You are on page 1of 1

PABALAN, VOSS WILLBERT A.

MODYUL 2 GAWAING
12 STEM – 9 PAGPAPAUNLAD BLG. 1

Ang Aking Natitirang Panahon sa Hayskul

Hayskul o mataas na paaralan kung ating tatawagin. Anim na taong pag-aaral na


puno ng katuturan, pagkukulitan, katatawanan, pagkukwentuhan, at hindi mawawala ang
kahirapan. Anim na taong pagsisikap upang makapagtapos ng sekondaryang
edukasyon. Narito na ako sa dulo, sa dulo ng anim na taon nito. Bilang na lamang ang
panahon ng aking pagiging “highschooler”.

Sa natitirang panahon ko sa hayskul, inaasahan kong mas lalo ko pang mabuo


ang aking pagkatao. Maliban sa pagiging edukado, nais kong maging matatag ang aking
sarili laban sa mga pagsubok na aking sasagupain sa hinaharap kong mga lakbayin.

Inaasam ko ring madagdagan pa ng mga masasayang alala ang aking buhay


bilang highschooler. Bagama’t hindi mawawala ang pagpapakasakit, dito umuusbong
ang mga alaalang masarap balikan. Ang mga pagkakataong sabay-sabay na
nahihirapan, lumuluha, at napupuyat ang siyang tumatatak sa ating mga alaala. Ngunit,
ito rin ang mga pagkakataong nagpapatatag ng ating mga kalooban at sarili.

Bilang na lamang ang panahon ko sa hayskul, at nais kong sulitin ang


pagkakataong ito. Nais kong ibuhos ang lahat ng aking makakaya sa lahat ng bagay na
aking gagawin nang hindi ko paghinayangan ang aking mga gawa.

Sa aking natitirang panahon sa hayskul, inaasam kong ito ay maging isang


magandang karanasan sa aking buhay. Sa pagtatapos ng anim na taong pag-aaral na
ito, nawa ay matapos ko ito nang may kasiyahan at ngiti sa aking mga labi. Narito na ako
sa dulo ng anim na taon nito, makakapagtapos na ako.

You might also like