You are on page 1of 25

TAMANG DESISYON PATUNGO SA TUWID NA

DIREKSYON
Group 1:

Tagapagsalaysay: Isang araw sa bahay ng pamilya Santos, may kumatok sa kanilang pinto kayat ito'y
pinagbuksan ni Jessie, siya ang pangalawang anak ni Yrma at ng kanilang yumaong tatay. Si Jessie ay
nagtungo sa pintuan upang pagbuksan ang taong kumakatok. Nang ito'y kanyang nabuksan, bumungad
sa kanya ang mukha ng mailman o tagahagid ng sulat sa kanilang baryo. Ito'y kanyak kinuha at
nagpasalamat sa naghatid nito. Kanyang binuksan ang sulat at siya ay nagulat sa nilalaman nito. Ibinigay
niya ang sulat sa kanyang nanay at umastang parang hindi niya ito nabasa.

Ito ay lubos na inisip ni Jessie na nagdulot sa pagkabagabag ng kanyang isip. Siya ay hindi makapaniwala
na ganto na ang dinadanas ng kanilang pamilya.

Habang kumakain ang mga mag-anak, ang kanilang taimtim na pagkain ay nauwi sa bagsak na emosyon
at katahimikan sa kanilang hapag kainan. Ilang sandali lamang, ang katahimikan ay binasag ni Inzo.

Inzo: Ang tahi tahimik niyo naman. Ma, pahingi pala akong isang libo, bibili lang ako ng pyesa ng bike ko.

Ang kanilang nanay ay napaisip kung ano ang sasabihin niya sa kanyang anak sapagkat kailangan na
nilang magtipid ng pera dahil baon na ang kanilang pamilya sa utang. Wala siyang balak sabihin ito sa
kanyang mga anak sa pagkat maaapektuhan ang mga ito.

Magsasalita na sana si Yrma ngunit sumabat si Jessie.

Jessie: Kuya, pwede bang kahit ngayon lang itigil mo muna gastusan yang bisikleta mo? Magtipid ka nga
muna!

Inzo: Tumahimik ka nga! Mas importante pa yung bike kesa sayo!

Hindi na nakapagpigil si Jessie at nagdabog ito.

Jessie: Isaksak mo sa baga mo yang bike mo!

Winzor: Mga walang kwenta!

Si Inzo ay lumabas sa kanilang bahay na galit na galit. Samantalang si Jessie naman ay dinaluhan ang ina
upang ito'y pakalmahin.

Pagkatapos ng hapunan na iyon, hindi na nag usap ang mag-iina. Si Inzo ay hindi pa umuwi dahil ito ay
nagtungo sa kanyang mga barkada. Samantalang habang si Jessie ay nagpupunas ng kanilang
pinagkainan, siya ay nakapagisip isip ng kung anong pwedeng gawin upang makatulong sa kanilang
gastusin at sa kanilang utang.
Jessie: Paano kaya kung maghanap ako ng trabaho bukas na bukas din? Makakatulong kaya? Pero hindi
naman masamang sumubok diba?

Si Jessie ay nagpasyang maghanap ng trabaho kinabukasan upang makatulong sa pagsugpo ng

problemang hinaharap ng kanyang pamilya.

Habang tulog si Jessie at kaniyang ina sa kanilang bahay, lingid sa kanilang alam na may ibang ginagawa
si Inzo.

Kinabukasan, si Jessie ay naghanda para sa paghahanap niya ng trabaho

Habang nagpapalit ng damit si Jessie, ang kanyang Ina ay nasa salas at nag iisip ng maaaring solusyon sa
kaniang problema, sa pagkakaalam nito, hindi pa alam ni Jessie ang problemang kanyang hinaharap.

Yrma: Naku paano na kaya to? Andamidaming bayarin, lubog na'ko sa utang, wala na din kaming
makain. Paano na kami nina Jessie?

Habang sinasabi ni Yrma ito, biglang bumukas ang pintuan at bumungad si Jessie. Lumapit ito sa kanyang
Ina.

Jessie: Nay, narinig ko lahat ng sinabi mo. Bakit mo pa kailangang ilihim sa amin? Nabasa ko yung sulat
nay, gusto ko lang sabihin na gusto kong tumulong. Maghahanap ako ng trabaho upang makatulong sa
pag-iipon.

Yrma: Naku anak 'wag na, kaya ko na to.

Jessie: Huwag ka na maging makulit nay, kaya nga ako nagbihis ngayon upang magpa interview kung
sakaling may naghahanap na kompanya. Kahit anong trabaho basta kaya ko at hindi makakasama sa
aking pagkatao. Kakayanin natin to nay!

Yrma: Sigurado kaba talaga diyan anak?

Jessie: Oo nay, nagbihis na nga ako oh, oh siya sige na nay mauuuna na ako, sisihuraduhin kong
makakahanap ako ng trabaho ngayong araw na 'to.

Yrma: Mag iingat ka anak, maraming maraming salamat!

Ngunit si Jessie sa kaniang ina upang ipabatid ang pagpapaalam. Siya ay kinakabahan na baka siya ay
hindi tanggapin ng ano mang ahensya o kompanya pero siya ay may tiwala sa kanyang sarili na
kakayanin niya ito dahil may pinaglalaanan siyang importante.

Naglalakad siya sa mga posters ngunit may nakita siyang iba na hindi naman pagaalok sa trabaho, binasa
niya ito.

Jessie: Tumanggi sa kasamaan? Ano kaya 'to?

Hindi na niya itoy pinansin at siya ay naglakad lakad habang tumitingin sa mga posters na nakapaskil na
kanyang nadadaanan. Marami siyang nadaanang iba ngunit dalawang poster lamang ang kumuha ng
kanyang atensyon.

Binasa niya ang nakapaloob dito. Sa isang poster, nagsasabing, isang araw lamang, kikita siya ng
dalawampung libong piso ngunit walang nakalagay kung anong trabaho ito, nakalagay lamang ang
numerong maaari nitong tawagan kung siyay interesado. Ang isa naman ay magtratrabaho bilang
waitress, ito'y may sweldong walong daan isang araw lamang. Higit na malayo sa maaaring kitain sa
isang poster.

Jessie: Anong trabaho ba ang pipiliin ko? Subukan ko kayang tawagan ang numerong nasa unang poster?
Kung sakali, mas malaking pera ang makukuha ko.

Wala mang kasiguraduhan sa kung anong trabaho ang maaari niyang pasukan. Agad niyang itinipa ang
numerong nakita niya sa kanyang telepono. Ilang saglit lamang, ang tawag ay sinagutan ng isang lalake.

Jessie: Hello po? A interesado po ako sa nakita kong poster niyo tungkol sa isang trabaho. Maaari ko pa
bang matanong kung ano ito?

Lalake: Simple lamang, ikaw ay magiging isang katuwang ng grupo ng mga magnanakaw. Kung marami
kayong makukuha sa loob ng isang araw, bentemil ang kapalit nito agad agad. Ngunit, pag mas madami
pa kaysa sa regular na kuha, maaari kayong makakuha ng 50k isang araw lamang.

Si Jessie ay nagulat sa sinabi ng lalake na kanyang kausap. Alam niyang masama ang nasa isip noya sa
oras na ito. Gusto niyang ituloy sapagkat alam niya kung gaano kalaking tulong ang perang ito kung
sakali mang makakuha siya. Gulong gulo ang isipan ni Jessie ng biglang nagsalita ulit ang lalake.

Lalake: Gusto mo bang pumasok rito?

Jessie: Pag-iisipan ko po ng mabuti, tatawag akong ulit kuya.

Pinatay na agad ni Jessie ang tawag at gulong gulong napaupo.

Jessie: Anong gagawin ko? Hindi ko alam kung tatanggapin ko ang alok niya!

Iniisip ni Jessie kung anong gagawin niya. Hapon na ng siya'y makauwi sa kanilang bahay na bagsak ang
mukha. Agad itong nagmano sa kanyang nanay.

Yrma: Oh bakit ganyan ang mukha mo anak?

Jessie: Wala ma eh, hindi ako nakahanap ng trabaho. Hindi manlang kita matulungan.

Bagsak ang balikat ni Jessie na nagsabi nito.

Yrma: Anak okay lang yan, may bukas pa, ang importante, bukal ang puso mo at piliin mong mabuti ang
tama para sayo.

Sa sinabing ito ng kanyang nanay, si Jessie ay hindi nawalan ng pag asa. Pagkabukas na pagkabukas pa
lamang, siya na ay nabigyan ng kalinawan sa kanyang sarili kung anong desisyon ang gagawin niya.

Pagkatapos ng pag-uusap, tinawagan ni Jessie ang babaeng kinausap niya kahapon.

Lalake: Nakapagpasya ka na ba?

Jessie: Napagpasyahan kong hindi ko ito gagawin sapagkat ito'y masamang gawain. 'Wag kayong mag
alala dahil makukulong na kayo sa masama niyong binabalak. Pinatay ni Jessie ang tawag at nagpasyang
ituloy na ulit ang paghahanap ng trabaho.

Si Jessie ay naglalakad habang nag iisip kung saan siya ulit maghahanap ng trabaho. Malapit na siyang
sumuko pero hindi niya alam kung ano ang gagawin niya, kailangan na kailangan nila ng pera kaya hindi
siya pwedeng sumuko nalang. Habang naglalakad, may isang wallet siyang nakita sa kanyang harapan.

Jessie: Kanino kaya 'to? Bakit nakalagay lang 'to sa kalsada?

Hindi man ayon sa kagustuhan ni Jessie, binuksan niya ito upang sana'y malaman kung sino ang may ari
ng wallet na 'to nganit siya ay nagulat sapagkat limpak limpak ng pera ang nasa wallet na 'to. Saktong
sakto lamang para sa mga utang nila para mabayaran.

Hapon na ng umuwi si Jessie at hindi padin siya nakapagpasya kung isasauli niya ang wallet. Saktong pag
pasok niya sa bahay nila, nakita niyang nakaupo ang nanay niya at nandun din si Inzo. Siya ay lumapit sa
kanyang Ina at nagmano.

Yrma: Oh anak, kaninong wallet yang hawak mo? Binili mo ba?

Jessie: Napulot ko nga Nay eh, ewan ko kungs isasauli ko pa, andaming lamang pera nito para
makatulong sa'tin.

Inzo: May pera yan? Mayaman na ba tayo?! May pang bike nadin ako sa wakas!

Jessie: Tumahimik ka nga din! Mukha kang pera!

Inzo: Madamot ka talaga Jessie, walang kwenta, may pera na nga ayang pang magbigay!

Nagdabog si Inzo patungo sa labas ng kanilang bahay samantalang nag usap naman ang mag-ina.

Yrma: Anak piliin mo kung ano ang tama, 'wag kang magpapadala sa emosyon. Isauli mo yang wallet at
baka kailangan din yang pera ang may ari

Jessie: Sige po Nay!

Nagpasyang tumawag si Jessie sa numerong nakalagay sa ID na kanyang nakita sa wallet. Ito ay nagring
ng tatlong beses bago may sumagot na isang babae.

Babae: Hello? Sino 'to?

Jessie: Ah kayo po ba si Thea Marie?

Babae: Ako nga, bakit?

Jessie: Ah napulot ko po kasi yung wallet niyo kanina kaya isusuli ko po sana.

Babae: Na sayo pala yung wallet ko, magkita tayo mamaya.

Pinatay nila ang tawag at tinignan ni Jessie kung ano ang isinend ng babae at ito ay ang address ng isang
restaurant.

Walang paligoy ligoy, sinunod ni Jessie ang payo ng Ina at piniling gawin ang nararapat at mabuti.

Siya ay pumunta sa binigay na address ng babaeng nakatawag niya na nagngangalang Thea.

Ng siya ay dumating sa sinabing harapan ng restaurant. Nakita niya ito at parang pamilyar ang pangalan
nito at ang poster na nakalagay dito.

Habang tumitingin sa restaurant, biglang may lumapit sa kanyang babae.

Babae: Ikaw ba si Jessie?

Tinignan siya ni Jessie at ito'y tumango.

Jessie: Ako nga po yun, kayo po ba si Thea?

Babae: Oo ako nga, pasok na tayo sa loob, ako na bahala magbayad.

Sila ay pumasok sa restaurant at nag order na ng kanilang kakainin. Nagbigay Ito ng kunting katahimikan
bago nagsalita si Jessie.

Jessie: Hindi na po ako magpapaligoy ligoy, isasauli ko na po itong wallet niyo at baka kailangan niyo din
itong pera.

Babae: Sa totoo lang, namangha ako sa'yo, ng dahil sa kabutihan mo. Ang laman na yan ay importante sa
akin sapagkat nandyan lahat ng mga id ko. Ngunit ang pera, ibibigay ko na yan sayo, bilang tulong at
gantimpala para sa pagiging tapat mong tao.

Jessie: Naku po ma'am andami po nito!

Babae: Kunin mo na yan, alam kong kailangan mo ito. At balita ko din naghahanap ka ng trabaho. Sa akin
itong restaurant at kung gusto mo maaari kang magtrabaho dito.
Jessie: Halah ma'am sobrang dami naman po ng binibigay niyo.

Babae: 'Wag ka ng mahiya, maaari ka ng magsimula bukas, simpleng tulong lang to para sa kabutihan
mo.

Nagpasyang maghiwalay na ng landas ang dalawa pagkatapos mag usap. Si Jessie ay abot tainga ang
tuwa dahil sa balitang kanyang natanggap. Umuwi siya para dito at ibahagi ito sa kanyang ina.

Pagpasok palang sa bahay, nakita niya ang inang malungkot na nakaupo. Nagmano ito sa kanya.

essie: Nay hindi mo na kailangang malungkot, makakabayad na tayo ng utang natin!

Ikwinento ni Jessie lahat ng nangyari sa kanyang pagsasauli ng wallet hanggang sa huling detalye nito.
Sobrang nasiyahan naman ang kanyang ina sapagkat wala na siyang iisipin pang problema.

Yrma: Naku anak maraming maraming salamat! Kung hindi dahil sayo, hindi tayo makakaraos.

Nagyakapan ng dalawa sa tuwa at dahil kanila ng nabigyan ng solusyon ang kanilang problema.

Isang rason din ni Jessie na iwasan ang masama dahil sa kanyang nabasang poster ng siya ay
naghahanap ng trabaho. Ito ay nakatulong ng mabuti sa kanya upang makapagpasya ng maayos.

Si Jessie ay isang taong may malawak na pag-iisip at ang konsensya niya ang kaniyang pinapairal bago
mag desisyon. Iniisip niya kung ano ang mabuti at masama, at kung anong magiging epekto nito sa
kanya. Siya ay napapaligiran ng mga taong iba't iba ang kaisipan, minsan may nag uutos sa kanyang
gawin ang masama, ngunit pinairal niya ang dapat niyang gawin at ito ay gawin ang tama at nararapat.

Jessie: Ako ay isang taong gagawa palagi ng mabuti, abo't sa aking makakaya.

GROUP 2

TAGAPAGSALAYSAY: Retsie Ann

JESSIE : Mylene

INZO: Winzor
LALAKE: Arnold

BABAE: Rochelle
TAMANG DESISYON PATUNGO SA TUWID NA
DIREKSYON
Magandang hapon sa ating lahat, kami ang unang grupo na mag babagi ng aming presentasyon sa unang
prinsipyo ng likas na batas moral at ito ang "Gawin ang mabuti, Iwasan ang masama".

Pagkatapos ng lahat ng kanyang napagdaanan at ng kanyang pamilya, dahil sa kabutihan niya, ito'y
sinuklian ng hindi lamang isang solusyon sa kanilang buhay, kundi marami pa. Nagkaroon siya ng pera na
makakabayad sa kanilang utang at higit sa lahat nagkaroon din siya ng trabaho.

Dito nagpapahayag na dapat lagi nating gawin ang mabuti sapagkat makakatulong na tayo sa iba,
makakatulong din tayo sa ating sarili. Ang konsensya natin ang dapat lagi nating panatilihin bago mag
isip kung ano ang gagawing desisyon. Magong matatag tayo sa laban sa pagtalo ng isipan sa pagitan ng
mabuti at masama.

Kami ang paunang grupo na nagiiwan ng isang prinsipyo ng likas na batas moral.

Gawin ang mabuti, iwasan ang masama.

You might also like