You are on page 1of 43

Aso't Pusa

"tao po? tao po?! hoy, ano ba? lumabas ka nga jan!"

eskandalosang pagkatok ni Dennise sa gate ng kapitbahay niya. lumabas si Justin na


halatang bagong gising lang at inaayos pa ang buhok. bago buksan ang gate at
harapin ang nambubulahaw ay tinignan niya muna ang relo niya.

"anak ng! alas otso palang nag-iistorbo na tong taong to."

dali-dali niyang binuksan ang gate at sinalubong naman siya ng pambubulyaw ng


dalaga.

"hoy ikaw, tao ka ba talaga? tignan mo nga yang basura mo, nakakalat na pati sa
bakuran ko! daig mo pa ang hayop."

nakapamewang na saad nito. napakamot nalang sa ulo si Justin bago nakasagot.

"yan lang ba ang pinuputok ng butchi mo at ang aga-aga nanggugulo ka? eh kung
subukan mo kayang kausapin yang aso mo nang magkaalaman na kung sino ang may sala?"

paghamon na sagot nito at napanganga lang ang dalaga pero agad din namang nakabawi.

"at talagang si Chase pa ang sinisisi mo? ikaw ang tao kaya ikaw dapat ang mag-
adjust!"

mejo humupa na ang galit na sagot ni Den. natatawa nalang si Justin sa pag-iisip na
guilty ang amo ng pinaka lecheng aso sa mundo.

"anong nginingiti-ngiti mo jan, ha?"

nakaamba ang suntok na sagot ni Den.

"hep! tama na!"

pag-aawat ng isang ale na bigla nalang sumulpot sa gitna ng dalawa.

"ninang, siya nauna!"

depensa ng dalaga na agad namang kinontra ng binata.

"tita, kahit itanong mo pa sa mga kapitbahay, yang babaeng yan ang nauna."

tumingin si Aling Rita sa paligid at ang mga kanina'y nag-uusyoso ay tila busy na
sa mga kanya-kanyang gawain ngayon. isa lang ang ibig sabihin, walang gustong ma-
involve. nang walang makuhang sagot ay tinignan lang niya ng masama ang dalawa at
natahimik na ang mga ito.

halos araw-araw ay napapasugod si Aling Rita , ang may-ari ng mga apartment na


inuupahan ng aso't pusang sina Justin Sanchez at Dennise Medina, dahil sa bangayan
ng mga ito. sanay na nga ang mga kapitbahay nila sa mga bangayang ito eh at hindi
na rin sila nakikialam. noong una ay nagtataka sila dahil ultimo pinakamaliit na
dahilan ay pinag-aawayan ng dalawa.

Aso't Pusa
2

nag-umpisa ang gera nang mangupahan si Justin sa katabing apartment na tinitirhan


ni Den. noong araw na yun ay halos baliktarin na ni Den ang buo niyang bahay para
mahanap si Chase, ang alaga nitong aso. nakawala kasi ito sa pagkakatali habang
abala si Dennise sa pag gegeneral cleaning nito. mangiyak-ngiyak at halos mawalan
na ng pag-asa si Den para mahanap ang asong pinag-ipunan pa niya para lang mabili.

nang may marinig siyang parang iyak ng tuta ay agad siyang lumabas at nakita nga
ang alaga na hawak sa leeg ng isang lalaki. parang naramdaman niyang tumaas ang
dugo niya hanggang ulo kaya sinugod niya ang lalaking ngayon lang niya nakita sa
lugar nila.

"hoy! ibaba mo si Chase! how dare you do that to him!"

talak ni Den habang nakaduro sa lalaki. nanlaki naman ang mata ng dalaga nang
masaksihan niya ang pagbitaw ng binata sa alaga niya na mula sa chest level.

"oh my gosh. Chase! okay ka lang? oh my, sana di ka napilayan."

napatingin si Den sa lalaki na kasalukuyang nakacross ang arms.

"bakit mo ginawa yun?!"

galit na galit na sabi ni Den na sinuklian lamang nga pagkunot noo ng binata.

"you ordered me to do that, remember?!"

hambog na sagot nito. aapela pa sana si Den kaso dumating na ang ninang niya.

"oh Den, nagkakilala na ba kayo ni Justin? siya ang magiging kapit bahay mo.
Justin, meet Dennise, inaanak ko."

pagpapakilala ng ginang na walang ideya sa kaninang engkwentro ng dalawa. inirapan


lang ni Den si Justin at nag walk out na pabalik ng sariling bahay.

"attitude problem!"

mahinang saad ni Justin na hindi naman nakaligtas sa matalas na pandinig ni Aling


Rita.

"ah, iho?"

pagtatawag pansin ni Aling Rita.

"yes tita?"

tugon ni Justin.

"pagpasensyahan mo na yang inaanak ko ah? mabait naman talaga yan eh, baka wala
lang sa mood."

ani Aling Rita. ngumiti lang si Justin na parang ipinaparating sa matanda na


naiintindihan niya at nagpaalam na din.fot almost a year, wala sa mood?! tama,
halos isang taon nang magkapitbhay ang dalawang ito.
Aso't Pusa
3

"tatahimik din pala kayo eh. Diyos ko naman kayong dalawa! eh daig niyo pa ang
aso't pusa kung mag-away eh. di ba kayo nahihiya sa mga tao sa paligid niyo?"

sermon ni Aling Rita sa dalawa na parehong napayuko nalang.


"sorry po. aayusin ko nalang po yung kinalat ng ASO NIYA."

parinig na pagpapaumanhin ng binata.

"aba talagang..."

di na natapos ni Den ang sasabihin dahil humarap sa kanya ang ninang niya.

"di na po. bye na ninang, aalis na po ako."

pag-papaalam sabay beso sa nito. pagkaalis na pagkaalis ng dalaga ay kinausap ng


ginang si Justin.

"kamusta iho? buti naman at di ka na ulit sumuko sa inaanak ko."

napangiti lang ang binata dahil sa may naalala.

"pinapangarap ko talaga ang araw na magkasundo kayo. mabait ka, ganun din siya. ang
ipinagtataka ko lang ay kung bakit parang hindi magkasalubong ang kabaitan niyo."

ang ginang naman ngayon ang napangiti. ngiti na may ibig sabihin.

"nako tita, alam ko na ibig sabihin ng ngiti mong yan."

sagot ni Justin na napakamot lang sa ulo.

"sige na kasi anak, maganda naman si Den ah. sexy pa! matalino, may maayos na
trabaho, maalam sa gawaing bahay, aba'y swerte ang makakatuluyan nun!"

pangungumbinsing pahayag ni Aling Rita.

"hindi naman po ako kokontra sa mga sinabi niyo kaya lang po, di talaga kami
magkasundo eh. magbabangayan lang kami panigurado."

ani Justin pero di parin magpapatalo si Aling Rita.

"ah basta! para sakin bagay talaga kayo. o siya, mauna na ako."

at tuluyan na ngang nagpaalam ang ginang. napapailing nalang si Justin tulad ng


palagi niyang nagiging reaksyon sa tuwing nirereto ni Aling Rita ang inaanak sa
kanya. magsisinungaling siya kung sasabihin niyang hindi siya attracted sa dalaga.
maganda nga naman ito, smart, mabait, yun nga lang sobrang hindi sila magkasundo.

dumating na nga sa point na gusto na niyang umalis at humanap nalang ng ibang


matitirhan eh, kaya lang nakiusap si Aling Rita na magpasensya nalang daw. after
nun, halos isang linggo din silang nag cease fire at doon niya simulang maapreciate
ang dalaga. kaya lang after a week, balik din agad sa dati.
Aso't Pusa
4

on the other hand, kanina nung umalis si Den ay nakipagmeet siya sa dati niyang
classmate na si Alice, boss kasi nito ang bagong client nila Den. sa isang
advertising company nagtatrabaho si Den at dahil siya ang may koneksyon ay siya na
ang naassign sa naturang project.

"Den, dito!"

hinanap ni Den ang pinanggalingan ng boses at nakita nga niya si Alice na kumakaway
para matawag ang kanyang pansin. nilapitan niya ito at binati.

"ui, long time no see ah. kamusta na? ay teka, asan pala yung boss mo?"

pagbati ni Den habang hinahanap naman ang taong dapat kameeting.

"okay lang naman. ah si sir? nako malelate daw kasi manggagaling pa siya sa meeting
eh."

tugon naman ni Alice.

"ah ganun ba? so..."

natigilan si Den nang tumayo si Alice at umalis sa kinauupuan.

"sir! akala ko po malelate kayo?"

napalingon si Den para mabati ang client pero para siyang napipi at natulala.

sa isip niya, "grabe, ang gwapo naman nito."

bumalik lang siya sa sarili nang nilahad na ng lalaki ang kamay niya para
makipagkamay sa kanya.

"i'm sorry for being late. by the way, i'm Christian Tan and you must be Ms.
Medina, right?"

pagpapakilala nito sa sarili.

"yes sir. have a sit. so we can set down to business."

pormal pero magiliw na anyaya ni Den. naupo na din naman sina Alice at ang boss
niya at si Den naman ay nagprepare na para sa meeting.

"uhm, can i call you by your first name? i really hate too much formality. you can
call me Ian too."

saad ng binata na nagpangiti kay Den.

"oh, sure. you can call me Den."

after nun ay pinag-usapan na nila ang mga gusto at plano ng company nila para sa
project na ipapagawa sa team nila Den. nang matapos ang meeting ay umalis na din
agad si Ian at iniwan na sina Alice at Den para makapagkwentuhan.

"ui, Den. ang cute ng boss ko no? ang bait pa niyan!"

hirit ni Alice nang mapansin na iba ang tingin ni Den sa boss niya.

"oo nga eh."

tanging sagot ni Den na nakatingin parin sa papaalis na si Ian.


Sunday, May 1, 2011

Aso't Pusa
5

matapos ng meeting at bonding nila ni Alice ay bumalik na sa office si Den para


idiscuss ang mga dapat nilang gawin. at dahil sadyang masipag si Den, agad niyang
inumpisahan ang trabaho at nag-over time pa.

*yawn*

"nako! 10 na pala. tsk! ang traffic pa naman pag friday. makauwi na nga."

binitbit na niya lahat ng gamit niya para makauwi na din. pagdating sa bahay ay
naabutan niya si Justin na nasa tapat ng gate ng apartment niya. nagtaka naman siya
kasi mag-uumaga na din nun pero nasa labas pa ito. tinignan lang siya ng binata at
pumasok na din sa sariling bahay.

"tss! ang wirdo nito."

sabi ni Den bago pa man siya makapasok sa bahay. sa sobrang pagod at antok ay
nakatulog agad ito nang di pa man naaayos ang sarili. sa kabilang bahay naman ay
hirap makatulog si Justin.

"parang tanga yung babaeng yun! umaga na kung umuwi, ano ba trabaho niya, sa night
club?!"

yan ang gumugulo sa isip niya bago siya makatulog. kanina pa niya inaabangan si Den
na makauwi pero nung mga bandang 11 na ay nag-alala siya kaya sa labas na siya nag-
antay. binabalak niya na kasing humingi ng tawad sa dalaga para kahit paano ay
mabawasan na ang awayan nila. ilang beses na niyang tinatangkang gawin yun pero ni
isang beses ay di natuloy.

hindi pa man lubos na nakakatulog si Justin nang may marinig siyang di maipaliwanag
na ingay. para bang may nag-uusap at nagkakaluskusan. agad niyang chineck ang buong
bahay pero wala namang kakaiba. nagulat nalang siya nang mapatingin sa bintana at
nakita niyang may labas masok sa bahay ni Den na may dala pang mga gamit. agad
siyang lumabas para pigilan ang mga ito.

"hoy! ibalik niyo yan!"

matapang na saad niya habang sinusugod ang isa. sinuntok niya ito na agad naman
nitong ikinatumba. inambahan siya ng suntok ng isa pang lalaki pero nakaiwas siya
at sinuntok din ito. paglingon niya ay nasapak siya sa mukha ng unang lalaking
napatumba niya. patayo palang si Justin nang madaplisan siya ng saksak sa braso at
dahil dun ay kumaripas na ng takbo ang dalawang magnanakaw.

"aray. talaga naman oh!"

habang hawak ang dumudugo niyang braso. isa-isa niyang ipinasok ang mga gamit ni
Den at nasiguro naman niyang walang nakuha dito. nilock na niya ang pinto at
bumalik sa sariling bahay. di na siya nakaakyat pa sa kwarto kaya sa sala na siya
nakatulog. kinabukasan, pagkagising ni Den ay nanibago siya sa ayos ng gamit niya.

"hmm? anong nangyari? teka, nanakawan ba ako?"

agad niyang chineck ang lahat ng gamit pero wala namang nawawala. inayos nalang
niya ang mga gamit at naglinis na din ng buong bahay. nang lumabas siya para
magtapon ng basura ay napansin niyang may mantsa ng dugo sa sahig. ikinataka man
niya ito ay di na niya masyadong inisip ang tungkol dito at nilinis nalang ito.
nang mapansin niyang bukas ang gate at pinto ng kabilang bahay at out of curiosity
ay pinasok niya ito. nadatnan niya sa sofa ang animo'y sanggol kung matulog na si
Justin at mga ilang minuto din niya itong pinagmasdan.

"ang cute mo. sana lagi ka nalang tulog."


sabi ni den sa sarili at bumalik na sa kanyang bahay
Sunday, May 1, 2011

Aso't Pusa
6

halos buong araw na hindi nagbangayan ang dalawa. mag gagabi na ta akala nila ay
matatapos ang araw na yun ng walang problema hanggang sa pareho silang ipinatawag
ni Aling Rita. nauna na sa bahay ng ginang si Justin at di nagtagal ay sumunod din
naman si Den.

"oh ninang, ano bang atin?"

tanong ni Den matapos magmano.

"maupo ka muna at seryoso itong pag-uusapan natin."

matapos makaupo ay may sandaling katahimikan. nakamasid lang pareho sina Justin at
Den kay Aling Rita habang hinihintay itong magsalita.

"isa sa inyo ay dapat nang umalis sa apartment."

diretsong sabi nito.

"what?"

sabay na tugon ng dalawa.

"ninang? nagjojoke ka ba?"

ani Den na umpisa nang natatawa.

"that's impossible, tita! there's no way that i'm leaving."

matigas na sagot ni Justin na nagpasalubong ng kilay ni Den.

"mas lalo namang di ako papayag!"

dagdag ni Den na para bang napikon sa sinabi ni Justin.

"hep! kung ganon, kelangan niyong magshare sa isang bahay."

seryosong saad ni Aling Rita. napatanga ang dalawa at nagtinginan bago sumagot
ng...

"NO WAY!"

"ano po bang problema?"

tanong ni Justin.

"pansamantala lang naman eh, mga isang buwan. may darating kasi akong bisita at
doon ko muna papatirahin."

paliwanag ng ginang hoping na pumayag ang dalawa.

"eh ninang, kung dito nalang kaya muna ako sa inyo?"

mungkahi ni Den dahilan para panlakihan siya ng mata ng ninang niya.


"bakit, gusto mong marape? baka nakakalimutan mong type ka ng mga anak kong
manyakis."

sagot ni Aling Rita na napatayo pa.

"eh bakit patitirahin niyo ako kasama to?"

sabay turo kay Justin na napakunot noo.

"mas may tiwala ako sa kanya kesa sa mga kinakapatid mo. at lalo namang hindi pwede
si Justin dito dahil mainit ang dugo ng mga anak ko sa kanya."

ani Aling Rita. wala nang maisip na solusyon ang lahat at tila sumuko na din ang
dalawa.

"nakakainis naman eh!"

bulalas ni Den pero tinignan lang siya ng ninang niya samantalang si Justin ay
nakayuko lang.

"when will it start, tita?"

tanong ni Justin at napatingin sa kanya ang dalawang babae.

"wag mong sabihing pumapayag ka na?!"

usisa ni Den na di parin makapaniwala sa nasabi ni Justin.

"bakit, may naiisip ka ba na ibang paraan? feeling mo gusto ko to?!"

mataray na sagot ni Justin kaya naman nahampas siya ni Den sa braso kung saan siya
nadaplisan. bahagya itong dumugo at si Aling Rita lang ang nakapansin.

"ang yabang mo!"

pagtataray ni Den. agad namang hinawakan ni Justin ang braso niya para di ito
mapansin ng dalaga. si Aling Rita naman ay nagsimula nang mag-alala.

"kelan nga po pala mag-uumpisa, ninang?"

dagdag pa ng dalaga. kinindatan naman ni Justin ang ginang para pagtakpan ang
nadiskubre nito.

"as much as possible, bukas."

sagot ni Aling Rita na ikinalaki ng mata ng dalawa.


Sunday, May 1, 2011

Aso't Pusa
7

"oh, dali!"

ani Den habang nakalahad ang naka close fist niyang kamay. nagulat man si Aling
Rita ay di na niya pinakialaman pa ang dalawa.

"oh, ano yan? sasaktan mo ako?!"


at napaiwas si Justin at tumingin kay Aling Rita na parang nanghihingi ng saklolo.

"BALIW! bato bato pick tayo kung sinong lilipat."

habang iniirapan ang binata. ginawa nga nila ang minungkahi ni Den at nanalo si
Justin kaya si Den ang dapat lumipat. napaisip si Den at ininsist parin na si
Justin ang lumipat.

"ano pang sense ng pagbabato bato pick natin kung ikaw parin naman pala ang
masusunod?"

reklamo ni Justin pero nag make face lang ang dalaga. habang pinapanood ang dalawa
ay napapangiti lang si Aling Rita.

"bagay talaga sila!"

sabi ng ginang sa sarili niya na dahilan para mapatingin sa kanya ang dalawa. patay
malisya lamang ang matanda at maging ang dalawa ay di na nag-usisa. nang
magkasundong si Justin na nga ang lilipat ay umuwi na silang dalawa. habang
naglalakad pauwi ay walang kumikibo at parehong malalim ang iniisip.

"bahala na nga!"

mejo napalakas na sabi ni Den sabay binilisan na ang paglalakad.

*flashback*

bago sila payagang umalis ni Aling Rita ay kinausap muna nito si Justin. pinilit
niyang paaminin ang binata kung saan nanggaling ang sugat nito.

"Justin, alam kong di ka basagulero kaya aminin mo na kung saan galing yan."

napakamot nalang sa ulo si Justin. ayaw talaga niyang sabihin ang Dahilan kay Aling
Rita pero hindi niya kayang tiisin ang ginang.

"kaninang madaling araw po kasi.. ano.."

pautal-utal na pagkukwento ni Justin.

"ano po kasi, kaninang umaga nakarinig po ako ng ingay tapos nakita ko po na may
dalawang lalaking nagnanakaw sa bahay ni Den. ayun po, sinugod ko sila. di ko naman
po alam na may kutsilyo pala sila eh."

dagdag pa nito sa mas klarong boses. nagulat si Aling Rita at napahawak sa dibdib.

"nako anak, sa susunod tumawag ka nalang sa barangay ha? buti at daplis lang ang
nakuha mong sugat."

sabi ng ginang habang ginagamot na ang sugat ni Justin.

"di na po kasi ako nakapag-isip eh. naisip ko po kasi na baka mapahamak si.. ay
wala po. next time tatawag na po ako sa barangay."

napangiti lang ang ginang sa pagkakadulas ni Justin.

"ay sus, nadulas na babawiin pa. sabi ko na nga ba gusto mo ang inaanak ko eh."

pang-aasar na tugon ni Aling Rita na diniinan pa ang bulak sa sugat ng binata. di


man umaray ay halata naman ang sakit nang mapangiwi si Justin.
"hindi po, nagkataon lang na ako yung nakakita."

pagpapalusot ni Justin

"eh bakit nga pala gising ka pa ng madaling araw? kilala kita, alam kong sa mga
oras na yun ay abala ka na dapat sa panaginip mo."

"ah, eh. di po kasi ako makatulog. pano, yang inaanak niyo umaga na umuwi!"

"eh bat parang concern ka? aminin mo na Justin. boto naman ako sayo eh."

natawa lang ang binata at tuluyan nang nagpaalam sa ginang.

*end of flashback*
Monday, May 2, 2011

Aso't Pusa
8

pagka-uwing pagka-uwi ay agad nag empake ng gamit si Justin at nang matapos ay


kumatok na siya sa kabilang bahay. pinagbuksan siya ni Den ng wala man lang sinabi.
at sa kagandahang palad, pagkapasok palang ni Justin sa gate ay sinalubong na siya
ng pinakamatalik niyang kaibigan, si Chase. sinipa niya ito ng marahan dahil sa
nangungulit ito at hinaharangan ang daraanan niya. nang makita naman ito ni Den ay
pinanlakihan niya ng mata si Justin.

"wow, di ako tinalakan."

sabi ng binata sa isip niya. himala kasi itong maituturing dahil dati, tignan
palang niya ng masama si Chase ay niraratrat na siya nito ng sermon.

"dito ka, doon ako. malinis akong tao kaya please lang, umayos ka. toka tayo sa
gawaing bahay ah. tsaka cease fire muna tayo. wag daw tayong magbangayan kasi
nakakahiya daw sa bisita ni ninang."

mahabang paalala ni Den at tumango lamang si Justin. pagkapasok niya sa kwarto ay


nag-ayos na siya ng gamit at pagkatapos ay bumalik muna siya sa kabila para kumuha
ng mga supplies at pagkain na pwede niyang maishare sa pagtira nila sa isang
bubong. pagbalik niya sa bahay ni Den ay dumiretso siya sa kitchen at doon ay
nadatnan niya si Den na nagluluto.

"oh, share ko."

ani Justin na tinutukoy ang mga bitbit niya.

"akin na, ilalagay ko sa pantry. paki lagay nalang sa ref yung iba."

sabi ni Den habang kinuha sa binata ang ilang supplies. pagkabukas ni Justin sa ref
ay nagulat siya sa dami ng chocolate bars na naroon.

"mahilig ka pala sa sweets?"

tanong nito.

"ah, oo. kuha ka lang jan kung gusto mo."

sabi ni Den.
"eh bakit di ka sweet?"

usisa muli ni Justin. tinignan lang siya ng masama ni Den kaya parang gusto niyang
lamunin na siya ng refrigerator kesa si Den mismo ang lumamon sa kanya ng buhay.

"ang sabi ko buti di ka tumataba."

pagpapalusot ni Justin pero sa muling pagkakataon ay tinignan lang siya ni Den at


di parin sumagot. ibes, ay naghain na siya at niyaya si Justin na kumain.

"masarap ka palang magluto."

puna ni Justin.

"salamat. kain lang ng kain."

sagot ni Den. matapos kumain ay nagprisinta si Justin na siya na daw ang


maghuhugas. si Den naman ay pumanik na sa kwarto niya. madaling araw na ay pareho
paring gising ang dalawa.

"ang wirdo."

sa isip ni Justin.

"awkward."

sa isip naman ni Den.

"mabait naman pala eh."

ani Justin.

"pwede naman palang walang away eh."

sabi naman ni Den.

"hay, bat ganito? parang may iba."

pareho nilang bulalas habang pilit paring gustong makatulog. matapos ang ilang oras
ding pag-iisip ay nakatulog din ang dalawa.
Monday, May 2, 2011

Aso't Pusa
9

kinaumagahan, nagising si Den dahil sa amoy ng bacon at sinangag. matapos mag-ayos


ng sarili ay bumaba sa siya.

"good mor...ning."

utal na bati ni Justin. sino ba naman ang di mauutal sa ganda ng dalagang bumungad
sa kanya?

"wow, ang bango!"

tanging sabi ni Den sa lumapit kay Justin para makita ang niluluto nito. parang
nakuryenta naman si Justin kaya napabalik ito sa wisyo.

"gutom ka na ba? matatapos na to."


sabi ni Justin habang sinusundan lang ng tingin si Den na naghahanda na ng
pagkakainan nila. nagtimpla na sin ito ng juice at si Justin naman ay inihain na
ang mga niluto. unang subo palang ni Den ay napangiti na ito.

"sarap ah!"

sabi pa nito. sa isip ni Justin..

"good mood ah."

nabulunan naman si Den kaya agad siyang inabutan ng juice ni Justin.

"hinay-hinay. ang takaw mo pala."

natawa lang si Den sa sinabi ng binata. ininsist ni Dennise na siya naman daw ang
maghuhugas ng kinainan ngayon pero hindi pumayag si Justin kaya umakyat nalanh si
Den para maligo. pagkatapos mag-ayos ay bumaba na din ito agad at saktong kakatapos
lang maglinis ni Justin.

"ui mag-ayos ka na. simba tayo."

anyaya ni Den.

"huh? o sige. mabilis lang ako."

naguguluhang sagot ni Justin at madaling umakyat na. tama nga ito, mabilis lang
siya. parang fifteen minutes lang ata eh tapos na siyang mag-ayos.

"wow, bilis ah."

ngumiti lang si Justin bilang sukli sa napakagandang ngiti ng dalaga. umalis na


sila para makapunta sa simbahan. nakakatawa yung eksena kasi habang naglalakad
silang dalawa na malapit sa isa't isa ay di sila nagkikibuan. tapos halos lahat ng
mga tao ay nakatingin sa kanila at mababakas sa mga mukha nila ang pagkamangha sa
nakikita. hindi naman ito napapansin ng dalawa kasi busy din sila sa pag-iisip.

"grabe, ang ganda talaga niya. lalo na pag nakangiti."

napapangiti nalang si Justin habang iniisip ito.

"what's wrong with me? bakit ang bait ko sa kanya? tsaka, in fairness ang gwapo
pala niya."

anun din ang reaksyon ni Den nang maisip ito.

"aba'y akalain mong bati na pala ang aso at pusa."

puna ng isang tambay na parang nalunok naman ang sariling dila nang tignan siya ng
masama ni Den.

"ay affected si kuya?! masyadong concern? kapikon!"

puna ni Den nang malampasan nila ang tambay. natatawa nalang si Justin sa nasabi ng
dalaga.

"hayaan mo na, wala namang laban yun sayo eh. tignan mo nga, titig mo palang taob
na siya."
inirapan lang siya ni Den.

"saya mo ah?"
Tuesday, May 3, 2011

Aso't Pusa
10

sa simbahan, di maiwasan na mailang sila sa isa't isa. pati mga katabi at mga
nakakakita sa kanila ay nararamdaman ang ilang sa pagitan nila. naroon yung
susulyap si Justin pero bago pa man mahuli ni Den ay umiiwas na ng tingin. ganoon
din kapag si Den naman ang napapatingin, bumabaling sa iba sa tuwing mahuhuli siya
ng binata. narinig pa nga nila na naghagikgikan ang ilan sa mga kabataan at sinaway
na sinaway ng kanilang mga magulang.

isa pa, ang homily ni Father ay tungkol sa kahalagahan ng pagpapatawad. kamusta


naman yun diba? lakas ng timing. syempre noong the Lord's prayer na ay naghawak
sila ng kamay at take note, nagsabihan sila ng peace be with you sa isa't isa. at
first nagkahiyaan pa sila pero after sigurong maubos na ang mga taong binati nila
ay humarap sila sa isa't isa at bumati while looking directly on each other's eyes.

"sana nga."

lihim na hiling ni Justin. pareho lang silang napangiti at napayuko matapos nun.
nagmadali na din silang umuwi dahil lunchtime daw darating ang mga bisita ni Aling
Rita at inimbita sila na doon na rin maglunch.

"what a cute couple."

bati ng isa sa mga bisita ni Aling Rita. natawa nalang silang tatlo sa sinabi nito.

"sana nga kung sila, eh hindi."

banat naman ni Aling Rita sabay kindat sa dalawa.

"pero bagay sila ah. pag nagkatuluyan kayo balitaan niyo kami ah?"

patuloy na pang-aasar ng mga nakatatanda.

"nako, malabo po yun. di nga kami nagkakasundo nito eh."

sagot naman ni Justin habang inakbayan si Den. ayan tuloy, nasiko siya ng dalaga.

"eh jan naman nagsisimula yan eh. kunwari away bati pero sa huli magkakaibigan
din."

di na ito pinatulan ng dalawa, sa halip ay nakitawa nalang din sila. pagkatapos


kumain at makipagkwentuhan ay bumalik na din sila sa kanilang bahay para
makapagpahinga. naging maayos naman ang unang araw na pagtira nila sa iisang bahay
at pareho nilang hinihiling na sana maging maayos din hanggang sa matapos.

bago makatulog ay napa-isip si Den.

"sa una away bati tapos sa huli magkakaibigan din? sus! imposible."

natatawa siya at hindi niya alam kung bakit ba sumagi sa isip niya ang idea na yun.
aaminin niya, una palang niyang nakita si Justin ay naatract na siya agad sa looks
nito pero nang awayin nito si Chase ay nagbago agad ang tingin niya dito. feeling
niya dahil doon ay pangit ang ugali ng binata. at nagsunod-sunod na nga ang mga
bangayan nila.

actually, maging si Den ay di alam kung bakit ba ang init ng dugo niya sa binata.
konting mali nakikita niya at nakakaramdam agad siya ng urge na awayin ito.

"pero magiging maayos din siguro. mabait naman pala siya eh."

ito ang huli niyang nasabi bago siya makatulog.


Tuesday, May 3, 2011

Aso't Pusa
11

as usual, maaga na namang nagising si Den para makapasok sa trabaho at bilang wala
namang trabaho si Justin ay siya ang magiging taong bahay. bakit walang trabaho si
Justin? abangan niyo nalang.

mejo nakaka-adjust na sila sa set up nila at isang linggo na din ang lumipas.
biyernes na ng gabi ngayon at ang dalawa ay nasa kanikanilang kwarto na at handa
nang matulog. bigla nalang bumuhos ang ulan at maya-maya pa ay kumulog na din at
kumidlat. napatalon si Den sa kama niya dahil sa dagundong ng kulog.

"oh my gosh! oh my gosh!"

nagpapanic na siya kaya nagtalukbong na siya ng kumot at tinakpan ng unan ang


tenga. bawat kulog ay napaapikit nalang si Den. takot na takot siya at sa katunayan
ay nanginginig pa siya. isa pang kulog at napatakbo na siya sa labas ng kwarto
dala-dala ang kanyang unan at kumot na nakabalot sa kanya.

mag-iiba sana ng pwesto habang humihikab si Justin pero naudlot ito dahil sa nakita
niyang nilalang na nakabalot ng puting tela na nakatayo sa may pinto niya. sa
pagkagulat ay napabalikwas ng bangon ang binata. nang kumidlat ay naaninagan niyang
si Den pala ang nilalang na ito at kumaripas na ng takbo dahil sa lakas ng kulog.

"ano bang ginagawa mo dito?"

mataray na tanong ni Justin. di naman siya sinagot ng dalaga at nanatili lang sa


pagkakaupo sa kama at nakayakap sa unan. nang muli na namang kumulog ay napatili
ito at napayakap kay Justin.

"ayoko na!"

halos mapisa na si Justin sa pagkakayakap ni Den at nararamdaman din niya ang


panginginig ng katawan ng dalaga. sinuklian niya ang pagyakap nito and he pat her
back.

"shh. wag ka na matakot, nandito lang ako."

pagpapakalma ni Justin sa takot na takot na si Den. mejo lumuwag na ang


pagkakayakap nito tanda na mejo nabawasan ang kayang takot. sinabihan na siya ni
Justin na magpahinga na.

"wag mo kong iwan."

"oo dito lang ako."

nahiga na sila pareho pero di parin makatulog si Den dahil natatakot parin ito na
baka kumulog ulit. napansin ito ni Justin pero hindi naman niya alam kung paano
maiibsan ang takot ng dalaga. nagulat nalang siya nang sumiksik si Den sa tabi niya
at yapusin siya. maya-maya pa ay nakatulog na din ang dalaga.

si Justin naman ay di na makatulog, parang ang gusto nalang niyang gawin sa mga
oras na yun ay ang titigan si Den na mahimbing nang natutulog. di na niya namalayan
na nakatulog na din pala siya at nagising nalang na nakayakap din kay Den.

agad siyang umayos ng pwesto at tinanggal na din ang braso ni Den sa pagkakayakap
sa kanya. bumangon na siya at naghanda nalang ng agahan nila.
Tuesday, May 3, 2011

Aso't Pusa
12

nakapaghain na si Justin at paakyat na sana siya para gisingin si Den at nang


makakain na sila. nadatnan niya ang dalaga na mahimbing parin na natutulog.

"napakasama ko namang nilalang kung gigisingin ko siya. ang cute, parang baby."

sabi ni Justin habang pinoke ng mahina ang ilong ni Den. at dahil bigo siya sa pag
gising kay Den ay kinuha nalang niya ang kanyang phone.

*1 message received*

"alam ko na kung saan ka nakatira. expect me there in a bit. see you, honey."

"shet! paano niya nalaman? i have to do something!"

sabi ni Justin na palakad-lakad dahil di maalis ang kanyang kaba. nang makaisip
siya ng paraan ay kumaripas siya ng takbo para kunin ang isang bagay na
makakatulong sa kanya. isinoot niya ang isa sa kanya at ang isa pa sa natutulog na
si Den. bumaba na si Justin and he patiently waited for his visitor. ilang minuto
lang ay dumating na din ito. sinalubong siya ni Justin at agad naman siyang
hinalikan sa pisngi ito.

"good to see you again, honey. nice place!"

sabi ng bisita niya habang nililibot ng tingin ang bahay.

"kumain ka na ba? nagluto ako, baka gusto mo munang kumain."

pag-aanyaya ni Justin na tinanggihan lang ng kanyang bisita.

"di na ako magpapaligoy-ligoy pa, Justin. i want you back. sumama ka na sa akin."

pangungumbinsi ng bisita.

"no! i will not go back and come with you. kasal na ako. please understand that i
already have a life here."

giit ni Justin.nagulat ang kanyang bisita lalo na nang ipakita ni Justin ang
singsing nito.

"then where is she?"

tanong ng kanyang bisita.

"oh, she's..."

di pa natatapos ni Justin ang sasabihin nang biglang lumabas si Den sa kwarto.


"good morning!"

bati nito habang nag-uunat pa, di alintana ang presence ng bisita nila. dahan
dahang bumaba si Den na agad namang sinalubong ni Justin.

"good morning, hon!"

bati nito sabay halik sa labi nito. aapela pa sana si Den pero agad siyang hinatak
ni Justin papunta sa may kitchen.

"walang hiya ka! bat mo ginawa yun, ha?!"

talak ni Den sabay hampas sa binata.

"shh! wag kang maingay. please makisakay ka nalang."

pagmamakaawa ni Justin habang hinihimas ang braso niyang patuloy na hinahampas ni


Den.

"is everything alright?"

tanong ng bisita nila at agad namang hinalikan ni Justin si Den at this time, mas
passionate na kiss. ang pagsustruggle ni Den na makawala ay lalo pang nagpamukhang
uhaw na uhaw sila sa isa't isa.

"oh, i'm sorry. continue what you are doing."

sabi ng babae at bumalik na muli sa sala. pinakawalan na ni Justin ang mga labi ni
Den at nakatikim naman ito ng malupit na sampal.

"ouch! pwede ba pakinggan mo muna ako?"

sumamo ni Justin.

"at ano namang paliwanag mo, ha? tsaka may bisita pala tayo. nakakahiya!"

tinakpan ni Den ng kamay niya ang kanyang mukha dahil nararamdaman niya ang init at
pamumula nito. inakbayan siya ni Justin at tinangay papunta sa kwarto.

"wag kang papalag. just go with the flow. sa kwarto tayo mag-usap."

di na nakapalag pa si Den at nang madaanan nila ang bisita ay sabay silang ngumiti
at agad ding umakyat.

"wait lang ma, ah."

ani Justin na ikinabigla ni Den. habang papasok sila sa kwarto ay nakatingin lang
siya sa mukha nito.
Wednesday, May 4, 2011

Aso't Pusa
13

pagkasarang pagkasara ng pinto ay tinulak ni Den ang binata.

"ma? mama mo yung bisita mo? tapos nakita niya tayong naghahalikan at pumasok sa
isang kwarto? ano sa tingin mo iisipin niya, ha?!"
talak ni Den sa kanya.

"pwede ba makinig ka?"

mahinahong saad ni Justin at tahimik lamang na nakatingin si Den.

"lumayas ako sa amin kaya dito ako nakatira. masyado silang maraming dinedemand
sakin kaya i got fed up! look at your finger."

at ginawa nga niya ang sinabi nito. laking gulat niya nang makita ang isang
singsing pero mas ikinagulat niya nang ipinakita ni Justin ang soot din niyang
singsing.

"they all think that i'm married. di ko intensyon na gamitin ka pero wala na talaga
akong maisip na ibang paraan. di ko alam kung paano nila ako nahanap at ngayon nga,
nandito pa si mama. please Den, i need your help."

dagdag pa ng binata. dahil sa paliwanag ni Justin ay napaisip si Den.

"ano pa nga ba? eh naumpisahan na eh. basta pag umalis na mama mo tapos na tong
palabas na to ah?"

niyakap siya ni Justin ng mahigpit dahil sa pagpayag niya. tumagal ang yakap na yun
dahil pareho silang nawala sa sarili. para bang nalunod sila sa isa't isa at ayaw
nang umahon pa. napabalik lang sila sa wisyo nang maalala ang bisita nila.

nauna nang bumaba si Justin para makapag-ayos ng sarili si Den. habang nag-aayos ay
paulit-ulit na iniisip ni Den ang naging desisyon. alam niyang mali pero di din
niya alam kung bakit siya napapayag. nang pababa na siya at nakita niya ang matamis
na ngiti ng ginang ay parang bang nawala sa isip niya ang hesitation sa palabas
nila at inisip nalang niya na para ito sa mama ni Justin.

"ma, si Dennise Medina Sanchez po pala. Den, ang mama ko, si Valerie Sanchez."

agad tumayo si Mrs. Sanchez at niyakap si Den. parang gustong maiyak ni Den sa
ginawa ng mama ni Justin at kung magtatagal pa sila sa ganitong posisyon ay baka
mapahagulgol pa siya, buti nalang at pinakawalan na siya nito.

"welcome to the family, anak."

magiliw na saad ng ginang dahilan para tumulo ang luhang kanina pa pinipigilan ni
Den. nakita ito ni Justin at agad niyang nilapitan at hinagod ang likod ng dalaga.
di man niya alam ang dahilan ng pagluha nito, nakita naman niya sa mga mata ni Den
na malalima ng pinanggagalingan nito. pinulupot ni Den ang kamay niya sa bewang ni
Justin para makakuha ng lakas.

"ma, kain na po tayo. tanghali na po eh."

anyaya ni Den.

"buti nalang nakapagluto na ko ng almusal. pagpasensyahan mo na ma, ah? napuyat


kami kagabi eh."

sabay kindat nito sa dalaga. si Den naman ay siniko siya at nginitian lamang ang
mama niya.

"tara na nga. kayo talaga."

sabi ng mama nila at tumawa ng bahagya.


"ay anak, pwede bang iakyat mo muna yung gamit ko?"

nagkatinginan ang dalawa. di nila napansin kanina ang gamit ng bisita.

"ma, ano to?"

tanong ni Justin.

"dito ako matutulog ngayong gabi. namiss kita eh. tsaka gusto ko din namang
makasama itong si Den. ngayon lang ako magkakaroon ng babaeng anak."

sabi niya habang kumukuha ng pagkain at bakas si mukha nito ang katuwaan.

"ay ganon po ba? kung ganon ay sasamahan na kita, hon. para naman maayos ko ang
kwarto para kay mama."

nakangiwing saad ni Den at pinanlakihan ng mata si Justin.


Wednesday, May 4, 2011

Aso't Pusa
14

"what the heck?"

tanging sabi ni Den nang makapasok sila sa kwarto niya.

"wag mo akong awayin, wala akong kinalaman dito. nagulat din ako."

paliwanag ni Justin.

"just shut up and help me with my stuffs!"

di na sila muling nagsalita at binilisan na ang pag-aayos. nilipat na nila ang mga
gamit ni Den sa kwarto ni Justin at dali-daling bumaba.

"gutom na ako. kain lang po ng kain, ma."

sabi ni Den habang ipinagsasandok ng pagkain si Justin.

"sweet naman ng misis ko."

pang-aasar ni Justin at sinuklian lamang ito ng maasim na ngiti mula kay Den.

"pakiss nga!"

dagdag pa ng binata.

"che! kiss mo mukha mo."

mahinang sabi ni Den na di parin nakaligtas sa pandinig ng mama nila. natawa ito at
halos mabilaukan pa. nakitawa nalang din ang dalawa para di sila mabuko. after
kumain ay nagkakwentuhan muna sila.

"so, paano naman kayo nagkakilala?"

tanong ni Mrs. Sanchez.

"actually ma, itong si Den, matagal nang may crush sakin, eh hindi ko naman siya
napapansin dati kaya ayun siya na gumawa ng way. akalian mong niligawan ako niyan?"

pang-aalaska ng binata.

"ang kapal mo! nako ma, wag kang makinig sa hunghang na yan. ang totoo po,
minaltrato niya yung alaga ko, si Chase, kaya inaway ko siya. eh nagandahan ata
sakin, mula noon lagi na niya akong hinahabol habol. nakakapikon na kaya sinagot ko
nalang."

wagas na pagkukwento ni Den. sumakit na halos ang tyan ng mama nila sa sobrang
kakulitan nila.

"hay nako, mga bagong kasal talaga. ang sweet niyo ah. pero, kidding aside, gusto
ko talagang malaman kung paano kayo nagkakilala."

usisa ng ginang na nagpatahimik sa dalawa. walang gustong magsalita kasi di nga


naman kasi nila alam ang sasabihin.

"Den's version is kinda close to our story."

nagulat si Den sa pagbasag ng katahimikan ni Justin.

"nung una kaming magkita, nag-away talaga kami. eh paano ba naman, yung aso niya
sinira yung collection ko ng Top Gear Magazines. alam mo naman diba mama na nag-
aaral palang ako nung nahumaling ako sa mga kotse. halos di nga ako kumakain para
makabili lang ng magazines eh."

panimula ni Justin. gusto na sanang sumabat ni Den pero naunahan siya ng mama ni
Justin.

"oa mo anak, sakin ka kaya humihingi ng pambili."

"ma naman eh! let me finish."

"okay anak, the floor is yours."

"so ayun nga, sobrang tinalakan niya ako kasi hinulog ko yung aso niya. pero habang
inaaway niya ako, nakatingin lang ako sa mukha niya. i've notice kasi na there's
something in her na beyond beauty. mula noon, lagi ko na siyang inaasar, inaabangan
at sinusulyapan. tapos when i gained confidence, i told her that i'm in love with
her. luckily, she felt the same. sandali lang naging kami pero alam naman namin na
mahal namin isa't isa kaya nagpakasal na kami."

mahabang kwento ni Justin. nakatingin lang si Den sa kanya at para bang na-in love
din sa kwento nito kahit pa alam niya na gawa-gawa lang ito.

"awww.. anak, ang cheesy mo pala."

touched na sabi ng mama niya. sweetly, he leaned towards Den at may ibinulong dito
at nang masaksihan yung ng ginang ay lalo siyang kinilig. ang di niya alam, ang
binulong ni Justin ay..

"don't flatter yourself to much, you know the truth."

at hinampas niya si Justin sabay sabi ng...

"ang sweet talaga ng mister ko!"

at tumawa in a sarcastic way. nang mapagod na sila ay pinagpahinga na nila ang mama
nila. silang dalawa naman ay parehong nakaupo sa sofa, magkatabi pero di
nagkikibuan.
Wednesday, May 4, 2011

Aso't Pusa
15

"ui, sorry na."

pagbasag ng katahimikan ni Justin. halos isang oras na kasi silang nakaupo lang na
magkatabi sa sofa pero di naman nagkikibuan. tinignan lang siya ni Den at tumango.

"eh bakit ang tahimik mo?"

umiling lang si Den.

"ui ano ba? sermonan mo ako, bugbugin o kung ano mang gusto mo."

dahil sa mga nasabi nito ay napangiti si Den.

"para kang ewan. tumigil ka nga."

sabi ni Den.

"ang wirdo mo kasi eh. teka, bakit ka nga pala umiyak nung niyakap ka ni mama?"

he looked intently to her.

"wala lang. may naalala lang ako."

sabi ni Den at bakas sa mata nito ang kalungkutan.

"mama mo?"

usisa ni Justin at tumango naman si Den.

"ulila na ako."

pinanood lang ni Justin si Den habang nagkukwento.

"i was 10 years old then nung gabing paluwas kami ng manila. bumagyo noon, malakas
ang ulan at dumadagundong ang kulog at kidlat, malakas din ang hampas ng mga alon.
takot na takot ako that time pero niyakap ako ng papa ko kaya kahit paano ay humupa
din ang takot ko. nagulat nalang ako nang magtakbuhan ang mga tao. the next thing i
know, nasa ospital na ako at si ninang na ang nasa tabi ko. iyak ako ng iyak kasi
hinahanap ko sina mama at si papa pero di ako sinasagot ni ninang."

mahabang kwento ni Den at nanatiling nakatingin lang si Justin. may sandaling


katahimikan pero binasag din agad ni Den.

"last night was the 15th anniversary of their death."

dagdag pa nito. sa isip ni Justin...

"kaya pala ganun nalang ang takot niya kagabi nung bumagyo."

"i'm sorry for bringing up the topic."

pagpapaumanhin ng binata.
"okay lang. salamat nga pala kagabi. ang for sharing your mother to me for today."

at binigyan niya ng pilit pero sincere na ngiti si Justin.

"if you want, i can share you my whole family. even my whole life."

seryosong saad ni Justin . natawa lang si Den sa sinabi niya sa pag-aakalang


nagbibiro lang ito.

"nakakatawa ka pala. in fairness mukha kang seryoso ah."

at patuloy parin sa pagtawa si Den kaya di nito narinig ang mga sumunod na sinabi
ni Justin.

"i am serious. tignan mo tong babaeng to, tinawanan lang ako."

sa pagod marahil ay nakatulog din sa sofa ang dalawa.

"what a beautiful scene!"

sabi ni Mrs. Sanchez habang kinukunan ng litrato ang dalawa na natutulog. aliw na
aliw kasi ito sa posisyong ng anak ang ng inaakalang asawa nito. nakaakbay si
Justin kay Den at ang ulo naman ni Den ay nakarest sa dibdib ni Justin. masakit man
sa kanya ay ginising na niya ang dalawa at inaya ang mga ito na ipasyal siya.
Thursday, May 5, 2011

Aso't Pusa
16

"san naman natin ipapasyal si mama?"

tanong ni Justin.

"eh ano bang mga lugar ang gusto niyang pinupuntahan?"

tanong din ang isinagot ni Den sa kanya.

"aba, malay ko."

payak na sagot ni Justin. nakataas ang kilay at nakapamewang na hinarap ni Den si


Justin.

"adik ka ba? mama mo yun tapos di mo alam. tss! magmall nalang nga tayo."

asar na saad ni Den.

"sungit nito."

sasagot pa sana si Den kaya lang niyaya na siya ni Justin pababa.

"tara na nga. kanina pa natin pinaghihintay si mama eh."

pagkababa nila ay tumayo na din ang mama nila.

"shall we?"

ani Justin at parehong inalalayang makalabas ang dalawang babae.


"papara lang po ako ng taxi."

sabi ni Den pero pinigilan siya ni Justin at siya na daw ang gagawa.

"nasan ang kotse ni Justin?"

tanong ng mama nito. wala namang maisagot si Den dahil buhat ng makilala niya si
Justin ay wala pa siyang nakikitang ni anino ng sasakyan nito. mabuti nalang at
tinawag na sila si Justin para makasakay ng taxi kung hindi ay di talaga niya alam
ang isasagot sa ginang.

"dapat ginamit nalang natin ang kotse mo, anak."

mungkahi ni Mrs. Sanchez.

"wala na po yun, ma. ibenta ko na. wala po kasi akong trabaho kaya ginive up ko
nalang."

paliwanag ni Justin. sa isip ng mama niya, imposible ito dahil mahal na mahal ni
Justin ang sasakyan niya at mula noong bata palang siya ay mahilig na talaga ito sa
mga sasakyan.

"sabi naman namin sayo, pumasok ka na sa company natin. paano mo mabubuhay ang
pamilya mo kung wala kang trabaho?"

sermon ng mama niya. di siya nakasagot at nanatili lang na tikom ang bibig. syempre
nasaktan ang pride niya pero mas lalo namang ayaw niyang humingi ng tulong sa
pamilya.

"may trabaho naman po ako."

singit ni Den at napatingin lang sa kanya ang mag-ina.

"kahit na, iha. importante parin na may trabaho ang anak ko. lalo pa't siya ang
lalaki. bukas na bukas ay kakausapin ko ang papa mo."

dagdag pa ng mama niya. lalong natapakan ang pride niya kaya nainis na siya.

"no, ma! let's not talk about this, please?"

sagot ni Justinna mejo tumaas ang boses. natahimik na sa loob ng taxi at ang
dalawang babaeng nakaupo sa likuran ay nagpapakiramdaman lang. pagdating sa mall ay
nag ikot-ikot lang sila at kumain ng dinner. dahil nga wala na sa mood ay
nagkayayaan nang umuwi.

nang may madaanan sila na boutique ng mga kids and maternity clothings ay biglang
hinatak ni Mrs. Sanchez si Den. clueless man ay sumunod na din si Justin sa kanila.
nagtingin-tingin muna siya bago lumapit sa mga kasama niya

"oh, asan si Den?"

tanong nito nang di namataan ang dalaga.

"just wait, okay?"

sabi nang mama niya at syempre no choice siya kundi sumunod. paglabas ni Den sa
fitting room ay natulala si Justin.

"ma, ang luwag naman po nito."


ani Den. nilapitan siya ng mama nila para ayusin ang damit.

"malamang, anak. maternity dress nga eh."

at nagkatinginan lang sina Den at Justin. tinaboy ni siya ng mama nila para
makapagpalit na si Den.

"miss kukunin ko na ang mga ito."

sabay abo niya sa ilan pang maternity dresses at mga baby clothes.nang mabayaran
ang mga ito, saka sila umuwi. sa byahe, tikom ang bibig ni Justin at busy sa pag-
iisip. there's something about Den wearing a maternity dress that affected him so
much. gabi na nang makauwi sila at pinili nang magpahinga ni Mrs. Sanchez.
Thursday, May 5, 2011

Aso't Pusa
17

"anong problema mo?"

tanong ni Den nang mapansing tahimik parin si Justin.

"ha? wala."

ilag na sagot ni Justin.

"yung totoo? ikaw."

sabi niya sa isip niya.

"ah siguro yung tungkol sa issue sa pagtatrabaho mo no?"

usisa ni Den at napatingin lang si Justin dito pero agad din naman umiwas ng
tingin.

"bakit di mo pa tanggapin? mas maganda nga naman kung may trabaho ka."

pangungulit ni Den. nag-iba naman ang expression sa mukha ni Justin pero hindi ito
napansin ni Den.

"tsaka company niyo naman yun at natitiyak kong ikaw din naman ang magmamana nun."

dagdag pa ng dalaga.

"wala kang alam sa mga sinasabi mo."

blankong sagot ni Justin.

"huh? eh diba ganun naman talaga yun?"

ani Den na hindi maintindihan ang pagbago ng mood ni Justin.

"pwes, iba sa sitwasyon ko! ako yung panganay pero ako yung laging palapak, ako
yung pariwara! lagi nalang si Julius ang magaling, lagi nalang siya ang tama at
ako, wala na akong ginawang tama. kaya bakit ko pa ipagpipilitan ang sarili ko sa
kanila?!"

pasigaw na sagot ni Justin sa kanya.


"bakit ka ba nagagalit? di mo ba alam na sa ginagawa at kinikilos mo ay
pinapatunayan mo lang na tama sila?"

giit ni Den at ramdam na ang tensyon sa pagitan nila bagamat kontrolado pa ang
lakas ng mga boses nila dahil sa bisita nila na natutulog sa katapat lang na
kwarto.

"hindi mo naman kasi alam yung pakiramdam ng kinukumpara ka eh! hindi mo


maiintindihan yung sakit sa tuwing nadidisappoint mo yung mga magulang mo! kaya wag
kang magsalita na parang alam mo na ang lahat, kasi hindi!"

galit na pahayag ni Justin at nagsimula nang rumagasa ang mga luha ni Den.

"oo, hindi ko alam yang mga bagay na yan dahil wala naman akong pamilya eh. wala!
mag-isa lang ako sa buhay. pero ikaw, hindi mo rin naman alam yung pakiramdam ng
mawalan ng lahat ah! maswerte ka nga dahil anjan pa ang pamilya mo at may
pagkakataon ka pa, pero ako, wala na!"

humahagulgol na saad ni Den. lalapitan sana siya ni Justin pero umiwas ito kaagad.

"matulog ka jan mag-isa! aalis ako at wag na wag mo akong susundan!"

padabog na sinara ni Den ang pinto at tuluyan nang umalis. napaupo nalang si Justin
at napamura. mali siya, maling mali. gusto man niyang sundan si Den pero alam
niyang lalala lang pag ginawa niya yun. bumaba na siya at kumuha ng beer sa ref.
nakapagdesisyon na siya na hindi matutulog hangga't hindi pa bumabalik si Den.

si Den naman ay patakbong pumunta sa bahay ng ninang niya pero di naman siya
kumatok. naupo lang siya sa may gate nila at doon ibinuhos lahat ng nararamdaman
niyang sakit, inis, galit at lungkot. umiyak siya ng umiyak hanggang sa naubos na
ang luha niya.

bago pa man siya abutan ng umaga ay umuwi na din siya at sa sala, naabutan niya si
Justin na nakatulog na. gusto niyang hampasin ng bote ng beer ang walang laban na
nilalang sa sobrang inis niya pero syempre, di naman niya yun magagawa. ginising
nalang niya ito at sinabihang lumipat na sa kwarto. pareho silang nahiga na sa kama
pero pareho ding hindi pa makatulog.

"sorry."

ani Justin.

"sorry din."

tugon ni Den at sa wakas ay dinalaw na din ng antok ang dalawa.


Saturday, May 7, 2011

Aso't Pusa
18

kinabukasan, sumama lang na magsimba ang mama nila at umalis na din pagkatapo.
sinabihan pa nga sila na sana sila naman daw ang makadalaw sa tahanan ng mga
Sanchez.

magkabati na sina Den at Justin pero tahimik parin sila buong araw. at
naghihintayan lang. walang bangayan pero wala ding ni tinginan man lang at para
bang di sila nag-eexist sa mundo ng isa't isa.
nakapag-usap lang yata sila nang humingi ng tulong si Den sa pagbabalik ng mga
gamit sa sarili niyang kwarto pero pagkatapos nun ay balik dedmahan na naman
hanggang sa matapos ang araw.

maagang umalis si Den para pumasok sa trabaho kinabukasan kaya hindi parin sila
nakapag-usap. mag-isa ngayon si Justin sa bahay at nakasalampak sa sofa dahil sa
bored na bored na siya nang biglang may nagdoor bell.

"Mr. Justin Sanchez?"

tanong ng lalaki.

"opo, ako nga."

sagot naman ni Justin.

"paki receive nalang po."

ayon kay kuya at saka inabot ang package. pagbukas ni Justin, ang laman ay sulat at
susi ng kotse. napasilip siya sa labas at nakita niya ang isang blue Toyota Vios.
nilapitan niya ito at binasa na din ang sulat.

"ang gwapo mo naman. kanino ka ba galing?"


"Justin, see you at my office for your job interview. Mr. Sanchez."

pagbasa nito sa sulat. pumasok sa bahay si Justin at muling sumalampak sa sofa.


napatingin siya sa wall clock at nine a.m. na.

"pupunta ba ako?"

tanong niya sa sarili.

"kung pupunta ako, anong mangyayari?"

patuloy na pagkausap niya sa sarili.

"sabi nga ni Den, mas maganda nga naman daw kung may trabaho. eh kaya lang andun si
papa tapos siya pa mag-iinterview sakin. ayoko!"

aniya at kinuha ang remote control ng tv. palipat-lipat siya ng channel pero nang
walang magustuhan ay pinatay na din niya ito. maya-maya pa'y kumaripas na siya ng
takbo at nagmamadaling pumasok sa banyo.

"there's no harm in trying."

sabi niya habang naghahanap ng maisusuot. masasabi mong kinakabahan talaga siya
kasi kung dati ay fifteen minutes lang ay tapos na siya, ngayon ay mag-iisang oras
na siyang nakaharap sa salamin. time check, 10:20 a.m. nang makuntento at maiayos
ang mga kakailanganin niya ay halos paliparin na niya ang bago niyang kotse sa
pagmamaneho.

bago tuluyang pumunta sa opisina ng papa niya ay kumain muna siya ng lunch sa
canteen. tinext na din niya ito para ipaalam na makakarating siya sa interview. sa
elevator palang paakyat ay marami na ang bumabati sa kanya. nasalubong na din niya
ang kanyang nakababatang kapatid sa corridor at nakipagkamustahan na din.

huminga siya ng malalim bago kumatok sa office ng CEO dahil di parin mawala ang
kaba niya sa dibdib. iniisip niya kung matatanggap ba siya ulit ng kanyang ama di
lamang sa trabaho kundi sa buhay nito dahil sa hindi naging maganda ang huli nilang
pagkikita.
Saturday, May 7, 2011

Aso't Pusa
19

pagkagaling sa opisina ng Company nila ay hindi muna siya umuwi. may gusto siyang
puntahan. gusto niya, yung pupuntahan niya ay ang unang taong pagsasabihan niya ng
magandang balita.nagpark siya sa tapat ng isang building at naghintay na lumabas
ang taong sinadya niya dito.

nang matanaw niya ang taong hinihintay niya, bababa sana siya kaya lang napansin
niya na may kasunod itong lalaki. pinagmasdan niya bawat kilos ng dalawa at
napansin niyang iba ang closeness ng dalawa. pinaandar niya ang sasakyan at
pumarada sa tapat ng mga taong pinagmamasdan niya.

"Ian, ito na ba yung sasakyan mo? ganda ah! tsaka mukhang bago."

puna ni Den nang may pumaradang Vios sa tapat nila ni Ian. niyaya kasi siya nito na
magdinner at kasalukuyan nilang hinihintay ang sasakyan nito. di umimik ang binata
at nagulat nalang si Den na pagbaba ng bintana ng sasakyan ay si Justin ang
nakasakay dito.

bago pa man lumapit si Den kay Justin ay may napansin na si Ian. nakita niyang may
singsing ito sa right ring finger at sa tingin niya ay isa itong wedding band.
nakipagbatian si Den kay Justin at tinawag niya si Ian para maipakilala sila sa
isa't isa.

"damn! same ring? is she married? paanong hindi ko yun napansin dati?"

sabi ni Ian sa sarili nang mapansin ang kaparehas na singsing sa daliri ni Den.
interesado pa naman siya sa dalaga at sa mga nakalipas na araw ay umpisa na silang
maging malapit sa isa't isa. matapos maipakilala sa isa't isa ay nagpaumanhin na si
Den dahil hindi na siya makakasama kay Ian na maglunch.

nakasakay na si Den sa sasakyan ni Justin at habang nasa byahe ay walang kumikibo.


si Justin ay nakatuon sa pagdadrive at si Den naman ay nakatanaw sa bintana. lingid
sa kaalaman nila, lihim na sinusulyapan nila ang isa't isa yun nga lang ay di
nagtatagpo.

"gara nito ah. san galing? tsaka ano nga pala yung importanteng sasabihin mo?"

pagputol ni Den sa mahabang katahimikan pero nakatanaw parin sa bintana.

"sino yung lalaki kanina?"

sagot ni Den. napabaling tuloy ng tingin ang dalaga kay Justin. direcho lang ang
tingin nito at mababakas sa mukha ang kaseryosohan.

"diba pinakilala ko na kao sa isa't isa? si Ian yun, client namin."

defensive na sagot ni Den. di niya maintindihan si Justin eh. bakit ba bigla itong
nagtatanong ng ganun at bakit ba siya defensive? napakunot tuloy ang noo niya.

"talaga?"

tanging sagot ni Justin. nag-uumpisa nang mag-init ang ulo ni Den. magsasalita
palang siya ng unahan siya ni Justin.
"may trabaho na ko."

seryoso paring saad nito.

"weh?"

nakakalokong sagot ni Den. napabreak tuloy si Justin at muntik pang humampas si Den
sa dashboard ng sasakyan.

"ano ba yan!"

reklamo ng dalaga habang inaayos ang kanyang upo.

"ang ganda kasi ng reaksyon mo eh."

natatawang sagot ni Justin.

"nakakapikon ka. kung alam ko lang na ganito mangyayari edi sana kay Ian nalang ako
sumama."

patuloy na reklamo ni Den at nawala naman at ngiti sa mukha ni Justin.

"pikon ka din, ha? sayo na nga sumama diba? oh ano na nga uli yung sinasabi mo?"

pag-aalo ni Den nang mapansing nagbago ang mood ni Justin.

"wala. kung gusto mo ihatid na kita dun sa Ian mo."

nagdadramang tugon ni Justin.

"ang abnormal mo! dali, ano na?"

pangungulit ng dalaga.

"ang sabi ko may trabaho na ako."

tahimik lang si Den na nakatingin kaya tinuloy na ni Justin ang pagkukwento.

"kanina, may dumating na package. ang laman ay sulat at susi nitong kotse.
pinapapunta ako ni papa sa office niya to personally interview me. ayun, natanggap
ako. i'll start bukas."

nakangiti lang si Den at parang tanga na di man lang nagreact. tinampal siya ni
Justin sa noo at saka lang nag-react. napalakas pa ata yung ginawa ni Justin kasi
namula talaga yung noo ni Den.

"salamat ah! masaya lang naman ako para sayo tapos sasaktan mo ako."

natawa lang si Justin sa reaksyon ni Den kaya nakitawa na din ang dalaga. nagdrive
na ulit sila papunta sa resto at nang makapaglunch na sila.
Monday, May 9, 2011

Aso't Pusa
20

"sunduin kita mamaya ah?"

ani Justin pagkahatid kay Den. tumanggi si Den pero nag-insist ang binata.
pagkapasok palang ni Den sa opisina ay agad niyang nakita si Ian. nilapitan niya
ito at nginitian. normally, ngngiti din ito at makikipagkulitan sa kanya, pero iba
ngayon. iniwasan siya nito hindi lang sa oras na yun kundi sa bawat pagkakataon na
magkakasalubong sila.

"galit ba sayo si Sir Ian?"

usisa ni Harold, ang isa sa mga kateam niya na bading. umiling lang si Den dahil
ang alam nga naman niya ay hindi.

"ah bat di kayo nag-uusap? kanina lang ang sweet niyo palabas ng office tapos
nagulat nalang kami na mag-isa nalang siyang bumalik."

pang-iintriga muli ni Harold. nagkibit balikat lang si Den, ayaw kasi niya na
sakyan pa ang trip ng bading.

"ayee! LQ kayo 'no?"

napalakas na saad ni Harold kaya naman ang lahat ay napatingin sa kanila. maging si
Ian na pinag-uusapan nila ay napatingin. sa asar ni Den, kinuha niya ang long brown
envelop na nasa table niya, tinanggal ang mga laman nito at isinaklob sa ulo ni
Harold. natawa naman ang lahat ng nakakita maliban kay Ian.

"ano bang problema niya?"

alalang isip ni Den kaya naman sinundan niya ito para maka-usap.

"galit ka ba sakin?"

pambungad ni Den. nagulat man si Ian ay nakasagot naman siya agad.

"huh? hindi!"

depensa ng binata.

"umiiwas lang?"

usisa pa ni Den.

"oo. ay hindi! ano, basta."

nadulas na saad ni Ian.

"bakit?"

naguguluhang tanong ni Den. di sumagot si Ian at tinuro lang ang daliri ng dalaga.

"because i don't wanna get involved. mukha pa naman siyang seloso. i can tell from
his stare on me kanina."

naiilang na kwento ni Ian.

"omg! nalakimutan ko palang hubarin 'to."

sa isip ni De.

"i'm sorry."

tanging nasabi niya kay Ian.


"you did not tell me that you are married. buti nalang pala at nakita ko ang
marriage bands niyo kanina. kung di ko pa kayo nabuko, baka mainlove pa ko sayo
ngayon."

ngumiti lang si Den habang pinapanood si Ian na tumatawa. she can sense sadness
from his laughters at pakiramdam niya, may ibig sabihin yung mga huling sinabi ni
Ian. niyakap niya si Ian at muling nag-sorry. bago bumalik sa trabaho ay nagpunta
muna siya sa ladies' room. ga ilang minuto din siyang nakakulong sa isang cubicle,
naka-upo lang sa toilet seat at malalim ang iniisip.

"i'm sorry? that's all you can say?! oh come on! i could have said the truth pero
bakit di ko ginawa? nakasakit pa tuloy ako."

sabi niya sa sarili niya. sobrang puzzled parin talaga siya kung bakit di niya
nalang sinabi kay Ian yung totoo. sa mga sumunod na oras pa ay balisa parin si Den.
napansin man ito ng mga katrabaho, pinili nalang nila na di makialam.

maagang umuwi si Den at nagulat siya nang makita ang isang pamilyar na sasakyan na
nakaparada sa tapat ng office nila. nilapitan niya ito at nang makalapit ay lumabas
si Justin para salubungin siya.

"kanina ka pa ba?"

tanong ni Den. napansin kasi niya na inip na inip ang dating ni Justin.

"oo eh. nakalimutan ko kasi na di pa tayo nagbibigayan ng numbers."

tugon ni Justin na napakamot sa ulo. sobrang nainip siya kasi pagkahatid niya kay
Den ay bumalik din siya agad at hinintay ang dalaga. mahigit limang oras ata ito na
nagstay sa kotse para abangan ang dalaga. ngumiti lang si Den at sumakay na sila sa
kotse.
Tuesday, May 10, 2011

Aso't Pusa
21

hanggang sa maka-uwi sila ay tahimik lang si Den. gusto na sanang tanungin ni


Justin kung bakit pero nahihiya naman siyang makialam. bago pumasok sa kanya
kanyang kwarto, kina-usap na ni Den si Justin.

"good luck sa first day mo bukas!"

nakangiting saad nito.

"hay, akala ko galit ka na naman sakin kaya di mo ako pinapansin eh. salamat."

nakahinga talaga si Justin ng maluwag dahil sa pagka-usap sa kanya ni Den.

"sira, may iniisip lang ako."

natatawang tugon nito.

"si Ian?"

usisa ni Justin. nagtataka na si Den kung bakit ba sobrang curious itong si Justin
kay Ian. naalala tuloy niya ang sinabi ni Ian kanina.

"mukha pa naman siyang seloso. i can tell from his stare on me kanina."
nilapitan niya si Justin, as in face to face, at tinignan sa mata.

"nagseselos ka ba?"

pang-aasar nito pero deep inside, kinakabahan siya. lalo pa't ni hindi man lang
umiwas ang lalaki at ngumiti pa sa napakapilyong paraan. iiwas sana si Den pero
pinigilan siya ni Justin.

"ang ganda mo pala pag close-up!"

sabay talikod at pasok sa kwarto at naiwan namang nakatanga si Den.

"gago! maganda ako kahit saang anggolo 'no!"

pahabol na sabi nito kaya naman binuksan muli ni Justin ang pinto.

"talaga?"

and he said that with a grin kaya si Den naman ang napapasok sa kwarto. nagulat
nalang siya nang kumatok si Justin. ayaw na sana niyang pagbuksan ito kasi di na
niya alam ang susunod niyang magiging reaksyon kung magpapatuloy pa sila sa asaran
pero syempre dapat niya itong pagbuksan.

"oh, bakit?!"

mataray niyang tanong pagkabukas ng pinto.

"taray! ano nga palang number mo?"

nagtaka pa si Den pero ibinigay din naman niya ang number miya kay Justin.

"hatid sundo na kita simula bukas ah?"

tatanggi pa sana siya kaya lang, di na niya nagawa kasi nagulat siya. nagulat saan?
wala lang, Justin just gave her a peck on the cheek. yun lang naman at natanga na
naman si gaga.

"good night, hon!"

emphasizing on the last word bilang pang-aasar.

"sira ulo talaga."

sabi ni Den habang nakahawak sa parte ng pisngi niya na hinalikan ni Justin at


pilit pinipigilang mapangiti.

"teenager? first kiss?"

pambabara si Den sa sarili.

"argh! ano ba!"

tili ni Dennise habang tinatakpan ng unan ang mukha. sa kabilang kwarto naman,
nakatitig lang si Justin sa kisama.

"masyado ba akong obvious? leche kasing lalaki yan! bat ba umaaligid-aligid?"

pinilit nang matulog ni Justin dahil nga first day niya bukas at wala siyang balak
na gumawa ng pangit na impression. si Den naman ay napuyat na naman dahil sa di
niya maiwaglit sa isipan ang mga nangyari sa araw na iyon. ang hindi niya pag-amin
kay Ian at higit sa lahat ay ang asaran nila ni Justin kanikanina lang.

"masyadong nag-eenjoy, ha? nako, pahamak ka talagang lalaki ka."

sinabi niya ito nang nakatingin sa singsing na hindi niya rin alam kung bakit di pa
niya hinuhubad. naiinis siya pero for some reasons ay napapangiti siya.

"ako na wirdo. ako na!"


Thursday, May 12, 2011

Aso't Pusa
22

kinabukasan, maagang nagising si Justin para sa unang araw niya sa trabaho. nagluto
na siya ng agahan, naglinis ng konti, at prinepare na ang mga kakailanganin niya sa
pagpasok. but that was an hour ago! ipinagtataka ni Justin kung bakit di pa
bumabangon si Den dahil kanina pa niya kinakatok ang kwrto nito pero wala parin.

"pag di pa bumangon 'tong babaeng 'to, malelate na ako!"

sabi niya habang sinusugod ang kwarto ng dalaga. sinubukan niyang buksan ang pinto
at hindi naman pala ito nakalock. pagkapasok niya ay nakita niyang mahimbing parin
ang tulog ni Den. niyugyog niya ito upang magising pero puro "uhmm" lang ang tugon
nito.

"pikon na ako ah."

sabi ni Justin sabay tanggal sa kumot ni Den. binuhat niya ang dalaga at dinala sa
banyo. tumayo siya sa tapat ng shower at binuksan ito. nagising si Den dahil nabasa
siya at sa lamig kaya pinaghahampas niya si Justin.

"ano ka ba? i hate you!"

maktol nito na patuloy paring hinahampas ang binata.

"late na tayo, hon. sabay nalang tayo maligo."

pang-aasar ni Justin. natatawa siya sa reaksyon ng dalaga, para bang nahihiya ito
na nandidiri na ewan. pero ang mas ikinaaliw niya ay ang pamumula ng mukha nito.
cute na cute siya kay Den kapag namumula na siya sa hiya.

"joke lang. pero malelate na nga AKO kung di ka pa kikilos jan."

saad ni Justin habang palabas ng banyo.

"anong oras na ba?"

pahabol na tanong ni Den.

"quarter to nine!"

tugon ni Justin.

"shit! shit! ten ang pasok namin. malelate talaga kami, lalo na siya."

sabi ni Den at binilisan na niya ang kilos. pagbaba niya ay handa na ang lahat.
"kain ka muna."

paanyaya ni Justin.

"di na, malelate ka sa first day mo eh."

tugon ni Den. nahihiya siya kay Justin kasi magiging kasalanan pa niya kung malate
ito.

"okay lang? natext ko na din naman si papa eh. so, tara na?"

at umalis na nga sila. sa sasakyan, nagulat si Den nang abutan siya ni Justin ng
nakapack na pagkain.

"magbreakfast ka muna."

tinanggap ni Den ang pagkain at sinimulan na ito.

"thank you ah. tsaka sorry."

sabi ni Den habang kumakain. nilingon lang siya ni Justin at ngumiti. nang matapos
kumain ay inabutan pa siya nito ng tubig.

"sweet naman."

puna ni Den.

"anything for you, hon."

tugon ni Justin kaya naman nahampas na naman siya ni Den.

"loko, magconcentrate ka na nga lang sa pagdadrive!"

ani Den.

"masakit ah!"

natatawang sabi ni Justin kaya naman nabalot na ng tawanan ang loob ng kotse.

"wag na tayong mag-away ah?"

biglang banat ni Justin. natulala lang si Den at di alam ang isasagot.

"ganito nalang tayo. msa masaya diba?"

dagdag pa ng binata at lumingon kay Den. umiwas lang ng tingin si Den pero di naman
nakaligtas sa paningin ni Justin ang pamumula nito.
Monday, May 16, 2011

Aso't Pusa
23

naging mas close sina Justin at Den. sabay sila kung pumasok at umuwi. pag weekends
naman nagbbobonding sila with Justin's family, magsisimba then either sila ang
dadalaw or ang mga Sanchez. sa gabi naman after mag dinner ay madalas silang
magkaroon ng senseful conversations or they'll just seat on the couch doing and
talking about nothing.

kung tutuusin, para na nga silang tunay na mag-asawa eh. pero syempre, isang buwan
lang ang pagtira nila sa iisang bahay ay ngayon na nga ang huling gabi. kanina,
kinamusta sila ni Aling Rita at ipinaalala na din sa kanila na tapos na ang usapan.

"oh pano ba yan, balik bahay ka na."

Den started the conversation habang nag-eempake si Justin.

"aminin mo na kasi. mamimiss mo ako 'no?"

hirit ni Justin.

"kapal talaga."

pambabara ni Den na naging dahilan para magtawanan sila pero nagkaroon din ng
sandaling katahimikan matapos ang halakhakan.

"mamimiss kita."

mahinang saad ni Justin pero sa pandinig ay umaalingawngaw ang mga salitan iyon.
ang mga sumunod na nangyari ay di nila inaasahan. nagising nalang sila na nasa
bisig ng isa't isa at ang lalong nakakagulat ay pareho silang walang saplot.

"anong nangyari?!"

hysterical na tanong ni Den.

"di ko alam. ang huli kong naaalala, nag-eempake ako tapos magkausap tayo tapos..."

di na natapos ang sasabihin ni Justin dahil napatili si Den.

"oh bakit?"

alalang usisa ni Juatin pero hindi sumagot si Den, tinakpan niya lang ang namumula
niyang mukha. napangiti naman si Justin sa reaksyon ng dalaga.

"ikaw kasi eh!"

paninisi ni Den.

"oh bat ako? baka nakakalimutan mo na kung sino ang unang lumapit."

at naalala nga ni Den ang mga nangyari. pagkatapos sabihin ni Justin na mamimiss
nga niya si Den ay parang wala sa sariling nilapitan niya ang binata at hinalikan.

"di pwede to!"

halatang kinakabahan si Den dahil sa pagnenail bite. aminado si Justin na nasaktan


siya sa sinabi Den at sa isip niya, "paano hindi, eh nangyari na nga!"

"okay. kunwari di nalang nangyari."

blankong saad ni justin para pagtakpan ang nararamdamang dismaya.

"ganun nalang yun?" sa isip ni Den dahil na-offend siya sa sinabi ni Justin.

"okay, then."

tugon ni Den habang nagbibihis at tuluyan nang lumabas.


"saan ka pupunta?"

tanong ni Justin na ikinataka ang pag-alis ng dalaga.

"maliligo! ang dumi ko eh!"

sagot ni Den bago pa man sumara ang pinto. pareho silang nasaktan sa tila
pambabalewala ng isa't isa sa nangyari. nagkailangan sila mula noon pero nag-usap
di bago pa man bumalik sa sariling bahay si Justin.

"hatid sundo parin kita ah."

natawa si Den paro tumango na din.

"opo."

at nagyakap sila.

"aba, close na talaga kayo ah? tsaka, hello?! magkikita pa naman kayo eh! OA ng mga
'to!"

sabat ni Aling Rita at nagtawanan na sila.


Monday, May 16, 2011

Aso't Pusa
24

natapos man ang pagtira nila sa isang bahay, hindi naman naputol ang closeness nila
at sabay parin kung pumasok at umuwi.

"ui sa Sunday ah?"

pagpapaalala ni Justin kay Den habang papasok sila sa trabaho.

'oo naman. birthday ni mama eh."

tugon ni Den.

"they'll be expecting us kaya di tayo dapat mawala."

they smiled at doon na natapos ang usapan. napaisip sila kung hanggang kelan nga
pala sila magpapanggap at kung paano nila ipapaliwanag ang mga kasinungalingan
nila. di pa man ganap na nakakaisip ng paraan ay mukhang madaragdagan pa ang
iisipin ni Den. ipinatawag siya ng boss niya pagkarating na pagkarating palang
niya.

"den, approved na!"

masayang balita ng boss niya.

"paano ba 'to? hay! bat naman kasi ngayon pa sumabay ay pag-alis ko!"

inis na pag-iisip ni Den. hindi kasi niya inexpect na ngayon maaaprove ang
pagpapadala sa kanya sa New York para mapag-aralan ang mga bago sa larangan ng
advertising. matagal na niyang hinihintay ito pero ngayon, parang gusto niyang
tanggihan lalo pa't sa monday na ang alis niya.

she needs to talk to someone at isang tao lang ang pumasok sa isip niya, si Ian.
tinapos na niya ang lahat ng trabaho niya sa araw na iyon at nagpaalam sa boss niya
na mag-uunder time siya, niyaya na din niya si Ian na lumabas.

"buti pumayag ka. akala ko iiwasan mo na naman ako eh."

pambungad ni den.

"diba dapat, buti pinayagan ka? seloso pa naman yun."

pagbabalik ni Ian ng sinabi ni Den at nagtawanan silang dalawa. katatapos lang


nilang maagdinner at nasa isang bar sila ngayonat umiinom.

"Ian, i have to tell you something." seryosong pahayag ni Den kaya naman seryoso
ding nakatingin sa kanya si Ian.

"i'm leaving for New York."

dagdag pa nito.

"weh?"

tanging sagot ni Ian.

"shocks! nakakainis pala talaga pag yan lang ang isinagot sa sinasabi mo na
seryoso."

sagot ni Den na nakataas pa ang kilay.

"so, you're serious?"

tanong ni Ian at tumango naman si Den.

"when are you leaving?"

usisa ni Ian. huminga muna ng malalim si Den bago sumagot.

"sa monday na."

nagkaroon ng katahimikan sa pagitan nila. pero di din nagtagal ay muling nagsalita


si Den.

"at di ko alam kung hanggang kailan."

at napatingin sa malayo si Den. hinawakan ni Ian ang kamay ni Den dahilan para
muling harapin siya nito.

"keep safe, okay? tsaka contact me ah. i'll miss you."

lalong lumungkot ang mata ni Den sa mga sinabi ni Ian.

"may kailangan ka pang malaman."

naghintay lang si Ian na magsalita si Den.

"i'm not really married!"

hindi makapaniwala si Ian sa nga narinig niya. nakadalawang shot pa siya ng tequila
bago matauhan. ipinaliwanag ni Den ang lahat.

"i think you like him. or baka love. kasi ayaw mong umalis dahil sa kanya eh."
sabi ni Ian na pilit di pinapansin ni Den. uminom lang siya ng uminom hanggang sa
di niya namalayan na umaga na pala.

"lagot ako kay Justin!"

biglang tayo si Den kaya natumba siya. mabuti nalang at nasalo siya ni Ian.

"i'll drive you home."


Tuesday, May 17, 2011

Aso't Pusa
25

galit na galit na si Justin dahil di pa rin nakakauwi si Den.

"pambihirang tao yan! inindian na nga ako kanina tapos wala pa atang balak umuwi
ngayon. di man lang marunong magpaalam!"

litanya ni Justin habang padabog na naupo. napabalikwas din naman siya ng tayo nang
may marinig na nagpark na sasakyan sa tapat. pagkasilip niya sa bintana, nakita
niya si Ian na buhat-buhat si Den.

"ako na."

matikas na sabi ni Justin habang inaagaw si Den sa pagkakabuhat ni Ian.

"okay! easy. ako nalang magdadala ng gamit niya at magbubukas ng pinto."

suggestion ni Ian pero tinignan lang siya ng masama ni Justin kaya dumirecho na
siya sa may pinto at binuksan ito. dinala na agad ni Justin sa kwarto si Den at di
namalayang kasunod pala niya si Ian. kasalukuyang pinupunasan ni Justin ng basang
tuwalya ang mukha ni Den nang sumabat si Ian.

"mahal mo siya 'no?"

nilingon niya si Ian sandali at napakibit balikat lang.

"bakit pa nga ba ako nagtatanong? obvious naman. sige pare, una na ko!"

at tuluyan na ngang umuwi si Ian. hinawi ni Justin ang buhok na tumatakip sa mukha
ni Den at hinalikan ito sa noo.

"i love you"

pagkatapos sabihin ang matagal na niyang di maamin sa sarili ay umalis na din ito.
ang hindi niya alam, gising si Den at narinig niya lahat. mula nung inilabas siya
ni Ian sa kotse hanggang sa pag-amin ni Justin ngayon lang. lumuha siya at para
bangnadurog ang puso niya.

"mahal na mahal din kita."

masaya siyang malaman na mahal din siya ng taong matagal na niyang minamahal pero
di lang maamin sa sarili pero nalulungkot din siya dahil kailangan niyang umalis.
ayaw niyang iwan si Justin at napamahal na rin naman siya sa pamilya nito.

naisip niya na hindi na niya kaya pang manatili ng isa pang araw at makita si
Justin dahil baka hindi na siya tumuloy kaya aalis na siya ngayon palang.
"Ian, gising ka pa? please call me."

tinext niya si Ian para magpasundo.

"sigurado ka na ba? mahal mo siya diba? pwede ka namang di tumuloy eh. o kaya pwede
din namang sulitin mo yung mga araw na magkakasama pa kayo."

pilit na kinukumbinsi ni Ian si Den pero di ito nagpapatalo.

"nakapagdesisyon na ako. suportahan mo naman ako oh, please?"

basag na ang boses ni Den at halatang nagpipigil na ito ng luha. agad pinuntahan ni
Ian si Den matapos nilang mag-usap sa telepono at nagdrive na sila palayo kahit
wala pang malinaw na pupuntahan.

"anong plano mo?"

usisa ni Ian.

"wala. ayoko lang magpaalam ng personal."

tugon ni Den na pilit paring pinipigilan ang pagluha.

"sa Batangas nalang muna tayo, may bahay kami dun."

suggestion ni Ian pero wala naman siyang nakuhang sagot kaya siya nalang ang
nagdesisyon.
Tuesday, May 17, 2011

Aso't Pusa
26

kinabukasan, nagising si Justin nang may marinig na kaluskos.

"oh, chase! ano na namang ginawa mo sa pinto ko? akala ko ba bati na tayo? teka,
ano nga palang ginagawa mo dito?"

kinuha niya ang aso at hinimas sa tiyan. napansin naman niyang may nakarolyong
papel sa dog collar nito.

"Justin, sorry kasi di ako makakapunta sa Sunday. aalis na kasi ako, pupunta na ako
sa New York. paki sabi nalang kay mama, happy bithday. paki sabi na din kina
ninang, mama, papa at sa kapatid mo na mamimiss ko kayo. Justin, salamat sa lahat
ah? sorry ulit kung di kita matutulungan sa pag-eexplain sa pagpapanggap natin
tsaka sorry din kung ako nakapagpaalam ng personal. ayoko kasing makita reaksyon mo
eh. tsaka baka kasi lumuhod ka sa harap ko para di ako tumuloy. alam ko naman
kasing patay na patay ka sakin eh. mamimiss kita. mamimiss ko yung pag-aayaw bati
natin. tsaka, narinig ko pala yung huli mong sinabi bago ka umalis kaninag madaling
araw. wag kang mag-alala, mahal din kita. mahal na mahal. good bye for now, HON!"

hindi maintindihan ni Justin ang nararamdaman niya, para bang gusto niyang magwala.

"mahal? pero iiwan mo ko? anong klaseng pagmamahal yan!!"

maluha-luha niyang sabi habang kinukuha ang susi ng kotse niya. isinakay na niya si
Chase, kinabitan ng seatbelt at pinalipad na ang sasakyan niya. pumunta siya sa
office nila Den pero walang makapagsabi kung nasaan siya, ang tangi niyang nalaman
ay sa monday pa ang alis nito.
"this is bull shit! saang lupalop ng mundo ka ba nagsuot?"

reklamo ni Justin habang inihahagis ang lata ng pang sampu na niyang beer. apat na
araw na din siyang di pumapasok sa trabaho dahil lagi siyang nakaabang sa labas ng
office nila Den. lagi siyang tinatawagan ng papa at kapatid niya pero binabalewala
niya lang iyon.

at dumating na nga ang araw na kinatatakutan niya. paniguradong kukulitin siya ng


lahat sa paghahanap kay Den at hindi naman niya alam kung anong isasagot sa kanila.

"Justin, anak! oh, asan si Den?"

bati ng mama niya.

"happy birthday, ma."

walang kalatuy-latoy niyang bati sabay beso dito at di na pinansin ang paghahanap
nito kay Den.

"tita? ma, magkakilala kayo?"

nagtaka si Justin nang makita niya si Aling Rita.

"oo naman. sa kanya ko yata nalaman kung saan ka lumipat."

tugon ni Mrs. Sanchez.

"siya nga naman, anak. oh, asan nga pala ang inaanak ko?"

dagdag pa ni Aling Rita.

"di ko po alam."

natahimik ang lahat sa sinabi ni Justin.

"ma, di naman po talaga kami totoong kasal eh."

dagdag pa ng binata.

"we know!"

sabay-sabay nilang sabi.

"eh bakit... ma naman eh!"

naguguluhang saad ni Justin.

"kasalanan ba namin na bagay kayo? di na kami tumutol kasi gusto din naman namin
kayo para sa isa't isa eh."

sagot ng mama niya.

"and besides, malaki ang ipinagbago mo dahil sa kanya. anak, asan na ba si Den?"

usisa pa ng papa niya.

"hindi ko nga po alam. ilang araw ko na siyang hinahanap. sabi niya sa sulat,
pupunta daw siya sa New York, pero bukas pa naman alis niya."
tugon ni Justin.
Tuesday, May 17, 2011

Aso't Pusa
27

"then, do something!"

sabat ng kapatid niya na dati-rati ay wala namang imik.

"ginawa ko na lahat."

paglilinaw ni Justin.

"well, obviously, di effective yun."

nagpanting ang tenga ni Justin nang marinig niya ang tugon ng kapatid.

"don't get me wrong, kuya. ang akin lang, bukas pa naman alis niya eh. may magagawa
pa tayo. tutulungan kita, tutulungan ka namin."

dahil sa sinabi ng kapatid niya, nagtinginan sila ng mama niya. sa sobrang tuwa ay
nayakap niya ang kapatid na matagal nang nalayo ang loob sa kanya. lumapit naman
ang papa nila sa kanila and pat their shoulders.

"so, what's the plan?"

tanong ni Justin at nabuo na nga ang plano nila. para saan pa't naging mayaman sila
kung wala naman silang magagawa. kinontak nila ang boss ni Den para malaman ang
details ng flight niya. di man nila mahagilap si Den at the moment, sisiguraduhin
naman nilang mapipigilan nila ang pag-alis niya bukas.

"ma, i'm sorry for ruining your party."

pagpapa-umanhin ni Justin.

"you didn't. makita ko lang na magkakasundo na ang mga lalaki sa buhay ko, masaya
na ako. and for that, we should celebrate!"

ani Mrs. Sanchez

"let's drink to that!"

sabi ni Mr. Sanchez at uminom na nga sila. kinabukasan, late nagising ang lahat at
nagmadali silang pumunta ng airport.

"bro, hurry! di tayo pwedeng malate!"

pangpepressure ni Justin sa kapatid.

"dude, sobrang traffic. don't worry. makakaabot tayo niyan."

pag-aalo ng kapatid niya. pinikit nalang niya ang mata niya at huminga ng malalim.
sa kabilang banda, nasa airport na naghihintay nalang si Den ng oras ng flight niya
nang bigla silang harangin.

"Ms. Medina, may kulang pa po sa requirements niyo."

pag-agaw pansin ng isang babae.


"huh? ano po yun?"

pagtataka ni Den.

"pregnancy test po. i'm sorry pero di po kayo makaka-alis hangga't di niyo yun
nakukuha."

tinignan ni Den si Ian. sinenyasan naman siya nito na gawin na niya ang test.

"hintayin mo ako dito ah."

at binigay na nga ni Den ang mga gamit kay Ian.

"shet. bakit ba ako kinakabahan?!"

sabi ni Den habang nakasunod sa babaeng nagpa-alala sa kanya tungkol sa pregnancy


test.
Tuesday, May 17, 2011

Aso't Pusa
28

"dude ano ba? tara na!"

halos kaladkarin na ni Justin ang kapatid niya sa pagmamadali. mabunggo na ang


mabunggo, madapa na kung madapa, yan ang nasa isip ni Justin sa mga oras na ito.
ilang security na din ang humahabol sa kanila pero di nila ito pinapansin. hingal
na hingal na dumating sina Justin sa may waiting area at nadatnan nila ang eroplano
na kakalipad lang.

"damn it!"

napamura nalang si Justin habang pinapanood ang papaalis na eroplano.

"we did our best, kuya."

sabi ng kapatid niya.

"sir, bawal po kayo dito."

sita ng mga kanina pang humahabol sa security sa kanila.

"just shut up!"

galit na tugon ni Justin. lalapitan sana siya ng mga security na halatang napikon
sa sinabi niya kaya lang dumating ang head ng security kasama ang papa nila.

"nakakainis! bakit ba hindi kita naabutan! bwiset! ikaw babae ka, lagi mo nalang
pinapasakit ulo ko! tapos iniwan mo pa sakin yung aso mo. gusto mo gawin kong
hotdog yun, ha? hoy! bumalik ka dito!!!!!"

Justin shouted at the top of his lungs at feel na feel na din niya ang pag-eemote
nang biglang may humampas sa ulo niya.

"sinong nagpapasakit sa ulo mo? sinong nakakainis? sinong bwiset? at anong sinasabi
mong gagawin mo kay Chase?!"

talak ng nilalang na di inaasahan ni Justin na makikita pa niya. dahan-dahan siyang


lumingon habang hinihimas pa rin ang ulo na hinampas ng nilalang na ito. parang
tangang nakatitig lang si Justin nang makita si Den. ang mga tao naman sa paligid
ay natatawa lang sa eksenang nakikita. dumating na din sina Mrs. Sanchez at si
Aling Rita.

"oh ano, speachless ka ngayon?"

pang-aasar ni Den. agad niyakap ni Justin si Den.

"Dennise Medina!"

magiliw sigaw nito habang halos pigain na si Den sa higpit ng yakap nito.

"sige Justin Sanchez! yakapin mo ako ng mahigpit para maipit ang tiyan ko at
mamatay ang anak mo!"

dahil sa sinabi ni Den ay bigalang napabitaw si Justin at ang lahat ay natahimik at


nagtinginan.

"paki ulit."

tulirong sabi ni Justin.

"anak mo."

dahan-dahang saad ni Den habang tinuturo ang tiyan niya. ang lahat ay windang parin
maliban kay Ian na napalakas pa ang tawa kaya naman lahat ay napatingin na sa
kanya.

Tuesday, May 17, 2011

Aso't Pusa
29

"weh?"

ani Justin kaya naman nahampas na naman siya ni Den.

"talagang gago ka 'no? tingin mo nandito pa ako kung hindi totoo? tsaka eto oh!"

sabay pakita sa kanya ng pregnancy kit na nagpapatunay na positive nga. nagulat


nalang si Den nang lumuhod si Justin at hinawakan ang tiyan niya.

"hello. paki sabi naman sa mama mong matapang na wag na niyang awayin si papa mo.
sabihin mo din sa kanya na masaya ako at di siya natuloy. paki sabi din na mahal na
mahal ko siya at handa ko siyang pakasalan."

seryosong saad ni Justin na napatingin sa taas nang matuluan ng butil ng tubig.


nakita nalang niya na umiiyak na pala si Den. at naririnig narin niya na humihikbi
ni ang mama niya at si Aling Rita. tumayo si Justin at pinunasan ang mikha ni Den.

"wag ka nang umiyak. effective naman yung gayumang ginamit mo sa akin eh."

pagbibiro ni Den. nakaamba nang hahampasin niya si Justin at parang willing namang
tanggapin iyon ng binata dahil di ito umilag at pumikit lang. pero hindi ito
tinuloy ni Den, sa halip ay lumapit ito sa kanya at kinitilan ito ng mabilis na
halik sa labi. dumilat si Justin at ikinulong si Den sa mga bisig niya.

"mahal kita."
bulong ni Den.

"mas mahal kita."

bulong naman ni Justin. at nagtawanan silang dalawa.

"di ka na aalis ah?"

sabi ni Justin habang nakatingin sa mga mata ni Den.

"hmmm? depende. kung aawayin mo ako, edi aalis nalang ako."

pagdadrama ni Den.

"akala mo ba pakakawalan pa kita?"

pilyong saad ni Justin.

"sira! anong balak mo, ah?"

usisa ni Den na natatawa na.

"itatali kita."

seryosong saad ni Justin kaya naman tinulak siya palayo ni Den.

"ang sama mo!"

at nagtawanan na ang lahat. nagyakap silang muli at umalis na sa airport kasi


literally, they're making a scene! halos lahat na nga ng tao ay tumigil sa mga
ginagawa nila para lang panoorin ang eksenang ginagawa nila eh.
Tuesday, May 17, 2011

Aso't Pusa
30 (Ending)

"Justiiiiiiiiiiinnnnnnn! hoy ikaw! dalian mo, manganganak na ako!"

tili ni Den habang hinahampas ang napakakupad na si Justin.

"hoy ikaw, akala mo ba magaan ka lang?! wag ka ngang maingay baka sayo magmana yung
anak natin!"

depensa ni Justin na hitik na sa pawis at hingal na hingal na.

"ikaw kaya manganak!"

di na umimik si Justin para iwas gulo.

"asan na ba mga nurse dito?!"

reklamo ni Justin at agad tumakbo nang may makitang nurse. isinugod na nila agad si
Den sa O.R.

"wag kang aalis sa tabi ko. promise me!"

paalala ni Den. namumutla na si Justin pero tumango parin siya. biggest fear niya
talaga ang dugo pero para sa pinakamamahal niyang asawa at sa magiging anak,
titiisin niya ito.

"push! push!"

ani Justin sa halos mawalan na ng malay.

"Mr. Sanchez, are you alright?"

tanong ng isang doktor nang mapansin ang pamumutla ni Justin.

"ano ba doc, ako ba nanganganak? concentrate! mag-ina ko yan."

bahagyang natawa ang mga nasa loob n O.R. dahil sa sinabi ni Justin. maya-maya pa'y
nailabas na ang anak nila na isang bouncing baby boy at bigla nalang may lumagapak
sa sahig. nang magising si Justin ay agad siyang bumangon.

"puuuuuussshhhh!"

sigaw niya na ikinatawa naman ng mga tao sa loob ng kwarto.

"lumabas na po!"

pambabara ni Den.

"ikaw ah, mas nauna ka pa sakin na nawalan ng malay."

dagdag pa nito.

"sorry naman hon. asan na si baby? ano ba siya, boy o girl???"

excited na tanong ni Justin.

"eto na po si baby boy."

natuwa ang lahat ng ipasok na ng nurse ang anak nila. pinalibutan agad ng lahat ang
baby at di man lang masilayan ni Justin ang anak kaya naman walang pakialam na
hinawi niya ang lahat. nang makita ang asawa't anak ay naluha ito. nakaramdam naman
ang pamilya Sanchez at maging sina Ian at Aling Rita na kailangan mapag-isa nila
Justin.

"daddy na ko."

naiiyak na saad ni Justin at tumango lang si Den. pareho na sila ngayong emotional
habang nakayakap sa isa't isa at pinagmamasadan ang anak.

"ang saya ko, alam mo ba yun?"

sabi ni Justin at tinignan lang siya ni Den na puno ng pagmamahal.

"masaya ako kasi ikaw ang naging ina ng anak ko. mahal na mahal kita Dennise Medina
Sanchez at titiisin ko ang bawat araw na pang-aaway mo sakin dahil sobra kitang
mahal."

iyak tawa na sila pareho dahil sa sinabi ni Justin.

"unang beses mo palang akong talakan mahal na kita eh. kaya nga lagi kitang
ginagalit."

dagdag pa ni Justin.
"talaga?"

usisa ni Den at tumango lang si Justin.

"oo. naaalala mo ba nung pinakwento ni mama kung paano tayo nagkakilala nung
nagpapanggap pa tayo? totoo yun eh."

napangiti si Den sa sinabi ni Justin.

"i love you."

ani Den.

"i love you more"

saad ni Justin and they sealed the moment with a kiss.

<PIXTEL_MMI_EBOOK_2005>46##########################################################
</PIXTEL_MMI_EBOOK_2005>

You might also like