You are on page 1of 2

MGA TAUHAN SA FLORANTE AT LAURA

1. Florante- Anak ni Duke Briseo, siya ay ang mang-iibig ni Laurang Prinsesa ng Kaharian ng Albanya ang namataan ni
Florante bago siya sumabak sa isang digamaan nang ang bayan ng kanyang inang, si Prinsesa Floresca, Krotona ay
sinakop ng mga Morong Persyano. Mula sa kagitnaan hanggang sa bandang katapuasan ng salaysay, siya ang
nagsasalaysay. Ito ay isinasalaysay niya kay Aladin, ang Morong nagligtas sa kanya mula sa mga leon nang siya ay
nakagapos pa dahil sa Konde Adolfo.

2. Konde Adolfo - Sa Florante at Laura, si Konde Adolfo ang isa sa mga pangunahing kontrabida nito. Anak siya ng Konde
Sileno, at pareho silang nagmula sa Albanya. Unang nagkita sina Konde Adolfo at Florante sa Atenas kung saan nag-aral
sila pareho. Nangangagwat ang kanilang gulang nang dalawang taon, kung saan si Adolfo ang mas matanda. Noong
kakarating pa lamang ni Florante sa Atenas, si Adolfo ang pinakasikat na mag-aaral doon. Ito ay buhat ng kanyang angking
talino at "kabaitan". Ngunit habang tumatagal ang panahon, unti-unti ring napunta kay Florante ang kapurihan ni Adolfo. At
dahil dito, pinagtangkaan pa nga niyang patayin si Florante sa isang dula-dulaan, na nagdulot ng pagkakita sa lahat ng
kanyang pagbabalat-kayo, at pagpapaalis sa Atenas pabalik ng Albanya sa ilalim ng utos ng kanyang gurong si Antenor.

3. Aladin - Si Aladin ay isang Morong Persyanong tumulong kay Florante, at nagligtas ng kanyang buhay. Ang kanyang ama
ay si Sultan Ali-Adab na siya ring umagaw sa kanyang kasintahang si Flerida. Si Aladin at Florante ay nagkita nang hindi
sinasadya, at karamihan ng mga bahagi ng awit ay isinasalaysay sa kanya ni Florante. Siya rin ang idolo ni Florante bilang
pinakamagaling na mandirigma, ngunit sa kanilang pagkikita ay hindi alam ni Florante na ang kausap niya ay si Aladin, ang
kanyang idolo. Sa katapusan ng awit, nang mamatay ang Sultan Ali-Adab ng Persya, siya na ang naging sultan.

4. Prinsesa Laura - Si Laura ang minamahal nang lubos ni Florante. Anak ng Haring Linceo ng Albanya, siya ang prinsesa ng
kahariang ito. Siya ay nagmamay-ari ng lubos na kagandahang ipinuring lubos ni Floranteng nadulot sa kanyang umibig kay
Laura sa unang pagkakakita pa lamang. Sa simula ng awit, siya ay ikaluluksa ni Florante dahil sa kanyang pag-aakala na
nililo Laura sa pagpapalit sa kanya kay Konde Adolfo.

5. Menandro - Si Menandro ang matalik na kaibigan ni Florante sa Atenas na lumigtas din ng buhay ni Florante mula sa mga
tagang nakakamatay ni Adolfong kanyang tinaga nang kanyang tangkaing patayin si Florante sa isang dula-dulaan nila sa
kanilang paaralan sa Atenas. Bukod pa sa pagliligtas ng buhay niya, marami pa siyang ginawa para kay Florante, at noong
sinakop ang Albanya nang makailang ulit, kasama siya ni Florante sa pakikibaka.

6. Flerida - Si Flerida ang kasintahan ni Alading inagaw mula sa kanya ni Sultan Ali-Adab. At sa pagpapangakong
pagpapakasal sa Sultan, napagpabago niya ang isip nito sa pagbitay kay Aladin. Ngunit sa katotohanan, hindi niya tinupad
ang pag-aako, at tumakas sa araw ng kasal.

7. Duke Briseo - Si Duke Briseo ang maarugaing ama ni Florante, at naglilingkod bilang sariling tanungan ng Haring Linceo ng
Albanya. Siya ay pinatay at ipinaghagisan ang bangkay nito ng mga alagad ng Konde Adolfo nang kanyang agawin ang
trono ng Haring Linceo.

8. Prinsesa Floresca - Si Prinsesa Floresca ang ina ni Florante. Siya ay mula sa bayan ng Krotona, at maaagang namatay, na
nagdulot sa pag-uwi ni Ka T. Rin mula sa Atenas pabalik ng Albanya.

9. Antenor - Si Antenor ay isang guro sa Atenas nina Florante, Konde Adolfo at Menandro.

10. Menalipo - Si Menalipo ay isang pinsan ni Florante. Iniligtas niya si Florante mula sa isang buwitreng dadagitin siya sana
nang siyang isang sanggol pa lamang gamit ang kanyang pana at busog. Ipinapakita nito na si Menalipo ay higit na mas
matanda kaysa kay Florante.

11. Konde Sileno - Si Konde Sileno ang ama ni Konde Adolfong ayon kay Florante ay marangal.

12. Haring Linseo - Si Haring Linseo ang hari ng Kaharian ng Albanya, at ama ni Laura. Ang kanyang pamumuno ay nagtapos
nang mayroong kumalat na usap-usapan tungkol sa pag-uutos daw niyang harangin ang imbakan ng trigo upang gutumin
ang mga tao ng Albanya. Ang usap-usapang itong pinasimulan ni Konde Adolfo ang nagpaalab ng mga damdamin ng mga
tao sa Albanyang nagdulot sa pag-aaklas nila. Ang pag-aaklas namang ito ang ginamit ni Konde Adolfo upang maiupo ang
sarili sa trono.

13. Sultan Ali-Adab - Si Sultan Ali-Adab ang sultan ng Persyang umagaw sa kasintahan ni Alading si Flerida. Siya ay isang
malupit na ama. Pinatawan niya ng kamatayan si Aladin, ang kanyang anak, dahil daw sa pagkatalo niya sa Persya, ngunit
ang totoong dahilan dito ay upang makuha niya si Flerida mula sa kanyang anak. Ngunit hindi natuloy ang pagbitay kay
Aladin, nang nangako si Flerida na kanyang pakakasalan ang Sultan, isang pangako na hindi rin natuloy nang tumakas si
Flerida sa mismong araw ng kasal; ang naging hatol na lamang kay Aladin ay pagpapatalsik mula sa Persyang kailanman
ay hindi niya mababalikan.
14. Osmalik - Si Osmalik ang heneral ng hukbong Persyanong sumakop sa Krotona sa ilalim ng utos ni Aladin.

15. Miramolin - Si Miramolin ang pinuno ng mga mananakop ng Albanya mula sa Turkiya. "o nangangalay ng mabangon suob
sa dakilang altar ni kupidong diyos,sa dusa ko'y kayo ang nakatatarok noong mangulila sa laura kong irog!"

16. Heneral Abu Bakr- Heneral ng Persiya, nagbantay kay Flerida.

Emir - moro/muslim na hindi nagtagumpay sa pagpaslang kay Laura

You might also like