You are on page 1of 1

Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral

Saklaw ng pag-aaral na ito ay matukoy ang epekto ng paggamit ng autocorrect

sa pagbabaybay ng Wikang Filipino. Ang pag-aaral na ito ay nagpapakita ng epekto sa

mga mag-aaral ng paggamit ng Microsoft Word sa kasanayan at komposisyon ng mga

salita sa Wikang Filipino. Sumakatuwid, binibigyan din sa pag-aaral na ito ang

responsibilidad ng mga guro sa pagkahasa ng mga mag-aaral sa pagbabaybay sa

Wikang Filipino.

Ang mga mananaliksik ay nillimitahan ang kanilang pag-aaral sa mag-aaral ng

Baitang 11 upang magsagawa ng survey ukol sa pananaliksik. Upang makahanap ng

sapat at nararapat na datos, ang bilang ng respondante ay apatnapu’t pito (47) katao ito

ay sapat upang makakalap ng impormasyong nais makuha ng mga mananaliksik. Ang

mga mag-aaral ay nasa Baitang 11 ay may sapat na kaalaman at kakayahan na

makasagot sa survey. Ang pag-aaral na ito ay nagsimula sa buwan ng Pebrero at

matatapos sa buwan ng Marso sa taong dalawang libo’t dalawanput apat (2024).

Samakatuwid, makakatulong ang survey na ito upang matukoy ang limitasyon sa

kaalaman ng mga-aaral sa pagbabaybay sa Wikang Filipino.

You might also like