You are on page 1of 1

Naging mabigat na pagsubok sa aming pamilya ang pagkakaroon ng breast cancer ng aking ina dahil ito

ay biglaan at wala kaming sapat na ipon.Buti nalang at pinost ito ng aking pinsan sa social media dahil
dito maraming tao ang tumulong pinansyal man o mapadasal. Sa ilang araw lang dumami ang nagbahagi
ng post dahil dito nakaipon kami ng sapat para sa pagpapagamot ni nanay.

Nauugnay ito sa gawing pangkomunikasyon dahil ito ang naging paraan para makalikom ng tulong para
sa aking ina. Samakatuwid ang konotasyon na tsismis ay umani ng positibong resulta sa aking
karanasan.Dahil gimamit namin ang social media sa makabuluhang paraan at totoong kwento ng taong
nangangailangan ng walang halong panloloko o panlilinlang sa kapwa.

Sa paraan ng tsismis kami nagkakaroon ng komunikasyon sa isat isa ng aking pamilya.Hindi naman lahat
ng tsismis ay puro negatibo lamang ang linalamanor epekto,ito ay paraan din para mas makilala ang isa’t
isa. Isa sa positibong epekto ng tsismis sakin ay ang pagkakalapit at pagkakaroon ng oras ng bawat isa sa
pamilya. Tsismisan at tawanan ,maliit na bagay pero para sakin ay isa itong malaking bagay upang kami
ay magkaroon ng oras sa isat isa dahil minsan lang sila magkaroon ng oras dahil sila ay may trabaho.

May negosyong “lechonan” ang aking tiyahin na ngayon ay sikat na sikat dito sa amin dahil sa sarap at
nananam nito, kaya naman madami ang mga nagpapaluto at bumibili ng kanilang lechon. Sa dami nito
nakukulangan sila ng mga tao, lalo na sa pag-ikot para maluto ang lechon. Minsan, nakakarinig din ako
na pinagtsitsismisan nila ang isang trabahador doon. Pinag uusapan nila ito dahil sa kaniyang ugaling
pagiging matakaw pagdating sa kainan na halos wala na siyang ititira sa iba. Masasabi ko namang totoo
ito dahil sa nakita ko na rin kung paano siya kumuha ng kanyang pagkain. Pero, hindi lang tama na
pagtsismisan pa nila ito, mabuti pang huwag na nilang ipagsabi pa sa iba para naman hindi na
makarating pa sa tao na kanilang pinagtsismisan. Minsan sa buhay, matuto tayong itikom na lang ang
ating bibig para hindi tayo makasakit sa nararamdaman ng iba. Kung alam natin na masama ito, huwag
mo nang ituloy ang makipagtsismisan sa iba.

You might also like