You are on page 1of 3

Kabanata 5

Paglalagom, Kongklusyon, at Rekomendasyon

Paglalagom

Ang pag-aaral na ito ay ukol sa “Mga Fantaseryeng naging

Popular sa Sambayanang Pilipino”. Sinimulan ito sa paraan na

malalaman muna kung ano ang kahulugan o tinatalakay ng paksa.

Maraming nakalap ang mga mananaliksik na iba’t-ibang datos mula sa

mga respondente. Maraming mahahalagang aral ang nakuha sa

pananaliksik na ito at bilang mga mananaliksik ay may layunin na

makatulong sa mga susunod na mga mananaliksik na makakuha sila ng

mga impormasyon mula sa ginawang pananaliksik.

Itong ginawang pananaliksik ay may iba’t-ibang batayan upang

mas madaling maintindihan ng mga susunod na mananaliksik, lalong

lalo na ang pagkakaroon ng limitasyon sa pag-aaral na ito.

Binigyang kahulugan ang iba’t ibang mga katanungan mula sa paksang

tinalakay. May iba’t-ibang datos na nakuha mula sa mga respondente

na mga taga-Marikina. Mayroon silang iba’t-ibang sagot na pinag-

aralan ng mga mananaliksik upang lumabas ang may makabuluhang

kasagutan sa mga katanungan.

Nakuha ng pag-aaral na ito ang maraming datos mula sa mga

respondente. Ang mga datos na ito ay nakatutulong sa iba pang mga


20

tao sa paraang nakadaragdag ito ng iba pang impormasyon ukol sa

“Mga Fantaseryeng naging Popular sa Sambayanang Pilipino”.

Kongklusyon

Ayon sa lagom ng pag-aaral, ang mga sumusunod ay napatunayan

na:

1. Mas marami ang nainterbyu na babae kaysa sa lalaki kaya’t

napatunayan sa pag-aaral na ito na karamihan sa mga babae ang

nanonood ng fantaserye kaysa sa mga lalaki.

2. Sa pag-aaral na ito karamihan sa mga respondente ay sumagot

na may magandang naidudulot ang panonood ng fantaserye.

3. Karamihan sa mga respondente na nainterbyu sa pag-aaral na

ito ay sa istasyon 7 madalas manood ng fantaserye. Ito ay

sinang-ayunan ng 70 bahagdan ng mga respondente.


21

Rekomendasyon

Matapos ang masusing pagkalap ng mga kailangan na datos

ay nabuo ng mga mananaliksik ang rekomendasyong ito.

Sa mga magulang, makatutulong ito upang malaman na kailangang

limitahan ng mga magulang ang kanilang mga anak sa panonood

ng mga fantaserye. Kailangan ng sapat na patnubay ng magulang

ang mga pinapanood na fantaserye ng kanilang mga anak.

Sa mga guro, magiging mulat sa pagbabago ng mga iba’t-ibang

uri ng fantaserye. Paggamit ng fantaserye sa pag tuturo upang

mas lalong ganahan, maaliw ang kanilang mga estudyante.

Sa mga susunod na mananaliksik, upang mas lalong mapag yaman

ang imahinasyon ng mga susunod na mananaliksik tungkol sa

ganitong uri ng paksa. Maaari itong gawing batayan ng mga

susunod na mananaliksik upang mas lalong mapadali ang

pagkalap ng mga datos.

You might also like