You are on page 1of 8

ISO 9001:2015 Certified

PAGHAHANDA AT EBALWASYON NG
KAGAMITANG PANTURO
(FIL 15)

Ipinasa ni:
Jennie Lyn M. Balon
BSED III-A Filipino Major

Ipinasa kay:
Gng. Cariza Mae B. Vibar
BANGHAY ARALIN

I. LAYUNIN

a. Mabigyang Importansya ang Gawi sa Pilipinas

b. Mahubog ang kaisipan ng mga mag-aaral patungkol sa iba’t-ibang gawi n gating bansa

c. Maimulat at maibahagi pa sa mga susunod na henerasyon an gating mga isinasakilos

II. PAKSANG ARALIN: GAWI NG BANSANG PILIPINAS

• GAWI- ay tumutukoy sa mga araw-araw na bagay na nakasanayan nan g isang tao o


grupo ng mga tao. Sa tagal at dami ng mga gumagawa ng isang gawi ay maaaring maisama
na ito sa kultura at tradisyon ng mga tao sa isang lugar.

Tatlong Kategorya
a. Pamumuhay

PAGSASAKA

gawain na tumutukoy sa pagtatanim ng mga


halaman. Karaniwan ng mga halaman na
pagkain ang tinatanim sa pagsasaka. Ang
pagsasaka din ay isa sa mga pina-kamatagal
ng hanapbuhay o trabaho ng mga tao.
PANGINGISDA

Ang "Pangingisda" ay maaaring opisyal na


tinukoy bilang ang proseso ng pagkuha ng
ligaw na isda o iba pang mga nabubuhay sa
tubig species mula sa tubig, alinman para sa
kabuhayan, bilang isang negosyo o para sa
isport.

PAG-AALAGA NG
HAYOP

ang pag-aalaga ng mga hayop para sa kanilang


karne, itlog, gatas at iba pa. Karaniwang
ginagawang raw material ang mga ito upang
maproseso at maibenta sa merkado.

b. Kultura

PAGMAMANO

Ang pagmamano ay isang paraan ng paggalang sa


nakatatanda. Isa itong tradisyong ginagawa ng mga
Pilipino. Ginagawa ito sa pamamaraan ng pagkuha ng
kamay ng kung sino mang nakatatanda na siyang
ididikit sa noo tuwing may pagsasamasama ng tao na
mayroong mga nakatatanda.
BAYANIHAN

isang kapuri-puring kaugalian ng mga Filipino ang


bayaníhan o maramihang pagtutulungan para sa
anumang gawain. Karaniwan itong nakikíta kapag
may ililipat o bubuhating bahay sa kanayunan.

PAGDIRIWANG NG PISTA

Ang mga pista ay ang araw na bininukod ng isang bansa


o kultura (sa ibang kaso, maraming bansa at kultura)
para sa pagdiriwang ngunit kadalasang para sa ibang
uri ng espesyal na malawakang-kultura (o pambansa)
na gawain o obserbasyon.

PAGTAWAG NG ATE/KUYA SA
b. Kaugalian NAKAKATANDANG KAPATID

Ang pagbibigay galang sa mas nakakatanda ay isa sa


mga importanteng katangian ng mga Pilipino. Isa sa
mga tradisyon natin dito sa Pilipinas ay ang pagtawag
ng Kuya o Ate sa mas nakakatanda sa atin upang
magbigay galang at respeto sa kanila.
PAGDARASAL BAGO KUMAIN

Bago kumain, nakagawian na ng mga Pilipino ang


pagdarasal. Dito ay nagpapasalamat sila sa mga pagkaing
nakahain, ang pagsasama-sama nila, at iba pang mga
biyayang natanggap nila.

MALUGOD NA
PAGTANGGAP SA BISITA

Gustung-gusto ng mga banyagang bumibisita sa Pilipinas


ang magandang asal ng mga Pilipino gaya ng malugod na
pagtanggap sa bisita. Sa katunayan nga, kilalang isa sa
pinaka hospitable locals ang mga Pilipino. Dahil dito,
talagang binabalik-balikan nila ang Pilipinas.

III. PAMAMARAAN/METODO

A. Pagbibigay Motibasyon (Aktibiti)

•Pagpapakita ng ilang larawang konektado sa aralin at ito’y bibigyang kahulugan.

•PANGALAN NG LARO/MOTIBASYON: HULAAN MO AKO


b. Pagbabalik Tanaw
•Pagtatanong o pagsasaliksik sa nalalaman ng mga estudyante.

c. Paglalahad ng Aralin
•Pormal sa paraan ng pagtuturo at pagpapaliwanag ng bawat pahinang presentasyon.
d. Aplikasyon

• Pagsasadula sa mga nabanggit na impormasyon mula sa aralin.

• TEMA NG PAGSASADULA:

 Pagbibigay kahalagahan sa Kultura


 Pagkilala sa kasipagan ng mga mamamayang Pilipino
 Pagpapanatili ng mga nakaugaliang gawi
 Pagdiriwang ng mga mahahalagang kaarawan
 Pagbabalik-tanaw sa ala-ala ng mga taong yumao

IV. EBALWASYON/PAGTATAYA

A.Pagsusulit

1. Magbigay ng 5 halimbawa ng Gawi ng Pilipinas (5puntos)

2. Ipaliwanag kung ano ang pinagkaiba ng pamumuhay at kultura (5puntos)

3. Ibahagi sa kamag-aral ang pamumuhay, kultura at kaugalian sa inyong komunidad. Isulat


ito sa malinis na papel. (20 puntos)

B. Paggawa ng Sariling Awtput


•Gumawa ng Photo Essay sa Canva na may temang sumasalamin sa Gawi ng Bansang
Pilipinas.
V. Takdang Aralin

Panuto: Gumawa ng sariling e-portfolio na tumatalakay at nagpapakita ng inyong kaugalian


sa bahay, pamumuhay ng inyong mga magulang at nakagawian ng inyong pamilya na hindi
mawawala kada taon. Maging malikhain sa paggamit ng mga disensyo at pagpili ng mga
litratong ilalagay. (50puntos)

You might also like