You are on page 1of 9

Filipino 4

Panghalip na Pamatlig
by:
Jocelyn P. Cabrega
Francisco Benitez Memorial School
Panghalip
Panghalip na Pamatlig -
ang panghalip na pamatlig ay
panghalip na ginagamit sa
pagtuturo ng tao, bagay, pook o
gawa.
•Ang mga panghalip na
pamatlig na ito, ganito, dito, at
heto ay ginagamit ng taong
nagsasalita. Hawak niya o
malapit sa kanya ang itinuturo.
Pag-aayos ng Eksibit
• Bb. Santiago: Kailangang ayusin ninyong mabuti
ang mga eksibit. May paligsahan sa
pinakamagandang ayos ng silid. Sana'y manalo
tayo.
• Marites: Saan po ba dapat ilagay itong mga album?
• Anton: Dito na lang sa ibabaw ng mesa. Hindi
iyan makikita kung doon sa sulok ilalagay.
Vida: Ito namang mga polder sa Sining ay diyan ko
ilalagay sa tabi ng mga album.
• Andrei: Dito na kaya natin ilagay itong mga basket.
• Karen: Huwag diyan , mas maganda iyan doon sa may
estante.
• Bb. Santiago: Tama, dapat nga doon ihanay sa estante.
Ano naman ang ilalagay riyan sa tabi ng
pisara?
• Marites: Maganda po roon ang mga
plorera.
• Anton: Sa palagay ko'y mananalo tayo
sa kontes.
Sagutin ang mga tanong:

• 1. Ano ang pinagkakaabalahan ng klase ni Bb. Santiago?


• 2. Bakit nag-aayos sila ng kanilang silid-aralan?
• 3. Ano ang masasabi mo sa mga mag-aaral ni Bb.
Santiago?
• 4. Kung ikaw ay isa sa mga mag-aaral ni Bb. Santiago,
ganyan rin ba ang gagawin mo? Bakit?
• 5. Nais mo rin ba ng maayos na silid-aralan?
Pagsasanay
• Panuto: Lagyan ang puwang ng ito, iyan, iyon, dito, diyan,
doon ang mga pangungusap sa ibaba.
• 1. ______ang pagkaing niluto ni Inay para sa
iyo.
• 2. Dala mo pala______bag ko.
• 3. ______panyo sa bag ko ay kay Maria.
• 4. ______ka maupo sa tabi ko para mahanginan
ka.
• 5. ______ sa kabilang bundok pa ang kanilang
• Maraming Salamat po!

You might also like