You are on page 1of 7

Republika ng Pilipinas

KAGAWARAN NG EDUKASYON
Rehiyon 02
SANGAY NG MGA PAARALAN NG LUNGSOD NG CAUAYAN
Telefax: (078)652-1614 or call (078)897-1633

PANUKALANG PROYEKTO

( Pansangay na Ebalwasyon ng Programa sa Pagbasa )


Panuruang Taon 2017-2018

I. PAMAGAT : PROJECT BOOKLAT PAHINA

Bagong Opisyal na Operasyon Kaagapay at Lakas na Abutin ang Tagumpay


sa Pagbasa at Akademiko na Hahabi ng INobatibong mga Aralin.

II. TAGAPANUKALA
LORETA A. MONTALES
Guro III

III. MGA MAKIKINABANG/ TAONG SANGKOT


Mga Pansangay na Tagamasid, Tagamasid Pampurok,Punong-guro,
Ulong-guro,Koordineytor,Dalubguro,Guro at mga mag-aaral mula sa Pampublikong
Paaralan sa Elementarya at Sekundarya ng Sangay ng mga Paaralan sa Lungsod ng
Cauayan.

IV. KATUWANG SA PROYEKTO


Pamunuan ng Sangay ng mga Paaralan ng Lungsod ng Cauayan

V. KAHALAGAHAN NG PROYEKTO
Sa kabila ng pag-unlad at pagbulusok ng pagtaas ng kalidad ng edukasyon,
paggamit ng mga makabagong metodolohiya at pamamaraan sa pagtuturo
nakalulungkot isipin na may mga ilang mag-aaral ang hindi makasabay. Ang mga
mag-aaral na ito ay napag-iiwanan at nakararanas ng matinding suliranin sa pagkatuto
at may mababang antas ng pag-unawa sapagkat nababaling ang kanilang atensiyon sa
mga bagay na nakasisira sa kanilang interes sa pag-aaral kagaya ng maling paggamit
ng cellphone, pagkahumaling sa laro sa computer,paggamit ng internet,
pakikipagbarkada, at labis na panonood ng telebisyon at higit sa lahat kakulangan ng
motibasyon, suporta at gabay na dapat magmula sa mga nakatatanda, magulang at
guro na nakapaligid sa kanila.
Ang kalagayang ito ay nagsilbing hamon at kung hindi natin bibigyang pansin
at lunas ngayon, kailan? Kung kaya ang guro/tagapanukala ay nag-isip,nagplano at
bumuo ng isang programang “BOOKLAT PAHINA” na magsisilbing tulay upang
mahikayat ang kaguruan ng bawat paaralan sa elementarya at sekundarya sa Sangay
ng mga Paaralang ng Lungsod ng Cauayan na maging inobatibo at maparaan sa
paghubog ng mga mag-aaral upang matulungan at magabayan sila na bigyang halaga
ang pagbabasa, mapalawak ang kanilang kaalaman, mahasa ang kakayahang matuto at
umunawa na makatutulong mapagbuti ang kanilang pag-aaral tungo sa pag-unlad ng
kanilang buhay.

VI. MGA LAYUNIN

1. Malinang ang isang buo at ganap na Filipinong may kapaki-pakinabang na


literasi
2. Mahikayat ang mga paaralan sa elementarya at sekundarya na pagtuunan at
bigyang ng pansin at lunas ang kahinaan at mapa-unlad pa ang kagalingan ng
mga mag-aaral sa pagbasa
3. Hikayatin ang mga mag-aaral na gamitin ang kanilang libreng oras sa
pagbabasa sa halip na malibang sa mga bagay na makasisira sa kanilang interes
at atensiyon sa pag-aaral.
4. Mapataas ang antas ng pag-unawa ng mga mag-aaral sa pagbabasa.
5. Ipabatid sa mga mag-aaral ang kahalagahan ng pagbabasa.

VII. MISYON
Ang progarama ay may hangaring makahubog ng mga mag-aaral na may
kakayahang matuto at matamo ang pang-unawang kritikal sa pagbasa upang
maging produktibong mamamayan ng bansa.

BISYON
Makapagpapatupad ng mga hakbang at paraan upang mahasa at malinang
ang kakayahan ng mga mag-aaral sa pag-unawa sa binasa tungo sa kanilang
pagkatuto.

VIII. DESKRIPSYON NG PROYEKTO

Ang dibisyon ay magsasagawa ng isang ebalwasyon o pagtataya ng


programa sa pagbasa ang BOOKLAT PAHINA sa mga paaralan ng elementarya
at sekundarya sa Sangay ng mga Paaralan ng Lungsod ng Cauayan. Ang
__________ sa Filipino ay gagawa ng talaan na naglalaman ng daloy ng proyekto
na magsisilbing gabay ng bawat paaralan at ito ay bibigyan ng puntos ng mga
naatasang mga tagapangasiwa ayon sa inihandang krayterya na ibibigay din sa
mga tagapamahala ng programa sa mga paaralan. Kung kaya, inaasahan ang mga
paaralan ay magkakaroon ng mga kumpletong dokumentasyon para sa programa
sa pagbasa.
Ang pagtataya ay magsisismula sa huling linggo ng buwan Enero at buong
buwan ng Pebrero 2017. Pahahalagahan sa susunod na Panuruang Taon ang mga
paaralan na magsisipagwagi na nagpakita ng aktibong pakikiisa sa
pagsasakatuparan ng proyekto.
Republika ng Pilipinas
KAGAWARAN NG EDUKASYON
Rehiyon 02
SANGAY NG MGA PAARALAN NG LUNGSOD NG CAUAYAN
Telefax: (078)652-1614 or call (078)897-1633

PROJECT BOOKLAT PAHINA

Ulat sa Pagsasagawa ng Proyekto

Pangalan ng Proyekto:
Layunin:
1.
2.
3.
Tagapanukala ng Proyekto:

Petsa na Sisimulan ang Proyekto:

I. Mabisa at Komprehensibong Pagplaplano

A. Talatakdaang Gawain sa Pagbasa/ Aksyon Plan ( template)

B. Istratehiya/ Pamamaraan sa Pagtuturo sa Pagbasa

C. Pagsulat/Paggawa ng Modules

D. Aksyon Riserts

II. Pagsusuri ng mga Inilahad na Mahahalagang Datos

A. Resulta ng NAT sa Taong Panuruan 2016-2017 at 2017-2018

B. Grap ng Resulta ng Bawat Baitang( May Pag-aanalisa, involved teachers

C. Tala ng mga Mag-aaral na Humihiram ng Aklat( Mumunting-Aklatan,Reading Nook/ Corner)

D. Tala ng mga Aklat sa Mumunting Aklatan, aklatan o nook

E. Tala ng Sariling Akdang Panlokal na Babasahin Para sa mga Mag-aaral

III. Kapaki-pakinabang na Pagpapaunlad ng Antas ng Pagbasa

A. Resulta ng Pag-unlad ng Pagbasa

B. Pagkakaroon ng Kultura sa Pagbasa( best practices)

C. Kontribusyon sa Pagpapabuti ng Kahusayan ng mga Mag-aaral sa Pagbasa( impact)


IV. Pakikipagkaisa sa mga Stakeholders

A. Pakikiisa sa Programa sa Pagbasa na ilulunsad


B. Pagbibigay ng Aklat

Republika ng Pilipinas
KAGAWARAN NG EDUKASYON
Rehiyon 02
SANGAY NG MGA PAARALAN NG LUNGSOD NG CAUAYAN
Telefax: (078)652-1614 or call (078)897-1633

PROJECT BOOKLAT PAHINA

Pangkat ng mga Tagapangasiwa at iskedyul ng pagdalaw sa paaralan simula __________________

Pangkat A Pangkat B Pangkat C


Mga Tagapangasiwa
1. 1. 1.
2. 2. 2.
3. 3. 3.
Mga Paaralan
Republika ng Pilipinas
KAGAWARAN NG EDUKASYON
Rehiyon 02
SANGAY NG MGA PAARALAN NG LUNGSOD NG CAUAYAN
Telefax: (078)652-1614 or call (078)897-1633

Kraytirya sa Pagtataya ng Programang PROJECT BOOKLAT PAHINA

I. Mabisa at Komprehensibong Pagplaplano ( 20 % )

A. Talatakdaang Gawain sa Pagbasa/ Aksyon Plan (5%) ( template)

B. Istratehiya/ Pamamaraan sa Pagtuturo sa Pagbasa


KRAYTIRYA MOV PUNTOS
1-2 Makabagong Istratehiya - 2 Sanayang Papel
3-4 Makabagong Istratehiya - 3 Mga larawan
6-7 Makabagong Istratehiya - 4
8-10Makabagong Istratehiya -
6
10 pataas Makabagong
Istratehiya 10
C. Pagsulat/Paggawa ng Modules
KRATIRYA MOV PUNTOS
1-2 Module -2 Kopya ng modules
3-4 Module -3
6-7 Module -4
8-10 Module - 6
10 pataas Makabagong
Istratehiya 10
D. Aksyon Riserts
KRATIRYA MOV PUNTOS
1 Aksyon Riserts na Ginamit ang Resulta -2
2 Aksyon Riserts na Hindi Ginamit ang Resulta-3
3Aksyon Riserts na Hindi Ginamit ang Resulta -4
2 Aksyon Riserts na Ginamit ang Resulta -6
3 Aksyon Riserts na Ginamit ang Resulta -10

II. Pagsusuri ng mga Inilahad na Mahahalagang Datos ( 25% )

A. Resulta ng NAT sa Taong Panuruan ________________ at ________________________

KRATIRYA MOV PUNTOS


Pagtaas ng Resulta ng NAT ng 5% -10 Resulta ng NAT mula
Pagtaas ng Resulta ng NAT ng 4% - 8 sa NETRC
Pagtaas ng Resulta ng NAT ng 3% -6
Pagtaas ng Resulta ng NAT ng 2% -4
Pagtaas ng Resulta ng NAT ng 1% -2
B. Tala ng mga Gumagamit at Humihiram ng Aklat
KRAYTIRYA MOV PUNTOS
96-100% -10 Tala ng mga mag-aaral
80-95% -8
79-60% -6
59-40% -4
9-20% -2

C. Rekord ng mga Aklat ( 2 puntos )


D. Tala ng Sariling Akdang localized at contextualized na babasahin para sa mga mag-aaral
( 10 puntos )

III. Epektibong Pagpapaunlad ng Antas ng Pagbasa ( 40 % )

A. Bunga/resulta ng Pag-unlad ng Pagbasa


KRAYTIRYA MOV PUNTOS
Pagtaas ng Resulta ng 5% -10 Resulta sa Ebalwasyon sa
Pagtaas ng Resulta ng 4% -8 Pagbasa
Pagtaas ng Resulta ng 3% -6
Pagtaas ng Resulta ng 2% -4
Pagtaas ng Resulta ng 1% -2

B. Mga Aklat na nasa Aklatan, Mumunting Silid-aklatan, Reading Corner o nook

KRAYTIRYA MOV PUNTOS


6 na Mumunting silid-aklatan Lokasyon ng Mumunting-
5 na Mumunting silid -aklatan aklatan
4 na Mumunting silid -aklatan Mga larawan
3na Mumunting silid -aklatan
2na Mumunting silid -aklatan

V. Pakikipagtulungan ng mga Stakeholders ( 10% )


KRAYTIRYA MOV PUNTOS
25 pataas na aklat -10 Katibayan ng donasyon
20 aklat -8 Mga larawan
15 aklat -6
10 aklat -4
5aklat -2

IX. PONDONG GUGUGULIN SA PROYEKTO

Inihanda ni :

LORETA A. MONTALES
Guro III sa Filipino
Pinagtibay:

GILBERT NARAG TONG, Ph.D.,CEO VI, CESO V


Pansangay na Tagapamanihala ng mga Paaralan

You might also like