibigay

impormasyon sap ag-aaral na ito. Habang tinatanong sa pamamagitan ng gabay na

mga katanungan ang bawat mag-aaral ay sumagot na may kaugnayan sa kanilang

mga karanasan.

Ang mga datos ng mga impormante ay kinulikta sa pamamagitan ng in-depth

interview na may 7 impormante at 7 responde mula sa focus group discussion. Ang

focus group discussion ay ginawa na may 7 partisipante, parehong babae at lalaki.


Ang pangalan ng mga partisipante ay hindi ilalahad sa pananaliksik na ito para sa

kanilang kompinsyalidad.

Ang focus group discussion ay kapanapanabik dahil sa tipun na mga

partisipante na nagbabahagi ng kanilang mga kaisipan at ideya. Ang mga sagot ay

nauugnay rin sa sagot ng ibang mga partisipante na humantong sa pakikipag-

ugnayan. Nilalarawan nila ang kanilang personal na halimbawa. Ang lahat ng mga

partisipante ay responsabling sumagot sa open-ended na mga katanungan. Sa una,

hindi pa sila komportable sa pagrerekord ng kanilang mga boses ngunit sa kalaunan

habang nagpapatuloy ang pakikipanayam ay unti-unting nawala ang kanilang

pagkabalisa sa pagrerekord ng kanilang boses. Para sa in-depth interview, ang

pakikipanayam ay nangyari sa lugar kung saan ay sila ay komportanle o batay sa

kanilang napiling lugar upang makapag-isip sila ng mabuti. Sa kabilng banda, ang

focus group discussion ay ginanap sa hindi gaanong matao o sa lugar na

komportable sila. Ang iba sa mga partisipante ay huli na nang dumating sa

itinakdang oras ng pakikipanayam dahil sa mga kadahilanan at ang iba naman ay

maaga naming dumating. Dahil nga pakikipanayamin naming sila bilang isang grupo

ay hinintay naming na makumpleto ang mga partisipante. Gumamit kami ng

cellphones bilang pangrekord sa kanilang boses o sagot. Bago naming sinimulan

ang pakikipanayam ay nagkaroon muna ng maikling pagpapaliwanag at kaalaman

tungkol sa ginagawang pananaliksik. Binigyan din naming sila ng mga kopya ng mga

katanungan upang magkaroon sila ng mga ideya kung anu ang kanilang isasagot sa

mga katanungan. Pagkatapos ng pagkaklaripika ng kanilang mga katanungan ay

sinimulan na ang pakikipanayam sa kanila.


Pagkakategorya ng mga Datos

Pagkatapos ng in-depth interview at focus group discussion, ang audio ay

tinanskrayb, isinalin at inalisa o pinag-aralan. Tatlong hakbang ang ginawa habang

sinusuri ang datos na pinangalanang: data reduction, data display at konklusyon at

beripikasyon Miles et al (!994).

Sa data reduction, ang mga sagot ng mga kinapanayam ay tinatranskrayb.

Isinalin, tinipon at inorganisa ng walang gamit na software. Sa data display, ang

nakuhang mga impormasyon ay ipinapakita sa Table 1,2 at 3. Sa pagkakaroon ng

konklusyon at beripikasyon, nabuo ang mga pangunahing mga kaisipan.

Upang itatag ang tiwala, ay sinunod namin ang disiplina na minungkahi ni

Guba at Lincoln (2000), na masiguro ang katumpakan habang nagkukulekta ng mga

datos na kinabibilangan ng kredibilidad, transferability at pagiging maaasahan. Tulad

ng kredibilidad, inistablisa namin ito sa pamamagitan ng pagsusuri sa meyembro,

peer debriefing at triangulation. Una kaming naghanap ng mga datos para pabigyan

ang mga partisipante ng kopya ng transcripts ng pakikipanayam. Pagkatapos nilang

pumayag sa pamamagitan ng pagsulat ng kanilang pagsang-ayon sa isang

verification form na aming ibinigay. Para naman sa peer debriefing, nagkaroon kami

ng pagpupulong kung papaano gawin ang pakikipanayam at pagkakategurya sa

bawat tema.

Ang mahihirap na mga terminolohiya ay nabigyan ng kalinawan at angkop sa

mga resulta. Sa panghuli, ang triangulation ay nakapagbigay ng kumpyansa para sa

pagbuo ng konklusyon sap ag-aaral na ito. Natipon ang datos mula sa kaugnay na

mga leteratura, sumagot o responde mula sa in-depth interview at focus group

interview na kinumperma ng triangulation mula sa pinagkukunan ng mga datos.


Tulad ng pagkukumperma at pagiging maaasahan, mayroon kaming tagapayo

sa pamamagitan ng pagpapanatili ng mga rekords kung papaano isasagawa ang

kwalitatibong pag-aaral. Ito ay para suriin kung ano ang nagawa at para ekosidera

ang alternatibong plano sa pagbibirepika ng interpretasyon at palagay.

Para sa transperabilidad, sapat na impormasyon sa konteksto ay natupad sa

mga resulta pero hindi base sa pangkalahatang impormasyon mula sa mga

partisipanteng nabanggit. Ang pag-aaral ay mapagkakatiwalaan, kung ang

mambabasa sa pag-aaral na ito ay makapagbigay ng paghusga upang maging sa

gayon ay maging sulit ang pag-aaral na ito.


BUOD NG MGA TEMA

TALAAN 1

Mga Tema at mga Pangunahing Ideya sa epekto ng ng mga pinapanuod na

mga palabas na may SPG sa mga mag-aaral.

Mahahalagang Tema Mga Pangunahing Ideya


Nakakahumaling na mga Eksenang nagpapatayan
eksena sa palabas na may Eksenang nagbibiro o nagpapatawa
Eksenang naghahalikan
SPG sa mga mga-aaral.
Mga positibong dulot ng Makakapagbigay ng aliw dahil sa mga biro o
panunood ng mga palabas pagpapatawa ng mga tauhan.
na may SPG sa mga mag- Makakapagbigay ng magandang aral.
Makakabigay ng ideya tulad ng paraan ng
aaral.
pagtatanggol sa sarili.
Mga negatibong dulot ng Isanasatao ang mga ginagawa ng karakter sa
panunood ng mga palabas isang palabas kahit hindi magandang gawain.
na may SPG sa mga mag- Nag-iiwan ng kakintalan sa isip at damdamin ng

aaral. manunuod tulad ng takot.


Nagpapakita ng malalaswang eksenang hindi
angkop sa bata.

1. Ano ang mga epekto ng mga pinapanuod na mga palabas sa mga mag-

aaral?
Ang mga sumusunod ay mga binahaging mga karanasan ng mga mag-aaral

tungkol sa epekto ng panunuod ng mga palabas na may SPG.

Nakakahumaling na mga eksena sa palabas na may SPG sa mga mga-aaral.

Sinabi ng mga mag-aaral na nakakahumaling ang mga gustong tampok na

mga eksenang pinapanuod sa isang palabas na may SPG.

Isa sa mga mag-aaral mula sa In-Dept Interview ay nagsabing:

Iyong patayan at iyong madugo. (IDI_4)

Mga patayan at madugo. (IDI_4)

Isa sa mga mag-aaral mula sa Focus-Group Discussion ay nagsabing:

Mga romance, kissing scene ganyan. (FGD_3)

Nakakahumaling ang mga palabas na may SPG mga kabataang manunuod

sa kadahilanang may mga eksenang nakakapukaw sa kanilang mga interes. Ang

ibat ibang uri ng palabas ay may ibat ibang epekto sa moralidad ng tao. Ang

moralidad ay patnubay ng pag-uugali o sistema ng mga pagbibigay gabay o

paalala tungkol sa tama at maling pagkilos bilang simboyo ng damdamin,

pagnanais, karakter na kinaugalian at iba pang mga bagay na tumutukoy sa

tamang pagkilos ng isang mag-aaral o ng isang tao. Canlas et al (1999).

Mga positibong dulot ng panunood ng mga palabas na may SPG sa mga mag-

aaral.

May nakukuhang magandang aral ang mga mag-aaral mula sa panunuod nila ng

mga palabas na may SPG.

Isa sa mga mag-aaral mula sa IDI ang nagsabing:

mga positibo ay may makukuha tayong mga leksyon. (IDI_4)

Ang positibong maaring makuha ay ang mga magagandang aral. (IDI_4) Isa sa

mga mag-aaral mula sa FGD ay nagsabing:


Nood ka ng aksyon marunong kanang dumepinsa sa sarili mo (FGD_1)

Sa panunuod mo ng mga palabas na may aksyon ay maaaring matututo kang

ipagtanggol ay iyong sarili. (FGD_1)

Kung susuriing mabuti ang mga palabas ay halos kahawig ito sa tunay na buhay o

sa ating mundong ginagalawan. Ang mga pangyayaring nakikita sa isang palabas ay

minsan nagtuturo sa mga manunuod ng tamang asal, ugali, pagdepensa sa sarili at

iba pang mga aral na kikintal sa isipan at damdamin ng manunuod. Villafuerte (2000)

Mga negatibong dulot ng panunood ng mga palabas na may SPG sa mga

mag-aaral.

Sa inosenting pag-iisip ng mga kabataan ay ginagaya nila ang mga maling gawain

na nakikita nila sa isang palabas.

Isa sa mga mag-aaral mula sa IDI ang nagsabing:

like mga kuan sir kanang mga like kuntahay sa martial arts mga 5 to 8 man guro na
sila mag..mag sundugon nila sir ba, like ma mahimu nila like tay papatay-patay sir
na wala sila kabalo ba na mali, na gani sir. Masundog to. (IDI_3)
katulad ng mga martial arts sir, ang mga batang may 5 hanggang 8 taong gulang ay
ginagaya nila ang mga ito katulad ng patayan na wala sa kanilang isip na mali ang
kanilang ginagawa. (IDI_3)
Isa sa mga mag-aaral mula sa FGD ang nagsabing:
Para sa akin kapag tumitingin ako ng mga horror movie, positibong naidudulot sa
akin ay marami akong natutuhan gaya ng huwag papapasukin kahit sino sa bahay,
tapos ang negatibo naman ay minsan tinatakot ko ang aking sarili sa mga larawan
na maraming namamatay. (FGD_4)
Para sa akin kapag nanunuod ako ng mga nakakatakot na mga palabas ay marami
akong matututunan kagaya ng hindi pagpapapasok ng kahit sino sa bahay ng hindi
mo kilala, pagkatapos, ang negatibong dulot naman nito ay minsan natatakot ako sa
mga larawang maraming patay. (FGD_4)
Ang programa sa telebisyon ay gumaganap ng papel na maraming karahasan. Ang

mga bata na nasa murang edad ay hindi nila matukoy ang pantasya sa totoong

buhay, kung ano ang nakikita nila sa telebisyon ay totoo na para sa kanila.
Natutuhan nila mula sa pagmamasid o panonood at nailalapat nila ito sa kanilang

buhay, at nakikita nila ang karahasan nang walang kahirapan. Soler (2000)

BUOD NG MGA TEMA


TALAAN 2
Mga Tema at mga Pangunahing Ideya sa paggabay ng mga magulang sa
kanilang mga anak sa panunuod ng mga palabas na may SPG

Mahahalagang Tema Mga pangunahing Ideya


Pinapatay ang telebesyon kapag hindi kaaya-aya
Aksyon at gabay ng ang palabas.
mga magulang Pinapayuahan ang anak na huwag gagayahin
ang eksenang nakita sa palabas na may SPG.
Sinasamahan kapag manunuod ng palabas na
may SPG.
Sinasagot ang mga katanungan ng anak tungkol
sa pinapanuod na mga eksena sa mga palabas.

II. Papaano ginagabayan ng mga magulang ang mga mag-aaral sa panunood


ng mga palabas na may SPG?
Aksyon at gabay ng mga magulang sa panunuod ng kanilang mga anak ng
mga palabas na may SPG.

Nagiging gabay ang mga magulang sa kanilang mga anak sa panunuod ng mga

palabas na may SPG.

Isa sa mga mag-aaral mula sa IDI ang nagsabing:

Pag yung hindi po naiintindihan sir kay pag, like yung masama gani akong kuan sir
or bad akong ginapangutana pero wala ko kabalo sir na bad akong gina baliwala
lang sir na nak ayaw ana nak inaana pero pag kuan sir kuan na nana..pero gina
educate gani sir na dili magbuhat ana (IDI_3)

Kapag mayroon akong hindi maintindihan sir kagaya ng mga bagay na masama ay
sinasabihan at pinapangaralan akong huwag itong gayahin (IDI_3)

Isa sa mga mag-aaral mula sa FGD ang nagsabing:

Hindi nila ako pinapatingin sa mga sexual kalaswaang mga bagay na palabas, kung
wala naman pwede naman ipagpatuloy ang palabas basta huwag lang isaisip yong
mga hindi dapat sa mga bata sa mga batang ka edad naming. (FHD_4)

Malaki ang epekto ng gabay ng magulang sa kanilang mga anak lalo na sa

panunuod ng mga palabas na may SPG dahil sila ang nagtuturo sa mga anak kung

ano ang tama o mali sa kanilang pinapanuod. Higit na natututo ang mga bata kung

maalam ang kanilang magulang tungkol sa mga bagay-bagay na nakakabuti at

nakakasama sa kanila. Brooks (2011)

BUOD NG MGA TEMA

TALAAN 3
Mga Tema at mga Pangunahing Ideya sa Pananaw ng mga estudyante sa mga
palabas na may SPG

Mahalagang Tema Pangunahing Ideya


Nakakaaliw, ngunit may mga eksenang hindi
Pananaw ng mga mag- angkop sa kabataan.
aaral sa mga palabas May nakukuhang ideya kung ano ang

na may SPG gagawin bilang isang teenager.


Magpaalam sa magulang kung manunuod
ng mga palabas na may SPG upang sila ay
mapayuhan na huwag gayahin.
Dapat hindi sila manuod ng mga palabas na
may SPG dahil hindi ito nakakabuti sa
kanila.
May makukuhang aral mula sa pinapanuod.

III. Anu- anong pananaw ng mga estudyante sa mga palabas na may SPG?

Pananaw ng mga mag-aaral sa mga palabas na may SPG


Ang mga palabas na may SPG ay nagbibigay aliw sa mga manunuod lalo sa mga

kabataan ngunit may mga ekesenang hindi rin nakakaaliw sa kanila.

Isa sa mga mag-aaral mula sa IDI ang nagsabing:

Kanangkuan..pwedeng siyang mutan-aw, makalingaw siya pero naa lang juy


uban nga times nga dili na siya anolain na siya tan-awun. (IDI_6)

Nakakaaliw namang panoorin, pero mayroon talagang mga oras na hindi siya
magandang panoorin. (IDI_6)

Isa sa mga mag-aaral mula sa FGD ang nagsabing:

Kailangan hindi lahat ipalabas sa lahat ng tao dahil maraming iba na baka
maimpluwensyahan sa kanilang pinapanuod, gaya ng horror, action baka magaya
nila, kagaya ng mga kabataan, gagayahin nila yun. (FGD_1)

Kailangang hindi lahat ay ipapalabas sa lahat ng tao dahil maraming iba nab aka
maimpluwensyahan sa kanilang pinapanuod, kagaya ng mga nakakatakot, mga
labanan, baka magaya nila, kagaya ng mga kabataan, gagayahin nila yun. (FGD_1)

Mayroong mga palabas na kaakit-akit sa mata ng bata, ngunit maaaring ang kaakit-

akit sa kanila ay ang mga palabas na malalaswa o nagbibigay takot sa kanilang sarili

o kaya ay mga labanan na kung gagayahin nila ay maaaring makapanakit sila ng

ibang tao.

Kabanata V

DISKUSYON
Ito ay nagpapakita ng talakayan ng resulta ng pag-aaral pati na rin ang mga

konklusyon at ang epekto ng pag-aaral na ito na naka-angkop sa mga nabuo na

tema sa panahon ng pagtatasa ng data. Ang mga pananaw ng mga mag-aaral ng

Junior High School ng University of Mindanao Tagum College tungkol sa mga

palabas na may SPG kung ano ang kanilang mga karanasan at hinuha sa epekto ng

mga palabas na may SPG sa kanilang sarili, ito ang pokus ng kwalitatibong

pagsisiyasat.

Ang layunin ng penomenolohikal na pag-aaral na ito ay malaman ang mga

pananaw ng mga mag-aaral tungkol sa mga palabas na may SPG at epekto nito sa

kanilang sarili. Ang pagsisiyasat ay naglalayun hindi lamang sa pananaw ng mga

mag-aaral kung hindi ang maintindihan ang positibo at negatibong dulot ng mga

palabas na may SPG sa mga kabataan. Kasali narin ang pagganap ng mga

magulang o nakakatanda bilang gabay sa kanilang mga anak sa panunuod ng mga

palabas na may SPG.

Tulad ng sinabi ni Boyd (2003), ang penomenolohikal na pag-aaral ay

nakatuon sa pag-intindi sa pagunawa sa kakanyahan sa pamamagitan ng pagsusuri

sa mga pananaw ng mga taong nakaranas ng phenomenon. Ang penomenolohikal

na pagsisiyasat ay naglalarawan ito ito tungkol sa pagkakaisa sa pagitan ng mga

respondents at kanilang karanasan sa phenomenon, sa aming pag-aaral na mga

palabas na may SPG sa punto de bista ng mag-aaral ng Junior High School ng

University of Mindanao Tagum College. Ang pangunahing layunin ng

penomenolohikal ay upang kunin ang napaka kakanyahan ng nabahaging

karanasan ng isang karanasan "dakutin ng napaka-likas na katangian ng bagay",

Manen (1990). Sa isang pakikipanayam, ang mga mananaliksik ay nagging


tagasunod at ang mga respondents ay tinuturing na dalubhasa. Kaya, sa talakayan,

ang mga kalahok ay naglalaro ng pinakamahalagang papel sa talakayan.

Ang mga respondents ng pag-aaral na ito ay ang mga mag-aaral ng Junior High

School ng University of Mindanao Tagum College. Ang mga partisipante ay

kinapanayam sa pamamagitan ng in-depth interview at focus group discussion kung

saan ay nagbahagi sila ng kanilang mga pananaw at karanasan tungkol sa

panunuod nila ng mga palabas na may SPG. Upang ang mga partisipante ay hindi

magkakaroon ng mga alalahanin at kawalang katiyakan sa pagbabahagi ng kanilang

mga personal na karanasan, ipinaliwanag namin sa kanila ang pagiging

kumpidensyal at ang etika sa pagsasagawa ng pagsisiyasat.

Sa oras ng pakikipanayam, para sa aming mga mananaliksik ay nakadama

kami na hindi madali at may kaasiwaan at isinasaalang-alang din naming na ito ang

una naming pagsabak sa pakikipanayam at an gaming mga tanong ay may

pagkapersonal para sa mga partisipante. Pero sa kalaunan habang ginagawa

naming an gaming pakikipanayam, ay unti-unting nagkakaroon kami ng tiwala sa

sarili at mapagasiwaang ipagpatuloy ang pag-aaral. Kagaya rin namin, ang mga

partisipante ay hindi rin komportable at balisa sa kanilang kompidensiyalidad ng

kanilang pagkakakilanlan sa oras ng pakikipanayam ngunit ginagarantiyahan namin

sila sa kanilang pinapahayag ay magiging prebado lamang at ang kanilang

pagkakakilanlam ay ganuon din. Sa kalaunan ay nabuo ang tiwala nila at

napagbigyang tuon ang aming pakikipanayam.

Epekto ng ng mga pinapanuod na mga palabas na may SPG sa mga mag-aaral.

May mga eksena sa mga pianapanuod na mga palabas na may SPG ang

nakakahuhumaling sa bawat manunuod lalong lalo na sa mga kabataan na

nakakakuha ng kanilang interes para manuod. Subalit, ang mga eksenang ito ay
maaring makapagdulot ng maganda o kaya ay kapahamakan sa kanila. May mga

eksenang nakakapukaw sa kanilang moralidad. Ang ibat ibang uri ng palabas ay

may ibat ibang epekto sa moralidad ng tao. Ang moralidad ay patnubay ng pag-

uugali o sistema ng mga pagbibigay gabay o paalala tungkol sa tama at maling

pagkilos bilang simboyo ng damdamin, pagnanais, karakter na kinaugalian at iba

pang mga bagay na tumutukoy sa tamang pagkilos ng isang mag-aaral o ng isang

tao.

Nakakaimpluwensiya ang mga palabas lalong lalo na sa mga telebisyon dahil

ito ang pangunahing midyum sa paghahatid ng impormasyon at mga aliw o

programa. Inilalahad dito kung ano ang nakikita ng mga mag-aaral sa isang palabas

at nakakaimpluwensiya ito sa kanilang pag-uugali at pananaw at pagkatuto nila, sa

makatuwid ang mga mag-aaral ay higit na naniniwala kapag nakakakit sila ng tulad

ng sa isang palabas. Higit na lumalawak ang kanilang kaalaman at karunungan

patungo sa pagkatuto. Johnson (2000). Batay sa binahaging karanasan ng mga

repondents tungkol sa mga eksenang kanilang kinagigiliwang panoorin sa isang

palabas ay nakakabahala dahil karamihan sa kanila ay nahuhumaling sa mga

eksenang nagpapatayan o mga madugong eksena, mayroong mahilig sa komedya

at iba naman ay romansa.

Mayroong mga palabas na nakakaimpluwesiya sa mga kabataan lalo na ang

mga aral na nakukuha nila. Kahit na nakakatakot ang kanilang pinapanuod ay may

makukuha parin silang aral, halimbawa nito ang hindi pagtitiwala sa taong hindi mo

kilala. Ang mga eksenang nagbabakbakan tulad ng mga sining sa pagtatanggol sa

sarili (Martial Arts) ay nakaktulong sa kanila kung papaano ipagtanggol ang sarili.

Higit sa lahat nanunuod ang mga kabataan ng mga palabas na may SPG dahil sa

binibigay nitong aliw.


Sa mga positibong natalakay sa itaas ay may kabaliktaran din. Dahil sa

murang edad ng mga kabataan ay minsan isasatao nila ang mga karakter na

kanilang hinahagaan o paboritong panoorin, lalo na ang mga eksenang kinagigiliwan

nila tulad ng mga nakakatakot na mga palabas minsan ay ginagaya nila ito upang

makapanakot ng ibang tao o kaya ay ang pagkatuto nila ng sining sa pagtatangghol

sa sarili ay minsan sila pa ang nakakapanakit ng ibang tao. Sa palabas din

makakapanuod ang mga kabataan ng mga malalaswang mga eksena, kahit hindi

man buong hubot hubat ang mga karakter sa isang palabas ay ang imahinasyon ng

mga manunuod ay naglalaro sa kanilang isipan.

Tinitingnan ng mga bata ang mga tao sa kanilang paligid na kumikilos sa

iba't ibang paraan. Ang mga indibidwal na sinusunod ay tinatawag na mga modelo.

Sa lipunan, ang mga bata ay napapalibutan ng maraming mga maimpluwensyang

mga modelo, tulad ng mga magulang sa loob ng pamilya, mga character sa isang

palabas, mga kaibigan sa loob ng kanilang peer group at mga guro sa paaralan. Ang

mga modelo ay nagbibigay ng mga halimbawa ng pag-uugali upang obserbahan at

tularan. Bandura (1961)

Paggabay ng mga magulang sa kanilang mga anak sa panunuod ng mga

palabas na may SPG

Ang gabay ng mga magulang at ang kanilang paalala sa kanilang mga anak

ay higit na nakakatulong sa kanilang mga anak upang maitama at mapayuhan ang

kanilang anak tungkol sa tama o maling gawain. Ang pagtakip sa mga mata ng mga

bata kung may mga malalaswang eksena o kaya ay mayroong hindi kanais nais na

mga eksena, ang pagbibigay payo, ang pagsama habang nanunuod ang kanilang

mga anak ng mga palabas na may SPG at pagbibigay kasagutan sa katanungan ng

mga anak dahil sa pag-uusisa nila sa isang palabas ay malaking tulong upang
magabayan ang kanilang mga anak upang hindi makagawa ng mga bagay na sa huli

ay pagsisisihan nila.

Pananaw ng mga Estudyante sa mga palabas na may SPG

Ang mga palabas na may paalalang Istriktong Patnubay at Gabay o Strong

Parental Guidance sa ingles (SPG) ay isang paalala sa mga kabataan at higit sa

lahat sa mga magulang, dahil kahit na nagbibigay aliw ito sa mga manonood ay hindi

maiiwasang may mga eksenang hindi angkop sa kabataan na minsan ay

napapanood nila. Tulad ng mga malalaswang mga eksena, karahasan at kahit na

ang mga salitang balbal na ginagaya ng mga kabataan. Dahil dito ay mas mainam

na huwag na silang manood ng mga palabas na may SPG dahil hindi ito

nakakabuti sa kanila. Ang mga palabas na kahit na may SPG ay nakapagbibigay

aral din sa mga kabataan tungkol sa mga bagay-bagay na nakakatulong sa kanilang

pagkatao.

Pinapahayag sap ag-aaral na ito ang mga pananaw ng mga mag-aaral mula

sa Junior High School ng University of Mindanao Tagum College tungkol sa mga

palabas na may SPG. Alin sunod sa pagsisiyasat na ito ay ang mga binahaging

karanasan ng mga mag-aaral at ang ginagawang gabay ng kanilang mga magulang

tungkol sa panonood nila ng mga palabas na may SPG. Ang mga magulang ay

dapat na alalahanin ang mga epekto ng mga palabas na may SPG sa kanilang mga

anak dahil nakakaimplwesiya ito sa kanilang pag-uugali. Ang kinalabasan ng pag-

aaral na ito ay makapagbubukas sa isipan sa mga mag-aaral tungkol sa magiging

epekto ng panonood nila ng mga palabas na may SPG. At saka makakatulong din ito

upang mapagtanto ang mabuti at masamang epekto ng mga pinapanood nilang

mga palabas. Ang makabuluhang mga datos na nakalap sa pag-aaral na ito ay

maaring makapagbigay sa kanila ng impormasyon upang magkaroon ng kaalaman


kung papaano maiwasan ang masamang epekto sa panonood ng mga palabas na

may SPG.

Implekasyon para sa Magulang

Ang produkto ng mahalagang pananaliksik na ito ay nagpapalawak sa

kaalaman ng mga magulang tungkol sa kung ano talaga ang nangyayari kapag ang

kanilang mga anak ay nanonood ng mga palabas na may SPG, partikular na sa

masamang epekto nito nila. Ang buod ng pananaliksik na ito ay nagsisilbing gabay

sa kung ano ang mangyayari sa kanilang mga anak sa hinaharap kung

magpapatuloy silang manonood ng mga palabas na may SPG dahil kaakibat nito

ang kanilang responsibilidad bilang isang magulang. Ang pag-intindi sa pag-aaral na

ito ay makakatulong sa pagbuo ng paliwanag at solusyon.

Implekasyon para sa Hinaharap na Tagapagpananaliksik

Ang layunin ng penomenolohikal na pagsisiyasat ay maaaring gamitin para

sa karagdagang imbestigasyon. Ito ay maaaring maging batayan ng pagsasagawa

ng mas malawak o partikular na pag-aaral sa mga pananaw ng mga estudyante.

Maaring gamitin ito sa pagkulikta ng mga data tungkol sa kung ano ang magiging

epekto ng panonood ng mga kabataan ng mga palabas na may SPG.

Konklusyon

Sa pag-aaral na ito ay nalaman naming ang mga pananaw ng mga piling

mag-aaral tungkol sa mga palabas na may SPG. Sa aming pagsasagawa sap ag-

aaral na ito ay marami kaming natutunuan mula sa mga respondents hanggang sa

aming pag-iimbestiga. Ngayon ay mayroon na kaming mas mabuting pananaw

tungkol sa pagtakbo ng buhay, sa mga problemang kahaharapin sa panonood ng

mga palabas na may SPG at kung paano ito solusyunan.


Ang panonood ng mga kabataan ng mga palabas na may SPG ay may

malaking dulot na epekto sa kanilang mga sarili. Kahit na isa sa makrong kasanayan

ang panonood upang malinang ang kanilang kaalaman ay kailangan paring salaing

mabuti ang bawat palabas na pinapanood. Kahit na may magandang naidudulot ang

panonood ng mga palabas na may SPG ay malaki parin ang masamang

impluwensiya nito sa kanila dahil may mga ipinapakitang mga eksena na hindi

angkop sa kabataan. Maaring makahihikayat ito sa kanila na gawin ang mga bagay

na hindi dapa, tulad ng sekswal na eksena na kahit hindi man ito hubot hubad talaga

ay pinapalawak pa nila ito gamit ang kanilang imahinasyon. Ang mga ideya o mga

aral na kanilang napupulot sa isang palabas ay maaring makasama o makabuti sa

kanila dependi sa kung papaano ang paggabay ng kanilang mga magulang.

Dahil sa panggagaya ng mga kabataan sa kanilang mga iniidolong mga

karakter sa isang palabas ay maaring gayahin nila ito mula sa kung paano ito

kumilos at magsalita, katulad ng mga karakter sa isang maaksyong palabas, kung

paano ito makikipaglaban at kung papaano niya ginagapi ang mga kalaban. Ang

pagpapakita ng mga mararahas na mga eksena ay maaring magdulot ng karahasan

hindi lamang sa kanilang sarili pati narin sa ibang tao.

Sa huli, mula sa aming nakalap na mga impormasyon mula sa

kinapanayam na mga mag-aaral ng Junior High School ng University of Mindanao ay

masasabi naming ang panonood ng mga palabas na may SPG ay may malaking

epekto sa hubog ng mga kabataan sa kanilang sarili dahil naaapiktuhan nito ang

kanilang moralidad, pag-uugali at pag-iisip. Ang wastong gabay ng magulang ay

kinakailangan upang maitama ang bagay-bagay nakakaapekto sa kanilang mga

anak sa panonood nila ng mga palabas na may SPG.

You might also like