Professional Documents
Culture Documents
Filipino-9
Modyul 5-6
Aralin
5 Pantaserye ng Pilipinas
Basahin at unawaing mabuti ang buod ng Pantaseryeng Starla .
STARLA
Sa Baryo Maulap nakatira ang Pamilya nina Teresa o mas kilala sa tawag
na Tere. Mahirap ang kanilang pamilya, pagsasaka lang ang pinagkukunan ng
kanilang ikabubuhay. Nang mamatay ang kanyang ina, saka lang napadpad si Tere
sa Maynila. Inampon siya ng mayamang pamilya, doon siya lumaki, nakapag-aral,
at nagkaroon ng trabaho.
Isang araw, nagkaroon ng problema ang mga magsasaka sa Baryo
Maulap sa pagdating ng mga peste sa kanilang sakahan.
“Mang Greggy, anong gagawin natin?” anang ni Mang Kulas.
“Sa salot na ito, lahat tayo’y walang kawala! Mauuwi lang sa wala ang
pinaghirapan at pinuhunan natin dito” dagdag pa ni Mang Kulas.
Naririnig nina Buboy at Starla ang usapang iyon ni Mang Greggy at mga
kasamahang magsasaka.
“ Starla, ano ang pwede nating maitulong kina Mang Greggy?”
tanong ni Buboy.
“Hindi ko rin alam sa ngayon Buboy.” saad ni Starla
Habang nag-iisip ng solusyon sina Buboy at Starla, nagpadala ng tao si
Tere sa Baryo Maulap para alukin ang mga magsasaka na ibenta ang kanilang
lupain kapalit ng malaking halaga.
“Mga tao, gusto ninyo bang makabangon? Ako ang solusyon!”
pagmamayabang ni Dexter sabay sulyap sa may nag-uumpukan. “Simple lang,
ibenta ninyo sa akin ang inyong mga lupain kapalit ang malaking halaga” muling
pangungumbinse niya.
Nagkatinginan ang mga taong naroron, mayroong parang natukso subalit
naguguluhan, mayroon ding hindi natitinag sa malakimng halagang inalok ni Dexter.
Nakarating sa pandinig ni Mang Greggy ang mga pangyayari at ito’y galit na galit.
Sa kabilang panig, walang humpay sina Buboy at Starla sa kahaha- nap ng
solusyon. Iminungkahi nitong subukang magwish. Ginawa iyon ni Starla, nagulat
ang dalawa sa kinalalabasan ng kanilang ginawa.
“Starla, tingnan mo, unti-unti ng nawawala ang mga peste at bumalik
na sa dati ang mga pananim sa sakahan.” tuwang saad ni Buboy.
“Oo nga! “ pagsang-ayon ni Starla.
Kinabukasan bumalik si Dexter sa Baryo Maulap, nagulat siya nang makita
ang sakahan na malagong-malago ang mga pananim at wala na ang mga peste.
Hindi ganito ang nakita niya noong nakaraang araw. Umiling si Dexter, hindi siya
makapaniwala sa nakita. Tumawag agad siya kay Tere, ibinalita ang nasaksihang
pangyayari. Nagngingitngit sa galit ang dalagang atorney sa balitang natanggap.
Makaraan ang ilang araw, napag-isipan ni Tere na siya mismo ang haharap
sa mga mamamayan ng Baryo Maulap. Naglibot siya sa buong baryo, nahabag man
siya sa mga tao subalit nanaig pa rin ang pusong mapaghiganti. Hinimok pa rin niya
ang mga tao na ibenta ang kanilang lupain para hindi na maghirap.Sa paglilibot
niya, nagkatagpo ang landas nila ng dating kasintahang si Philip. Ang mga
nakakikilala sa kanya ay binabati siya subalit parang wala itong narinig. Patuloy lang
siya sa pag-iikot-ikot hanggang makarating siya sa kanilang bahay, nanumbalik
lahat ang sakit at pait nang maalala ang kanyang ina.
Nakita siya ni Mang Greggy.
“Anak, Teresa!” pabulong na tawag ni Mang Greggy.
Hindi niya pinansin ang ama, nalason na ang kanyang isipan sa
pangsulsol ni Robert sa kanya. Nabulag siya sa nararapat sana niyang gawin dahil
sa pinangakong yaman na ipagkaloob ng lalaki sa kanya kung ito’y
magtagumpay.Sa pagsusumikap ni Tere na makuha ang Baryo Maulap ay hindi
siya tumigil, bagkus nagtayo pa ito ng mga proyekto na tutulong kunyari sa mga
mamamayan ng Baryo Maulap.
Sobrang nabahala na si Mang Greggy sa ginagawang ito ng anak.
“Anak, pwede ba tayong mag-usap?” tanong ni Mang Greggy “Bakit, may
dapat pa ba tayong pag-uusapan ha, Mang Greggy?” “Anak, ama mo ako!
mali ang paghimok mo sa ating mga ka-
baryo na ibenta ang kanilang mga lupain, alam mong ito lang mayroon
sila!”
“Anong magagawa mo kung gusto nila itong ibenta? Tanggapin mo
nalang na hindi mo sila mapapakain niyang prinsipyo mo! Pera ang kailangan nila.
Pera! sabay talikod ni Tere.
Masaya si Tere sa kaganapang unti-unti na niyang makamit ang
hinahangad. Sa pag-uwi niya ng Maynila, nadatnan niyang wala ng malay si
Robert. Pinaslang siya ni Dexter kasama ang kanyang mga tauhan. Kinanlong ni
Tere si Robert habang sumisigaw ng tulong.
Dumating si Dexter, pinagbintangan siyang pinatay nito ang ama.
Kinasuhan siya at pinakulong.
Dumalaw si Mang Greggy kay Tere sa kulungan, dito ipinagtapat niya sa anak
na may pag-asang mapawalang- sala ito dahil may nakakakita kay Dexter sa pagpaslang
sa sarili nitong ama. Nangako si Mang Greggy na hindi pababayaan ang anak. Kumuha
siya ng abogado at kinuha ang nakakita sa buong pangyayari para mapawalang-sala
ang anak. Nakalabas ng kulungan si Tere sa tulong ng kanyang ama. Aalis na sana si
Mang Greggy.
“Tay, maraming salamat sa pagtulong mo sa akin.”saad ni Tere.
“Anak, ginawa ko lang ang sa tingin ko’y tama. Hindi kita pwedeng pabayaan
anak, mahal na mahal kita.” sabay yakap sa anak.
Mula sa kulungan, umuwi si Tere sa bahay nila ni Mang Greggy.
Unti-unting naituwid ni Tere ang pagkakasala sa kanyang mga ka-baryo, kay Philip at sa
kanyang ama. Napagtanto niyang napakalaking mali ang kanyang nagawa.
Panuto: MulasapantaseryengStarla,suriinangmgasitwasyong
nagpapakita ng tunggaliang (tao vs tao, tao vs sarili). Piliin at bilugan ang
titik ng bawat sitwasyon sa loob ng kahon na aangkop sa tungggaliang isinasaad at
sagutin ang mga katanungan sa ibaba.
TUNGGALIANG (tao vs tao) ( 2 Puntos)
A. Nag-uusap sina Mang Greggy kasama ang iba pang mga magsasaka ukol
sa salot sa kanilang sakahan.
Panuto: Mula sa Pantaseryeng Starla, pumili ng pangyayari o mga katangian ng tauhan na gusto
mong baguhin. Isulat sa talahanayan
Panuto: Basahin ang bawat pahayag. Isulat sa patlang ang letrang M kung
ang pahayag o sitwasyon ay nagpapakita ng pagbabago at letrang
W kung hindi nagpapakita ng pagbabago.
Karagdagang Gawain
Alam ni Prahnbun na may ermitanyong nakatira sa malapit ng kagubatan. Pinuntahan niya ito
upang magpatulong sa kaniyang balak. Sinabi sa kaniya ng ermitanyo na napakahirapa ng
manghuli ng kinnaree dahil agad-agad itong lumilipad kapag tinatakot. Ngunit naisip ng
ermitanyo na may isang dragon na nakatira sa pinakasulok-sulukan ng kagubatan na maaaring
makatulong sa kanila. Nagpasalamat ang binata sa ermitanyo at nagmamadaling lumisan
upang hanapin ang dragon.
Habang abala sa paglalaro ang mga kinnaree, inihagis ni Prahnbun ang lubid at matagumpay
na nahuli si Prinsesa Manorah. Ganun na lamang ang pagkaawa ng ibang mga kapatid ng
prinsesa. Ngunit sila’y walang nagawa kundi agad-agad na lumipad dahil sa takot na sila rin ay
paghuhulihin.
Itinali nang mahigpit ni Prahnbun ang pakpak ni Prinsesa Manorah upang hindi makawala at
tuluyang madala pabalik sa UdonPanjah at ibigay kay Prinsipe Suton na noo’y naglalakbay rin
sakay sa kabayo papunta sa kagubatan.Nakasalubong niya si Prahnbun dala-dala si Prinsesa
Manorah. Agad-agad na naakit sa kagandahan ni Prinsesa Manorah ang prinsipe.
Nang isalaysay ni Prahnbun kay Prinsipe Suton ang dahilan kung bakit niya hinuli at dinala ang
prinsesa sa harap niya,nagpasalamat ang prinsipe at binayaran siya nito ng napakalaking
halaga.
Nagbalik ang prinsipe sa kaniyang palasyo dala-dala si Prinsesa Manorah kung saan
umusbong ang isang tunay na pag-ibig sa isa’tisa. Nang sabihin ng prinsipe sa kaniyang inang
prinsesa at amang hari ang
buong pangyayari,masayang-masaya sila at agad-agad nagbalak na
magsagawa ng kasal para kina Prinsipe Suton at Prinsesa Manorah.
Bumalik sila sa palasyo ng Udon Panjah kung saan isinagawa ang kasal at
tuluyang namuhay nang masaya’t matiwasay habambuhay
Panitikang Asyano 9
Peralta,Romulo N. Et.al
2004 Pp.32
GAWAIN
2.
3.
Mga Pangyayari:
Panuto: Pumili ng angkop na pangyayari mula sa talaan sa ibaba at isulat
sa angkop na kahon ayon sa hinihingi nito. ( 1 puntos bawat bilang)
Nakita ni Prahnbun ang pitong kinnaree na nagtatampisaw sa ilog.
Nagpasalamat ang prinsipe at nagbayad ng malaking halaga.
Hindi natuwa ang dragon sa balak ni Prahnbun.
Naakit sa kagandahan ni Prinsesa Manorah si Prinsipe Suton.
Makatotohanang Di-Makatotohanang
Pangyayari Pangyayari
Alamat ni Prinsesa
Manorah 1. 1.
2. 2.