Aking panimula, ang bagay na pilit nating iniiwasan
Kung paano, bakit at kelan Paano kung ganito? Sa dinami-dami ng tao bakit ako? At kelan ko ba dapat ihanda ang aking sarili sa pagsubok at dilim na ito?
Naaalala ko, palaging sambit ng aking ina
“Anak, ang dilim ay parte ng buhay Kapalit nito ay liwanag, pagkatapos ay kalungkutan, Kaya huwag kang mananatili sa paghihintay.
Kalungkutan at pagsubok Dilim at pagkadurog Ako’y minsang nalugmok.
Musmos noong kami’y iniwan,
Haligi ng tahana’y naging marupok At ilaw ng tahana’y minsang nabalot ng lungkot. Mga bibig na sa pagkabuka ay galit, laman ay mga salitang ‘di ‘ko na kayang ipilit at tanggapin ng aking puso at damdamin.
Mga salitang minsan akong inilarawan
at binigyan ng dahilan para maging mahina at mahirapang lumaban Pinilit kong ituring na ito’y pansamantala lamang, Ngunit sa paglipas ng panahon Ang aking araw-araw ay nanatiling isang malaking laban Na dapat ‘kong malampasan.
Pamilya ang aking naging sandalan,
Sa bawat gabing mata’y luhaan, Poot, sakit at mga bakit ang laman Ng aking puso at isipan. “Anak, huwag kang magalit sa kanya, Manatili kang matapang sa hirap niyang dinala Dahil dito ka pinagtitibay ng panahon, Sa mga karanasang minsan kang winasak, iniwang walang lakas at puro pabagsak.
Liwanag ang aking hiniling,
Sa Diyos ako’y humiling, Na sana bukas sa aking paggising, Mga mata’y magkaroon ng saya Pamilya’y magka-isa.
Poot ay aming malampasan at manatiling matatag
Ang minsang nawasak at minsang nabuwag Ay unti-unti ding babangon at malalampasan ang minsang hirap na naranasan kasabay ng alon Na minsang nanira ng magandang dagat at nagpahirap sa mga pusong tanging gusto lamang ay maging payapa, minsang naging kalmado, Sa pampang ng dagat, Ako’y nanalig, nanalangin, At humingi ng paumanhin Na dahil minsang naging mahina, Sa pagsubok na itinuring kong katapusan Ng aking masalimuot na yugto at heto pa rin, Nanatiling masaya Kinalimutan ang nakaraan na kailan ma’y di na maibabalik Hindi na siya babalik Titigilan ang pananabik Upang tumahimik Ang puso naming minsan ding umasang siya’y babalik.