You are on page 1of 1

VIERNES, MA. KATHLEEN ANGELA B.

12-PYTHAGORAS
Q4
THEMATIC

Ang Aking Paglalakbay

Sa loob ng taon na ito ng ating paglalakbay sa gitna ng pandemiya. Ito ay ang


taon na puno ng mga pagsubok, paghihirap, kabiguan, tagumpay, saya at kapayapaan
na ating kinakaharap sa ating buhay. Ang klase ng ating pamumuhay ngayon ay hindi
na tulad ng dati, na tayo ay sobrang laya na gawin ang ating mga gagawin. Mayroon ng
hadlang at mga limitasyon ang mga aksyon, kailangan na nating sumunod ng husto sa
mga patakaran ng dahil sa pandemiyang ito.
Sa loob ng pagkakaroon ng pandemiyang ito naranasan ko ang sobrang lungkot
yung tipong nakulong ka sa isang kwartong puno ng hinanakit at ikaw ay nasa isang
madilim na silid yung tipong balot na balot ka ng kadiliman, parang wala ka ng makitang
dahilan para lumaban pa, hindi mo alam kung paano ka makakalabas at makakatakas
sa lungkot na iyong pinagdaraanan.Ngunit ng dahil sa mga karanasang ito mas tumatag
pa ako at mas lalo pang minamahal ang aking sarili.
Ang pagkakaroon ng pandemiya ay ating ituring rin na isang magandang
pangyayari sa ating buhay dito ko napagtanto na may halaga ang lahat ng mga
pangyayaring ito sa mundo, na ibinigay ito ng Diyos dahil may plano siya sa ating
buhay. Ng dahil sa pandemiyang ito mas nagkaroon ako ng oras makasama ang aking
pamilya at mas lalo kaming naging malapit sa isa’t isa. At nang dahil sa pandemiyang
ito mas lumalim at tumatag pa ang pananampalataya ko sa ating diyos ama.
Ating isa puso’t isip na lahat ng mga paghihirap at mga pagsubok sa ating buhay
ay ibini-bigay ng Diyos upang tayo ay matuto, lumago at maging malakas pa lalo sa
mga susunod pang pagsubok na ating makakaharap inihahanda lang tayo ng diyos
dahil may mas maganda siyang plano sa ating buhay sabi nga sa isang talata sa bibliya
na “Magtiwala ka sa PANGINOON ng buong puso mo; at hindi sumandal sa sarili mong
pag-unawa. Sa lahat ng iyong mga lakad kilalanin mo siya, at siya ay magdidirekta ng
iyong mga landas.” Lagi lang nating alalahanin na may diyos tayo na gumagabay sa
ating paglalakbay sa gitna ng pandemiyang ito.

You might also like