Professional Documents
Culture Documents
Mysterios School
Mysterios School
KYLIE
"Hoy, Tiffany! Late ka na naman! Dala mo ba buong bahay n'yo at ang tagal-tagal
mo?!" haggard na si Tiffany nung nakita namin siyang papasok dito sa garahe ng
bahay ni Akiesha.
Nandito kami sa bahay nila Akiesha kasama naming si Tiff na kadadating lang.
Inutusan kami ni Mamita na puntahan yung isa sa mga property niya para tignan at
bisitahin.
"Sorry na, ang traffic kaya! May banggaan kasi malapit samin." Inihahanda na yung
sasakyan na gagamitin naming, kasi malayo-layo din yung lugar kung nasaan yung
property ni Mamita.
Inayos lang namin ni Tiff 'yung loob ng sasakyan at naglagay ng mga unan para mas
komportable ang byahe namin mamaya. Nagdala na din ng pagkain si Akiesha dahil
hindi pa daw siya kumakain.
"Okay, tara na!!" pagkatapos ko isara yung pintuan sa likod. Pumunta na ako sa back
seat dahil doon kami hihiga ni Tiff, matutulog lang naman kami buong byahe.
"Kanino ba 'tong sasakyan? Mamaya masira pa namin eh, ayoko nga!" pagtanggi ni
Tiff.
----
AKIESHA
I'm already driving for hours but I keep on thinking about what I saw earlier. A man
wearing an all black attire, mata lang ang kita! At first, I shrugged it off pero ang tagal
niyang nakatingin sa'kin! Hindi ko alam kung anong trip niya pero ang weird, ha.
Natutulog 'yung dalawa at naiingit ako. Mga tatlong oras pa bago kami makarating
doon kaya nagstop over muna ako para makaidlip sandali pero hindi naman p'wede na
walang gising sa amin. Naisipan kong pagtripan sila kaya bumusina ako ng malakas,
haha!
"I'll take a nap, pagising ako after 15 minutes. Mwah." pagkasabi ko noon ay
sinubukan ko nang matulog.
"Pst, gising na," sambit ni Tiff. Agad akong umayos at nag-reverse. Hays, back to
driving.
-----
TIFFANY
"Malapit na tayo, bibili lang ako ng drinks saglit, dito lang kayo ah." sabi niya
*BOOM!*
Minulat ko ang mata ko at nakita si Kylie na nakaharap sa akin. Panaginip lang pala,
akala ko totoo.
Tinuro niya ang supermarket kung nasaan kami. Iyan rin ang nakita ko panaginip ko,
nakakakaba naman.
-----
AKIESHA
"Sabi niya nangyari raw sa panaginip niya 'yung pagbili mo at same place pa."
paliwanag ni Kylie.
"Kylie, pakitanong naman sa mga nandoon kung tama dinadaanan natin," pakisuyo
ko.
"Hello po, dito po ba ang daan papuntang Diamond Hotel?" pagtatanong ni Kylie sa
isang mukhang taga rito.
"Ah, oo. Dirediretsuhin n'yo lang itong mahabang kalsada at makikita n'yo ang
malaking karatula ng Diamond Hotel." turo nito.
-----
KYLIE
"Kaykay!! Ano want mo? One single bed and one queen size o three single beds??"
tanong ni Kish.
"Yikes! Huwag niyo sabi akong tawaging Kaykay!" kontra ko, "Tig iisang single bed
nalang tayo."
After 5 Minutes...
"Okay na! Naayos na nila 'yung unit. Pwede na tayong umakyat." sabi ni Kish sa
amin. Agad naman kaming sumunod at sumakay sa elevator. Our unit number's 302.
Ang laki! But given naman na tatlo kami, okay na rin. Nag ayos na kami ng mga
gamit at nagpalit ng pangtulog.
"Don't forget your phones and powerbanks! Need natin 'yan bukas." paalala ni Kish.
-----
This story is under revision. Please bear with the typographical errors for now.
Thank you!
[chapter revised.]