You are on page 1of 2

“Panunumbalik”

Sa bayan ng Llanera, may isang dalaga na nagngangalang Patricia, kilala siya bilang isa sa
pinakamataas ang nakukuhang marka sa loob ng kanilang paaralan. Maliban sa angkin nitong talino, ito
ay may taglay ding sariling kagandahan at katamtaman na tangkad galing sa kanyang mga magulang. Di
man ganun ka popular sa kanilang paaralan siya naman ang karaniwang tumatayong lider sa karamihan
ng proyektong pinapagawa ng kanilang mga guro sa kung kayat maraming mga tao ang humahanga sa
kaniyang mga kakayahan at katangian. Ngunit tulad ng karamihan ay marami rin hinaharap na problema
si Patricia. Lingid sa kaalaman nila na ang model student palang kanilang iniidolo ay mayroong laban na
unti-unti siyang sinusubok.

Isang araw, sa loob ng kanilang tahanan sa kalagitnaan ng Pebrero, lumalaganap parin ang banta
ng covid-19. Mga plano kasama ang mga barkada’y di na natuloy, mga pagtitipon sa araw ng mga pag-
ibig kasama ang ibang mga mahal sa buhay ay biglang naudlot, kasama na ang pressure sa pag-aaral sa
gitna ng pandemya. Tulad ng karamihan, siya’y nababahala sa mga kasong nadadagdag sa bawat araw.
Dala ng pangamba, kulang sa tulog ang kanya nakukuha.

Tumingin si Patricia sa labas ng kanilang bintana. Makikita dito ang kanilang masasayang
tawanan at pagsasama samantalang siya naman ay abala sa paggawa ng proyekto. Itinigil iya muna ang
paglikha ng sining na siya namang ipapasa para sa kanyang pag-aaral. Nagtungo sa kaniyang silid at nag-
isip, “Buti pa sila masaya kahit na may pandemya, samantalang kaming magkakaibigan minsan nalang
magkita, isa pa itong mga asignatura na naiatas samin, hindi ko naman lubos na maintindihan gaya ng sa
dating nakagawian. Ang hirap, parang gusto ko nalang sumuko”. Napaiyak nalang si Patricia sa kanyang
mga hinain ngunit di niya namalayan na nakatulog na pala ito.

“Anak, magpakatatag ka, alam kong kaya mo yan” banggit ng isang boses. Minulat niya ang
kanyang mga mata ngunit wala naman itog nakitang kasama. Sa takot nito’y nagtungo na siya sa labas ng
kanilang tahanan. Kitang-kita nito na wala man lang isang tao sa kanyang paligid. Tumakbo si Patricia
kung saan man ito dalhin ng kanyang mga talampakan ngunit wala parin itong mahagilap. Napaluhod na
lamang ito sa kaniyang puwesto at nagdasal. “Panginoon, kung ano man po ang nangyayari ngayon, alam
ko pong ito’y may mabuting dahilan ngunit bakit? Pati ang aking mga mahal sa buhay di ko narin
makita?” hagulgol nito sa iyak. Sa kalagitaan ng kaniyang pag-iyak, isa pares ng pares ang bumungad sa
harapan nito. Tumingala si Patricia upang makita ang anyo nito. Laging gulat niya nang malaman ang
panauhing iyon.

“H-hesus” nauutal nitong salita habang nagpupunas ng mga luha. Ngumiti naman si Hesus at
naglakad kasama sa aking tabi. “Anak, bakit ka umiiyak?” eka nito. “Kase po wala na akong makitang iba
pang mga kasama, pati po pamilya at mga kaibigan ko, hindi ko na po makita. Laganap pa aman po ang
pandemya ngayon, baka po kung anong mangyari sakanila” tumingin lamang si Hesus saakin habang
ito’y nakikinig sa aking paliwanag
Ngumiti itong muli at inalalayan akong makatayo. Nagpunta kami sa parke at patuloy ang
paglalakad, napaka payapa at tila bang walang mga problema na makikita. Dumaan na naman sa isipan ni
Patricia ang mga pangyayari sa hinaharap at bakas sa mukha nito ang pag-aalala sa kaniyang mga mahal
sa buhay. Sa lalim ng kaniyang iniisip, hindi na nito namalayan na akarating nap ala ito sa destinasyon
nila.

“Alam mo ba kung bakit ko ito ginawa?” tanong nito sa dalaga. Lumingo-lingo naman ito upang
pagsagot sa katanungan. Nagpatuloy si Hesus “Minsan lahat tayo’y nakakaranas ng pagkalungkot dahil sa
pagkawalay sa ating mga mahal sa buhay, ngunit lagi mong tatandaan na hindi lamang sila ang maaari
mong puntahan sa panahon ng kahirapan. Gaya ng mundong ito, makikita mong nag-iisa ka lamang dito,
ngunit kung iyong pagmasmasdang mabuti, iyong mapapansin na ika’y hindi nag-iisa, tulad ng
nararamdaman mo ngayong pandemya, ramdam mo na walang nakakaintidi sa mga problema mo kung
kaya’t hindi mo na lamang ito sinasabi at iniipon na lamang, subalit ngayong naipon na ito’t hindi mo na
mapigilang hindi mailabas, hindi mo naman alam ang iyong pagtatakbuhan. Anak, bakit mo ba
pinapahirapan ang sarili mo kung ako nama’y lagi lang nandito sa tabi mo na laging gumagabay sayo?
Hindi mo man nararamdaman ang presensya ko’y maipapangako kong ako’y laging nandiyan sa lahat ng
panahon ito ma’y mabigat o kaya nama’y puno ng kasiyahan, asahan mo na ako’y lagi lamang nandiyan.”
Paliwanag nito

Hindi mapigilang maluha ni Patricia sa mga salitang kaniyang natanggap. Nakita ito ni hesus
kaya’t pinunasan niya ito at nagpatuloy sa kanyang leksiyon. “Ang mga problema na iyong kinakaharap
ay wala lamang kumpara sa iyong mga kakayahan. Magpakatatag ka lamang sa lahat ng oras at samahan
mo pa ng kasipagan at kabutihan, tiyak na ang iyong mga pangarap ay iyong maaabot sa buhay.” Ngumiti
ito at saka nagpatuloy sa paglalakad, sinundan naman ito ni Patricia at siyang pinasalamatan sa mga
sabahiyang tila ba’y nagpalakas ng kaniyang loob harapin ang hinaharap.

Palubog na ang araw, at kitang-kita parin ang ngiti na nakapinta sa mga labi ni Patricia. Humarap
naman si Hesus sa dalagita’t sinabing “Malapit nang sumapit ang dilim, ang mabuti pa’y magtungo ka na
sa iyong tahanan, Ikamusta mo ako sa iyong mga kaibigan pati narin sa iyong buong pamilya. Sana
nama’y tanggapin mo na ako bilang parte ng iyong buhay.” Huli nitong banggit bago siya makagising.

Isang panagip, na ngayo’y nagpapatatag sa loob ni Patricia na harapin ang lahat ng hamon na
kaniyang haharapin sa kasalukuyan sapagkat ngayo’y panatag na siya na sa kanyang tabi’y lagin siyang
may kasama, gumagabay sa lahat ng kilos at galaw na ito’y ginagawa, isang kaibigang matagal nang
kumakatok sa kaniyang kalooba’y buong puso niya nang tinatanggap. Dahil lang sa isang panaginip, ang
kaniyang pananalig sa Diyos ay siyang nanumbalik.

You might also like