You are on page 1of 4

PANAGINIP

(Ang kwento habang nagmumuni-muni)


FIRST SCENE:
-Focused on Facial Expression
-Eye contact to camera angles
-50% dark surrounding, grey to brown tone
Dialogue:
Actress: Nasaan ako? (sa edit idodouble double yung sounds nito)
Sandali, sandali, nasaan ako? Wala akong maintindihan… Ano ba to?
Nasaan ako? Wala ako sa’min, hindi ito ang bahay, bakit ako nandito?
Teka lang, nasaan ako? Ha? May nagsasalita, may naririnig ako, ano yon?!(pasigaw
gurl, ieecho ko ito sa editing)
Magdadark then sfx transition sounds tayo here noh? Pag light up, nasa maliwanag na lugar na
s’ya. Sa Kwarto to be exact.
Voice Over: Sige na, ikuwento mo na yung mga karanasan mo, ok in 3,2,1 recording na tayo ha?
(lalaki sana) (Tapos camera phone muna tayo here, kasi ipapakita natin yung camera na nakaset-
up para sa kanya)
Then dito sa susunod yung camera na gagamitin natin. Half Body Focused tayo here.
Voice Over: Medyo ngumiti ka, para nakakamotivate sa mga manonood.
Actress: Ang fake naman.
Voice Over: Sige na huwag na mareklamo ng makatapos tayo ng maaga.
(This is to showcase lang na this time nagiging sunud sunuran us sa elders natin)
Start…. DSLR na here, lalagyan ko ng effect ng camera recording kapag inedit natin.
Actress: Kamusta? Ako si Veronica, ikukwento ko sa inyo ang mga naranasan ko sa eskwela,
hayyyyy (pagod yung dating) ganito yan, may mga kaibigan ako si marie, si anna at angelica
lahat sila malalapit sa puso ko pero nitong mga huling buwan hindi na nila ako kinakausap, ni
hindi na nila ako nilalapitan maski nga ang tignan hindi nila magawa, ano bang nagawa kong
mali? Hindi ko alam kasi naging ganoon na lang bigla. Yung mga teacher ko naman tuwing
bigayan ng grades, laging walang record ang sa akin kahit alam ko naman na nagpapasa ako ng
kumplete, sa totoo lang nagsisimula ng sumama ang loob ko kasi naman ang hirap kayang mag-
aral tapos kapag attendance hindi na tinatawag yung pangalan ko, iniisip ko na lang baka kasi
nakikita naman na ako agad hayyyyy. Ang hirap kaya, tuwing mawawalan ako ng papel
nagsisimula na naman ako sa umpisa, pagod na pagod na ako, ni hindi ako makapagpahinga.
Bakit ganon? Humahabol naman ako kapag nawawala ang mga activity ko pero in the end of
quarter hayyyyy, wala na naman kaya blanko ulit ang marka ko. Sa bahay naman ang hirap din
ng sitwasyon ko, kami lang ni Nana yang nandoon tapos lagi s’yang umiiyak at tinatawag ang
pangalan ko kapag lumalapit naman ako bigla s’yang tumitigil at lumalayo kaya di ko s’ya
nakakasama, si Tatay at ang mga kapatid ko naman iniwan na lang kami. Hayyy ang hirap ng
buhay ko kasi parang lahat nagbago sa akin simula nung March 13, 2020. Naguguluhan ako pero
wala akong makasama, pakiramdam ko mag-isa ako. Si Anna dati pumupunta yon sa bahay kasi
kapitbahay lang namin s’ya, pero ngayon hindi na, kapag naman pumupunta ako sa kanila hindi
n’ya ako nilalabas at walang sinuman ang pumapansin sa akin.
Tapos may kumalabog na kung ano tapos sabi n’ya ako ba yon?

ACTRESS: Ano yon? (lilingon lingon ka)


VOICE OVER: Focus, focus.
ACTRESS: As I was saying, naguguluhan na ako sa mga nangyayari sa akin kasi parang wala na
akong kasama sa lahat ng ginagawa ko (a-act ka na parang nagugulat dito tapos hahawakan mo
yung balikat mo, parang kinakabahan) ano ba yon? Sino ba yon? (tapos babalik ka sa cam, then
makikita mo sa cam na may nakatayo sa gawing likod mo, medyo mag lalapit ka pa sa cam para
aninagin then kakabahan ka) Sino ka?

Tatayo ka tapos aaktong tatakbo papunta ron sa lugar kung nasaan yung nakita mo kaso nung
patakbo ka may tatawag sayo
VOICE OVER: Veronica…
ACTRESS: ANO BA—

Tapos pagharap mo may ilaw na sisilaw sayo then end of the scene na tayo.

Second Scene:
Wake over ito sa last scene tapos parang nasa garden ka na lang para mukhang paradise. May
kakausap sa’yo na voice over dito which is mag istand na kasama mo sa lahat, para s’yang si
God ganern

ACTRESS: Teka lang nasaan ako?


VOICE OVER: Nandito ka na sa lugar kung saan ka magpapahinga.
ACTRESS: Biro ba ito?
VOICE OVER: Ni minsan hindi kita nabiro nung nasa mundo ka pa.
ACTRESS: Ah ano po bang sinasabi n’yo? Nasaan po ba ako?
VOICE OVER: Nandito ka sa tahanan ko, isang taon ka ng narito ngunit tila hindi ka pa rin
sanay.
ACTRESS: Sanay? Isang taon? Katagal na po pala pero hindi po, nasa school po ako nitong mga
nakakaraan, kanina po nasa interview ako, si nanay ko po kasama ko s’ya kailan lang, pa-
paanong isang taon? Nagbibiro lang po kayo, HAHAHAHA nakakatawa po.
VOICE OVER: Sundan mo ako
Then: Ipapakita here yung balik tanaw nung mga nangyari sa’yo, hindi ko nalalagyan ng script
since video preview lang yon, pang last na lang natin ishoot yon.

VOICE OVER: ano naniniwala ka na ba sa akin? Ako ang kapiling mo noong mga panahong
inakala mong mag-isa ka, hindi kita iniiwan kahit nakakalimutan mo minsan na ginagabayan
kita, hinihintay ko lang na tanggapin mo ang lahat para makuha mo ang pahinga mo, pakawalan
mo na yung nakaraan, ikaw ang sagot sa problema mo, hinihintay ka na ng pahinga mo.
ACTRESS: Teka teka, naguguluhan po ako. Ano po bang—ha! PATAY NA KO? Hindi pwede!
VOICE OVER: Kung may magagawa lang ako.
ACTRESS: May magagawa ka, pwede mo akong buhayin ulit atsaka sandali.. paano na yung
nanay ko? Mag-isa n’ya iniwan na s’ya nila Tatay.
VOICE OVER: Magtiwala ka sa bukas mo, hindi mo alam kung lahat ba ng ginagawa mo ay
may kapalit, alam mo ba kung nasaan ang totoo sa hindi?
ACTRESS: Hindi po
VOICE OVER: Ayaw mo bang subukan na maging malaya? Maging mapayapa? Nandito lahat
yon
ACTRESS: May pangarap po ako, magiging abogado ako e… hindi po pwedeng nandito na ako
dahil wala naman po akong kasong aayusin dito—

End of the scene

THIRD SCENE
ACTRESS: *magigising ka here from your nap during class* PAGOD NA PAGOD NA KO,
ANG GULO GULO!
TEACHER VOICE OVER: Ms.Ventura naka mute ka, may sinasabi ka ba?
ACTRESS: *mag-uunmute* Pagod na po ako, hindi ko na po kaya magpatuloy.
TEACHER VOICE OVER: Ngayon ka pa ba mapapagod? Patapos na ang taon. Malayo ka na
Veronica. Kung titigil ka ngayon, saan ka pupulutin? Para kang nagtapon ng oras at pera.
ACTRESS: Pero nahanap ko na po ang pahinga ko.
TEACHER VOICE OVER: Saan?
ACTRESS: Sa Panaginip po.
TEACHER VOICE OVER: Kung anuman ang panaginip mo na iyan, hindi iyan ang pahinga
mo, dahil bilang estudyante ang pagtanggap mo sa kasalukuyan mo ang tagumpay mo at ang
tagumpay mo ang pahinga mo.
ACTRESS: Opo

Ngingiti ka tapos mag-uunmute then hihinga ng malalim na parang kumukuha ka ng hangin


tapos napapapikit pa ganern.
Pagmulat mo nasa bintana ka na nagmumuni muni.

NANAY VOICE OVER: Veronicaaaa.. Anong ginagawa mo? Nagdedaydream ka na naman


yata, ke aga aga nananaginip ka. Kumilos ka na at marami ka pang kailangan tapusin. May
ipapasa ka pa mamayang hapon hindi ba? Kumilos ka na.

Tatayo ka here parang super motivated then mag oopen ka ng twitter kunware then maglalagay
ako ng tweet mo kunware na “Minsan talaga masarap na lang tumigil ng pansamantala saka
magmuni muni. Buti na lang hindi ako nag-iisa. Naiintindihan ko na kung bakit kamatay ang
panaginip ko dahil tinatalo na ako noon ng sarili ko, naniniwala na ako noon sa maling
perception sa buhay. Ako lang ang problema ko, ako lang ang nagpapatagal sa takbo ng
pangarap ko”

Lakad ka papunta sa study table kunwari tapos bago umupo mag iinat ka muna tapos sasabihin
mo “Salamat sa sandaling Muni Muni Muna” tingin sa cam then smile.

You might also like