You are on page 1of 10

Kabanata IV

PAGLALAHAD AT PAGPAPAHALAGA NG MGA DATOS

Ang kabanatang ito ay naglalahad ng pagsusuri at pagpapahalaga ng


mga datos at impormasyon.Kung saan inalam ang pinagmulan at epekto ng kulturang
popular sa ating bansa sa tulong ng mga piling respondent ng baitang labingdalawa
ng Dominican School Manila batay sa sarili nilang karanasan at kaalaman . Narito ang
mga nakalap na mga resulta mula sa mga respondent.

Mga nakakaimpluwensya para tangkilikin ang isang produkto

Pigura Blg. 1

33% 30%

37%

Mga artista Mga youtubers Iba pa


Pinapakita rito ang pangunahing nakaka impluwensya sa kanila sa pagtangkilik
ng isang produkto. Ang may pinakamataas na porsyento ay ang mga youtubers na may
tatlumpu’t pitong (37%) porsyento, dahil ito na ang pangunahin na sinusundan ng mga
Netizens at mas mabilis nilang makikita ang mga bagong kagamitan o tinatawag din
natin na “trend’’ habang tatlumpung(30%) porsyento naman ang nagsasabing artista
ang nakakaimpluwensya sa kanila dahil pag sikat ang isang artista at may bago siyang
kagamitan o ipinakilalang produkto dito mapupukaw ang atensyon ng mga tao at nais
din nila magkaron ng ganong kagamitan at tatlumpu’t tatlong (33%) porsyento naman
ng mga respondente ang sumagot ng may iba pang nakakaimpluwensya sa kanila
kagaya ng kanilang mga kaibigan, kakilala, komersyal sa telibisyon, at mga tanyag na
produkto sa merkado.

Mga Paraan at epekto sa pagtangkilik ng mga mamamayan sa kulturang popular.

Pigura blg.2(a)

7%

93%

Paggamit ng teknolohiya paggamit ng dyaryo Iba pa

Makikita sa pigura na ito na karamihan ng mga tao ay gumagamit na


ng mga makabagong teknolohiya kagaya ng cellphone, laptop, tablet, at iba pa sa
pagbabasa at pakikinig ng mga balita dahil sa henerasyon ngayon ay mas komportable
o nakagawian na ang paggamit ng mga teknolohiya kesa sa mga lumang gamit katulad
ng dyaryo o libro batay sa mga sagot ng mga respondente na may siyamnapu’t
pitong(97%)porsyento habang tatlong(3%) porsyento naman ng mga respondente ang
nagsasabing gumagamit pa sila ng ibang istilo ng pangangalap ng balita kagaya ng
pakikipag usap sa kanilang kapitbahay upang magtanong kung ano ang mga
magaganap o naganap ng mga pangyayari sa ating lipunan.

Pigura blg. 2(b)

3%
20%

77%

Online Mall Iba pa

Sa datos na aming nakalap sa tatlumpung respondente, pitumpu’t


pitong(77%) porsyento sa kanila ay sa Mall bumibili ng mga bagong kagamitan
kagaya ng sapatos upang maka sigurado sila na ang bibilihin nilang gamit ay yung
bago at karaniwang ginagamit ng karamihan kesa sa Online na maaaring mali ang
maibigay sayo o mabili mo ngunit dalawampung(20%) porsyento ng mga respondente
ang sang ayon rin sa pagbili sa online dahil dito mas madali ang proseso at hindi ka
pa mag aaksaya ng oras para lumabas at pumunta sa mga tindahan at tatlong (3%)
porsyento naman ang sumagot na sa ibang tindahan sila bumibuli ng kanilang
kagamitan kagaya ng mga bilihan ng ukay-ukay dahil bukod nga sa mura ito ay
branded pa ang mga ito at maaari pang gamitin

Pigura blg. 2(C)

23%
27%

50%

Sa pamamagitan ng commercial nito sa telibisyon o online platforms


kung ito ay nababagay sa akin
Iba pa

Batay sa karanasan ng mga respondente, limampung(50%) porsyento sa


kanila ang basehan sa pagpili ng isang produkto ay kung ito ba nababagay sa kanila,
dahil kung ito ay bagay sa iyo mas magkakaroon ka ng kumpiyansa sa sarili na
makisama sa ibang tao at masasabi mo sa iyong sarili na katangaptangap ka sa lipunan
at dalampu’t tatlong(23%) porsyento naman ang nagsasabing sa pamamagitan ng
commercial nito sa telibisyon o online platforms ang basehan nila sa pagpili ng isang
produkto sapagkat dito mo makikita ang mga bagong kagamitan at kasuotan na binibili
ng karamihan at dalawampu’t pitong (27%) porsyento naman ng mga respondente ang
sumagot ng may iba’t iba pa silang basehan sa pagpili ng isang produkto kagaya ng
kung ito ba ay pamilyar sakanila at kung ang tatak ng isang produkto ay tanyag o sikat
sa mga mamimili tulad ng mga branded na kagamitan kagaya ng Nike, Lacoste,
Guess , at iba pa.
Pigura blg. 2(d)

17% 13%

70%

Marami akong kakilala na pumapasok doon masarap ang kanilang mga paninda
Iba pa

Sa pigurang ito makikita natin na halos pitumpung (70%) porsyento ng


mga tagatugon ay nagsasabing kaya sila pumupunta ng Starbucks dahil masasarap
ang mga paninda nila doon habang labintatlong(13%) porsyento naman Ang
nagsasabing marami silang kakilala at madami rin ang pumupunta doon para mag kape
at kumain kaya ito ang rason kung bakit sila pumupunta sa Starbucks dahil ito ang
alam nilang pinupuntahan ng nakakarami at gusto rin nilang masubukan ang
pumunta at kumain doon at labinpitong(17%) porsyento naman sa mga respondente
ang sumagot na may iba pa silang dahilan kung bakit sila pumupunta ng Starbucks
kagaya ng kakaiba daw ang lasa ng mga produkto nila kesa sa ibang coffee shop at
maari silang tumambay doon upang gumawa ng kanilang mga school o office works.
Pigura blg. 2(e)

26%
37%

37%

Maganda ang kuwento nito Idolo ng marami ang mga artista ng pelikula
Iba pa

Sa Pigura na ito makikita natin na parehong tatlumpu’t pitong(37%)


porsyento ng mga respondente ang nagsasabing kaya nila tinatangkilik ang mga
ibat ibang palabas kagaya ng Hello love Goodbye dahil maganda ang kwento nito
at idolo ng marami ang mga artista ng pelikula habang dalawampu’t anim na (26%)
porsyento naman ang nagsasabing may iba pa silang paraan ng pagtangkilik ng isang
pelikula kagaya ng marami ang nagpupunta sa mga sinehan upang panoorin ang mga
bagong pelikula at madami silang kakilala o kaibigan na sumumubaybay sa mga
pelikula.
Pigura blg. 2(f)

13%

87%

Oo Hindi

Batay sa datos labin tatlong(13%) porsyento lamang ang madalas bumili


ng mga imported na bagay kagaya ng damit,pagkain at iba pa dahil higit na mas
maganda ang kalidad nito ngunit mas mahal ang presyo habang karamihan naman ng
mga tagatugon na walumpu’t pitong (87%) porsyento ang hindi gaano bumibili ng mga
imported na bagay dahil mas mahal ito at karamhihan ng mga mamamayan ng ating
bansa ay walang kakayahan upang bumili ng mga imported na kagamitan.

Epekto ng kulturang popular sa mga mag- aaral


Pigurara blg. 3
20%

80%

Oo Hindi

Pinapakita sa pigura na walumpung(80%) porsyento ng mga respondente


ang nag sasabing nakaka apekto ang kulturang popular o pagtangkilik sa mga
ginagawa o binibili ng karamihan upang mapakita nila na katangap tangap sila sa
lipunan na maaari din maka apekto sa pag-aaral nila dahil mawawala ang atensyon nila
rito at higit na bibigyan nilang pansin ang mga bagay bagay na tinatangkilik nila at
dalawampung(20%) porsyento naman ang nagsasabing hindi nakaka apekto ito sa pag-
aaral nila dahil ang mga ibang mag-aaral ay may sariling pinagtutuunan ng pansin at
higit nilang pinapahalagahan ang kanilang pag-aaral kesa sa ibang bagay o alam rin
nilang balansehin ang mga iba’t ibang ginagawa nila.

Ang kaligayahang naidudulot sa pagtangkilik ng mga produktong


ginagamit/ginagawa ng karamihan
Pigura blg. 4

33%

67%

Oo Hindi

Batay sa datos animnapu’t pitong(67%) porsyento ng mga respondente


ang nagsasabing higit daw na nakaka pagbigay ng saya ang pagtangkilik sa mga
produkto na ginagamit ng karamihan dahil sa paraan na ito masasabi natin na
nakakasabay tayo sa modernisasyon at sa ating lipunan habang tatlumpu’t
talong(33%) porsyento naman ang nagsasabing hindi nakaka pag bigay ng saya sa
kanila ang mga ito dahil siguro may iba pa silang pinagkakaabalahan o maaaring
nakatuon sila sa iba pang aspeto ng kanilang buhay.

Isang Pagsusuri sa Pinagmulan ng Kulturang Popular


Bilang Bahagi ng Kahingian sa
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang popular

Ipinasa nina:
Gara, Carl Stephen M.
Sacramed, J Andrei David
Forfieda, Adrivon Cyrix

11-St. Thomas Aquinas

Ipinasa kay:
Bb. Honey Grace Correa Abiera

Marso 7,2020

Batay sa opinyon ng mga respondente ang kulturang popular daw ay isang


pamamaraan ng mga tao upang pamakita na katangap tangap sila sa lipunan.

You might also like