You are on page 1of 6

January 19, 2020

Geronima’s POV
This is the day! Sana walang mangyaring masama ngayon. Pero feeling ko hindi matutupad
‘yon. Fatima’s planning to kill half of the population of the Philippines. Baliw na siguro siya para
maisip ‘yun. Kunwari pang naghihiganti sa amin.
“Nima! Ano? Nag g-gown ka ba? Kanina pa kami naghihintay ni kuya dito!” Sigaw ni Mike sa
labas ng kwarto ko.
“Teka nagsusuklay pa!” Sigaw ko mula sa loob ng kwarto.
Nang saw akas ay nakapag ayos na ako, tsaka palang ako lumabas ng kwarto.
“Ganda natin ah! Pero hindi tayo mamamasyal magtatrabaho tayo.” Bungad sa akin ni Mike.
“Eh kung tuktukan kaya kita dyan nang makita mo!” sabi ko sa kanya at inambaan. Umilag
naman siya sa ambag ko.
Inakbayan naman ako ni Kiko para tumigil na sa pag amba sa kapatid niya.
“Tara na! Tara na!” aya sa amin ni Kiko.
Hindi kami dumiretso sa monitoring room. Pumunta muna kami sa dining room para kumain ng
breakfast. At dahil mukhang natagalan nga ako sa pag-aayos, kami nalang ang hinihintay para
makapagsimula na sila sa pagkain.
“I thought you wouldn’t come. Let’s eat.” Bati sa amin ni Fatima. Nakita ko rin ang daddy nila
Kiko na binate naman nila.
“Good morning dad.” Bati ng magkapatid sa kanya. Tinanguan lang sila. Again he looked
stressed, baka sa pressure because of what’s happening these past few weeks?
“Good morning tito.” Pormal kong bati sa kanya. Gaya ng ginawa niya sa magkapatid, tinanguan
niya lang ako.
“Maupo na kayo. We will have a big day today!” Masayang sabi ni Fatima.
Nagsimula na kaming kumain ng breakfast ng mapayapa at tahimik.
“Are you really sure about this Fatima?” Tanong ko.
“Of course! This was five years in the making. Ngayon pa ba ako aatras. Besides I know you are
on my side, so we’re good.” Sagot niya.
Okay. Wala na talaga, totoo na ang lahat ng ito.
“Oh and by the way, you will be on the monitoring room right? Dr. Reyes will be with you, hindi
niyo muna ako masyadong makakasama doon dahil imo-monitor ko rin ang mga doctor na
magre-release ng Aursion.” Sabi niya.
“Sure. Walang problema.” Sagot ni Kiko.
“Our duty is too just monitor right?” Tanong ko.
“Yes.” Simpleng sagot ni Fatima.
Nagpatuloy lang ang pagkain naming ng breakfast at hindi na nagkwentuhan pa. Mukhang
seryoso ang mga doktor ngayon dahil sa mga magaganap mamaya.
Bumalik kami sa kanya kanyang kwarto nila Kiko para ihanda ang mga gagamitin naming para sa
buong araw. Gaya ng napagusapan, naka-connect sa earphone ang kanya kanya naming radyo
para hindi marinig ng kung sino ang magre-reach out sa amin. Nakatago na rin ito sa pantalon
naming na natatakpan ng suot naming t-shirt. Binuksan ko muna ang radyo bago ito ipwesto sa
suot kong pantalon, at nagsalita gamit ang sinuot na earphone.
“I’m all set. Kamusta kayo?”
“Okay na rin ako palabas na ng kwarto.” Si Mike ang unang sumagot.
“Okay na rin ako.” Si Kiko.
“OMG! Ngayon na yung araw na ire-release yung Aursion diba?” Singit ni Nilla.
“Yes Nilla. Kamusta kayo dyan?” Tanong ko.
“Okay lang kami. Nakahanap nga pala kami ng signal ng television dito sa basement kaya
makakanood kami ng balita.” Sagot niya.
“Nima. Please be careful.” Si mommy naman ang narinig kong magsalita.
“Yes mom. Mabilis lang kami dito don’t worry.” Sagot ko sa kanya.
“Kiko, Mike. Bro ingat kayo dyan. Okay lang kami dito.” Si Jonathan ang narinig kong nagsalita.
“Oo. Mag-ingat kayo dyan. Babalik kami dyan pagkatapos ng lahat ng ‘to.” Sagot ni Kiko.
Lumabas na ako nang hindi na nagsalita ang mga nasa kabilang linya. Halos sabay sabay kami
nila Kiko na lumabas ng kwarto kaya agad na rin kaming bumaba para pumunta sa designated
places namin.
“Hi! You’re here already!” Bati ni Fatima. Kung bumati akala mong may party.
“So anong work naming today?” Tanong ko.
“Oh. Ikaw, you’ll monitor this map of the Philippines.” Turo niya sa monitor na mukhang table.
“Para saan ang monitor na ‘to?” Tanong ko sa kanya.
“Dyan malalaman kung saan na nakaabot ang Aursion. Isn’t it amazing?” Masayang sabi niya.
Ngumiti ako ng peke sa kanya bago siya talikuran at puntahan ang sinasabing monitor.
“Ikaw Mike, you’ll monitor the people all over the Philippines. Kung lahat ay naaapektuhan ng
Aursion.” Tinuro niya ang pinakamalaking monitor. Mas Malaki pa yung monitor kesa sa akin.
May mga naka-indicate na pangalan ng mga places. Per region ang helera ng mga camera. Sa
region 4A nakita ko ang Cavite at ang bawat bayan noon.
“And you, Kiko. Will help your dad. Pero mamayang hapon ka pa yata makakapag trabaho.
Kasama ka sa maga-announce ng mga commands para sa mga tao.” Paliwanag niya.
“What?!” Gulat na sabi ni Kiko.
“Yes.You heard me right. Okay, see you later pips! Any minute ire-release na ang Aursion.” Sabi
niya at dali daling lumabas ng room.

Francisco’s POV
“Dad, okay ka lang?” Tanong ko kay dad. Dahil pansin kong hindi siya masyadong nagsasalita at
malalim ang iniisip.
“Ah oo, oo. Are you ready?” Tanong niya.
“Yes dad. Pero ikaw, mukha ka palaging may iniisip. Are you really okay?” Tanong ko ulit.
Nagbuntong hininga si dad at tinignan kami isa-isa.
“I-“ Biglang bumukas ang pinto at tumambad sa amin si Fatima.
“Are we all set? The Aursion is ready to release any minute now.
“Yes, yes Dra. Salvador.” Sagot ni dad.
“Okay. Doon na ako sa mga doktor ulit. Make sure to do all your work okay kids?” Sabi niya at
lumabas nan g room ulit.
“Ano ulit yung sinasabi mo dad?” Tanong ni Mike.
“Wala, wala. Mamaya na antin pag-usapan.” Sagot niya at lumapit na sa pinaka malaking
monitor.
May narinig kaming nagsalita. Galing iyon sa speaker na nakakabit sa pader. Meron palang
speaker dito sa loob.
“We are releasing the Aursion in
5…
4…
3…
2…
1…”
Hanggang doon lang ang sinabi ni Fatima at narinig kong nagulat si Nima.
“OMG!”
Agad ko siyang nilapitan para makita ang ikinagulat niya.
“It’s working! Talaga ngang nade-detect nito ang pag spread ng Aursion.” Namamangha niyang
sabi.
“It is because of the satellites. Five years in the making para ma set ng maayos ang mga iyon.
And now, nagtagumpay si Fatima.” Singit ni Dad.
“The people in Cebu are looking up. Probably because of the ‘Aurora Borealis’ na nakikita lang
sa ibang bansa.” Si Mike ang nagsalita habang titig na titig sa monitor.
“Ang bilis ng pagkalat. It is now in Bohol, Bacolod, Negros, Leyte, and Panay halos sakop nan g
Aursion ang lahat na mga lugar na iyon.” Sabi ni Nima kaya napa tingin ako sa monitor na
tinitignan niya.
Muling may nag-announce speaker at si Fatima ulit iyon.
“Nima. Please update me every now and then kung hanggang saan na ang nasasakop ng
Aursion. May mic sa lower right corner ng monitor nan aka-assign sayo.”
Nakita nga naming ni Nima na may mic doon at agad na in-on iyon ni Nima.
“Fifty percent na ng Visayas ang nasasakop going Fifty-five.” Sabi niya.
Pinag patuloy naming ni Nima ang pagmonitor sa Philippine map hanggang sa nasakop nan g
Aursion ang buong Visayas kaya nag announce ulit si Nima.
“Visayas is One Hundred percent covered.”
Nagpatuloy kami sa pag monitor at nakitang parehas nang fifty percent ng Luzon at Mindanao
ang naco-cover ng Aursion matapos ang ilang minuto.
“Fifty percent of Luzon and Mindanao are covered including the Palawan in Luzon.”
Announcement ni Nima.
“Very good Nima. Now update me when Mindanao and Luzon are now fully covered.” Sagot ni
Fatima.
Naghitay ulit kami ng ilang minute at nang makitang fully covered na ang Pilipinas ay nag-
announce ulit si Nima.
“Mindanao is fully covered, while Luzon is almost a hudred percent not including the small
Islands like Babuyan Island, and the whole Batanes.” Announce niya.
“Okay we’ll stop it here. Thank you for working Nima.” Sagot niya.
“Pero hindi pa nasasakop ang—“
“I said we’ll stop it here. Thank you again Nima.” Pinutol ni Fatima ang sinasabi ni Nima.
Nagkatinginan kaming tatlo nila Nima at Mike maging si dad ay tinignan ko. Sinadya ni Fatima
na hindi sakupin ang Batanes ng Aursion.
“Because of her family kids.” Sabi ni dad at ngumisi. Parang nasagot na ang mga katanungan sa
isip niya.
“Right. I remembered. Doon nakatira ang kapatid niya. Probably her whole family is there. I
guess may puso parin siya after all.” Sabi ni Nima.
“OMG!” Halos mapatalon ako sa gulat nang may marinig na nagsalita sa radyo.
“Yung releasing of Aursion is all over the news! Pero ang nakalagay ay Aurora Borealis ito ng
Pilipinas!” Si Nilla ang narinig kong nagsalita.
“Masakit sa tenga ang pagsigaw mo Nilla. Naka earphones kami.” Si Nima ang sumagot.
“Sorry. So ano na? Anong plano?” Si Nilla ulit.
“We now have a place na mapagtataguan para makumpleto na ang Antidote.” Si Nima ulit ang
sumagot.
“Saan anak?” Ang daddy ni Nima ang sumagot.
“Sa Batanes dad.” Simpleng sagot ni Nima.
“Mag-iingat kayo ha?” Mommy ni Nima naman ang nagsalita.
“Yes tita. Mag-iingat po kami.” Ako na ang sumagot.
Natapos na ang usapan naming at napatingin kay dad nang tumikhim ito.
“Aren’t you afraid na baka isumbong ko kayo kay Fatima?” Tanong ni dad.
“No dad. We know that you’re on our side.” Matapang na sagot ko sa kanya.
Napangisi siya sa sinabi ko at tumango tango bago lumapit sa akin at tinapik ako sa balikat.
Lumapit din siya kay Mike at tinapik din ito sa balikat bago bumalik sa pwesto niya.
“Mga anak ko nga kayo. Alam niyong suportado ko kayo sa lahat ng gagawin ninyo.” Sabi pa
niya at ngumiti.
Napangiti na rin ako sa sinabi niya at napatango.
“Mananalo kami dito dad.” Sabi ko sa kanya bago tignan si Mike at Nima na ningitian ako.

You might also like