You are on page 1of 1

Bunga ng Pagsisikap

Tulad ng mga bituin na kumikinang sa gabi


Tayo lamang ay magniningnig sa gitna ng dilim
Tulad ng mga problema na siya nating bitbit
Sa halip na ito’y ikamuhi’y maging gabay satin

Kasing Tarik man ng Daan sa Mt. Apo


Ang liyab sa puso’y di maitatago
Dahil ang tanging hangad ay ang pagbabago
Kaya’t Nars ang napili upang makatulong sa bansa sa larangan ng mediko

Pagkawala ng pag-asa sa gitna ng pandemya


Isa sa salik na aking nilalabanan
Upang makamit ang tagumpay na tinatamasa
Sipag at tiyaga’y higit na kinakailangan

Matapos ang madugong labanan tungo sa iyong pangarap


Asahan mo ang tamis ng tagumpay na iyong matatanggap
Mga sakripisyo at pagod na kapalit ay kaligayahan
Kaligayahan na iyong natamo bunga ng walang humpay mong pagsisikap

You might also like