You are on page 1of 3

ADRIAN P.

SINGSON

12AUGUST2015

BSIT 2-3

HIST1013

MGA BAYANING MAY PANININDIGAN


Madalas sa buhay natin ang mga ganap na di maganda, mga ganap na di
kaaya-aya, at mga ganap na di kanais-nais. Mga unos na nagbabadya mayat
maya. Mga problemang personal o pampamilya na hindi malaman-laman kung
paano aayusin. Mga tanong sa sarili na siyang nagtatalo sa iyong mapaglarong
isipan kung paano ba, paano ba ang dapat mong gawin sa mga oras na ito. Mga
pangyayaring karimarimarim na sadyang hindi maiiwasan sa isang buong araw na
lilipas ngunit heto tayo, malamang sa malamang ay nakikinig sa akda kong ito.
Akdang pumapatungkol sa atin, sa mga hinagpis, at sa kung paano natin ito
bibigyang lunas na siyang resulta ng ibat ibang kulay ng buhay. Na siyang
magdudulot ng mga pagbabago. Pagbabagong hindi natin mawari kung maganda
ba o pangit, mga pagbabagong hindi natin alam kung pumabor ba sa atin ang oras
at panahon.
Sa araw-araw na tayo namumuhay, babangon sa ating mga kama,
magliligpit at mag-aayos ng mga gamit, maghahanda para sa mga nakatakdang
gawain sa isang partikular na araw, puhunan natin ang ating mga sarili. Ang ating
mga sarili na kakayod sa araw na ito, papasok sa eskwela o trabaho, sasabak sa
mga ibat ibang aktibidades ng buhay na siyang parte na nito. Sa ating pag-alis ay
tatahakin natin ang parehong daan na ating paroroonan sa loob ng kalkuladong
oras at panahon. Oras at panahon na hindi dapat sayangin. Oras at panahon na
siyang ginto sa ating pag-alis ay itoy mananatili na parang buhay na dapat
pahalagahan sa bawat oras, minuto, segundo.
Sa buhay, pagbabago lamang ang hindi nagbabago. Pagbabago lamang
ang laging bago. Sa buhay, maraming mga pagbabago. Maaariy sa susunod,

makalawa, tayoy babangon sa ating mga kama, maglilipit at mag-aayos ng mga


gamit, maghahanda para sa mga nakatakdang gawain sa isang partikular na araw,
pero ang ating mga sarili ay nagbago na. Pagbabagong pisikal o ano pa mang
aspeto ng buhay na di mo mawari kung ano. Pagbabagong mahirap ipaliwanag
kung ano pero heto tayo. Heto tayo ngayon. Kung anong nakikita mo, nakikita
nila, nakikita ng lahat ng nakapalibot sa atin. Heto tayo ngayon, tuwid na
tumitindig. Pilit na kinakaya ang mga pagsubok ng buhay. Buhay na puno ng
pagbabago. Heto tayo ngayon.
Bawat pangyayari sa ating buhay, may magulo, may masaya, at may
katamtaman ang timpla, ay importantet mahalaga dahil ito ang tulay natin sa
ating hinaharap. Ang mga pangyayaring ito ang huhubog sa pagkatao natin, ang
magpapalabas ng tunay na tayo, ang magpapatunay sa ating mga sarili kung ano
ba talaga tayo. Ganyan ang mga pagbabago sa buhay maging sa paligid na
ginagalawan mo, ko, nila, natin, tayo. Ang paligid na nakikita mo sa tuwing ikaw
ay papasok ng eskwela, trabaho, opisina. Mga tanawing nakikita mo sa tuwing
ikay tutungo ng pook-pasyalan, plaza, at mall. Pagbabago na siyang laging bago
na panigurado maya-mayay mayroon nito.
Hindi maipagkakaila ang kahirapang tinatamasa ng ating mga kabayan sa
panahong kasalukuyan. Wala nimong ligtas na lugar ang iyong patutunguhan
dahil maging umagay mga kawatan ay nagmamanman, mga kaganapan ay laging
nariyan, mga pagsubok ay hindi ka titigilan, at ang panahoy hindi mo kailanman
mapagkakatiwalaan. May mga oras na darating na akala mo lahat ng bagay
kasangga mo ngunit tipong siya pala ang kikitil sa buhay mo. Na lingid sa iyong
kaalaman ay siya pala ang magdadala ng hamak sayo. May mga oras na darating
na ang lahat ng bagay ay nakatalikod sayo. Hindi mo kayang panghawakan ang
lahat ng mga bagay-bagay. Hindi lahat ng bagay, pantay-pantay.
Sakit ng ating lipunang ginagalawan ay palala nang palala ngunit tayo pa
rin ay pinagtitibay ng ating mga paniniwala, ng ating mga prinsipyo, ng ating mga

paninindigan sa buhay na tayoy magiging matagumpay sa isang ganap na araw sa


ating buhay. Na lahat ng pagsubok na kahaharapin natin ay ating malalagpasan,
makararaos, mawawaksan lahat ng pagdurusang tinamo sa loob ng isang
partikular na haba ng panahon. Tayoy may pinanghahawakang mga salita na
siyang nagpapalakas sa atin ng loob sa kabila ng mga kabiguan.
Tunay nga namang may mga bagay na walang imposible sa isang tao na
positibot may sapat na bisig upang ipagtanggol ang kanyang sarili sa realidad na
siya kang tila sasampal-sampalin sa bawat pangyayari. Mga pagsubok na tatantsa
ng iyong mga kakayahang maipaglaban ang sarili kontra sa mga pang-araw-araw
na antagonista ng librong ating sinusulat, ang ating buhay. Ang ating buhay na
siyang hiram lamang na dapat nating isauli sa takdang panahon. Ang ating buhay
na siya namang ating sinusulit sa mga bawat sandali na tayoy pumaroot parito,
nagsasaya, gumagawa ng magagandang ala-ala. Ala-alang dadalhin natin sa
pagputi ng ating mga buhok na nagsisilbing inspirasyon sa pagpapatuloy ng agos
ng buhay na hindi nagwawakas pagkat ang buhay ay isang buhay na ala-ala tulad
ng isang buhay na ilog sa patuloy na umaagos.
Sa kabila ng dilim ay muling sisikat ang araw na hudyat ng pagtatapos ng
signo ng buhay. Hudyat ng wakas ng lahat ng uri ng problemang iyong matapang
na hinarap. Ito ngayoy matagumpay nating nalagpasan, nairaos, nawaksan. Kay
sarap isipin na kahit anong problema, bastat may paninindihan ay nalalampasan.
Tulad ng isang bayani na siya nating tinitingala, nirerespeto, ginugunita,
kinikilalat bibinigyang papuri. Ngunit para sa akin, hindi na natin kailangan pang
sumugal pa para lamang hirangin na tulad ng mga magigiting, maginoot
makikisig na huwarang mga ito dahil tayo, tayo mismoy mga bayani ng ating
makabagong heneresyon, mga bayaning may paninindigan.

You might also like