You are on page 1of 6

January 18, 2019

Geronima's POV

"Ano nga ulit ang gagawin niyo sa Laguna?" Tanong ni daddy.

Tapos na ang klase namin at nagpaalam na kami na pupunta kami sa Laguna para kausapin si Ken sa
kung anong gagawin niya para makatulong sa amin.

"Dad. Pupuntahan nga po namin yung kaibigan namin doon para matulungan niya kami." Sagot ko. Pang-
ilang beses na tanong na kasi niya iyon.

"Mag-ingat kayo ha? Kiko ingatan mo si Nima." Singit ni Mommy.

"Opo tita. Ako na pong bahala dito kay Nima. Alis na po kami para makarating ng maaga doon." Paalam
ni Kiko at tuluyan na kaming pumasok sa sasakyan niya.

Hindi naman masyadong traffic kaya madali na kaming nakapunta sa Laguna. Tinanggal na rin ang
pagkaka-lockdown sa Laguna kaya medyo marami nang nababalita na may mga taong kakaiba ang kilos.

"We're here." Sabi ni Kiko pagkatapos ma- park ang kotse sa harap ng bahay ni Ken.

Sabay na kaming bumaba at pumunta sa harap ng pintuan para kumatok.

"Tao po?" Tawag ko at kumatok. Wala pang ilang segundo, bumukas na agad ang pinto at bumungad sa
amin si Ken.

"Uy! Pasok kayo!" Anyaya niya.

"Ano nga ulit ang pag-uusapan natin?" Sabi niya habang kumukuha ng inumin.

"You know how to drive a plane?" Tanong ko.

"Ah oo. Hobby ko lang yun pero may lisensya ako." Paliwanag niya.

Ang sosyal naman ng hobby neto.

"You know how to drive a helicopter?" Si Kiko naman ang nagtanong.

"Oo. Parehas lang yun ng eroplano." Sabi niya at umupo na.

"Bakit niyo nga pala naitatanong yan?" Dugtong niya.

"We need your help... It is about the laboratory sa Cebu." Ako na ang sumagot

"Oh. Yung bagong gawa?" Sabi niya bago uminom. Nakita ko pang tumaas ang isang kilay niya.

"Yes. Baliw kasi yung nagpapalakad nung factory na yun--"

Hindi na naituloy ni Kiko ang sinasabi niya nang maibuga ni Ken yung iniinom niyang juice.

"Sorry. Sorry. Nagulat lang ako. Diba yun din yung nagpapalakad ng lab dito sa Laguna?" Tanong niya.
"Yeah. How did you know?" Takang tanong ko.

"Just heard some news... So! Planning to do something? I'm up to that." Tuloy tuloy niyang sabi.

"Really?! That's great! So may helicopter ka ba dito?" I asked.

"Hihiram sa kaibigan." Maikling sagot niya.

"Teka. Ang bilis mo naman yatang mapapayag?" Tanong ni Kiko.

May point siya. Ang bilis niya ngang pumayag.

"It is about that lab inside that factory right?" Tanong ni Ken at tinuro ang factory sa harap.

"Uh. Yeah?" Takang sagot ko.

"Nakikita ko ang mga nangyayari sa mga naapketuhan noon, that's why I want to help para makulong na
yung mastermind ng lason na yun." Paliwanag niya.

Well I like his explanation.

"Okay! So saan tayo kukuha ng helicopter?" Sabi ni Kiko at tumayo na.

"Tara sa likod nito yung kinalalagyan ng helicopter ng kaibigan ko." Sabi niya at tumayo na rin.

Tumayo na rin ako at sinundan yung dalawang lalaki.

Pumasok kami sa may kusina at nakita kong binuksan ni Ken yung pinto doon kaya lumabas na kami.

Bumungad sa amin ang isang malaking sementadong bakanyeng lote at sa gitna noon ay ang helicopter.

"Wow." Bulong ko sa sarili ko.

"Yeah wow." Sabi ni Kiko at hinawakan ang kamay ko para hilahin ako. Bumalik lang pala siya para
gawin yon dahil naiwan na nila ako.

Dumiretso kami sa panibagong bahay sa bandang kaliwa. Mukhang likod bahay rin iyon katulad ng
nilabasan namin kanina.

Kumatok ng tatlong beses si Ken at agad din naman binuksan yon ng taong nasa loob.

"Uy doc-- Ken! Pasok kayo."

Weird. Napatigil yung lalaki sa una niyang tawag kay Ken nang makitang may kasama siyang iba.

"Anong aten?" Tanong nung lalaki sa amin.

Mukhang kasing edad lang din siya ni Ken at matipuno rin at may itsura.

"Ah Carl peram naman ng helicopter mo." Sagot naman ni Ken.

"O sige. Uuwi ka bang Batanes?"


Napakunot ang noo ko at napatingin kay Kiko. Siya rin napakunot na ang noo.

Fransisco's POV

"Hindi! Pupunta kami sa Cebu."

Napalingon lang ulit kaming dalawa ni Nima sa kanila nang sumagot si Ken.

"Yes. Uh Kuya Carl. We just want to borrow the helicopter para makapunta sa Cebu." Dugtong ni Nima.

"Drop the kuya. Sige na, kailan ba alis niyo?" Tanong ni Carl

"Bukas." Ako ang sumagot.

"Sige sige. Basta ingatan niyo yan ah." Sabi niya.

Lumabas na rin kami pagkatapos at lumapit sa helicopter.

"Anong oras tayo magkikita kita?" Si Ken habang chine-check kung okay lang ba ang kondisyon nung
helicopter.

"That's the thing. You will fly alone papuntang Cebu." Sagot ni Nima.

Napatingin siya sa amin dahil doon.

"Wag kang mag-alala! We'll text you the exact address." Sagot ko agad.

"No! Not the exact address." Pigil sa akin ni Nima.

"I mean baka mahuli ka ng mga tauhan ni Fatima. The mastermind. Uhm. We'll just find another place
to--"

"No need. Just text the exact address. Ako na bahalang maghahanap ng pwedeng pag-landingan malapit
doon." Pigil ni Ken.

"What's my role again?" Dugtong niya.

"Ikaw ang pupuntahan namin kapag nakahanap na kami ng place na pwedeng tapusin yung antidote."
Paliwanag ni Nima.

Napakunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. Antidote?!

"Antidote? Diba walang antidote?" Takang tanong ni Kiko.

"Tanga si Fatima. May antidote yun. In fact, I have started it." Sabi ni Nima.

Narinig kong tumikhim si Ken at mukhang nasamid pa.

"Okay. So how do we communicate?" Tanong ni Ken.

"Uh. Radio?" Sagot ni Nima at kinuha ang radyo na para sa kanya at pinakita sa kanya.
"May radyo na sa helicopter ayos na yun." Sabi niya.

"No. Tanggapin mo na yan Ken para pare-parehas tayo." Sabi ko.

Kinuha nga ni Ken yung radyo niya at sinabit sa pants niya.

"Naka-set na yan. Same frequency nung amin." Dugtong ko pa.

"Kailangan na naming umalis para makapag handa ka na ng mga gamit mo." Sabi ni Nima.

Nag high five kaming dalawa ni Ken bago kami giniya papasok sa loob ng bahay ni Ken, palabas sa may
harapan kung saan naka park ang kotse na dala ko.

"We have to go Ken. Ingat ka bukas. And don't forget the radio." Paalam ni Nima sa kanya.

"Kayo din ingat." Sagot niya at sinara na ang pintuan sa pagitan namin.

Saktong pagsara ng pintuan ay ang pagring ng phone ni Nima. Nilagay niya yun sa loud speaker para
marinig ko ang pag-uusapan nila.

(So bakit ka nasa Laguna?)

Bungad ni Fatima.

"So how did you know?" Panggagaya ni Nima sa tono niya.

(Hahaha! Naka track ang location niyo using your phones, duh!)

Umarte yata pananalita nitong si Fatima?

"Track?! Paano?!" Gulat na tanong ni Nima.

(Wag ka na magtanong Nini. I have my ways! So anong ginagawa niyo dyan?)

Tanong niya ulit

"We are here to check kung totoong wala ng lockdown. And it's true! Kaya pala ang dami nang weird
cases na nababalita." Paliwanag ni Nima sa kanya.

(Yes! That's true. Also, let me remind you about your flight tomorrow. Together with Kiko and Mike. So,
see you tomorrow.)

Sabi niya at binabaan na ng tawag si Nima.

"Kainis na Fatima! Nat-track pala tayo gamit yung phones natin!" Inis na sabi ni Nima at nauna nang
pumasok sa kotse.

"Paano na ngayon yan?" Tanong ko kay Nima.

"Okay rin palang may radyo tayong binili." Sagot niya.


Hinatid ko na si Fatima sa bahay nila. Bago ako umalis, binigay na niya sa akin ang dalawang plane
tickets namin ni Mike.

"We'll see tomorrow sa airport. Don't be late! Ayokong maghintay." She said bago ako halikan sa pisngi.

"Ehem." Narinig ko ang tikhim ng dad ni Nima mula sa likod ko.

"Ako na ang maghahatid kay Nima sa airport to make sure. Mag-iingat kayo during the stay there." Sabi
ni tito.

"U-uh yes tito. I'll go ahead na po." Paalam ko at dire-diretso nang pumasok sa sasakyan bago umalis.

Pag-dating ko sa bahay, nakita ko nang nag-uusap si Mike at mom.

"Mag-iingat kayo doon ng kuya mo." Rinig kong sabi ni mommy.

"Yes mom." Rinig kong sagot ni Mike.

"Si dad?" Bungad ko sa kanila.

Narinig kong nagbuntong hininga si mom bago sumagot.

"Nauna na sa Cebu kanina. He said he'll do everything para hindi matuloy ang pagrelease ng Aursion sa
Linggo." Sagot niya.

Tumango tango ako at umupo sa couch at tinabihan si Mike.

"Susunod si Ken bukas. Yung kausap ko sa phone kahapon. He'll help us leave to find a place na hindi
sakop ng Aursion. Just in case matuloy ang pagrelease nun." Sabi ko kay Mike.

Umalis na si mommy para siguro maghanda na ng hapunan.

"Ano bro? Pano bukas?" Tanong ni Mike.

"We'll observe sa lab. And kung may makitang place na hindi sakop ng Aursion, doon tayo pupunta."
Sagot ko.

"Oh? Paano tayo makakapunta doon? At bakit tayo aalis?" Tanong ulit ni Mike.

"Nakausap na namin si Ken. He's willing to help. May kaibigan siya doon na hiniraman namin ng
helicopter kaya wala nang problema. And sabi ni Nima, may antidote talaga sa Aursion at doon daw
namin tatapusin." Paliwanag ko.

Tumango tango siya at parang nag-iisip.

"Eh teka! Masusundan tayo ni Fatima!" Gulantang na sabi niya.

"Huh? Paano?" Takang tanong ko sa kanya.

"Dahil sa chip sa utako ko." Sagot niya sa akin.


Napabuntong hininga nalang ako at napasapo ng noo. Isa pa nga pala yun. Masasaktan si Mike kung
sakaling magwala si Fatima!

You might also like