Professional Documents
Culture Documents
HIGH SCHOOL
Hayskul, isang kritikal na hakbang ng kabataan sa pagkakatuto at
karunungan sa mundo. Dito ay nagkakaroon ng maraming pagbabago sa buhay ng
isang estudyante. Dito ay nalalantad ang mga estudyante sa ibat ibang mga salik na
makakapagakit sa kanila ng impluwensiya, maaring ito ay makabubuti o makasasama.
Ika nga nila, Highschool is the best and happiest time of our life.Sa apat na taon na siklo ng buhay ko sa yugtong ito, naranasan ko na ang lahat. Dito
ko naramdaman ang kakaibang tibok ng puso at kulay ng buhay, ako'y natuwa, naiiyak,
nainlove, napaaway at nakakita ng ibat ibang uri ng kaibigan. Sa hayskul, maraming
one-of-a-kind experience ang mararanasan ng bawat estudyante, yung tipong sa
hayskul mo lang madadama yung mga ganitong pangyayari. Kaakibat ng pagiging
highschool student ang mga pagsubok hindi lamang sa pag-aaral kundi pati na rin sa
mga kaibigan, pamilya at sa pag-ibig. Ngunit sa kabila ng mga pagsubok na ito, may
mga magagandang pangyayari na sasalungat dito. Sa hayskul, mas natutunan ko ang
mga aral sa buhay kesa sa aktwal na edukasyon. Marami ang nagsasabing ang hayskul
ay tungkol sa pagkuha ng edukasyon para sa magandang kinabukasan sa kolehiyo.
Pero para sa akin, ang hayskul ay tungkol sa paglikha ng mga pangyayaring kailanmay
magiging isang alaalang masarap balik-balikan.
Dumating na ang 4th year ko sa high school. Ito ang panahon na hinding hindi ko
makakalimutan. Dito mas lumala ang mga tawanan, pagmamahalan, bonding, at iba pa.
Marami akong naranasan sa panahon iyon na nagiging dahilan ng pagiging malungkot
ko noong katapusan ng school year. Ang akala ko nga sa panahong iyon ay magiging
seryoso na ang lahat sa pag-aaral e, dahil malapit na mag college. Nagkamali ako. Mas
ginusto kasi naming maging masaya sa mga huling panahon na magkakasama kami.
Iyon na ang ikaapat na taon na nagkakasama kami kaya hindi na naming pinalalampas
ang bawat sandali at oras na dumadaan sa aming buhay.
Sa ugali ko naman, mas lalo akong naging matatag sa buhay. Mas lalo akong
nagkaroon ng positibong pananaw sa bawat bato na natatapakan ko sa aking
dinaraanan, mga tuksong nagpapabagal sa aking paglalakad, at sa mga taong
bumabangga sa akin. Mas natutunan kong pahalagahan ang kung ano ako kaysa sa
sasabihin ng iba.
Ang apat na taon na iyon ay ang naging malaking parte sa aking buhay at pagkatao. At
sigurado akong hinding-hindi ko makakalimutan ang buhay ko sa high school.