You are on page 1of 1

Ang buhay ay parang eksperimento, mas maraming eksperimento makakagawa ka ng

mas mabuting kinalalabasan. Pagsapit ng pinakahihintay na pagkakataon na masilayan ko an


gating mundo, laking tuwa ito ng aking mga magulang. Pagpupuyat, pagkapagod at pagkagutom
ang ranasan nila upang patahanin ang aking pag iyak. Mga paghihirap na nais kong suklian sa
pagdating ng panahon na kaya ko ng tumayo sa sariling kong mga paa.

Sa panahon na ako pa ay bata lahat ng sakripisyo ng aking mga magulang ay aking


nasilayan. Mga sakripisyo upang guminhawa ang buhay ko. Nais nilang makapagtapos ako ng
pag-aaral, maging maayos ang patutunguhan ng aking buhay lahat ng ito hiling ko n asana aking
pasuklian.

Nagsimula na ang pagtahak ko sa isang landas na makapupulot ako ng panibagong kaalaman,


ito ay ang pagpasok ko sa paaralan. Sa paaralang ito nahubog ang aking aking talento at
kakayahan ko. Madaming kaibigan, bagong muka at bagong kaklase. Ngunit sa halos ilang taon
na nag aaral ako hindi ko maiwasan ang pagliban ng klase, at mga nd kanais nais na mga
gawain, napabarkada sa mga maling barkada ngunit ang mga ito ang siyang takbuhan ko sa oras
na ako ay may problema. Hindi ko inisip ang mga ito ang problemang magbibigay sakin ng
kahinaan. Higit sa lahat nais kong makapagtapos para sa aking mga magulang. Kailangan ko
lamang mag pursigi sa lahat, maging isang hinahangaan ng lahat. Pilit kong aabutin lahat ng
aking pangarap para sa aking ika uunlad.

You might also like