You are on page 1of 4

Allen Jae A.

Pascua BSEd – 2A

Help Wanted
Laurel Hicks

(Isinalin sa Wikang Filipino)

Walang makakatalo sa pagkakaibigan ng tatlong lalake na sina Josh, Chase, at Eric.


Magkakalapit lang ang kanilang mga bahay at sila ay magkakaklase simula noong unang
baitang. Ngunit, sa kanilang pagtanda, nagbago na sina Josh at Eric. Sila ay naging mga
suwail. ‘Yong tipong pagka-uwi pa lang nila sa bahay ay dederetso na sila sa mall kasama
ang kanilang mga bagong kaibigan. Gabing-gabi na rin sila nakaka-uwi. At dahil diyan,
natatambak sila ng mga gawain mula sa paaralan.

Nang dumating ang araw ng pagsusulit, lumapit si Josh at Eric kay Chase upang
magpatulong, “Umaasa ang aming magulang na tataas ulit ang aming marka,” ani nila. “Baka
naman gusto mong magpakopya sa ating exam sa history. Tutulungan mo naman kami diba?”

“Ayoko,” mariing sabi ni Chase. “Nais ng aking ama na ako ay maging matapat, at
susundin ko ‘yon.”

“Matagal naman ng patay ang iyong ama,” ani ni Eric, “at tsaka, hindi naman ito
malalaman ng ‘yong ina.”

“Wala namang masama kung tutulungan mo kami lalo na at kami ay ‘yong mga
kaibigan.” nangungulit na sabi ni Josh.

“Isa na yang pandaraya,” ani ni Chase.

Ang marka ni Chase ay nanatiling mataas habang ang marka naman nina Josh at Eric
ay patuloy na bumababa hanggang umabot sa punto na sila ay bumagsak.

Sa galit nila, lagi na nilang kinukutya si Chase sa kanyang pagiging tapat. Tinatawag
nila siyang, “Mama’s honest little darling,” at kung mangyaring makikita nila itong
paparating, sisigawan nila ito ng, “Go home and hang on your mother’s apron strings!”

Kitang-kita sa mukha ni Chase na may dinaramdam ito kaya naman agad itong
napansin ng kanyang ina. Nang tanungin ng kanyang ina, sinabi ni Chase and mga nangyari.

“Walang masama sa ‘yong ginagawa,” ani ng kanyang ina. “Basta manatili kang
tapat.” Mahirap ito sa umpisa, ngunit sa huli, hinding-hindi ka magsisisi.
Nang tumungtong sila sa edad na pwede na silang magtrabaho, nag-iisip na sila ng
paraan upang kumita ng kaunting pera ngayong bakasyon. Isang araw, napadaan si Eric sa
isang hardware store nang may mapansin siyang karatulang nakasabit sa pinto na may
nakasulat na, “Help Wanted”. Nawili siya roon at agarang pumasok sa loob.

Si G. Winters ang may-ari ng hardware store. Sinamahan niya ito sa loob ng isang
maliit na kwarto sa likod. Inabot niya ang lalagyan ng mga pako at tornilyo, “Ito,
paghiwalayin mo ang mga pako at tornilyo,” ani ni G. Winters.

“Nakababagot naman ang gawain na ito!” ani ni Eric. Pinuntahan niya ang may-ari at
sinabing, “Kung ito lang ang ipagagawa mo sa akin sa buong bakasyon, ayoko. Hindi ko
kailangan ang trabahong ito.”

“Sige,” ani ng may-ari. Sinuwelduhan niya ito at umuwi na si Eric.

Sa sumunod naman na araw, nakita naman ni Josh ang karatula. At gaya ni Eric,
nawili rin ito, pumasok sa loob, at tinanong kung ano ang trabahong mai-aalok sa kanya.
Sinamahan ng may-ari si Josh sa loob ng isang maliit na kwarto sa likod at pinagawa rin sa
kanya ang pinagawa kay Eric noong nakaraang araw.

Pagkalipas ng isang oras, nilapitan ni Josh ang may-ari at sinabing, “Nangangalawang


na ang mga pako, bakit hindi mo na lang itapon ang mga ito? Hindi ko gusto itong trabahong
pinagagawa mo sa akin.”

”Sige,” ani ng may-ari. Sinuwelduhan niya si Josh at kanyang pinauwi. Nang


ibinabalik ni G. Winters ang mga pako at tornilyo, sinabi niya sa kanyang sarili na handa
siyang magbayad ng malaking suweldo kung nakahanap siya ng tapat na empleyado.

Lumipas ang ilang araw, palakad-lakad sina Josh at Eric sa kalsada nang makita nila
ulit ang karatula. “Hindi naman kailangan ng may-ari ng masyadong tulong,” ani ni Josh.
“Hindi ko nga alam kung matatawag kong trabaho ‘yon, paghihiwalayin mo lang naman
‘yong pako sa tornilyo. May iba ka pa bang nahanap doon sa lagayan maliban sa pako at
tornilyo, Eric?”

“Hindi ko sasabihin ang lahat ng nakita ko roon sa loob ng lalagyan maliban sa pako
at tornilyo,” ani ni Eric habang tumatawa.

Tiningnan niya si Eric na may halong pagtataka. “Kaya pala –“ ani niya, ngunit agad
niyang nilihis ang usapan.

Pagkaraan ng ilang araw, napadaan naman si Chase sa naturang hardware store at


nakita niya rin ang karatula. Nilapitan din nito ang may-ari upang kunin ang trabaho.

“Kaibigan mo ba sina Josh at Eric?” tanong ng may-ari habang tinititigan siya.

“Naku, hindi po Ginoo,” agad na ani ni Chase. “Dati po kaming magkaibigan, ngunit
may nangyari sa amin na naging dahilan ng aming paghihiwalay.”
“Buti naman,” sabi ng may-ari. “Baka ikaw na ang hinahanap ko.”

Walang tigil sa pagtatrabaho si Chase sa loob ng dalawa hanggang tatlong oras si


Chase sa loob ng kwarto. Pagkatapos, pinuntahan niya si G. Winters at sinabing, “Tapos ko
na po ang trabahong pinagagawa niyo sa akin, ano pa po ang gusto niyong ipagawa?”

Bumalik sa loob ng kwarto ang may-ari para tingnan ang ginawa ni Chase.
Nakahanap si Chase ng mga karton at doon niya nilagay ang mga pinaghiwa-hiwalay niyang
pako at tornilyo na kanya ring inuri ayon sa laki at haba nito.

”At tingnan mo ang nahanap ko!” ani ni Chase. “Nakalagay ito sa pinakababa ng
lalagyanan ng mga pako at tornilyo.” At inabot niya sa may-ari ang ten-dollar bill.

Kinuha ni G. Withers ang pera nang nakangiti. “Ngayon, ibalik mo na sa lalagyan ang
mga pako at tornilyo na ganon din sa pagkakaayos mo.”

Pagkatapos niya itong ginawa, meron pang pinagawa ang may-ari. Pagkatapos ay
pinauwi na rin siya.

Lumipas ang ilang mga araw, binigyan ni G. Withers ng susi si Chase at sinabing,
“Pumasok ka bukas nang maaga at maglinis ka bago ko buksan ang aking store.

Pagkatapos ng isang linggo, natanggap na ni Chase ang kanyang unang sahod, kasama
roon ang nahanap niyang ten-dollar bill.

Isang umaga, habang siya ay nagwawalis sa store, nakahanap siya ng mga 5 sentimo
at 25 sentimo na nakakalat lamang sa counter. Pinulot niya ito at itinabi. Sinabihan niya ang
may-ari nong pumasok na ito. Ganon din noong sumunod na araw.

Pagkaraan ng isang buwan, nakahanap na naman siya ng twenty-dollar bill habang


siya ay nagwawalis. Balak na niyang ibulsa ito nang maalala niya ang bilin ng kanyang ina sa
kanya. Kaya agad naman niya itong binalik kung saan niya nahanap ito at nagpatuloy na ito
sa kanyang ginagawa.

Natuwa si G. Winters nang ipakita ni Chase ang pera at sinabi niya, ”Isa kang tapat na
empleyado.” Sa katapusan ng linggo, nakita niya sa kanyang sahod ang twenty-dollar bill na
akma niya sanang kukunin noon.

Pagkaraan ng ilang linggo, lubos nang nagtiwala si G. Winters at siya na rin ang
inutusan na magdeposito ng pera sa bangko.

Nagtrabaho si Chase sa hardware store buong bakasyon. Nang magsimula na ang


pasukan, tinutulungan niya pa rin si G. Winters sa umaga at hapon. Hindi na rin masyadong
nagpapakahirap sa trabaho ang kanyang ina sapagkat nagbibigay na rin si Chase ng kanyang
sweldo.

Nang makatapos sa hayskul si Chase, ginawa siyang tagapamahala o manager ni G.


Winters upang makapag-ipon siya kapag siya ay tumungtong na sa kolehiyo.
“Chase, naalala mo pa ba noong inutusan kitang paghiwalayin ang pako at tornilyo
para sa akin?

“Oo naman,” ani ni Chase. “Natutuwa ako dahil nahanap ko ang trabaho na ‘yon.
Hinding-hindi ko yan makakalimutan dahil nabigla ako nang may makita akong pera sa loob
ng lalagyan.

“Sinadya ko talaga ‘yon,” ani ni G. Winters. “Sinusubukan ko lang ang katapatan


mo.”

“Ay talaga ba?” ani ni Chase. Siya ay nagulat sa sinabi ni G. Winters.

“Oo; nong ibinalik mo sa akin ‘yong pera, sigurado akong nakahanap na ako ng
matapat na magiging empleyado. Pero sinugurado ko munang maasahan kitang maghawak ng
malalaking halaga, kaya sinubukan ulit kita sa pamamagitan ng pag-iwan ng mga sukli, at
yong twenty-dollar bill. Ngunit nang ipaalam mo sa akin ang mga nahanap mo, hindi na ako
nagdalawang-isip pa na pagkatiwalaan ka.”

“May isa pa akong tanong,” ani ni Chase. Nag-iwan ka rin ba ng pera nong sila Josh
at Eric ang nagtrabaho?”

“Oo,” ani ni G. Winters. Dalawa nilang nahanap ang ten-dollar bill, pero ibinulsa na
lang nila ito. Hindi na ako nagtaka dahil naaresto sila dahil sa pagnanakaw hindi kalaunan.

“Pero, nawalan ka ng twenty dollars!” ani ni Chase.

“Oo, maaring nawalan ako ng twenty dollars sa paghahanap ng tapat na empleyado.


Pero hinding-hindi ko ‘yon pinagsisihan dahil nakahanap din ako. At ikaw ‘yon!”

You might also like