You are on page 1of 4

A TRAP

Minsan sa ating buhay, may mga bagay na dumarating at atin itong pinapahalagahan. Hindi man natin ito pinili pero
kailangan nating tanggapin dahil kusang dumarating. Dumarating rin sa punto na ang nag-iisang taong ating
pinapahalagahan ay siya ring magiging dahilan upang tayo’y maging malungkot at maiwang mag-isa.

May iba’t-ibang klaseng kasiyahan, isa na rito ang magkaroon ng isang buong pamilya. Pero paano kung hindi parin ito
sapat para maging masaya at mabuhay ng payapa. Paano kung sila rin ang magbibigay dahilan para ikaw ay lumayo at
magtanim ng sama ng loob.

Mahirap pero totoo, masakit pero ito ang realidad. Walang bagay na mas hihigit pa sa pagkakaroon ng tiwala at
pananampalataya. Minsan kailangan nating bumangon, maging malakas at matatag pagkatapos ng ilang pagkadapa
para ipagpatuloy ang buhay.

* naglalakad ang dalawa at nagmamadali (Angela at Eros) kaya magkakabanggaan. Malalaglag ang mga daladala ni
Angela at susubukang pulutin ni Eros, pero ayaw ni angela.

Angela: ano ba?! bulag kaba ha?!


Eros: miss… (tutulungan si Angela)
Angela: huwag na, ako na! pati pagsorry hindi mo alam (galit at bumubulong)
Eros: ay oo pala sorry, sorry kase hindi ko…
Angela: (aalis kaagad)
Eros: hindi ko sinasadya! (ipagpapatuloy ni Eros ang kanyang paglalakad habang kinakausap ang sarili) ang sungit
naman! pero ang ganda niya. oy oy kilala niyo yun?
Hanna: oo kaibigan namin, si angela. bakit?
Eros: wala wala (aalis)
Ayumi: bakit nga?
Eros: basta wala
Jaja: yie crush niya si angela (magsisitawanan ang mga magkakaibigan)

Habang naglalakad si Eros ay may matatanggap siyang isang video galing kay Alexandra. Magugulat ito at dalidaling
pupuntahan si Alexandra upang kausapin.

Eros: hoy Alexandra! mag-usap nga tayo!


Daisy: hmm in fairness Alexandra ha, ang galing mo
Eros: Ano to ha?! ano tong video na to?
Alexandra: Tanga! malamang ikaw. Ikaw na humihithit ng droga habang umiinom ng alak. My God Eros! tsk tsk tsk
Eros: oo ako to pero matagal na to ah, saan mo nakuha to? Alam mo Alexandra nagbago na ako, matagal ko nang
tinigilan lahat ng bisyo ko.
Cindy: ay weh? mukhang hindi naman eh, hindi halata girl.
(magsisitawanan ang mga magkakaibigan sa harapan ni Eros)

Eros: tigilan niyo nga yan, tsaka para san tong video na to Alexandra?!
Alexandra: para saan? para ikalat sa buong campus (magsisitawanan ang mga magkakaibigan pero kung ayaw mo, may
choice ka naman.
Eros: sige kahit ano, gagawin ko pero seguraduhin mong buburahin mo yan pagkatapos.
Alexandra: okay game! ganto kasi, these past few days I felt like I don’t feel myself anymore like parang nababawasan
yung mga followers ko and feel ko naleleft behind ako, and it’s because of that transferee girl, Angela.
Eros: oh bakit si Angela?
Alexandra: well madali lang naman, ligawan mo siya at kailangang maging kayo before this month ends tapos, hiwalayan
mo siya at ipagkakalat natin sa buong campus na isa siyang uto-utong babae.
Eros: sa tingin mo madali yang pinapagawa mo sakin? tsaka bakit ko gagawin sakanya? wala naman siyang ginagawang
masama.
Daisy: ay wow sana all
Alexandra: you have a choice Eros, and if ayaw mo I’ll just upload the video and the school will do the rest. (laughing)
Eros: oo sige na, gagawin ko na. Pero tandaan mo to Alexandra, kapag hindi ka sumunod sa usapan, malilintikan ka
saakin babae ka.
Alexandra: whatever Eros!

Liligawan ni Eros si Angela at


Angela: (papasok si Angela sa classroom ng Makita niya si Eros, kasama niya ang mga barkada nito at naninigarilyo)
Angela: (lumapit kay Eros) Eros mag-usap nga tayo
Yani: Lagot ka nanaman Eros! mabubungangaan ka nanaman niyan! (nagtawanan ang mga kaibigan niya)
Eros: (tumingin ito ng napakasama sa mga kaibigan niya at napatigil sila ng tawa dahil dun)
Angela: (hila-hila si Eros at lumayo ng konti) Eros! ilang beses ko pa ba uuliting itigil mo na yang paninigarilyo mo! huh?!
Nakasama yan sayo, bakit ba ayaw mo akong paniwalaan? wala ka bang tiwala sa akin?
Eros: hindi naman sa wala akong tiwala sa’yo, sadyang wala lang talaga akong lusot sa mga kaibigan ko. Sorry na.
Angela: pwede mo naming iwasan yun ah!
Eros: sige na, promise aalisin ko na ‘tong bisyong ‘to para sayo
Angela: aish! ang corny mo talaga! hindi ko ba alam kung anong nakain ko kung bakit sinagot kita! (ngumingiti)
Eros: kasi gwapo at matalino ako? O kaya naman dahil hindi mo matiis yung sarili mong mahalin ako?
Angela: hindi ka lang pala baliw, assumero ka rin pala!
Eros: so okay na tayo?
Angela: basta tigilan mo yang bisyo mo
Eros: yes ma’am!

--

Ms. Tan: who can give me the answer of this question?


Angela: ma’am! (sabay taas ng kamay)
Ms. Tan: okay Angela, please come forward and write your answer
Angela: (isusulat ang kanyang sagot)
Ms. Tan: correct! okay, find your partner and discuss how Angela got her answer. (A few moments later) Class
dismissed, see you tomorrow!

Jake: Eros, sa dati may ipapatikim kami sa’yo


Eros: Sige, magpapaalam lang ako pre
Eros: Babe, mauna na ako ha?
Angela: sige bye!

--

Jake: Bro, tikman mo ‘to! (sabay labas nung sachet ng droga at inabot kay Eros)
Eros: Jake ano to?! Hindi mo ba alam na pwede kang makick out dahil ditto?
Yani: Kahit kailan ang killjoy mo talaga Eros! Akin na nga ‘yan!
Eros: Alam niyo, irereport ko kayo. hindi dahil sa killjoy ako o ano man ang tingin niyo but for your own good. (tumalikod
at aakmang lalakad)
Jake: SIge, subukan mo kaming ireport at pasasabugin ko yung bungo ng Angelang ‘yan!
Eros: (humarap ito)
Jake: hindi ako nagbibiro Eros, kilala mo ako, Lahat ng sinasabi ko, ginagawa ko. Kaya kung sinabi kong hithitin mo ‘yan,
hithitin mo at hindi ko gagalawin yung babaeng mahal mo!

--

Jaja: Beshie, hindi mob a nabalitaan yung big issue sa campus natin ngayon?
Angela: ano yun?
Jaja: na nagddroga sila…
Angela: sila?
Jaja: sila Eros.
Angela: si Eros, what? Si Eros?!
Jaja: (Tumango ito) Ang balita ko pa, walang sinumang pumapangahas na magreport kasi takot sila kay Jake.

Habang naglalakad si Angela papunta kay Eros ay maririnig niya ang pinaguusapan ng grupo nina Alexandra tungkol sa
kanilang relasyon ni Eros.

Angela: Eros!
Eros: (tulala)
Angela: Bakit hindi ka na pumapasok? Ilang araw na kitang hindi nakikitang pumapasok! Bakit ngayon ka lang!
Eros: Angela, I don’t have the energy to explain.
Angela: Sagutin mo nga ako, gumagamit kaba ng droga? Kaya ba hindi ka pumapasok dahil kasama mo ‘yung mga
barkada mong nagdrodroga? Diba ang sabi ko naman sayo iwasan mo sila? hindi mo ba maintindihan yon?
Eros: (tumalikod it okay Angela at akmang lalakad)
Angela: (hinila si Eros) Ano ba Eros?! Sumagot ka naman para alam ko kung ano nang nangyayari sayo! Nag-aalala ako
para sayo.
Eros: Hindi ka ba nakakaintindi? wala akong lakas para makipag away! Nakakarindi ka na! Sige, sagot ang gusto mo diba?
Oo! Gumagamit ako ng droga! Oo! Kasama ko sila Jake na nagdrodroga! Pero Angela, dati na yun. Nagbago na ako,
nagbago ako para sayo. At hindi ko rin maintindihan kung bakit ayaw mo sakanila? Ano?! Masaya kana? Lahat nalang ba
ng tanong mo kailangan kong sagutin? Angela, nakakasakal ka na!
Angela: Nasasakal ka? Naiinis ka? Bakit, dahil ginamit mo lang ako? dahil ang totoo ginamit mo lang ako para
maipakitang isa akong uto-utong babae? Oo, Eros. Narinig ko yung usapan ng mga kaibigan mo pero hindi ko nalang
pinansin dahil mahal kita. Sabihin mo sakin Eros, mahal mo pa ba ako? or I’d rather ask. Minahal mo ba talaga ako?
sumagot ka!
Eros: Oo Angela minahal kita at sorry kung…
Angela: Akala ko iba ka, pare-pareho lang pala kayo. (sabay alis at papasok sa gilid sina Alexandra at ang kanyang mga
kaibigan)
Alexandra: (Clap 3x) Good job Eros, don’t worry I’ll delete the video.
Eros: Wala akong pake sa’yo Alexandra. (sabay alis)
Alexandra: omg!

--

(Sa bahay nila Eros)

Nanay: Saan ka nanaman nanggaling? Anong oras na? Ano umuwi ka pang lasing, hindi kana nahiya!!
Eros: (Lalagpasan ang nanay)
Nanay: Kinakausap kita huwag kang bastos!
Eros: Pasensya na po pero pagod po ako, sige po.
Nanay: Eros! Eros! bumalik ka rito! (susundan si Eros) Bastos ka talagang bata, wala ka nang nagawang tama.
Eros: Oo! Ako naman lage e, ako ang bobo, ako ang malas, Ako ang walang kwentang anak. Pero ma! ni minsan ba nag-
alala kayo para saakin? naisip niyo rin ba kung bakit nagkakaganito ako? Hindi, diba? kase wala kayong alam. Wala
kayong ginawa kundi ang sermonan at iparamdam saakin na wala akong kwentang anak.

--

(kinabukasan, makikitang hindi nagpapansinan sila Eros at Angela)

--

(magkaka-ayos ang mag ina)

--

(nakaupo si angela at tatabihan ni Eros)


Eros: Angela, I’m sorry. Sorry sa lahat ng kagaguhang ginawa ko sayo, sorry kung niligawan kita dahil lang naipit ako.
blinackmail ako ni Alexandra. Pero kahit ganun, aaminin ko minahal kita. hanggang ngayon mahal parin kita. Kaya sana
mapatawad mo ako.
Angela: Look Eros, hanggang ngayon masakit parin. Hindi ko nga maisip kung bakit palagi nalang ako nasasaktan. Palagi
akong niloloko ng mga taong pinagkakatiwalaan ko. Seguro, sign na to ni Lord na kailangan ko munang bigyan ng pansin
ang mga bagay-bagay. Ang pag-aaral, lalo na ang sarili ko. Kasi kung ipagpapatuloy ko pa to, baka hindi na maalis yung
puot at galit sa puso ko. kaya Eros, Let’s reconsider this relationship. Let’s just be Friends, feel ko mas makakabuti satin
to kaya, good luck nalang and pakabait ka.
Eros: Angela, sorry.
Angela: Don’t worry Eros, pinatawad na kita. Kahit gaano pa kalalim yung sugat na binigay mo saakin, mas pipiliin ko
paring magpatawad at baliwalain ang lahat kasi nagmahal din ako. Minahal din kita. (tatalikod ito at aalis papunta sa
kanyang mga kaibigan)

--

Ayumi: Angela, okay ka lang ba?


Angela: Sa ngayon, hindi. Pero balang araw magiging okay din ang lahat.
Jaja: oww, group hug guys!

(sa bahay)
Eros: Ma, I’m sorry. Sorry po kung nasagot kita nong isang araw.
Nanay: Sorry din anak, pasensya kana kung naging bulag ako, sorry dahil wala ako sa tabi mo nong mga panahong
nahihirapan ka.
Eros: okay lang po ma, sana mapatawad niyo rin ako.

THE END

You might also like