You are on page 1of 2

“Ang Aking Pamilya”

Ni Rusty Sabado Pizarro

Saan man ako magpunta,


Sila ang aking kasama,
‘Di man ninyo sila nakikita
Alam kong nasa puso ko sila.

Ang natutunan ko sa kanila,


Bumangon sa tuwing nadadapa.
Irespeto’t igalang ang iba,
Lalong-lalo na ang matatanda.

Minsan magulo, minsan masaya,


E ganyan naman talaga,
Kung saan ka palaging masaya,
Kaguluhan ay di nawawala.

At kahit na anumang mangyari


Mahal na mahal ko pa rin sila,
Dahil mula sa ‘king pagkabata
‘Yun na ang ipinamulat nila.
Ang gabay ni Mama at ni Papa
Sa pagdanta’y aking dala-dala.
Ito ay walang kasing halaga
‘Di mabibili kahit na pera.

Ang tulong ni Ate at ni Kuya


Kailanman ay hindi mawawala.
Ang tulong ni Ate sa kusina.
At sa may bukid naman si Kuya.

Wala na akong hihilingin pa


‘Pag kasama ang aking Pamilya.
Lubos na pasalamat sa Kanya.
Diyos na aking Tagapaglikha.

You might also like