Ang kuwento ay nagsimula sa isang babaing mangangalakal na
nakapag - asawa ng manlalakbay. Sapagkat siya madalas na maiwang
mag - isa sa kanilang tahanan, dala ng labis na lungkot ay humanap siya ng mangingibig. Napili niya ang isang lalaking mas bata sa kanya.
Isang araw, ang kanyang batang mangingibig ay inihabla at
ipinakulong. Agad na pinuntahan ng babae ang hepe ng pulis at sinabing palabasin ang lalaki sapagkat ito ay kanyang nakababatang kapatid. Nagbigay ng kondisyon ang hepe na pakakawalan ang batang mangingibig kung ang babae ay papayag na makasama siya sa loob ng isang gabi. Nakipagkasundo ang babae at nagtakda ng oras kung kailan sila magkikita.
Sumunod na araw ay nagpunta ang babaing mangangalakal sa
isang Cadi. Hiniling niya rito na utusan ang hepe ng pulis na pakawalan ang binata. Gaya ng hepe ang Cadi ay nagnais din na makasama ang babaing mangangalakal sa loob ng isang gabi kapalit ang paglaya ng kanyang minamahal. Sa pangalawang pagkakataon ay nakipagkasundo ang babae at nagtakda ng oras kung kailan sila magkikita.
Ang sunod na pinuntahan ng babaing mangangalakal ay ang
Vizier. At gaya ng inaasahan, ng Vizier ay naakit din sa kanya at hinangad na siya ay makasama sa loob ng isang gabi. Muli ay nakipagkasundo siya at nagtakda ng araw ng kanilang pagkikita.
Matapos ay nagpunta siya sa hari at inilahad ang lahat ng
pangyayari. Maging ang hari ay nagnais na siya ay makasama sa loob ng isang gabi. Sa ikaapat na pagkakataon ay pumayag siyang makipagkita rito at nagkasundo sa oras ng kanilang pagkikita.
Nagtungo ang babaing mangangalakal sa isang karpintero upang
magpagawa ng cabinet na may limang hati. Nang matapos ang cabinet ay nagtungo ang karpintero sa babae at nang gabing iyon ay nakasama siya sa mga naging laman ng kabinet. Sa bawat oras na may kakatok sa kanyang pinto ay agad naman itong dinadala ng babaing mangangalakal sa loob ng kabinet. Sa huli ay naiwan ang limang lalaki sa loob ng kabinet at nilisan ng babaing mangangalakal ang kanyang tahanan upang isama ang kanyang mangingibig sa lugar kung saan walang nakakakilala sa kanila.