You are on page 1of 4

Ang Korona ni Prinsesa

Abot- tainga ang ngiti ni Prinsesa habang nakatitig sa kaniyang sarili sa harap ng salamin.

Masayang- masaya siya dahil nakikita niya ang mahabang buhok niya na itim na itim at

nangingintab na parang korona. Sinuklay pa niya ito ng sampung beses bago nagdesisyon na

lumabas ng kwarto.

Papunta si Prinsesa sa pwesto nila sa palengke ng kaniyang Nanay. Nagtitinda sila sa

palengke sa bayan ng mga sariwang isda. Araw- araw silang nagtitinda dito at ito ang

ikinabubuhay nilang mag- ina simula pa ng bata siya.

Lumabas na ng bahay si Prinsesa, ikinandado na niya ang kanilang gate. “Ang ganda

talaga ng buhok mo Isa!”, sigaw ni Betty ang kapitbahay nila. Kilala siya bilang “Isa” sa

kanilang barangay. “Sana ganyan din kakintab ang aking buhok”, dagdag pa nito. Masayang

ngumiti si Isa at sumagot, “Salamat Betty. Maligo ka kasi araw- araw”, biro niya.

Nilakad lamang ni Isa papuntang palengke dahil malapit lang naman ito sa kanilang

bahay. Bawat makasalubong niya na kakilala ay binabati ang kaniyang buhok na sinusklian niya

ng pasasalamat na may ngiti sa labi. Nakarating na si Isa sa pwesto nila sa palengke. Nadatnan

niya na nag- bibilang na ng benta ang kaniyang ina. “Mukhang nakaubos na kayo Nanay!”, bati

ni Isa sa kaniyang ina. “Andiyan ka na pala anak. Oo maaga akong nakaubos at dumating ang

mga suki natin. Halika at tulungan mo akong maglinis para makauwi na tayo”, sagot ng kaniyang

nanay. Nagtulong na nga sa paglilinis ng puwesto ang mag- ina para mabilis silang makauwi.

Nang makatapos ay masaya na silang umuwi sa bahay.

Habang naglalakad pauwi ay nakasalubong nila si Mutya. Si Mutya ay kabarangay niya

at dating kaklase noon sa Grade 5. Malaki ang pagkainis sa kaniya ni Mutya simula noon

hanggang ngayon. Hindi alam ni Isa ang dahilan bakit ito naiinis at galit sa kniya. “ Hay naku,

akala mo naman napakaganda ng buhok talaga eh peke naman!”, pagpaparinig nito sa kaniya.
Nagkatinginan silang mag- ina sa sinabi ni Mutya. “Hoy Mutya, pwede ba kung wala kang

sasabihin na maganda ay itikom mo na laman ang bibig mo”, pagalit na sagot ng ina niya.

Inirapan lamang sila ni Mutya at dumiretso na sa paglalakad.

Pagdating sa bahay ay agad na nagkulong sa kwarto si Isa. Pagkapasok sa kwarto ay

umiiyak siya na humarap sa salamin. Habang tumutulo ang mga luha sa kaniyang mata ay

sinusuklay niya ang kaniyang makintab at maitim na buhok. Hindi niya mapigilan ang pagtulo

ng luha dahil bumabalik sa kaniyang alaala ang nakaraan.

Kumatok ang nanay ni Isa at dahan- dahang pumasok sa kaniyang kuwarto. Nakita si Isa

ng kaniyang ina na malungkot na nakatingin sa kaniyang mga kamay. Hawak- hawak nito ang

makintab at madulas niyang buhok. Lumapit ang ina ni Isa sa kaniya at hinagod ng may

pagmamahal ang nakakalbo na niyang buhok. Oo peluka lamang ang magandang buhok ni Isa.

Sa ilalim ng krona na iyon ay nagtatago ang malungkot na alaala. Hanggang Grade 6 lamang

nakapag- aral si Isa. Hindi na siya nagpatuloy sa pag- aaral dahil naging masakitin siya noon.

Mabuti na lamang at mababait ang kaniyang mga guro dahil naunawaan ang kaniyang sitwasyon.

Mayroong Alopecia si Isa, ito ang dahilan kung bakit unti- unting nalalagas o nakakalbo ang

kaniyang buhok. Simula noong nakaraang taon ay bahay- palengke na lamang ang kaniyang

naging buhay.

“Huwag ka nang malungkot Isa”, wika ng nanay niya habang yakap siya. “May buhok

man o wala ay maganda ka pa rin. Taandaan mo na hindi lamang sa panlabas na anyo ang

pagiging maganda”, dagdag pa nito.

“ Nasaktan lamang po ako sa sinabi ni Mutya. Akala ko po kasi nagbago na siya, ganun

pa rin po pala ang tingin niya sa akin”, malungkot na wika ni Isa. “ Hayaan mo na siya anak, siya

lang naman ang nagsasabi sa iyo ng ganoon. Lahat naman ng mga kaibigan at kapitbahay natin

ay mababait sa iyo at laging pinupuri ang buhok mo”, sagot nito sa kaniya. “Kahit nga lumabas

ka ng bahay ng walang buhok ay hindi ka pagtatawanan ng mga tao dahil para sa kanila may
buhok ka man o wala ay ikaw pa rin ang Prinsesa sa kanilang mga mata”, masayang wika ng

kaniyang ina.

Tumingin si Isa sa kaniyang ina at niyakap ito. Ramdam na ramdam niya ang

katotohanan sa sinabi nito at ang pagmamahal nito sa kaniya. Nabuo ang isang desisyon sa isipan

ni Isa.

Kinabukasan, nasa palengke na muli ang kaniyang ina. Katulad ng araw- araw niyang

ginagawa ay susunod si Isa sa kaniyang ina sa puwesto nila sa palengke para tulungan ito.

Ngunit may kakaiba kay Isa ng araw na iyon. Hindi niya isinuot ang mahaba at maitim niyang

buhok. Lumabas siya ng bahay na hindi suot ang kaniyang korona. Nakita kaagad siya ni Betty at

napatitig ito sa kaniya ng matagal bago nakapagsalita. “Isa, Maganda ka parin kahit hindi suot

ang korona mo! Ingat ka sa paglalakad’, masayang bati sa kaniya ni Betty. “Salamat Betty,

bibigyan kita ng pasalubong pag- uwi ko’, masayang sigaw ni Isa.

Habang naglalakad papuntang palengke ay napapatingin kay Isa ang mga kasalubong

niya. Mayroong nagbubulungan, mayroong pinagtatawanan siya ngunit mas marami ang

bumabati sa kaniya ng nakangiti at nagsasabi na maganda pa rin siya may korona man o wala.

Nakasalubong din ni Isa si Mutya ngunit hindi katulad dati na pinagsasalitaan siya nito ng

masakit dahil tiningnan lamang siya nito ng araw na iyon.

Tama nga si Nanay sabi sa isip ni Isa. Hindi sa panlabas na anyo nakikita ang tunay na

kagandahan at marami pa ring tao ang may maunawain at mapagmahal na puso para sa mga

taong katulad niya.

Learning Competencies- ESP IV


Naisasagawa ang paggalang sa karapatan ng kapwa
8. Nakapagpapakita ng paggalang sa iba sa mga sumusunod na sitwasyon:
8.3 kapag mayroong maysakit EsP4P-llf-i-21

You might also like