You are on page 1of 6

Pebrero 10, 2021

Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Filipino

KATANYAGAN AT KARANGYAAN:
Paglalarawan, Pagsusuri, at Pagkilala sa Kultura at Wika ng Bayan ng Lipa

Nagmula sa “lipa” o dendrocnide meyeniana, isang halamang kilala sa mga


sangang nakatutusok, ang ngalan ng bayan ng Lipa [ CITATION Use15 \l 1033 ]. Isa sa
mga nangungunang bayan sa probinsya ng Batangas ang bayan ng Lipa[ CITATION
Jac49 \l 1033 ] dahil sa kanilang mayabong na turismo, malalagong negosyo, at iba’t
ibang paniniwala’t pagdiriwang na nakagawian. Sagana rin sa mga tanyag na pagkain,
produkto, at lalo’t higit sa mga kilalang mamamayan na nagmula rito. Bagamat Ingles
ang ginagamit na wika sa mga paaralan, negosyo, at opisina, nananatiling makulay ang
wikang Tagalog-Batangas na sinasalita ng mga taga-rito sapagkat patuloy itong
lumalawak sa bukabolaryo at lumalalim ang ibig-sabihin sa paglipas ng panahon.
Gayunpaman, mayroong ilang mga balakid sa paggamit ng Tagalog at sa mayamang
kultura ng Lipa kaya nangangailangan ito ng patuloy na paggamit na mayroong ibayong
pag-iingat upang maiwasan ang pagpanaw ng wika’t kultura.
Ang mga unang mamamayan ng Tagbakin, dating pangalan ng Lipa, sa timog-
silangang bahagi ng Lawa ng Bombon ay mula sa angkan ng dalawang datu mula sa
Borneo, sina Datu Dumangsil at Balkakusa [CITATION JRC10 \l 1033 ]. Sa pangangalakal
at pagsakop ng mga dayuhan sa Lipa, higit na naimpluwensyahan ang mga relihiyon,
gusali, pasyalan, at produkto ng mga Lipeño. Tinaguriang “Paris of the Orient”
[CITATION The14 \l 1033 ] ang bayan ng Lipa dahil sa samu’t saring tindahan at
mararangyang pamilya ay mayroong natatanging bahayan. Matatagpuan sa Lipa ang
mga natatanging pasyalan at simbahan gaya ng Museo ng Katipunan, San Sebastian
Cathedral, Our Lady of Mt. Carmel Church, Order of Friars Minor Capuchin, Luz Librea
Ancestral House, The Farm at San Benito, Mt. Malarayat Golf and Country Club, at ang
Katigbak Ancestral House. Kilala rin ang bayan na ito bilang “Little Rome of the
Philippines” dahil ito ay sentro ng kalakalan, relihiyon, industriya, at edukasyon sa
buong probinsya ng Batangas (Lajarca, 2014).
Sa aklat ni Dr. Francisco Villanueva na The Wonders of Lipa, kanyang ibinahagi
na ang unang beses ng pagpapakita ng Mahal na Birheng Maria sa Malayong Silangan
ay sa Lipa. Pinagpakitaan umano ng Mary Mediatrix of all Grace si Teresita Castillo sa
kanlurang bahagi ng bayan ng Lipa [CITATION JRC10 \l 1033 ]. Ang “Miracle City” ay
bantog sa buong mundo dahil mayroon itong Archdiocese at mayroong mga himalang
nangyari dito gaya ng pagpatak ng mga talutot ng pulang rosas. Mahihinuhang nagdulot
ang mga pangyayaring ito upang lalong mapatibay ang pananampalataya ng mga

1
Katoliko’t Kristyano sa Maykapal. Gayundin, sumibol ang mga selebrasyo at mga
nakagawiang aktibidad dahil sa paniniwala at sa pagdiriwang ng taumbayan sa
masaganang pamumuhay na ipinagkaloob sa kanila. Isang halimbawa nito ay ang
Makalanyog Festival na ginaganap bilang pagpaparangal sa patron ng bayang si San
Sebastian at bilang pagtatanghal ng kanilang mga agrikultural na produkto gaya ng
mais, kape, lanzones, at niyog. Kung pagsasama-samahin ang ngalan ng mga aning ito
ay mabubuo ang pangalan ng pista na “MaKaLanYog” [ CITATION Arn14 \l 1033 ].
Bukod sa mga produktong Makalanyog, kilala rin ang Lipa na bilihan at sakahan
ng pulot ng bubuyog [ CITATION Jas19 \l 1033 ]. Nanunuot sa sarap ang tamis ng
palaman na pulot, maging ang pulot-pukyotan, at pati ang sukang honey cider vinegar
ay mayroong halong tamis at asim. Hindi lamang pulot ang dinarayo ng mga
mamamayan sa Lipa sapagkat isa rin ang bayang ito sa pinagkukunan ng Kapeng
Barako ng Batangas. Noong 1880s, nilinang ng mga taga-Lipa ang pangangalakal ng
produkto ng kape sa pamumuno ng gobernadorsilyo ng Lipa na si Don Gallo de los
Reyes subalit hindi rin nagtagal ang paglago ng ekonomiya ng bayan dahil sa virus na
umatake sa mga plantasyon ng kape [CITATION JRC10 \l 1033 ]. Gayunpaman, ang
dahilang ito ay hindi sinang-ayunan ni Bel Castro sa kaniyang artikulong
Demythologizing the History of Coffee in Lipa, Batangas in the 19 th century sapagkat
naniniwala siyang nag-uugat sa monopoly ng kultura, kawalan sa kaalaman at
kakulangan sa mga gamit na pang-agrikultural, pagbaba ng presyo, at kompetisyon sa
iba pang produkto ang sanhi ng pagpanaw ng kape bilang pangunahing produkto ng
Lipa (Castro, 2003).
Nananatiling hitik ang bunga ng mga puno ng kape at iba pang halaman sa
bayan na siya namang nagsisilbing hanapbuhay at libangan sa mga mamamayan ng
Lipa at mga karatig lugar. Dagdag sa mga pagkaing nabanggit, tatak Lipa rin ang mga
pagkaing niluluto gaya ng bulanglang, sinaing na tulingan, Pan de Agua o tinapay ng
tubig, at lomi, lutong pansit na mayroong malapot na sabaw at impluwensya ng mga
Tsino (Mercado & Zerrudo, 2018). Sa paglipas ng panahon, patuloy na nagbago ang
lasa at paraan ng pagluluto sa loming Lipa. Bagamat unti-unting naimpluwensyahang
ng komersyalisasyon at modernisasyon ang mga pagkaing pamana ng mga ninuno,
nananatiling tampulan ng “sosyalisasyon, pagsasama ng pamilya, at relihiyosong
pagkakapantay-pantay” ang loming Lipa dahil maaari itong kainin ng lahat ng miyembro
ng pamilya at kahit mayroong iba’t ibang paniniwala. Nakikisabay din sa uso at panlasa
ng mga kumakain ang pagbabago sa mga nilalaman ng bawat lomi at kanya-kanyang
pasikatan sa paglalatag ng kakaibang haing lomi ang mga lomian. Sa ganitong paraan,
lumalakas ang negosyo’t ekonomiya ng bayan ng Lipa na nakatutulong sa
ipinamamalas na pagkamalikhain ng mga taong naninirahan sa bayan.

2
Hindi lamang sa pagiging mapamaraan ang mga taga-Lipa sapagkat sila’y
tanyag din sa pagiging matapang na nag-uugat sa kulturang kumintang ng mga
Batangueño, lalo’t higit ang mga Lipeño. Ang awit-pandigmang kumintang ay umiral
bago pa dumating ang mga Kastila at ang mga liriko nito ay nagpapamalas ng
katapangan ng mga taong naninirahan sa lugar (Balba & Demetrio III, 2017). Gayundin,
bahagi rin ng pagkakakilanlan ng matapang na Batangueño ang pagkabarako. Ayon sa
batikang lingguwistang si Cecilio Lopez, ang salitang barako ay isang “korapsiyon ng
salitang Espanyol na verraco o berraco na ang pangunahing kahulugan ay lalaking
baboy na ginagamit na pangkasta” (Balba & Demetrio III, 2017).
Tunay ngang kahanga-hanga ang ipinamamalas na kagitingan at pagiging
barako ng mga Lipeño kaya’t nangunguna sila sa iba’t ibang larangan gaya nina Vilma
Santos-Recto na isang artista at lingkod bayan, Eugenio “Boy” Abunda na isang
propesor, host, at negosyante, Cito Beltran na isang mamamahayag, Bienvenido
Lumbera na isang tanyag na manunulat, Aries Dimaunahan na isang manlalaro,
Teodoro Kalaw na isang historyador, at si Mikee Morada na mula sa pamilyang
nagseserbisyo publiko [ CITATION Arv15 \l 1033 ]. Natatangi ang katanyagan at
kagalingang ipinamamalas ng mga Lipeño sa loob at labas ng bansa.
Likas sa mga Lipeño ang pakikipagtalastasan at pakikipaghuntahan sa mga
nakakasalamuha gaya ng ipinamamalas ng mga personalidad na nabanggit sa itaas.
Wikang Tagalog-Batangas ang wikang sinasalita kalakhan ng mga mamamamayan sa
bayan ng Lipa. Samu’t-sari ang mga haka-haka ukol sa paradaym ng Tagalog: mula sa
chaotic voice na pabago-bago o walang eksaktong gabay na sinusunod sa paggamit ng
wika at ang anything goes voice na mayroong pinag-uugatang espesyal na ibig-sabihin
(Klimenko & Endriga, 2016). Isang halimbawa ng salitang mayroong iisang pinag-
uugatang salita ngunit nagbabago ang ibig-sabihin sa tuwing nagdaragdag ng mga
panlapi ay ang pasok na maaaring maging: pinasukan, nangangahulugang huling
pintong dinaanan o silid na pinuntahan ngunit maaari ring maging huling paaralan kung
saan nag-aral; pinapasukan na nangangahulugang kasalukuyang eskuwelahan na
pinag-aaralan; at papasukan, nangangahulugang nasa hinaharap ang pangyayari.
Mapapansing mula sa halimbawang ibinigay ay ginagamit ang gitlaping -in- sa halip na
-um- sa Wikang Tagalog-Batangas. Kung gagamitin naman ang panlaping -um-,
magkakaroon muli ng panibagong kahulugan ang pinagmulang salita na pasok.
Hindi nakukulong sa morpolohikal na pagkakaiba ang iba’t ibang dayalekto ng
wikang Tagalog sapagkat mula sa pagpapaikli ng mga salita gaya ng takipan na
nagiging takpan at ‘di kalauna’y nagiging takpi ay mayroon ding pagkakaiba sa
ponolohikal (Shih & Zuraw, 2017). Gayundin, ang salitang ngayon sa wikang Filipino ay
nagiging ngay-on kung babanggitin ng isang Batangueño. Likas sa mga Lipeño ang

3
pagkakaroon ng punto na parang pagalit o mabilis na pagsasalita ng tagalog upang
maiparating ang nais sabihin sa kausap kaya madalas naninibago ang nakakarinig na
nasanay sa paraan ng pagsasalita ng Tagalog na mayroong mahinahon at dahan-
dahang pagbigkas ng mga salita na hindi nangangailangan ng diin sa bawat
pagkakataon. Higit pa rito, madalas ginagamit ang salitang “ga” sa bawat pangungusap
at ang panlaping “ka” sa halip na “ma” sa mga pang-uring salita gaya ng maganda na
nagiging kaganda at ang mapula na nagiging kapula. Hindi rin pahuhuli ang salitang
“Ala Eh” na pinakatanyag na tawag sa mga Batangueñong mayroong malinaw na punto
ng pananalita [ CITATION Buh14 \l 1033 ].
Kahit napag-iisa at tila nakagagawa ng tulay ng pagkakaintindihan ang mga
baryante ng Wikang Tagalog sa mga nagsasalita nito, namamayani pa rin ang
pagkakaroon ng ilang mga balakid sa mga gumagamit ng wika. Ilang halimbawa ng
mga hadlang sa pagkakaroon ng matiwasay na komunikasyon ay ang pagkakaiba sa
diin at punto ng pagsasalita. Maaaring iba ang ibig ipahiwatig ng nagsasalita sa
kanyang kausap gaya ng pandiwang “nagpatak” na sa Wikang Tagalog-Batangas ay
nangangahulugang nahulog mula sa mas mataas na lugar samantalang ang patak
naman sa Wikang Tagalog-Maynila ay ginagamit lamang kapag umuulan. Bukod pa
rito, ang mga salitang nagpapahiwatig ng koneksyon ng nagsasalita sa isang bagay o
lugar gaya ng ito, dito at nito sa Tagalog-Maynila ay nagiging ire, dine, at nire sa mga
nagsasalita ng Tagalog-Batangas. Patunay ang mga halimbawang ito ng pagiging
makulay at patuloy na pagbabago ng wika ngunit kinakailangan ng ibayong pag-iingat
sa muling pag-alala at paggamit ng mga salitang mayroong malalim na kahulugang
napag-iiwanan ng mga nagsasalitang Batangueño. Gayundin, hindi dapat nananatili sa
pagkakaroon ng mababaw na pagpapakahulugan ang Wikang Tagalog na patuloy na
naiimpluwensyahan ng mga banyagang wika sa ating mala-kolonyal na lipunan.
Namumutawi ang karangyaan at katanyagan ng iba’t ibang aspeto ng kultura at
wika ng dating bayan ng Lipa bagamat mayroong iilang mga suliraning sumisibol dulot
ng urbanisasyong nagpapanggap na epekto ng “pag-unlad”. Paano masasabing
maunlad na ang “bayan para sa lahat ng panahon” (Cuenca, 2014) kung nananatiling
atrasado ang mga agrikultural at industriyal na konsepto sa mga ordinaryong
mamamayan? Marami mang paaralan, negosyo, at mga kompanyang nag-aalok ng
trabaho sa mga Lipeño, napapag-iwanan ang mga pamanang kultural na nakagawian
gaya ng mga likas na yamang ipinagmamalaki ng bayan. Gayundin, nangangailangan
ng higit na suporta mula sa local at nasyonal na pamahalaan ang mga maliliit na
negosyo, tindahan, at atraksyong makikita sa bayan ng Lipa (Lajarca, 2014) dahil ito
ang maipapamana ng kasalukuyang pamunuan sa susunod na henerasyon.

4
Dagdag pa rito, nakasalalay sa mga mamamayan ng Lipa ang pagpapanatiling
dinamiko ng Wikang Tagalog-Batangas na madalas gamitin sa pang-araw-araw na
pamumuhay. Maaaring gamitin ito sa pormal na pagsulat mula sa paaralan,
pananaliksik sa iba’t ibang larangan, at maging sa mga dokumentong ginagamit sa mga
opisina. Sa halip na gumamit ng mga banyagang wika sa mga local na atraksyon at
mga gusali, iminumungkahing gamitin ang wikang Tagalog sa pakikipagtalastasan at sa
pagpapaskil ng mga anunsyo at iba pang mahahalagang simbolo. Maipakikita rin ang
halaga ng wika, hindi lamang tuwing buwan ng Agosto, ngunit maging sa bawat kilos at
desisyong gagawin ay dapat nakaangkla sa pagpapalago ng wika at kultura ng bayang
pinagmulan, ng bayang hitik sa mga bungang agricultural, ng bayan ng Lipa.

Mga Sanggunian

Balba, A. P., & Demetrio III, F. P. A. (2017). Limang Case Study Tungkol sa mga
Barako ng Batangas : Pagdalumat sa Isang Mas Makatotohanang Imahen ng
Barako Five Case Studies on the Barakos o f Batangas : Malay, 1(30), 1–12.
Batangas, B. (2014, September 5). WHY DO BATANGUEÑOS SAY ‘ANO GA’ WHILE
OTHER TAGALOGS SAY ‘ANO BA?’. Retrieved from Buhay Batangas :
https://www.buhaybatangas.date/2014/09/ano-ga.html
Beezz, U. (2015, August 31). All About Lipa City, Batangas. Retrieved from
TRIPTHEISLANDS: Visit the Philippines: https://triptheislands.com/off-the-
beaten-path/all-about-lipa-city-batangas/
Birns, J. (1949, April). Lipa. Retrieved from Google Arts and Culture, TIME Magazine:
https://artsandculture.google.com/entity/lipa/m035x8p?hl=en
Bravo, A. (2015, September 17). Famous Celebrities in Lipa. Retrieved from Lipa
Status: http://lipastatus.blogspot.com/2015/09/famous-celebrities-in-lipa.html
Cantos, J. (2013, September 9). Lipa City Batangas, History. Retrieved from WOW
Batangas: Ang Official Website ng Batangueño:
http://www.wowbatangas.com/towns-and-cities/lipa-city/lipa-city-batangas-
history/
Castro, B. (2003). DEMYTHOLOGISING THE HISTORY OF COFFEE IN LIPA,
BATANGAS IN THE 19TH CENTURY. Department of History University of
Adelaide, December.
Castro, J. (2019, February 24). Don’t Leave Batangas Without These Pasalubong.
Retrieved from Yummy.ph: https://www.yummy.ph/news-trends/batangas-
pasalubong-lipa-honey-a00261-20190224-lfrm
Cuenca, J. (2014). Lipa City ... Emerging City for all Seasons ??? June.

5
Klimenko, S. B., & Endriga, D. A. P. (2016). Semantic verb classes and regularity of
voice paradigms in tagalog. Oceanic Linguistics, 55(2), 480–499.
https://doi.org/10.1353/ol.2016.0022
Lajarca, K. A. C. (2014). STATUS OF TOURIST ATTRACTIONS IN LIPA CITY :
INPUTS TO AN ENHANCED TOURISM PROGRAM. LPU Graduate School
Research Journal, 7(2), 1–15.
Latoza, A. (2014, January). Makalanyog Festival Celebrated at Lipa, Batangas.
Retrieved from Wazzup Pilipinas:
http://www.wazzuppilipinas.com/2014/01/makalanyog-festival-celebrated-at-
lipa.html#:~:text=The%20%22Makalanyog%20Festival%E2%80%9D%20is
%20the,conservation%20of%20the%20city's%20environment.
Mercado, J. M. T., & Zerrudo, E. B. (2018). Pamanang Kulinarya: Developing a
Safeguarding Plan for Culinary Heritage Using the Statement of Significance – The
Case of Lomi in Lipa City, Batangas, Philippines. SPAFA Journal, 2, 33.
https://doi.org/10.26721/spafajournal.v2i0.584
Shih, S. S., & Zuraw, K. (2017). Phonological conditions on variable adjective and noun
word order in tagalog. Language, 93(4), e317–e352.
https://doi.org/10.1353/lan.2017.0075
The Philippine Star. (2014, August 31). Loving tradition and innovation in Lipa.
Retrieved from PhilStar Global: Sunday Lifestyle:
https://www.philstar.com/lifestyle/sunday-life/2014/08/31/1363513/loving-
tradition-and-innovation-lipa

You might also like