Mukhang ang lahat ay nagagalak kagaya ng nararapat
Ang nakatayo ngayon at kasalukuyan nyong pinapakinggan, Darna ang pangalan. Biro lang sapagkat Hindi ako si Darna At kahit malapit na ang pasko mas lalong hindi ako si Starla Maliban na lang kung ako ang star ng iyong pasko o bayani ng buhay mo na di lumulunok ng bato pero adik at handang gawin ang lahat para sa mga taong minamahal ko.
Unang Araw ng Desyembre
Ako'y may naalala at nadiskubre Ito ay nararapat lamang na aking ibahagi Ito ay isang kwento ng aking pasko Nangyari noong di pa masyadong magulo at di pa gaanong limitado ang mundo Panahong walang masyadong kahulugan ang pag-ubo at pagbahing, mga mix signals mo pa lang may ibig sabihin sakin. Ito yung panahong di ka pa hahanapan ng vaccination card o sisitahin kung di sumusunod sa health protocols o walang social distancing Sapagkat kakaramput na atensyon mo pa lang ang aking hinihiling At imbis na sitahin Ikaw ay aking sisintahin.
Naaalala mo ba nang minsan ako'y nagawi sainyo
Batid ko na iyong narinig ang aking sintonadong tinig Ang nagsindi nitong ilaw walang iba kundi Ikaw, at doon nagtagpo ang ating mga tinginang nakakatunaw.
Malinaw parin sakin nang mangyari ang himala ng pasko
Sa apat na buwan ng Ber months Tatlumput Isang araw ng Desyembre Siyam na simbang gabi Sinabi mo na ako rin ay iyong tinatangi Umabot tayo sa palitan ng regalo Ngunit di sumasapat ang mga material na bagay Sa kaalamang mas maganda paring mabatid at marinig tuwing exchange gifts na ako'y sayo tapos ikaw ay akin
Totoo, masyadong mabilis ang mga pangayayari
Ngunit diba sa pasko himala at pag ibig ang maghahari?
Ngunit kaakibat pala nang kumikutikutitap na paligid, makukukalay na parol na nakasabit. Sa
harap ng mga ito Di mo naitanggi na meron palang iba Pilit mo lang kinukubli. Ang lakas mo, ako sa Noche Buena tapos Medya Notche ay sya?
Kung papaano humantong sa ganito
Yan di ko na sigurado Nasasaktan ako kaya kayo ay aking tinalikuran Bahay nyo ay aking nadaanan Sinigaw ko ito ng may kalakasan "Namamasko po, pakisauli ng nawasak kong puso" Tulala sa tabi Ito ang mga katagang aking nasabi "Dati ang maubusan lang ng salad ang iniiyakan ko, ngayon pati na ikaw dahil nakakaubos din palang magkagusto sa taong tulad mo"
Di man naging masyadong maganda ang kwento natin sa pasko
Marami namang aral ang napulot ko Nakita ko ang tunay na diwa ng pasko At ngayon din sa entabladong ito nais kong ibahagi na ako ay natuto, Dahil alam kong di lang yung nangyari sa atin ang pinakamasakit na pagkatumba Iyon ay ang dinanas natin sa pandemya Miss na kita balik ka na posting no more dahil sa lahat ng return of the comeback, Ipagdiriwang muli ang pasko sa normal na Mundo ang babalik-balikan ko Batid kong ganun din ang nais nyo Kung kaya't nararapat lang na ipagdiriwang ang natatanging araw kasama ng mga taong minamahal mo at tunay na nagpapahalaga sayo, tulad ng pamilya Higit sa lahat mas lalo pa tayong manalig sa Kanya
Ako ulit ito, hindi si Darna o si Starla.
Ngunit batid ko na, Na kahit sino pwedeng maging star ng pasko at bayani sa kapwa tao. Ako ito si Athena Na bago lisanin ang entablado magiging marupok man ulit tayo sa darating na pasko pero sana sa pagkakataong ito mas matatag na at matalino.